Tuwing buwan ng Enero ang BNS, mga BHW, magkatulong sa pag-
iikot sa bawat nasasakupang Sityo. Ako bilang Barangay Nutritionist Scholar kasama ang mga Barangay Health Worker ay magsasagawa ng pagtitimbang at pagsusurbey sa bawat bahay, magtitimbang ng mga bata na may edad na 0-71 buwan, ganun din sa mga buntis at nagpapasusong ina. Sa aming pagtitimbang nalalaman naming ang bilang ng populasyon at ng mga bahay. Noong nakaraang Abril at Oktubre nagbigay kami ng mga bitamina sa mga bata na may edad na (6-11 buwan) at (12-59 buwan). Buwan ng Hunyo 27-28,29, 2017. Pabasa kami sa Barangay Hetalth Center, ito ay ang PABASA SA NUTRISYON, na, ang dumalong nanay ay 12 karamihan sa kanila ay buntis. Nagkaroo din ng pag-aaral tungkol sa Egg and Vegetable Syllabus. Naglaroon din ng pagsusulit at paligsahan sa pagluluto. Sa Barangay Pachoca Covered Court ginanap ang Nutrition Month noong nakaraang July 14, nagkaroon ng paligsahan ng mga buntis, Nagkaroon din ng Seminar para sa mga nanay tinawag na “USAPANG SERYE” noong Setyembre 5, 2016, labing lima ang dumalo (15) ito ay tungkol sa pagpaplano ng pamilya.