sa pag-usbong nito hanggang sa mapasalinsalin sa bawat henerasyon. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.
Ayon kay Caryle (2010), ang wika ay itinuturing na saplot ng kaisipan na
siyang nagpapaunlad sa isang kulturang mayroon ang isang lipunan. Bagama’t dahil sa wika mas nauunawaan ng bawat isa ang kahulugan at pagpapakahulugan ng isang kultura sa lipunan. Ang wika ang nagbibigay anyo sa diwa at saloobin ng isang kultura. Ito rin ang nag-uugnay sa mga tao sa isang kultura, at sa pamamagitan nito ang kultura ay naiintindihan at napapahalagahan maging ng mga taong hindi napaloob sa tinutukoy na kultura.
Sa makatuwid, nauugnay ang wika at kultura sa lipunan dahil ang wika at
kultura ang siyang sumasalamin sa lipunang kanyang kinabibilangan, nagpapatibay sa bigkis ng pagkakapatiran at lunsaran ng pagkakaunawaan.