You are on page 1of 2

ADJUSTMENT FOR TIMER

Q: Paano isineset ang timer ng Pisonet?


A: Ang timer ng Pisonet ay may dip switch. Ito ay ang kulay pulang piyesa na makikita ninyo sa
board (Pisonet timer board) na nasa picture.
May maliliit itong switch na may bilang 1 hanggang 8 na naka print sa ilalim na side ng dip switch.
Sa kabilang side ng dip switch ay makikita naman ang word na "ON", ito po ang side ng ON. Sa
picture makikita natin na ang lahat ng switch ay naka OFF.
Narito sa table sa ibaba ang function ng bawat switch:
Switch Function
1 value = 1 minute (time value)
2 value = 2 minutes (time value)
3 value = 4 minutes (time value)
4 value = 8 minutes (time value)
5 x2 (multiplier)
6 x5 (multiplier)
7 +10% timespeed
8 2:1 (2 coins is to 1 count)
May default value na +1 minute ang firmware. Ito ay idinadagdag
sa total time value.
Ang switches 1 - 4 ay para sa time value at ang switches 5 and 6
ay para sa multiplier ng time value. Ganito po ang pag compute ng value ng time settings: I-add ang
time value ng lahat ng switch na naka "ON", Idagdag ang (+1 minute default value ng firmware)
tapos i-multiply sa multiplier kung meron mang multiplier switch na
naka ON. Mas madaling ipakita ang ibig sabihin nito sa mga examples sa ibaba.
Examples: (Ang ibang switch na hindi binanggit ay naka OFF)
Switch setting Computation = Time setting
Sw2=ON 2 + 1(default) = 3minutes
Sw1=ON, SW2=ON 1 + 2 + 1(default) = 4minutes
Sw3=ON 4 + 1(default) = 5minutes
Sw1=ON, Sw3=ON 1 + 4 + 1(default) = 6minutes
Sw1=ON, Sw5=ON (1 + 1(default)) x 2= 4minutes
Sw4=ON, 8 + 1(default) = 9minutes
Sw2=ON, Sw6=ON (2 + 1(default)) x 5 = 15minutes
Sw4=ON, Sw5=ON (8 + 1(defalut)) x 2 = 18minutes
Sw1=ON, Sw5=ON, Sw6=ON (1 + 1(default))x2 x5= 20minutes
Sw3=ON, Sw6=ON, (4 + 1(default)) x 5 = 25minutes
Kung medyo nahirapan kayo sa paliwanag at examples, mag popost din ako ng kumpletong
table(matrix). Dito ninyo makikita ang listahan ng mga switch na kailangang i-ON para sa time
settings na ibig ninyo.
Ang switch 7 ay para sa time speed. Kapag ang switch na ito
ay naka ON, mas mabilis ng 10% ang speed kaysa sa regular na
time.
Example:
Sa 1 minute o 60secs na time, kung may dalawa kayong timer, mas mabilis na mauubos ang 60secs
kapag naka ON ang sw7. Sa computation ang 10% of 60 secs ay 6 secs. Mas mauuna ng 6 secs
ang timer na naka ON ang sw7 kaysa sa timer na hindi naka ON ang sw7.
Kung 30minutes, mas mauuna ng 3minutes ang timer na naka ON ang switch 7 kaysa sa timer na
hindi naka ON ang sw7.
May ibang pisonet owner ang gumagamit ng sw7. Tinataasan nila ang time value ng piso, pero
binabawi naman sa timespeed. Pwede ninyo ring gamitin ang time speed para "medyo" ma-achive
ang time setting na gusto ninyo pero wala naman sa "matrix".
Ang switch 8 naman ay para sa paghuhulog ng coin. Kapag naka ON ang sw8, kinakailangang
maghulog ng 2 coin para magcount ng isa. Hindi ko ginagamit ang switch na ito.
Reference:
Base po ito sa actual experiment na ginawa ko gamit
ang 4 digits Allan timer board.
-Graciancm Pisonet
Google me: Graciancm

You might also like