You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas ) Sc.

Lungsod ng Quezon, MM )

SINUMPAANG SALAYSAY NG PAGPAPATUNAY SA PAREHAS AT IISANG PAGKATAO


(Affidavit on One and the Same Person)

Ako, si BERT __. MONTILLA, Pilipino, 59 taong gulang, may asawa, at kasalukuyang
naninirahan sa Lot-24, Block-25, Phase-9 Package-3, Bagong Silang, Caloocan City, matapos
manumpa nang naaayon sa batas, ay malaya at kusang nagsasalaysay ng sumusunod :

1. Ako ay nanirahan sa Falcon Street, Saint Jude Subdivision, Barangay Kaligayahan,


Quezon City, mula 1969 hanggang 1990. Simula noong 1975 ay naging kapitbahay ko doon noon
ang mag-anak na sina Benjamin Lo, Sr. (kilala rin bilang Benjamin Bajas), ang kanyang
common-law na asawa na si Lolita Austria (kilala rin bilang Loreta Austria at Lita Austria), at
ang kanilang 3 anak na sina Benjamin A. Lo, Jr., Felipe A. Bajas, at Rodolfo A. Bajas, na pawang
nakatira sa #5 Falcon Street, St. Jude Subdivision, Barangay Kaligayahan, Quezon City.

2. Naging malapit ako sa naturang mag-anak na naging kapit-bahay ko sa matagal na


panahon mula 1975 hanggang 1990, at sa madalas naming mga pag-uusap noon ay napag-
alaman ko na si Benjamin Lo, Sr. (kilala rin bilang si Benjamin Bajas) ay dating isang Intsik
(Chinese citizen) na ang orihinal na pangalan ay Lo Tiong Yong, at siyang ama ng magkakapatid
na sina Benjamin A. Lo, Jr., Felipe A. Bajas at Rodolfo A. Bajas.

3. Napag-alaman ko rin na noong ipinanganak si Benjamin A. Lo, Jr., ay gamit pa ng


kanyang amang Chinese citizen ang pangalang Benjamin Lo., Sr. ; at nang ipinanganak na sina
Felipe A. Bajas at Rodolfo A. Bajas ay gamit na ng kanilang ama ang pangalang Benjamin Bajas
bilang isang naturalized Filipino citizen na.

4. Batay sa aking matagal na pagkakakilala sa naturang pamilya, pinatutunayan ko na si


Benjamin Lo, Sr., na siyang nakatala sa birth certificate ni Benjamin A. Lo, Jr., bilang kanyang
ama, at si Benjamin Bajas, na siya namang nakatala sa birth certificates nina Felipe A. Bajas at
Rodolfo A. Bajas bilang kanilang ama, ay parehas at iisang tao lamang.

5. Pinatutunayan ko rin na si Lolita Austria, Loreta Austria at Lita Austria, na nakatala sa


birth certificates nila Benjamin A. Lo, Jr., Felipe A. Bajas at Rodolfo A. Bajas bilang kanilang ina, ay
parehas at iisang tao lamang.

6. Pinatutunayan ko rin na sina Benjamin A. Lo, Jr., Felipe A. Bajas at Rodolfo A. Bajas
ay pawang buo at tunay na magkakapatid, bilang mga anak ni Benjamin Lo, Sr. (na kilala rin
bilang Benjamin Bajas) na kanilang ama, at ni Lolita Austria (na kilala rin bilang Loreta Austria at
Lita Austria) na kanilang ina.

BILANG PAGPAPATUNAY sa katotohanan ng lahat ng nakasaad rito, nilagdaan ko ang


Sinumpaang Salaysay na ito sa Lungsod Quezon, Metro Manila, ngayong Ika-___ ng __________,
2019.

BERT __. MONTILLA


Nagsalaysay

PINATUNAYAN AT SINUMPAAN sa harap ko sa Lungsod Quezon, Metro Manila, ngayong


Ika-__ ng ___________, 2019, matapos ipakita ng nagsalaysay ang kanyang ID Bilang _________
na ipinagkaloob ng _____________________ noong ____________________.

Doc. No. _____


Page No. ____
Book No. ____
Series of 2019.

You might also like