You are on page 1of 1

HULI NA ANG LAHAT PARA SA AWA

Magandang araw po sa inyong lahat. Oh, bakit po? Bakit parang ang sama ng tingin
niyo sa akin? May ginawa po ba akong masama sa inyo? Bakit po parang anlaki ng
kasalanan ko sa inyo? Ah, alam ko na po, dahil nanaman po ba sa kung ano ako?
Dahil ba sa isa akong pulubi? Dahil sa isa akong batang palaboy? Batang kung
saan saan niyo lang ako nakikita? At dahil ba sa kasuotan ko? bakit? Dahil ang
layo ng agwat ko sa inyo? Lagi naman ‘di ba? Pero kahit ganon, nirerespeto ko
pa rin kayo. Pero ako, ‘di niyo magawang irespeto? Bakit kaya ‘di niyo subukang
wag kumain ng ilang araw nang maranasan niyo kung gano kahirap ang buhay nang
walang kasama?
Ano? Tinatanong niyo kung nasan ang mga magulang at mga kaanak
ko? bakit? May pakialam ba kayo? Wala naman ‘di ba? Dahil naaawa kayo? Hindi
rin naman ‘di ba? Ni minsan, hindi niyo kinaawaan ang isang musmos na katulad
ko. hindi niyo kami nauunawaan. Ni minsan ay hindi niyo man lang tinanong kung
okey lang ba kami? Kasi para sa inyo, salot ang isang katulad ko. salot sa
lipunan. Pero kung tutuusin, hindi lahat nang mga pulubi o palaboy na katulad
ko ay masama. Dahil kahit gano pa kami kadungis sa mga paningin ninyo, may mga
kabutihan rin namna kaming itinatago. Alam kong nakikita niyo rin iyon, kahit
gano namin kailangan ng pera, hindi namin nagagawang magnakaw o mandukot,.pero
iyon ang alam ninyong lahat tungkol sa’min. hindi niyo alam na maskit para
sa’min ang mga panghuhusga ninyo. Subalit hindi ko kayo masisisi kung ganyan
nga ang tingin ninyo sa’min. ang bawat panghuhusga niyo ay buong tapang naming
tinatanggap. Kahit hindi niyo alam ang lahat. Ang lahat sa likod ng mga gutay-
gutay na mga kasuotan namin.
Hinahanap niyo ang magulang ko? hindi ko alam. Ang alam ko lang,
patay na ang aking ina nung pitong taong gulang ako. Namatay sa mabigat at
malupit na kamay ng aking ama. Mula non, nagsimula akong mabuhay nang mag-isa.
Naaalala ko pa ang mga habilin ng aking ina, “anak, kahit anong mangyari, wag
na wag kang gagawa ng masama.” Iyan ang pinakamahalagang aral at habilin sa’kin
ni mama. Ang nag-iisang dahilan kung bakit hindi ko giagawa ang mga ibinibintang
ninyo sa akin. Pero naniniwala ba kayo sa akin? Hindi! Kasi wala kayong paki
alam. Ang tatay ko nga, walang paki alam sa akin eh, kayo pa kaya? Imposible,.
Kelan niyo ba tutulungan ang isang batang katulad ko? sadya bang
kay lupit ng tadhana? Kelan niyo ba ako kaaawaan? Kealn niyo ba kami mauunawaan.
Pag huli na ang lahat?
Ngayon ay kita ko na ang habag sa inyong mga mata. awang matagal ko
nang nais na makuha at makamit. Pero huli na. huli na para ako ay inyong kaawaan.
Huli na ang lahat. Huling huli na.
Para saan pa ang mga limos na ibinibigay ninyo kung hindi ko naman
yan madadala sa aking patutunguhan. Hindi ko na yan madadala sa mahabang
paglalakbay na aking tatahakin. Ang nais ko lang ngayon ay ang inyong awa, para
sa mga aking maiiwan. Sa mga taong mas makikinabang niyan.
Hindi ko man naransan ang mabuhay nang matiwasay, sa langit ay may
kaligayahang sa’kin ay naghihintay. Paalam…
deklamasyon

You might also like