You are on page 1of 6

Paaralan Eulogio Rodriguez Integrated School

Guro Gng. Marimel T. Esparagoza


Petsa ng Pagtuturo Hunyo 25-28,2016
Antas/Seksiyon 11HE-1
GRADES 11 IA 11 HE-3 11 GAS 11 GASPORTS
11-12
Kurso Kmunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
DAILY Pilipino
LESSON Semestre Unang Semestre
LOG

UNANG ARAW-

I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
PANGNILALAMAN pangwika (F11PT-Ia-S5).

B. PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at


PAGGANAP pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. MGA KASANAYAN SA 1.Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng mabisang komunikasyon.
PAGKATUTO 2.Nakapagpapakita ng mga paraan kung paano nakatatutulong ang wika
sa mas mabuti at epektibong komunikasyon.
3. Napapahahalagahan ang wika at ang mabuting paggamit ng wika sa
pakikipag-ugnayan.

II. NILALAMAN  Ano ang Komunikasyon


 Kahalagahan ng Paggamit Wika para sa pakikipag-ugnayan

KAGAMITANG PANTURO
Pluma: Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Rex,Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

K to 12 CG sa Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


http://teksbok.blogspot.com/2010/08/kahulugan-at-katangian-ng-
wika.html

LCD Projector, laptop -

III. PAMAMARAAN
Panimula
A. Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna ng Silid
4. Pagtala ng liban sa klase

Balik-Aral/Panimula - Bakit magalaga ang wika?


- Paano ito nagagamit sa pakikipagkomunikasyon

Instruksiyon B. Paglalahad
- Tumawag ng ilang mag-aaral para sa ibahagi ang naging sagot sa gawain
itaas.

- Banggitin na ang talakayan ngayon ay tungkol sa kahalagahan ng wika.

- Pangkatang Gawain ( 25 miuto )


Pangkatin ang mga mag-aaral sa 4 pangkat na binubuo ng 6-7 miyembro.
Ang bawat pangkat ay magpapakita ng mga maaring sitwasyon na
gumagamit ng wika upang maiparating ang kanilang mensahe at kung
paano nagkakaroon ng komunikasyon kahit walang wika.
C. Pagtalakay sa Aralin
- Pagtalakay sa mga sumusunod na paksa

1. Kahalagahan ng Wika sa Pakikipag-ugnayan


Bilang pagpapalalim ng diskusyon, tumawag ng mga mag-aaral upang
magbahagi sa buong klase ng kanilang sagot para sa bawat pahayag:
a. Mahirap baa ng mawalan ng wika?
b. Ano ano ang posibleng mangyari kung walang wikang nauunawaan ng
lahat at ang bawat isa’y may wikang tanging siya lang ang nakauunawa?
c. Ano ang iyong natutunan o naunawaan sa ginawang skit o dula-dulaan?

Mga puntong nais bigyan ng diin:


- Ang wika ay isang napakahalagang instrumentong komunikasyon ang
wika.
- Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng
mensahe sa isa't isa.
- Nagkakaintindihan tayo, nakapagbibigayan tayo ng ating mga pananaw
o ideya, opinyon, kautusan, tuntunin, impormasyon, gayundin ng mga
mensaheng tumatagos sa puso at isipan ng ibang tao, pasalita man o
pasulat gamit ang wika.

2. Kahulugan at Kahalagahan ng Komunikasyon

D. Paglalapat
- Pagsulat ng Journal.

Bakit mahalaga ang wika? Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng


pakikipagtalastasan, mabuting pakikipag-kapwa, at kapayapaan?
Maglahad ng tig-isang paraan.

E. Pagtataya
- Pagsagot sa tanong sa maikling pagsusulit na ibibigay guro/tagpag-ulat

Karagdagang Gawain
para sa Takdang Aralin Ano-ano ang katangian/kalikasan ng Wika?
at Remediation
Mga Tala
IKATLONG ARAW
I. LAYUNIN
A. PAMANTAYANG Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong
PANGNILALAMAN pangwika (F11PT-Ia-S5).

B. PAMANTAYAN SA Nasusuri ang kalikasan, gamit, mga kaganapang pinagdaanan at


PAGGANAP pinagdadaanan ng Wikang Pambansa ng Pilipinas
C. MGA KASANAYAN SA 1.Natutukoy ang kahulugan at kahalagahan ng mabisang komunikasyon.
PAGKATUTO 2.Nakapagpapakita ng mga paraan kung paano maipapakita ang halaga
ng epektibong komunikayon
3. Napapahahalagahan ang wika at ang mabuting paggamit ng wika sa
pakikipag-ugnayan.

II. NILALAMAN  Komunikasyon: Uri, Anyo at Proseso


 Kahalagahan ng Paggamit Wika para sa pakikipag-ugnayan

KAGAMITANG PANTURO
Pluma: Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino
Rex,Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

K to 12 CG sa Komunikasyon sa Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino


http://teksbok.blogspot.com/2010/08/kahulugan-at-katangian-ng-
wika.html

LCD Projector, laptop -

III. PAMAMARAAN
A. Panimula
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin
2. Pagbati
3. Pagpuna ng Silid
4. Pagtala ng liban sa klase
B. Balik- - Ano ang komunikasyon ayon sa natutunan sa nakaraang aralin?
Aral/Pagganyak
C. Paglalahad - Hula-Kilos
Magpapakita ng kilos ang napiling mag-aaral at huhulaan ng kapwa
kamag-aaral ang bawat kilos na nagpapakita ng Kahalagahan/Layuin ng
Komunikasyon.
D. Pagtalakay sa Aralin - Pagtalakay sa mga sumusunod na paksa

1. 2 Uri ng Komunikasyon at Kahulugan nito


a. Berbal at Di-Berbal
b. Pamamaraang Di-Berbal
2. Sangkap at Proseso ng Komunikasyon

Mga puntong nais bigyan ng diin:

- Ang komunikasyon ay isang proseso

· Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang


gagamitin, paano isasaayos, anong daluyan ang gagamitin at ano ang
inaasahang reaksyon ng tatanggap.

· Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang


reaksyon mula sa kanya, paano niya tutugunan at paanong paraan niya
ito tutugunan.

-Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko


Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya ng lugar, oras,
mga pangyayari at mga taong sangkot sa proseso.

- Ang komunikasyon ay komplikado

-Ang wika ay isang napakahalagang instrumentong komunikasyon ang


wika.
- Ito ay behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng
mensahe sa isa't isa.

E. Paglalapat
-Lumikha ng Islogan o Poster na nagpapakita ng Kahalagahan o Layunin
ng epektibong Komunikasyon.

F. Pagtataya
- Sagutin ang mga tanong:
_________________a. Komunikasyong naipapakita sa pamamagitan ng galaw
ng katawan, pagtingin, tikas o

tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at


kalidad ng tinig.
_________________b. Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa
pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal
_________________c. Komunikasyong gumagamit ng salita, pasalita o pasulat
man.
_________________d-f. Ito ay ang 3 Proseso ng Komunikasyon.
G. Karagdagang Gawain
para sa Takdang Aralin Ano-ano ang katangian/kalikasan ng Wika?
at Remediation
H. Pagninilay

I.Mga Tala

You might also like