You are on page 1of 32

INTERAKTIBONG PAHINA SA FILIPINO

LA CONSOLACION COLLEGE - BINAN CAMPUS

komunikasyon 101

1. Kahulugan

Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring

berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002)

Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat. (Tanawan, et al., 2004)

1. Katangian

1. Ang komunikasyon ay isang proseso

· Encoding - ano ang mensahe, paano ipadadala, anu-anong salita ang gagamitin, paano isasaayos,
anong daluyan ang gagamitin at ano ang inaasahang reaksyon ng tatanggap.

· Decoding – ano ang kahulugan ng mensahe, ano ang inaasahang reaksyon mula sa kanya, paano
niya tutugunan at paanong paraan niya ito tutugunan.
1. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko

· Nagbabago ang komunikasyon dahil sa impluwensya ng lugar, oras, mga pangyayari at mga taong
sangkot sa proseso.

1. Ang komunikasyon ay komplikado

· Ito ay dahil sa : persepsyon ng isa sa kanyang sarili, sa kausap, iniisip niyang persepsyon ng
kanyang kausap sa kanya at ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya.

1. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala at natatanggap sa komunikasyon

· Ang pagpapakahulugan ay depende sa tumatanggap nito.

1. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon

· Hindi man tayo magsalita, sa ating mga kilos, galaw, kumpas at anyo, hindi man sinasadya ay
nakapagpapadala tayo ng mensahe.

1. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon

· Relasyunal – di berbal na pagpapahiwatig ng damdamin o pagtingin sa kausap

· Panlinggwistika – pasalita, gamit ang wika

1. Sangkap at Proseso

1. Nagpapadala ng mensahe/sender

· Tao o pangkat ng mga taong pinagmumulan ng mensahe.

1. Mensahe
· Dalawang uri ng mensahe

- mensaheng pangnilalaman/panlinggwistika

- mensaheng relasyunal o mensaheng di-berbal

1. Daluyan/Tsanel

· Kategorya ng daluyan

- daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama

- daluyang institusyunal – mga kagamitang elektroniko tulad ng telepono, e-mail, fax, mobile phone.

1. Tagatanggap ng Mensahe

· Nagbibigay-kahulugan o magde-decode sa mensaheng kanyang natanggap.

1. Tugon

· Tatlong uri

- tuwirang tugon

- di-tuwirang tugon

- naantalang tugon

1. Mga potensyal na sagabal

· Ito ang mga dahilan kung minsan ng hindi pagkakaunawaan.

- semantikong sagabal

- pisikal na sagabal

- pisyolohikal
- saykolohikal

1. Antas ng Komunikasyon

1. Intrapersonal – komunikasyong pansarili

2. Interpersonal – nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga tao, o sa isang tao
at isang maliit na pangkat
3. Pampubliko – nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig
4. Pangmasa o Pangmadla – nagaganap sa pagitan ng malawakang media, tulad ng radio,
TV, Internet, pahayagan, atbp.
5. Pang-organisasyon – organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.
6. Pangkaunlaran – aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.
7. Pangkaunlaran – naglalayong gamitin sa pagpapaunlad ng bansa

1. Modelo ng Komunikasyon

1. Modelo ni Berlo

· Pinanggalingan

· Mensahe

· Tagatanggap

1. Modelo ni Aristotle

· Pagtuklas ng kaalamang lohikal, emosyunal o etikal

· Pagsasaayos ng mga kaalaman sa parang istratehikal

· Pagbibihis ng ideya sa malinaw na salita

· Paghahatid ng mensahe mula sa pinanggagalingan tungo sa tagatanggap

1. Komunikasyong Di Berbal

Komunikasyong naipapakita sa pamamagitan ng galaw ng katawan, pagtingin, tikas o

tindig, ekspresyon ng mukha at paralanguage (pitch, volyum, bilis at kalidad ng tinig.

Mahalaga ang komunikasyong di-berbal dahil:

1. Inilalantad o ipinahihiwatig nito ang kalagayang emosyunal ng isang tao.

2. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe

3. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe.

Iba’t ibang anyo ng komunikasyong di-berbal

1. Oras (Chronemics) – ang paggamit o pagpapahalaga ng oras ay maaaring kaakibatan ng mensahe.

2. Espasyo (proxemics) – maaaring may kahulugan ang espasyong inilalagay natin sa pagitan ng ating
sarili at ng ibang tao. Intimate, personal, social o public

· Espasyo sa pakikipag-usap, fisikala na kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar.

3. Katawan (kinesics) – kilos ng katawan: mata, mukha, pananamit at kaanyuan, tindig at kilos,
kumpas ng kamay

4. Pandama (haptics) – paggamit ng sense of touch sa paghahatid ng mensahe

· Hawak, pindot, hablot, pisil, tapik, batok, haplos at hipo

5. Simbulo (Iconics) – mga simbolo sa bilding, lansangan, botelya, reseta atbp

6. Kulay (Chromatics) – maaaring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.

7. Paralanguage – paraan ng pagbigkas sa isang salita

8. Bagay (objectics) – paggamit ng mga bagay o objects sa komunikasyon

1. Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon

Ayon kay Dell Hymes (Bernales, et al., 2002), kailangang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon upang
matiyak na magiging mabisa ang komunikasyon. Ginamit niya ang akronim na SPEAKING.

1. Setting (saan nag-uusap?) – ang lugar ay may malaking impluwensya sa

komunikasyon. Kung hindi ito isaalang-alang ay maaaring mapagkamalang-bastos o
walang pinag-aralan.
1. Participants (Sino ang kausap?) – pabagu-bago ang paraan n gating pakikipag-usap
depende sa kung sino ang kinakausap. Binibigyang pansin ang edad, kasarian,
katungkulan, propesyon atbp.

1. Ends (Ano ang layunin sa pag-uusap?) – ibagay ang pananalita sa layunin gaya ng
pagiging malumanay, may awtoridad, seryoso, masaya atbp.

1. Act Sequence (Paano ang takbo ng Pag-uusap?) – ang komunikasyon ay dinamiko,

samakatuwid ang isang usapan ay nagbabago. Kasama ditto ang pagbabago ng paksa at
paraan ng pag-uusap.

1. Keys (Formal ba o informal ang usapan?) – pagpili ng salitang gagamitin na babagay sa

formalidad ng okasyon.

1. Instrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) – tsanel o daluyan ng

komunikasyon. Ang midyum ang humuhubog at naglilimita sa isang mensahe.

1. Norms (Ano ang paksa ng usapa?) – Mahalagang maisaalang-alang ang paksa ng

usapan.

1. Genre (Nagsasalaysay ba? Nakikipagtalo o nagmamatwid? Naglalarawan? O

nagpapaliwanag?). Mahalagang batid ng isang tao kung ano ang genre na ginagamit ng
kanyang kausap, nang sa gayo’y malaman din niya kung anong genre ang kanyang
gagamitin.

Mga Sanggunian

Arrogante, J. et al. (2007). Sining ng komunikasyon sa akademikong Filipino. Manila:

National Bookstore.

Bernales, R. et al. (2002). Komunikasyon sa makabagong panahon. Valenzuela City: Mutya

Publishing House, Inc.

Garcia, L. et al. (2010). Komunikasyon sa akademikong Filipino. Cabanutuan City: Jimcy

Publishing House.

Pagkalinawan, et al. (2004). Filipinno I: komunikasyon sa akademikong Filipino. Valenzuela

City: Mutya Publishing House, Inc.

Tanawan, et al. (2004). Sining ng mabisang komunikasyon. Bulacan: Trinitas Publishing, Inc.
KAHULUGAN NG WIKA
-kalipunan ng mga salita na ginagamit ng isang lipunan.

WIKA- Kahulugan at Pinagmulan

Katuturan

Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleasonna “ang wika ay masistemang balangkas ng
sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo. Ang mga tunog ay hinugisan/binigyan ng mga
makabuluhang simbolo (letra) na pinagsama-sama upang makabuo ng mga salita na gamit sa
pagpapahayag.”

Dagdag naman nina Mangahis et al (2005) na ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa
pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na
susi sa pagkakaunawaan.

Teorya ng pinagmulan ng wika

Teorya sa Tore ng Babel

Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa
ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang
tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng
Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang
tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.
(Genesis kab. 11:1-8)

Teoryang Bow-wow
Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na
nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.

Teoryang Ding-dong
Maliban sa tunog ng hayop, ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may
sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga
bagay tulad ng kampana, relo, tren, patak ng ulan at langitngit ng kawayan, at iba pa.

Teoryang Pooh-pooh
Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga
tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

Teoryang Yo-he-ho
Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang
nagtatrabaho.

Teoryang Yum-yum
Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat
kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.

Teoryang Ta-ta
Mula sa wikang Pranses na nangangahulugang paalam. Ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay
ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay ng pababa at
pataas tuwing paalam.

Teoryang Sing-song
Ito ay nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao; may melodiya at tono ang pag-
usal ng mga unang tao.
Hal: paghimno o paghimig.

Teoryang La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Teoryang Tara-boom-de-ay

Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa.
Mangyari pa, sa mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon
ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

Teoryang To-he-ho

Nalikha dahil sa puwersang ginagamit. Nakakalikha daw ang tao ng mga salita kapag may ginagawang
kahit anong bagay. Halimbawa kapag nanununtok o simpleng nagbubuhat ng isang bagay.

Wikang Aramean

Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May
paniniwalang ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila
ang mga sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang
kanilang wika.

Charles Darwin

Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad
niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang
wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.

Kahariang Ehipto
Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig.
Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;

2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

Katangian ng wika

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema)
na kapag pinagsama-sama’y sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap
ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit
ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na
kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

2. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na

makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat,
panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista

Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han

Fonema = a

*tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang
wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible naman ang kabaligtaran nito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.

Ang puno ay mataas.

The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa
pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang
nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.

Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at
ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng
[umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktot na dati’y [niya] ngayo’y [siya] sa. Imbis na pantukoy
na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-
sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais
tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may
katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa

Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)

Wikang Filipino – Opo, po

Wikang Subanon – gmangga (mangga)

Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)

Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)

Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na
ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino lamang matatagpuan ang mga salitang
opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman, mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya
ng di-kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa
Ingles naman, isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. Sa
Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitang-
ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Halimbawa: BOMBA

Kahulugan

a. Pampasabog

b. Igipan ng tubig mula sa lupa

c. Kagamitan sa palalagay ng hangin

d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula

e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t
ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit
ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin.

8. Ang wika ay bahagi ng komunikasyon.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay
sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.

10. May level o antas ang wika.

Antas ng wika
1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal
naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua
franca ng mga tao
3. kolokyal o lalawiganin – wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug,
Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa
4. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at
ermat’ at ‘cheverloo’.
5. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa
korte at iba pang okasyong profesyunal

1. KAPANGYARIHAN NG WIKA

a. ANG WIKA AY MAAARING MAKAPAGDULOT NG IBANG KAHULUGAN

-anumang pahayag ng isang interlokyutor ay maaaring makapagdulot ng ibang kahulugan o

interpretasyon sa mga tatanggap ng mensahe nito.

b. ANG WIKA AY HUMUHUBOG NG SALOOBIN

-sa pamamagitan ng wika,nagagawa ng tao na hayagang alisin ang mga negatibong paniniwala na sa
kanyang palagay ay hindi makapagdudulot ng mabuti sa kanyang kapwa.

c. ANG WIKA AY NAGDUDUDLOT NG POLARISASYON

-ito ay ang pagtanaw sa mga bagay sa magkasalungat na paraan.Halimbawa nito ay masama at

mabuti,mataas at mababa,pangit at maganda at iba pa.

d. ANG KAPANGYARIHAN NG WIKA YA SIYA RING KAPANGYARIHAN NG KULTURANG NAKAPALOOB

DITO

-kailanman ay hindi maikakaila na kakambal ng wika ang kultura.

2. GAMPANIN NG WIKA

a. IMPORMATIB
-ang wika ay impormatib kung nagagawa nitong makapaglahad ng impormasyon tungo sa
tagatanggap nito.

Hal: Si Leo Oracion ang kauna-unahang Pilipinong nakaakyat sa tuktok ng Bundok Everest na
pinakamataas sa buong mundo.

b. EKSPRESIB

-nagagawa nitong makapagpahayag ng saloobin o makapagpabago ng emosyon.

Hal: Napakasaya ko ngayon…

c. DIREKTIB

-nagiging direktib ang wika kung hayagan o di hayagan nitong napakikilos ang isang tao upang isagawa
ang isang bagay.

Hal: Pakipuntahan naman si Mr. Francisco sa kanyang opisina.

d. PERPORMATIB

-ang perpormatib na gamit ng wika ay higit pa sa pasalitang anyo ng komunikasyon.Ito ay

kinapapalooban din ng kilos bilang pansuporta sa isang pahayag.

Hal: Kapag ang isang tao ay nagsabi ng “paalam”,kaakibat nito ang pagkaway ng kanyang kamay sa
direksyon ng taong kinakausap.

e. PERSWEYSIB

-persweysib ang wika kapag nagagawa nitong makahikayat ng tao tungo sa isang paniniwala.

Hal: Ang pahayag ng mga salesperson sa loob ng mall na nanghihikayat na bilhin ang kanilang produkto.

3. TUNGKULIN NG WIKA

a.INSTRUMENTAL

-nagagawa ng wika na magsilbing instrument sa mga tao upang maisagawa o maisakatuparan ang
anumang naisin.

Hal: Adrian: Nais ko sanang maipadama sa iyo kung gaano kita kamahal.

Jenifer: Ganun ba?Sige,walang problema.

b.REGULATORI

-nangyayari naman ito kapag nagagawa ng wika na kontrolin ang mga pangyayari sa kanyang paligid.

Hal: Islogan ng MMDA: Bawal Umihi Rito.Multa: Php.500.

George: Naku,saan kaya ako maaaring umihi?Bawal pala dito.

c. REPRESENTASYONAL

-ang wika ay ginagamit upang makipagkomyunikeyt,makapagbahagi ng mga

pangyayari,makapagpahayag ng detalye,gayundin,makapagpadala at makatanggap ng mensahe sa iba.

Hal: Dominic: Alam mo ba na ang salitang goodbye ay nagmula sa pahayag na God be with ye?

Jaja: A,talaga?

d. INTERAKSYONAL

-ipinapaliwanag dito na nagagawa ng wika na mapanatili at mapatatag ang relasyon ng tao sa

kanyang kapwa.Kabilang ditto ang pang-araw-araw na pagbati at pagbibiruan.

Hal: Sandy: Aba,ang hitad kong sister ,wis na ang pagka chaka doll.

Aubrey: Siyempre,salamat po Doe yata ang drama ko.

e. PERSONAL

-nagagamit din ang wika upang maipahayag ang personalidad ng isang indibidwal ayon sa sarili
niyang kaparaanan.

Hal: Geser: Talaga?Nanalo ako ng limang milyon sa lotto?Yahoooo…

Nelo: Balato naman diyan.

f. HEURISTIC

-ang wika ay tumutulong din upang makapagtamo ang tao ng iba’t ibang kaalaman.Ilan sa mga ito
ang pagsagot sa mga tanong,pagtanaw sa mga argumentasyon at konklusyon bilang kongkretong
kaalaman at pagtuklas sa mga bagay-bagay sa paligid.

Hal: Gicko:Ngayon ko lang nalaman na ang Dalmatian ay isang wika,at hindi basta wika,ito ay isang
halimbawa ng patay na wika o frozen language.
Nixan: A,oo.Namamatay kasi ang wika kapag hindi ito sasailalim sa pagbabago.Bawat wika sa
mundo ay kinakailangang makaangkop sa pagbabago ng panahon,upang patuloy itong mabuhay at
umunlad.Ang wikang Latin ay isa rin sa halimbawa ng patay na wika.

g. IMAHINATIBO

-isa sa mga kagandahang dulot ng wika ay nagagawa nitong hayaan ang isang tao na mapalawak ang
kanyang imahinasyon na tumutulong sa knya upang siya ay maging artistic.

Hal: Shimy: Rex,kung sakaling may makilala kang genie,ano ang hihilingin mu sa kanya?

Rex: Siympre,ang makalipad tulad ng isang ibon para makapaglakbay ako sa paraang gusto ko at
Makita ang buong mundo.At higit sa lahat,ang kalayaang magawa ang gusto ko tulad ng isang ibon.

Version: Mobile | Web

Created with Weebly

You might also like