You are on page 1of 2

Lumanlan, Arcadio Francisco A. Sir.

Julian Ferreras
7-Tarcisius October 14, 2019

Ang Sinocentrismo, Divine Origin at Devaraja

Ano nga ba ang Sinocentrismo, Divine Origin at Devaraja? Malalaman natin ang lahat ng
iyan sa sanaysay na ito. Ang Sinocentrismo, Divine Origin at Devaraja ay ang mga
kaisipang pinagbatayan sa pagkilala sa sinaunang kabihasnang Asyano. Ang pagiging
mayaman ng kabihasnang Tsino ay nagbunga ng mga dakilang kontribusyon sa daigdig
sa larangan ng pilosopiya at imbensyon. Naging dahilan ito upang maging mataas ang
kanilang pagtingin sa sarili. Tinawag ng mga Tsino ang kanilang bansa na Zhongguo na
nangangahulugang “Gitnang Kaharian.” Pinaniniwalaan ng mga Tsino na ang China ang
sentro ng daigdig. Pinaniniwalaan din nila na ang kanilang kultura at kabihasnan ang
natatangi sa lahat. Dahil sa ganitong paniniwala, ang nagging paningin ng mga Tsino sa
mga Europeo at iba pang lahi ay mga barbaro. Ang ganitong tradisyonal na perspektiba
ng mga Tsino ay tinaguriang Sinocentrismo. Bahagi ng Sinocentrism, kinilala ng mga
Tsino ang kanilang emperador bilang Anak ng Langit o Son of Heaven. Pinaniniwalaang
pinili siya ng langit upang pamunuan ang buong kalupaan. Ang kanyang pamumuno ay
may mandate of heaven o pahintulot o basbas ng langit. Ang emperador ay may malaking
responsibilidad sa pagpapanatili ng kaayusan. Kapag hindi niya nagampanan ang
kaniyan mga tungkulin at siya ay naging mapang-abuso at masama, ang kayang pagiging
emperador ay babawiin ng kalangitan at igagawad sa susunod na taong puspos ng
kabutihan. Ang mga palatandaang tulad ng kalamidad, peste, tagtuyot, kaguluhan at
digmaan ay mga pangitaing hindi nalulugod ang kalangitan sa kasalukuyang emperador.
Ang mandate of heaven ang nagpapaliwanag kung bakit may mga naganap na
pagbabago o pagpapalit ng dinastiya sa China. Isa pang pananaw sa kasaysayan ang
paniniwala ng mga Hapones na sila ay may maka-Diyos na pinagmulan. Naniniwala ang
mga Hapones na ang kanilang emperador ay kakaiba at hindi karaniwan kung
ihahambing sa mga pinuno ng ibang bansa. Lubos ang kanilang paniniwala na ang
kanilang emperador ay banal na apo ng Sun Goddess. Ayon sa mga manunulat ng mga
kasysayang, ang teorya ng divine origin ang maaaring naging gabay ng mga Hapones
sa kanilang pag-aakalang sila ang tanging tagapagtanggol ng mga bansa sa Asya. Ito rin
marahil ang nag-udyok sa kanila na tangkaing sakupin at pamunuan ang buong
kontinente ng Asya sa ilalim ng program nitong Greater East Co-Prosperity Sphere.
Nagpatuloy ang ganitong sistema bago nagising ang marami at unti-unting natanggap
ang katotohanan na tao lamang at walang espesyal sa mga pinangingilagan nilang
pinuno. Sa India, ang kinikilalang diyos ay nagmula at nabuo sa pamamagitan ng
pagsasama-sama ng diyos ng buwan, apoy, hangin, tubig, kayamanan, at kamatayan.
Kinilala siya bilang pinakamataas at walang kapantay dahil hindi lamang iisang diyos ang
kaniyang taglay. Ang tawag sa kanya ay devaraja. Lumaganap sa India ang impluwensiya
ng Hinduism. Ang maging pagtingin ng mga tao sa hari ay isang buhay na imahen ng
diyos. Ang paniniwala sa karma at reinkarnasyon ay bahagi rin ng Hinduism. Ang
“devaraja” ay hango sa dalawang salita– deva, na nangangahulugang “diyos,” at raja, na
nangangahulugang “hari.”
Mga Sanggunian:
https://www.google.com
https://www.wikipedia.org
https://brainly.ph
Araling Asyano - Vibal

You might also like