You are on page 1of 3

Marka

NDC- TAGUM FOUNDATION, INC.


Apokon Road, Tagum City
IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

Pangalan: ______________________________________________ Petsa: _______________


I. Isulat sa patlang kung ano ang pokus ng pandiwang may salungguhit sa pangungusap.
Sulatan ng titik “S” ang ilalim ng simuno, “L” sa layon, at “T” sa tagatanggap.

____________ 1. Ang puting tuwalya ay ipinampahid niya sa kanyang mga braso.


____________ 2. Ang pangingibang bansa ng kanyang tatay ay ikinalungkot ni Maria.
____________ 3. Si G. Ramirez ang nagtatag ng organisasyong ito.
____________ 4. Ang sirang bubong ay kinukumpuni nina Tatay at Kuya.
____________ 5. Ang malaking palanggana ay pinaghugasan niya ng maruruming basahan.
____________ 6. Ang mga mag-aaral ay binabasahan ng guro ng maikling pabula.
____________ 7. Ang makapal na dyaket ay isinuot ni Regina.
____________ 8. Sina Nanay at Ate Gina ay mamimili sa Divisoria bukas.
____________ 9. Ang paulit-ulit na pag-akya’t baba ni Mercy sa hagdanan ay ikapapayat niya.
____________ 10. Ang mga dahon ng lagundi ay ipinanggagamot sa iba’t ibang karamdaman.
____________ 11. Sinunog ng mga terorista ang watawat.
____________ 12. Gagawan ko ng bagong costume si Nicky para sa Halloween Party.
____________ 13. Ang Crown Hotel ay pinagdausan ng kumperensiya.
____________ 14. Ikasasaya ng mga magulang ko ang matataas na markang nakuha ko ngayong
kwarter.
____________ 15. Ang anak niya na balikbayan ay ipinagluto niya ng sarisaring kakanin.
____________ 16. Pinitas ni Gemma ang mga pulang rosas sa hardin.
____________ 17. Ang Bulkang Mayon ay kinamatayan ng mga dayuhang turista.
____________ 18. Ipagsaing mo na si Tatay para makakain na siya ng hapunan.
____________ 19. Ipinangguhit ko sa papel ang mga krayolang ito.
____________ 20. Ang mga basang damit ay isasampay natin sa bakuran.
____________ 21. Ako ay magsasanay sa paglalaro ng chess araw-araw.
____________ 22. Ang pagpintas sa kanya ng mga senador ay ikinagalit ng Pangalawang
Pangulo Jejomar Binay.
____________ 23. Ipapanligo ni Juanita ang mainit na tubig.
____________ 24. Ang mga platong ito ay pagkakainan ng mga bisita sa salusalo.
____________ 25. Si Janice ay ibinili ko ng bagong uniporme at sapatos.
____________ 26. Taos-pusong humihingi ng paumanhin sa iyo si Roger.
____________ 27. Ang itim na salamin ay ipinambabasa ni Lolo Pedring.
____________ 28. Ang mga bata ay ipinaghain ng almusal bago sila pumasok sa paaralan.
____________ 29. Ikinababahala ng maraming mamamayan ang pagdami ng bilang ng mga
krimeng nagaganap.
____________ 30. Iniisip ni Josh ang kinabukasan kaya pinipigilan niyang may mangyari sa
kanila ng kanyang nobya.

II. Baybayin

31. pamangkin- 41.

32. pasensya- 42.

33. problema- 43.

34. eksena- 44.

35. kutsara- 45.

36. larawan- 46.


37. barong- 47.

38. kaarawan- 48.

39. bulaklak- 49.

40. ligtas- 50.

You might also like