Professional Documents
Culture Documents
Akademikongsulatin 181019064450 PDF
Akademikongsulatin 181019064450 PDF
Ang illegal logging ay isa sa mga hamon na kinakaharap ng bansa ngayon. Ang
mistulang paraiso ay naglalaho na parang bula kasabay ng mga pagbabagong dala
ng panahon. Ang dating tahanan ngayon ay wala ng kabuhay-buhay.
Dahil dito, hindi na bago ang baha kung dumating man ang bagyo. Baha na halos lunurin ang mga gusaling
matayog na nakatayo. Isang bangungot kung magpapatulay ang pagiging iresponsable ng mga tao na mas
pini;ing putulinang kahoy dahil sa mga pabrikang itatayo.
LAKBAY SANAYSAY
“Tunay na Paraiso”
Hindi ko pa rin mawari ang kasiyahan dulot ng
pagpunta ko sa Siquijor. Hindi lamang ang tiyan ko ang
busog pati na rin ang aking mga mata. Mga matang
nakakita ng mga magagandang tanawin. Mga matang
saksi sa biyaya ng Maykapal. Tanawin – isa sa mga
pinakamagandang obra maestro ng Poong Maykapal.
Ramdam na ramdam ko ang paglapat ng tubig alat sa aking balat
sa Paliton Beach sa San Juan. Ang mga nagtatayuang puno ng “palm
trees” ay dumaragdag sa kagandahang taglay. Ang mga pinong-pino at
putting buhangin ay tila nag-aanyayang gumawa ng “sand castle”.
Hindi naman nagpapahuli ang Salagdoong Beach na kilala sa kanilang
diving platforms na may mga rock formation sa ilalim. Ang
kagandahan sa ilalim ng karagatan ang nagpapatunay kung gaano ka-
diverse ang bansa.
Cantabon Cave, hindi lamang ito kilala sa “tourist
visiting” kundi isa ito sa pinakamaganda na kuweba sa
Pilipinas. Kahit mahirap ang pagpasok sa loob, hindi
mapapalitan nito ang kagandahang itinataglay ng
kuwebang ito. Aang Century ld Balete Tree ay nasa Brgy.
Campalanas. May mga nagagandahang “hanging vines and
roots”. Pinaniniwalaan na may engkanto ang kahoy na ito.
Sunod naming pinuntahan ang Dagsa Restobar. Ito ay
nasa San Juan Siquijor. Ang lugar na ito ay dinaragsa at diandayo
ng mga turista. Ang lugar na ito ay dinaragsa at dinadayo ng
mga turista. ang kanilang "ambiance” ay nakakapag-relaks sa
iyong isipan. Isa sa mga natatanging menu nila ay ang Boodle
Menu. Ang isiniserve nila ay karaniwang seafoods na sakto sa
apat hanggang lima ka tao. May mga acoustic music din sila
tuwing lunes at Huwebes.
Ang last naman ay sa SMylen Dream Coconut Products.
Kahanga-hanga ang paggawa nila ng naturang produkto.
Matatagpuan ito sa Candapang, Maria Siquijor. Gumagawa sila ng
virgin coconut oil at ito ay manually. Ang ibang parte ng niyog ay
ginagamit nila sa iba pang produkto kaya tinatawag silang eco-
friendly.
Tunay ngang kahanga-hanga ang kagandahang hatid ng
kalikasan. Napatunay ito sa isa sa mga isla sa Pilipinas – ito ay ang
Siquijor.
LIHAM
APLIKASYON
September 3, 2018
ENGR. ANA MELISSA T. VENIDO
Geodetic Engineer
Department of Agrarian Reform
Manila City
Mahal na Engr. Venido:
Ito ay bilang tugon alinsunod sa inilunsad na hiring ng
mga bagong Geodetic Engineer. Ako po ay namamahala
ng isang law firm sa loob ng siyam na buwan, mayroon na
akong karanasan sa pagsukat ng lupa kung ilang ektarya
ito. Isa akong kwalipikadong inhinyero at nais kong
maging parte ng inyong institusyon. Sinisiguro ko na
magiging maayos ang pagganap ko sa aking trabaho.
Batid ko po na tinataglay ko ang hinahanap ng
inyong institusyon. Kung ipagkaloob niyo po ang
trabahong ito sa akin, sinisiguro ko sa inyo na
ibibigay ko ang aking dedikasyon sa trabaho.
Magiging malaking tulong po ang aking mga
kasanayan at karanasan sa aking nakaraang
trabaho.
Upang mapag-usapan ang iba pang mga detalye ng
aking kwalipikasyon, at ma-interview, maari niyo
po akong tawagan sa numerong: 09051345898 o sa
aking email: bautistar@gmail.com.
Maraming salamat.
Sumasainyo,
Mary Joy Bautista (Lgd.)
APLIKANTE
RESUME
Sitio Bato, Basak, Zamboanguita
Negros Oriental
09051345898
bautistar@gmail.com
MARY JOY BAUTISTA
KARANASAN:
Works at my own Law firm
2025 (9 months)
Teacher in UP Diliman major in
Political Science at BSGdE 2026 (6
months)
PETSA: Ika-17 ng Nobyembre 2018
PARA SA: Outreach Programs ng Hope
Foundation
RE: Buwanang Pagpupulong
MULA KAY: Ms. Mary Joy V. Bautista
I. PAGSISIMULA NG PULONG
Nagsimula ang pagpupulong sa eksaktong 9:06 ng
umaga sa pamumuno ng class president na si James
Tumazar
II. PAGPAPATIBAY NG PANUKALANG ADYENDA
Iminungkahi ng Presidente na si James Tumazar na
maglaan na limang araw para sa gagawing aktibidad
ngayong semestral break
III. PAGBASA AT PAGPAPATIBAY SA KATITIKAN
Binasa ni Mary Joy V. Bautista ang katitikan ng pulong
noong Setyembre 7, 2018 tungkol sa gagawing greening
project sa bakuran ng paaralan. Iminungkahi ni James
Tumazar na pagtibayin ang katitikan na sinang-ayunan ng
lahat
IV. MGA DAPAT PAG-USAPAN SA NAKARAANG
KATITIKAN
Kailan gagawin ang Greening Project. Napagkasunduan
ng lahat na sa Setyembre 22, 2018 gagawin ang Greening
Project sa 8:00 AM hanggang 12:00 PM
Tungkulin ng bawat estudyante. Iminungkahi ng president
na limang lalake lamang ang gagawa sa bakod at ang
natira ay ang gagawa ng garden at magtanim ng talong,
kamatis, sitaw at kalabasa
V. PAGTALAKAY SA MGA PANUKALANG PROYEKTO
Oktubre 22 – Nobyembre 5, 2018 ay ang Semestral break.
Napagkasunfuan na ang bawat isa ay maglalaan ng limang
araw para sa gagawing aktibidad ng buong klase
Pagpipilian para sa aktibidad: Tree Planting, Team Building
at Vacation Trip
Pinagpili ng president kung ano ang gagawing aktibidad at
napagkasunduan ng 17 estudyante na Vacation Trip sa
Siargao ang class activity
Hindi sinang-ayunan ni Jennis Rossel Valdez ang gagawing
Vacation Trip sapgkat mas gusto niya ang Tree planting
dahil nakakatulong ito sa kalikasan at mas nagpapatibay ito
ng samahan. Iminungkahi ni Shainah Real aro na kung
gagawin ang Vacation Trip maaaring makapag-team
building at tree planting ang buong klase.
Ang Vacation trip ay gagawin ngayong Oktubre 23,
2018 – Oktubre 27, 2018. Alas-singko ng umaga ang
pick up time.
Ang transportation ay sagot ni James Tumazar at
Clint Mar at Joilyn sa Villa de Barney ang bahay na
tutuluyan na sagot ni Rodny Parao. Ang pagkain ay
sagot ni Rodny Parao.
VI. IBA PANG PANG PINAG-USAPAN
Ang permission slips para sa Vacation Trip ay
ibibigay ni James Tumazar.
Parental consents para sa LAS: Speech Choir
Competition ay ipapasa ngayong Setyembre 13,
2018 kay Ms. Berna Gracielle Generoso.
VII. PAGTATAPOS NG PULONG
Nagtapos ding pagpupulong sa oras na 9;44 AM ng
umaga
VIII. SUSUNOD NA PAGPUPULONG
Ang susunod na pagpupulong ay gaganapin
ngayong Nobyembre 12, 2018
MEMORANDUM
PARA SA: Lahat ng mag-aaral sa Grade – 12
Generoso ng Zamboanguita Science High School
MULA KAY: James Tumazar – Class President
PAKSA: Pagkakaroon ng Vocation Trip sa Siargao
Alinsunod sa napag-usapang Vacation Trip
sa Siargao ng Grade – 12 Generoso,
magkakaroon ng aktibidad ngayong Semestral
Break. Ayon sa napag-usapan, maglalaan ng
limang araw ang bawat estudyante para sa
naturang Vacation Trip na gagawin ngayong
Oktubre 23, 2018 – Oktubre 27, 2018.
Ang mga sumusunod ay ang mga detalye sa
gagawing aktibidad:
Transportation – Davad Airlines (c/o Clint
Mar Davad)
– Tumazar’s Bus Company
(c/o James Tumazar)
– Van na pagmamay-ari nina
Lugar na Tutulugan – Villa de
Barney (c/o Rodney Parao)
Pagkain – c/o Rodney Parao
and Joana’s Pande Coco
Class Activity – Team Building at
Tree Planting
Ang gagawing Team Building ay
ioorganisa ng mga Class Officers.
Ang gagawing Tree Planting ay
gagawin ng bawat estudyante.
Oras – Pick up time papuntang
airport ay 5:00 AM. Eksaktong 7:00
AM ang alis ng eroplano papuntang
Siargao.