You are on page 1of 3

ANTOLINO JR, MIKE F BSA 2B

TEORYA NG WIKA – Mga Teoryang Kung Saan Ang Wika Ay


Pinagmumulan
TEORYA NG WIKA – Sa paksang ito, tutuklasin natin ang iba’t ibang teorya
ng wika na mga basehan kung saan nagsimula ang wika.
Pero bago natin silang kilalanin, ano ba ang teorya?
Teorya
Ang teorya ay isang siyentipikong pag-aaral ng iba’t ibang paniniwala ng mga
bagay-bagay na may batayan pero hanggang ngayon, hindi pa napapatunayan
ng lubos.
Mga iba’t ibang mga teorya ng wika
1. Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol
ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng
hangin, patak ng ulan, atbp.
2. Teoryang Ding-dong
Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng
tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
3. Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog
na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay
Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na
nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang kahulugan
katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.
5. Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi
maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.
6. Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang buong lupa ay
iisang wika at iisang mga salita,
7. Teoryang Yoo He Yo
ANTOLINO JR, MIKE F BSA 2B

Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga ng kaniyang
puwersang pisikal.
8. Teoryang Ta-ta
Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat kapag ang
isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o
pababa.
9. Teoryang Mama
Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya masabi ang
salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.
10. Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na
nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!).
Tinatawag din itong teoryang kontak.
11. Teoryang Coo coo
Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
12. Teoryang Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng
mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa
paligid.
13. Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng
mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
14. Teoryang Eureka!
Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang
mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran
sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.
ANTOLINO JR, MIKE F BSA 2B

BAYANI BA SI NINOY AQUINO

Si Senator Ninoy Aquino ay isang kritiko sa pamumuno ni


Pangulong Ferdenant Marcos. Masasabi kong hindi naging bayani si Senator
Ninoy Aquino, Dahil naging bayani lamang ito dahil sa kanyang misis na si
pangulong Cory Aquino, hindi dapat maging bayani si Senator Ninoy Aquino
dahil ito: Puro batikos, Walang Charity Projects, Di binigay sa mahihirap ang
Hacienda Luisita, Binenta ang Sabah sa Malaysia, Nakipagsabwatan sa mga
rebeldeng NPA para pabagsakin ang gobyerno.
Gustong balansihin ang kapangyarihan ni pangulong ferdinan
marcos pero walang nangyaring maganda lalo pang lumala. Ang pagkabayani ay
di nasusukat sa kamatayan. Ang salitang bayani ay napakalalim ito yung
kabayanihang dapat pamarisan, kabayanihang milyon - milyon ang
naiimpluwensyahan, at yung kabayanihang kikilalanin.
Ang kabayanihan hindi yan nakukuha dahil sa kamatayan, kahit pa
sya at nakalagay sa limangdaang papel, o malagay ang pangalan sa paliparan
hindi yun ang sukatan.
Nasa puso nararamdaman, nasa adhikain, nasa pangarap at hindi
iyon nakita kay senator ninoy Aquino.

You might also like