You are on page 1of 2

Ferrer, Godriene Faith C.

BSED 2 ENGLISH
KOMFIL

TEORYA NG MGA WIKA

● Teoryang Bow-wow
Isang teoryang ginagaya ang mga tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng
aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya ng ihip ng hangin, patak
ng ulan, atbp.
● Teoryang Ding-dong
Tinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa kapaligiran tulad ng
tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.
● Teoryang Pooh-pooh
Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha ang mga tunog na
galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.
● Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay
Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay galing sa mga tunog na nilikha
sa mga ritwal na nagbabago-bago at binigyan ng ibang kahulugan katulad ng pagsayaw,
pagtatanim, atbp.
● Teoryang Sing-song
Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at musikal, at hindi
maikling bulalas na paniniwala ng marami.
● Teoryang Biblikal
Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabi na ang buong lupa ay iisang
wika at isang mga salita,
● Teoryang Yoo He Yo
Ang tao ay natutong magsalita bunga ng kanyang puwersang
pisikal.
● Teoryang Ta-ta
ito ay nangangahulugang paalam sapagkat kapag ang isang
tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay ng pataas o pababa.
● Teoryang Hey you!
Ayon sa linggwistikang si Revesz, nagmula ang wika sa mga tunog na nagbabadya ng
pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!). Napabulalas din tayo bilang
pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag din itong teoryang kontak.
● Teoryang Coo coo
Tinutukoy nito sa mga tunog na nililikha ng mga sanggol na ginagaya ng mga
matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.
● Teoryang Babble Lucky
Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang kahulugang bulalas ng mga
tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-bagay sa paligid.
● Teoryang Hocus Pocus
Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng pinanggalingan ng mga
mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga ninuno.
● Teoryang Eureka
Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng pagtatakda ng mga
arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay. Nang nalika ang mga
ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging kalakaran sa
pagpapangalan ng mga bagay- bagay

You might also like