You are on page 1of 10

INFORMANCE – MAHABHARATA ARJUNA (voice-over): Ang pag-aaway namin ay nagsimula pa

noon, sa aming mga tatay.


ACT 1 – ANG PAGSIBOL NG PANDAVA AT KAURAVA
[Si BHISHMA ay naglalagay ng korona sa ulo ni
SCENE 1: Sa giyerang Kurukshetra DHRITARASHTRA.]

TAGPUAN: Sa kapatagan ng Kuru, sa Kurukshetra, India. BHISHMA: Ang ating hari, si Dhritarashtra.

ARJUNA (voice-over): Sinasabi nga, na mayroong [Palakpakan ang mga tauhan.]


kagandahan sa kamatayan. Ang dugo ang magsisilbing
palamuti, at ang pighati ang magsisilbing musika. VIDURA: Hindi maaari! Hindi ito puwede!

[Naglalaban si ARJUNA at si KARNA. Walang sandata si [Papasok si VIDURA, at kukunin ang korona kay
KARNA.] DHRITARASHTRA.]

KARNA: Huwag mo akong saktan! Wala akong sandata! Wala BHISHMA: Bakit naman?
akong laban sa’yo! Ikaw ay isang mabuting mandirigma,
huwag mong kalimutan ang mga batas ng ating giyera! VIDURA: Hindi puwedeng maghari si Dhritarashtra,
sapagkat siya ay bulag. Ayon sa batas ng ating bayan,
ARJUNA: Ang mga naghihirap ay laging natatandaan ang hindi pwedeng maghari ang isang taong bulag, sapagkat
kabutihan, at nakakalimutan ang kanilang kasamaan. hindi niya nakikita ang kaniyang mga nasasakupan. Ibigay
Nasaan ang iyong kabutihan, o Karna, nang umiiyak si mo ang korona kay Pandu.
Draupadi? Nang ninakaw ang kaharian ni Yudhishtira?
BHISHMA: Tama ka nga. Pandu, pumarito ka.
[Yumuko si KARNA. Habang pinapana ni ARJUNA si KARNA,
mayroong voice-over.] [Lalapit si PANDU, lalabas si DHRITARASHTRA.]

ARJUNA (voice-over): Hindi ko ninais na dumating dito. BHISHMA: Ang ating hari, si Pandu! Mabuhay!
Siya pa rin ang aking kapatid, sapagkat siya ang anak ng
aking ina nang hindi pa siya kasal. Ngunit, [Ilalagay ni BHISHMA ang korona sa ulo ni PANDU.
kinakailangan. Paano nga ba tayo humantong sa ganito, Palakpakan ang mga tauhan.]
Karna?
SCENE 3: Ang mga Pandava at Kaurava
[Cut to black.]
TAGPUAN: Wala.
SCENE 2: Si Dhritarashtra at si Pandu
ARJUNA (voice-over): Si Pandu, ang aking ama, ay
TAGPUAN: Isang palasyo. isinumpa, na kapag siya’y nakipagtalik, siya’y
mamamatay. Kaya binigyan siya ng mga diyos ng anak. Si [Pinana ni Arjuna ang mata ng ibon, at ito’y sumakto.]
Yudhisthira, si Bhima, ako, si Arjuna, si Nakula at
Sahadeva. Ngunit isang araw, nakipagtalik ang aking ama, DRONA: Napakahusay, Arjuna. Bilang gatimpala, binibigay
at gaya ng nakasaad sa sumpa, siya ay namatay. Si Kunti ko sa’yo ang Brahmasira, isang sandata. Ngunit, gamitin
ang aming ina ang syang nagpalaki sa amin. At habang mo lamang ito sa mga selestyal na tao, kung hindi,
kami’y lumalaki, nakilala kami bilang mga magkakapatid masisira ang mundo.
na Pandava.
DRONA: Upang ipakita ang inyong galing, magkakaroon muli
ARJUNA (voice-over): Ang mga anak naman ni Dhritarashtra tayo ng isang paliksahan...
na may bilang na 100 ay kinilala bilang mga magkakapatid
na Kaurava. Sila ang itinuring na katunggali namin. At [Habang nagsasalita si DRONA, papasok si KARNA.]
narito nagsimula ang aming pag-aaway.
KARNA: Drona! Nais kong sumali sa inyong paliksahan.
[Cuts to black.]
ARJUNA (voice-over): Ito si Karna, ang unang anak ng
SCENE 4: Si Karna aking ina, si Kunti, na naisilang bago pa niya naging
asawa ang aking ama. Siya’y iniwan ni Kunti, matapos ay
TAGPUAN: Isang bahay. inaruga ng isang tsuper, ngunit hindi niya alam ang
kaniyang totoong nanay.
ARJUNA (voice-over): Isang araw, may dumating na guro ng
labanan. ARJUNA: Ikaw? Hindi ka naman prinsipe! Anak ka nga ng
isang tsuper! Bakit ka namin kakalabanin?
DRONA: Isang paligsahan. Mga Pandava, tirahin niyo ang
mata ng kahoy na ibon sa puno. Ikaw, Yudhistira, ano ang [Papasok si DURYODHANA.]
iyong nakikita?
DURYODHANA: Ang kapanganakan ay di tanyag, at ang tao ay
YUDHISTIRA: Nakikita ko ang aking gruo, ang aking mga tulad ng ilog na ang pinanggalingan ay kadalasan lingid.
kapatid, ang puno, at ang ibon. Karna, bibigyan kita ng isang maliit na kaharian.

DRONA: Kung gayon, hindi mo matatamaan ang mata. Arjuna, KARNA: Maraming salamat, prinsipeng Duryodhana. Hanggang
ano ang iyong nakikita? sa kamatayan ako ay magiging kaibigan ng mga Kaurava.

ARJUNA: Nakikita ko lamang ang ibon, ang mata lamang ng ARJUNA (voice-over): Kung mababago ko lang ang nakaraan.
ibon. Nawa’y tinanggap na lang namin si Karna. At hindi na
mangyayari ang giyera. Ngunit, ang nakaraan ay nakaraan.
DRONA: Panahin mo.
SCENE 5: Si Draupadi
TAGPUAN: Isang seremonya. SCENE 6: Ang Laro ng mga Dais

ARJUNA (voice-over): Nagkaroon ng isang paliksahan, TAGPUAN: Isang piyesta.


upang makapili si Draupadi ng kaniyang asawa. Pagpapana.
Isang mabigat na metal na arko at isang gumagalaw na ARJUNA (voice-over): Matapos ang kasal naming Pandava
isda. kay Draupadi, nagpakita kami kay haring Dhritarashtra.
Binigay niya ang kalahati ng kaniyang kaharian, bagama’t
DRAUPADI: Arjuna, ikaw ang sumunod. ang bahagi na ito ay puno ng kagubatan at disyerto.
Tinanggap ito ng aking kapatid, si Yudhishthira at
ARJUNA (voice-over): At nang tinawag niya ang pangalan ginawang isang mayamang kaharian. Napahiya si Duryodhana
ko, lumakas ang aking loob. Siya, siya ang nakatakda. sa palasyo namin, at mayroon siyang planong maghiganti
sa amin.
[Kinuha ni Arjuna ang arko, at ipinana ang isda.
Palakpakan.] SHAKUNI: Duryodhana, alam ko na kung paano mawala ang
lahat ng pagmamayari ng mga Pandava. Sabihin mo kay
DRAUPADI: Mahusay, mahusay, Arjuna! Ikaw ang aking Yudhishtira, na sumali sa aking laro ng dais.
pinipili!
DURYODHANA: Bakit naman?
ARJUNA: Maraming salamat, prinsesa Draupadi.
SHAKUNI: Matagal na akong may galit sa mga Pandava, na
[Papasok si KUNTI na di napapansin si DRAUPADI.] nagmula pa sa kanilang tatay. Mahilig magsugal si
Yudhishtira. May daya ang dais. Panigurado, ipupusta
ARJUNA: O ina, nanalo po ako sa paligsahan ng pagpapana niya ang kaniyang buhay.
at nakapanalo ng isang gatimpala!
[Lumabas si SHAKUNI, pumasok si YUDHISHTIRA.]
KUNTI: Mahusay, aking anak! Ngunit, ibahagi mo ang
gatimpala na ito sa iyong mga kapatid. DURYODHANA: Yudhishtira, Yudhishtira! Halika, sumali ka
sa aking laro ng dais. Sige na, kapag nanalo ka,
[Nakita ni KUNTI si DRAUPADI at nagulat.] malaking kayamanan ang mapapasaiyo!

KUNTI: Sino ang babae? YUDHISHTIRA: Malaking kayamanan? Sige, sige! Sasali ako!

ARJUNA: Siya po ang gatimpala. [Papasok si VIDURA.]

KUNTI: Arjuna, Arjuna, alam mong hindi na maibabawi ang VIDURA: Hangal! Yudhishtira, huwag kang sumali!
aking salita. Kinakailangang pakasalan niyong lahat si Paniguradong matatalo ka.
Draupadi.
YUDHISHTIRA: Hindi. Hayaan mo, ito ang nakatadhana. DURYODHANA: Hindi maaari!
Duryodhana! Ipinupusta ko ang aking mga kaharian!
[Tatanggalin ni DURYODHANA ang panakip ng hita ni
[Pagugulungin ang dais. Matatalo si YUDHISHTIRA.] DRAUPADI, isang malaking insulto. Ngunit, ang diyosang
KRISHNA ay dumating at binigyan si DRAUPADI ng walang
DURYODHANA: Wala, talo. Akin na ang iyong kaharian. katapusang tela.]

YUDHISHTIRA: Hindi maaari. Ipinupusta ko ang aking ARJUNA (voice-over): Mabuti, na ang diyosang si Krishna
sarili. ay dumating.

[Muli, pagugulungin ang dais. Matatalo si YUDHISHTIRA.] KRISHNA: Isang araw, mayroong maghihiganti para kay
Draupadi. Magkakaroon ng isang malawakang digmaan,
DURYODHANA: Talo, muli. Ikaw na ay magiging alipin ko. digmaang walang awa.

YUDHISHTIRA: Hindi na pwede! Ipinupusta ko si Draupadi! [Titigil si DRAUPADI. Papasok si DHRITARASHTRA.]

VIDURA: Yudhishtira! Itigil mo na! DHRITARASHTRA: O Krishna, humihingi ako ng tawad sa


pagkasala ng aking kapatid. Ibabalik ko na kay
[Sa huling beses, pagugulungin ang dais. Matatalo si Yudhishtira ang lahat ng nawala sa kaniya.
YUDHISHTIRA.]
DURYODHANA: Isa pang bato ng dais, Yudhishtira. Sa
DURYODHANA: Talo. Mga kapatid, dalhin niyo dito si huling beses.
Draupadi!
YUDHISHTIRA: Sige.
ARJUNA (voice-over): Nang panahon na iyon, nais kong
sumigaw. Sinama pa naman ang aming asawa. Nais kong [Pagugulungin ang dais. Matatalo si YUDHISHTIRA.]
saktan ang mga Kaurava. Sa kahangalan ng aking kapatid,
wala akong magawa. Yudhishtira, kung nakinig ka lang kay DURYODHANA: Talo. At dahil natalo kayo, umalis kayo,
Vidura, wala sanang giyera. ikaw, ang mga kapatid mo, at si Draupadi, ng
labingdalawang taon sa kagubatan, at sa ikalabingtatlo,
[Papasok si DRAUPADI, kinakaladkad ng mga Kaurava.] magkaila kayo, upang walang makakilala sa inyo.

DRAUPADI: Mga Kaurava, isang tanong. Paano maipupusta ng ARJUNA (voice-over): Kaybigat na parusa, sa isang
isang taong nawala ang kaniyang sarili ang iba pang tao? simpleng pagkakamali. Pinigilan ko ang aking kapatid,
ngunit siya’y di nakinig sa akin. Lalo akong nagalit sa
[Katahimikan. Walang makasagot.] mga Kaurava.

DRAUPADI: Kung walang makasagot, pakawalan niyo na ako.


ACT 2 – LABINGDALAWANG TAON SA KAGUBATAN binigyan ako ni Shiva. Matapos nito, tinuruan ako ni
Indra, ang aking diyos na tatay. Sa kabilang dako, si
SCENE 7: Ang Dharma Karna ay naghahanap rin ng sandatang malakas, kaya siya
ay naglingkod kay Parasurama, na galit sa mandirigma.
TAGPUAN: Kagubatan, malamang.
PARASURAMA: Karna, halika. May sasabihin ako sa iyo.
ARJUNA (voice-over): Sa kagubatan, hindi kami nag-iisa.
Kasama nila ang mga pari at mga aipin na tapat sa amin. KARNA: Panginoon, ano po iyon?

DRAUPADI: Yudhistira! Bakit wala kang ginagawa? Bakit PARASURAMA: Ituturo ko sa iyo, ang iyong sasabihin upang
parang nagtatamadtamad ka? Halata namang nandaya si makuha ang dakilang sandata, sapagkat ika’y naging isang
Shakuni sa dais, hindi ba’t mas maganda na ika’y humanda mabuting alipin.
upang kalabanin siya?
KARNA: Maraming salamat, panginoon.
YUDHISTIRA: Hindi. Kailangan kong sundan ang aking
dharma, ang aking obligasyon na gawin ang tama. At mali ARJUNA (voice-over): Ngunit, nalaman ni Parasurama na si
ang pagpatay. Karna ay isang mandirigma.

DRAUPADI: Pero, bakit ganito ang nangyayari sa atin, PARASURAMA: Isinabi ko nga ba, ikaw ay isang mandirigma!
kung sumusunod naman tayo sa dharma? Kung lahat ay Sinusumpa kita, Karna, na makalimutan mo ang iyong
nangyayari ayon sa nais ng diyos, bakit nasasaktan ang sasabihin upang makuha ang dakilang sandata kapag
mga mabubuti? Ang mga nakaktakas lamang sa pinsala ang dumating ang panahon na buhay mo ang nakasalalay!
mga malalakas, at hindi ang mga mararangal!
ARJUNA (voice-over): Matapos nito, si Karna ay niloko ng
YUDHISHTIRA: Hindi, Draupadi. Hindi dapat gumawa ng aking diyos na tatay, si Indra.
kabutihan dahil ninanais natin ang mga mabuting bagay.
Hindi makikita ng makasalanang gumagawa ng kabutihan na INDRA: Karna, Karna, halika dito.
ito ang kaniyang hinahanap. Huwag kang magalinlangan,
bubunga rin ang ating kabutihan. KARNA: Ano po, panginoon?

SCENE 8: Paghahanda sa Digmaan INDRA: Ibigay mo sa akin ang iyong gintong armas.
Tandaan mo ang iyong sinabi, na hindi mo kayang sumuway
TAGPUAN: Isang palasyo. sa utos ng isang pari.

ARJUNA (voice-over): Umalis ako patungo sa mga [Tatanggalin ni KARNA ang kaniyang armas na duguan.
pinakamataas na mga bundok upang maghanap ng mga Matindi ang kaniyang sakit.]
sandatang malakas na kinakailangan para sa digmaan, at
INDRA: Hindi mapupunta sa wala ang iyong sakripisyo. ARJUNA: Duryodhana, ibigay mo na sa amin ang aming
Ito, isang selestyal na sandata, na makapatatay ng kahit kaharian! Tapos na ang labingtatlong taon, at nagawa
sinong tao. Ngunit, isang beses mo lang ito magagamit. namin ang iyong sinabi!

ARJUNA (voice-over): Sinaktan, pinagmalupitan, niloko't DURYODHANA: Hindi maaari, hindi mo sinunod ang ating
inabuso. Iyan ang inabit ni Karna sa kamay ni Parasurama pinagusapan. Hindi kayo nagkaila.
at Indra. Awa! Yan ang tangi kong naramdaman ng siya’y
aking nasilayan. ARJUNA: Kami’y nagkaila!

SCENE 9: Ang Ikalabingtatlong Taon DURYODHANA: Mayroon pa ring nakakilala sa inyo! Ito na,
Arjuna, ang simula! Ito ang simula ng giyera.
TAGPUAN: Isang palasyo.
ARJUNA (voice-over): At doon ko naramdaman, ang bigat ng
ARJUNA (voice-over): Dumating na ang ikalabingtatlong giyerang parating. Malakas ang aking loob na lumaban.
taon, kung kailan kami ay magkakaila. Tinanggap kami ng Ngunit, hindi kami lalaban ng mag-isa.
isang hari, si Virata. Ngunti kami ay inatake ng mga
Kaurava. ARJUNA (sabay): Kailangan ko makuha ang tulong ni
Krishna!
ANAK NI VIRATA: Itay, itay!
DURYODHANA (sabay): Kailangan ko makuha ang tulong ni
VIRATA: Bakit, anak? Krishna!

ANAK NI VIRATA: Nangangailangan ng mga sundalo ng isang [Papasok si KRISHNA.]


tagamaneho ng kalesa, upang lumaban sa mga Kaurava!
KRISHNA: Tutulungan ko kayo pareho. Arjuna, pumili ka,
DRAUPADI: Haring Virata, ang aking kasama si Arjuna ay ang lahat ng aking mga hukbo, o ako lamang. Ang natira
ang pinakamahusay na tagamaneho ng kalesa sa buong ang mapupunta kay Duryodhana.
mundo!
ARJUNA: Pinipili ko ikaw.
VIRATA: Kung gayon, Arjuna, ikaw ang lumaban.
DURYODHANA: At dahil doon, sa akin ang iyong mga hukbo.
ARJUNA (voice-over): Ayokong lumaban. Ngunit, wala
akong magawa. Nanalo ako, lumabang mag-isa laban sa di ARJUNA: Krishna, ikaw ang magmaneho ng aming kalesa.
mabilang na tao. Ngunit, mayroon pa ring problema.
SCENE 11: Parating na Unos
SCENE 10: Ang Simula ng Giyera
TAGPUAN: Sa palasyo.
TAGPUAN: Sa palasyo.
DHRITARASHTRA: Nararamdaman ko na, malapit na magsimula KARNA (sa sarili): Nilisan naman na rin ako ng aking
ang digmaan. Malapit na, malapit na. Bhishma! ina. At ngayon, kalaban ko na ang aking mga kapatid!
Nararamdaman ko na ang katapusan. Marahil ay lalaban na
BHISHMA: Hari, ano po ang inyong kailangan? lamang ako kasama ang mga Kaurava kahit na nagbabadya
ang panganib kung saan kami'y matatalo. Hindi rin naman
DHRITARASHTRA: Malapit na ang giyera. Lalaban na ang mga ako tinanggap ng nga Pandava gayundin ang aking mga
Pandava at ang mga Kaurava. Ikaw ang mamuno sa mga kapatid na ako'y pinagtabuyan at tinakwil!
Kaurava.
ACT 3 – ANG GIYERANG KURUKSHETRA
BHISHMA: Ngunit, hari... may isa pong problema...
SCENE 12: Paghinayang
DHRITARASHTRA: Ano iyon?
TAGPUAN: Ang palasyo.
BHISHMA: Mabigat ang aking loob. Bagama’t kayo’y aking
kapamilya, mayroon rin akong pakiramdam sa mga ARJUNA (voice-over): Pinagusapan namin na sumunod sa
Pandava... Ngunit, tatanggapin ko. Sa isang kondisyon. iilang mga batas: huwag kalabanin ang tao gamit ang
Na hindi lumaban si Karna. selestyal na sandata, huwag lumaban sa gabi, huwag
tamaan ang isang taong walang sandata, at huwag tamaan
DHRITARASHTRA: Karna? ang isang tao sa likod, o sa binti. Ngunit, bago
magsimula ang labanan, mayroon akong hinayang.
KARNA: Sa mabigat na loob, tinatanggap ko ang kondisyon
ni Bhishma. Ngunit, pag siya’y mamatay, ako ang lalaban. [Si ARJUNA ay nawawalan ng lakas lumaban.]

[Lalabas si DHRITARASHTRA at BHISHMA, at papasok si ARJUNA: Anong kabutihan ang maidudulot sa pagpatay ng
KRISHNA.] ating mga kamag-anak? Ano ang kahalagahan ng pagkapanalo
kung lahat ng ating mga kaibigan at mahal sa buhay ay
KRISHNA: Karna! Mayroong isang bagay na kailangan mong
mamamatay?
alamin.
KRISHNA: Ikaw ay isang mandirigma. Responsibilidad mong
KARNA: Ano po iyon? lumaban.

KRISHNA: Ang plano mong kalabanin ang iyong kapatid. Ang ARJUNA: Paano naman ang mamamatay?
inyong ina ay ina rin nila, na iniwan ka noong ika’y
bata. KRISHNA: Huwag kang mag-alala, ang kamatayan ay isang
hakbang lamang sa walang katapusang pagkabuhaymuli.
[Mananahimik si KARNA. Lalabas si KRISHNA.]
ARJUNA: Ngunit paano magagawa ng isang mandirigma ang ARJUNA: Ngunit, paano ka namin papatayin?
kaniyang responsibilidad nang hindi magkasala?
BHISHMA: Ilagay ninyo si Sikhandi sa harap, nang siya ay
KRISHNA: Gawin mo ang iyong responsibilidad, huwag mong pumatay sa akin.
pakialaman ang mga epekto nito sa’yo. Pagkapanalo o
pagkatalo, pareho lamang. ARJUNA: At bakit naman?

[Magsisimula ang laban. Habang nagvovoice-over si BHISHMA: Hindi lalake si Sikhandi, kundi babae. Makikita
ARJUNA, makikita ang mga eksena ng labanan.] ninyo.

ARJUNA (voice-over): Labing-isang sangay ng mga Kaurava, [Lalabas ang mga PANDAVA, at magiging umaga. Papasok si
laban sa aming pitong Pandava. Isinasabi na ang paglaban SIKHANDI.]
namin ay tulad ng dalawang karagatang bumabangga’t sa
isa’t isa. Sinasabi nga, na mayroong kagandahan sa SIKHANDI: Sumuko ka na, Bhishma!
kamatayan. Ang dugo ang magsisilbing palamuti, at ang
pighati ang magsisilbing musika. BHISHMA: Ayokong makipaglaban sa isang babae.

SCENE 13: Ang Kamatayan ni Bhishma [Binaba ni BHISHMA ang kaniyang mga sandata. Ipinana ng
mga PANDAVA ang katawan ni BHISHMA ng libo-libong mga
TAGPUAN: Gabi, sa kampo ng mga Kaurava. palaso. Mahuhulog si BHISHMA sa kaniyang kalesa.]

[Habang nagvovoice-over si ARJUNA, makikit ang mga SCENE 14: Ang Pamumuno ni Drona
eksena ng labanan.]
TAGPUAN: Sa kapatagan ng Kuru, sa Kurukshetva, sa India.
ARJUNA (voice-over): Ngunit, mayroong problema. Si
Bhishma. Alam namin na kami ay mga mahusay na ARJUNA (voice-over): Dahil patay na si Bhishna, si Drona
mandirigma. Ngunit, si Bhishma ay mas mahusay. Sa siyam ang namuno sa mga Kaurava. Mayroon siyang plano: isang
na araw ng paglaban namin, hindi namin siya matalo. pormasyon na walang makakasira... maliban sa akin, at sa
Kinagabihan, siya’y aming binisita. aking anak, si Abhimanyu.

ARJUNA: Bhishma. Ang mga Kaurava at Pandava ay parehong YUDHISHTIRA: Abhimanyu, wala ang iyong tatay. Mayroong
walang kaunlaran sa giyera. Hangga’t di ka mamamatay, pormasyon ang mga Kaurava na alam kong ikaw ang
ang giyera natin ay tutuloy hanggang sa katapusan ng makakasira, sapagkat alam kong nakinig ka sa iyong ama.
mundo. Pinagkakatiwalaan ko sa’yo. Sumugod!

BHISHMA: Kung gayon, kailangan kong mamatay. [Susugod si ABHIMANYU, at bubutasan ang pormasyon ng mga
KAURAVA. Susunod sana si BHIMA at YUDHISHTIRA kay
ABHIMANYU, ngunit sila’y hinarangan ni JAYADRATHA, at
nasarado ang butas. Pinatay ni JAYADRATHA si ABHIMANYU. ulo, wala na akong magawa. Kaypait ng dulot ng giyera.
Papasok si ARJUNA.] Sumunod na araw, namatay si Drona. Sa aking
kinatatakutan, lalaban na si Karna.
ARJUNA: O, Yudhishtira, ano ang nangyari?
SCENE 15: Ang Kamatayan ni Karna
YUDHISHTIRA: Tignan mo.
TAGPUAN: Sa kapatagan ng Kuru, sa Kurukshetra, India.
[Itinuro ni YUDHISHTIRA ang katawan ni ABHIMANYU, patay.
Nagalit si ARJUNA.] [Lumalaban si ARJUNA at KARNA sa pamamagitan ng
selestyal na mga palaso. Sila’y nagpapanaan. Habang
ARJUNA (voice-over): At doon ko nakita, ang anak, ang tumutuloy ang laban, bumukas ang lupa at lumubog ang
kaniyang katawan, patay. Sari-saring emosyon. Galit. gulong ng kaniyang kalesa. Wala ang lahat ng mga sandata
Lungkot. ni KARNA.]

ARJUNA: Hayaan mo, papatayin ko ang pumatay sa kaniya, KARNA (sa sarili): Isa na lamang ang pag-asa ko, ang
si Jayadratha. Papatayin ko siya! Aba’y kung hindi, dakilang sandata ni Parasurama! Ngunit, hindi ko
isasakripisyo ko ang aking sarili sa apoy! matandaan...

KRISHNA: Arjuna, huwag kang magsalita ng ganiyan! Alam PARASURAMA (voice-over): Sinusumpa kita, Karna, na
nating pareho na ang ganyang mga salita ay hindi makalimutan mo ang iyong sasabihin upang makuha ang
mababawi! dakilang sandata kapag dumating ang panahon na buhay mo
ang nakasalalay!
[Si JAYADRATHA ay malupit na binabantayan. Si KRISHNA ay
gumawa ng isang eclipse ng araw.] KARNA (sa sarili): Hay. Ang mga taong nakakalam ng
dharma, ang kanilang responsibilidad sa buhay ay laging
JAYADRATHA: Tignan mo, mga kapatid, nawala na ang araw! sinasabi, “Ipinagtatanggol ng dharma ang mga tapat sa
Dumating na ang gabi, at magpapakamatay na si Arjuna! dharma”. Ngunit, ngayo’y lumubog ang gulong ng aking
Magdiwang! kalesa, naniniwala na ako na hindi lagi nagtatanggol ang
dharma.
[Ibinababa ng mga KAURAVA ang kanilang mga sandata.
Pinatay ni ARJUNA si JAYADRATHA gamit ang kaniyang [Hirap si KARNA na tanggalin ang gulong ng kaniyang
pana.] kalesa sa lupa. Lalabas siya, at haharap kay ARJUNA.]

ARJUNA (voice-over): Nang namatay si Jayadratha, hindi ARJUNA: Karna! Humarap ka dito, harapin mo ako!
rin ako natuwa. Walang kasiyahan sa paghihiganti. Hindi
rin ako nahiya. Hindi ako nakonsensiya, hindi ako
nagalit. Wala na akong maramdaman. Sumakit ang aking
ARJUNA (voice-over): Sinasabi nga, na mayroong
kagandahan sa kamatayan. Ang dugo ang magsisilbing
palamuti, at ang pighati ang magsisilbing musika.

KARNA: Huwag mo akong saktan! Wala akong sandata! Wala


akong laban sa’yo! Ikaw ay isang mabuting mandirigma,
huwag mong kalimutan ang mga batas ng ating giyera!

ARJUNA: Ang mga naghihirap ay laging natatandaan ang


kabutihan, at nakakalimutan ang kanilang kasamaan.
Nasaan ang iyong kabutihan, o Karna, nang umiiyak si
Draupadi? Nang ninakaw ang kaharian ni Yudhishtira?

[Yumuko si KARNA.]

ARJUNA (voice-over): Narito, narito na naman tayo, o


Karna. Marami na tayong pinagdaanan. Bagama’t ikaw pa
rin ang aking kapatid, kinakailangan kong sundin ang
dharma. Patawad, Karna.

[Pinana ni ARJUNA si KARNA, at siya’y namatay. Liwanag


ang lumabas sa katawan ni KARNA at pumasok sa araw. Fade
to black.]

You might also like