You are on page 1of 7

Aralin 1

PANUTO: Suriin kung ang sumusunod na pahayag ay salawikain, sawikain at kasabihan.

1. Kapag may isinuksok, may madudukot


2. Balitang Kutsero
3. Ang hindi magmahal sa kanyang salita, Mahigit sa hayop at malansang isda
4. Magsunog ng kilay
5. Ang taong walang kibo, nasa loob ang kulo

PANUTO: Piliin ang angkop na salitang paghahambing sa bawat pangungusap.

6. Si Riza ay _______ magaling sumagot kaysa kay Anne.


a. higit na b. lubos na c. magsing d. lalong

7. Ang Karagatan at Duplo ay _______ nakakaaliw na paligsahan.


a. gaya ng b. parehong c. di-totoong d. magkasing

8. Ang sawikain at salawikain ay _______ umusbong sa Panahon ng Katutubo.


a. kapwa b. higit na c. lalong d. magkasing

9. Ang panitikang Pilipino ay ______ maunlad noon kaysa ngayon.


a. parehong b. magkasing c. di-gaanong d. kapwa

10. Ang Pangulong Duterte ay ____ magaling sa pamamahala kaysa sa ibang mga naging
Presidente.
a. higit na b. lubos ang c. magsing d. lalong

SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 1

I.1. Kasabihan II.6.A


2. Sawikain 7.B
3. Kasabihan 8.A
4. Sawikain 9.C
5. Kasabihan 10.A
Aralin 2

PANUTO: Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa Alamat ng Mina ng Ginto. Isulat ang letrang A-E.

___1. Mula noon ay nagkaroon na ng Mina ng Ginto sa Baguio na nakukuha lamang sa


pamamagitan ng paghuhukay sa lupa.

___2. Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot.

___3. Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang taga-Suyuk dahil sa gantimpalang


ipinagkaloob sa kanila. Ang gintong punong kahoy.

___4. Imbis na sila ay magmahalan, nagkaroon ng imbutan ang mga taga-Suyuk dahil
sa punong ginto. Binawi ito sa kanila at lumubog ang puno sa ilalim ng lupa.

___5. Sila ay mapagmahal sa bathala kaya’t binigyan sila ng gantimpala.

PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pang-abay ang salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap.
(Pamanahon o Panlunan)

11. Ang mga taga-Suyuk ay nagdiriwang ng cañao tuwing Linggo.

12. Ang paligsahang Karagatan at Duplo ay ginaganap sa bakuran ng isang bahay.

13. Madalas na nangangaso si Kunto sa kagubatan .

14. Bukas gaganapin ang buwan ng wika.

15. Siya ay umalis kahapon.

SUSI SA PAGWAWASTO

Aralin 2

I. 1. E II.6. Pamanahon
2.A 7. Panlunan
3.C 8. Panlunan
4.D 9.Pamanahon
5.B 10. Pamanahon
Aralin 3
PANUTO: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag.

1. Anong uri ng panitikan ang nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan na pawang


kababalaghan at di kapani-paniwala?
2. Anong tawag sa pinakamahabang epiko dito sa Pilipinas?
3. Anong uri ng pang-abay ang nglalarawan kung paano naganap,nagaganap o
magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa?
4-5. Magbigay ng 2 kadalasang paksa o tema sa epiko.

PANUTO: Punan mo ng angkop na pang-abay na pamaraan ang bawat patlang upang mabuo ang mga
pahayag na ginamit sa usapan.Piliin ang sagot sa loob ng kahon.

Jewill : Hoy Emil! Bakit nandito ka na sa labas? Di ba hindi pa ninyo uwian?

Emil : Maaga kaming pinauwi. Kaya tingnan mo, (6)________nang

naglalabasan ang aking mga kamag-aral.

Jewill: Ganon ba? Akala ko nag-cutting classes ka dahil nakita kitang

(7)_______ na lumalabas mula sa inyong silid-aralan.

Emil: Hihintayin ko kasi dito ang kaibigan kong si John.

Jewill: Bakit ?

Emil: Pupunta kasi kami sa silid-aklatan para magsaliksik tungkol sa epiko.

(8)________ nagturo kanina ang aming guro sa Filipino kaya naman

nais naming ipakita ang aming pananabik sa kanyang leksiyon.

Jewill: Naku...(9) ______ na tinanong ni Gng. Gomez ang kanyang klase kanina dahil kaunti lang

daw ang nakagawa ng takdang-aralin. Kaya , husayan ninyo.

Emil: Talaga? Kailangan talaga naming magsaliksik. Maraming salamat. O

paano? (10)_________ na kaming aalis. Paalam.

Sabay-sabay pagalit ganadong-ganadong

Isa-isa dahan-dahan

SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 3
1. Epiko 6. isa-isa
2. Darangan 7. dahan-dahan
3. Pang-abay na Pamaraan 8. ganadong-ganadong
4-5. Mga supernatural na gawa ng bayani, 9. pagalit
pag-ibig at romansa, kamatayan at pagkabuhay atbp. 10. sabay-sabay
Aralin 4

PANUTO: Ibigay ang hinihingi ng bawat patlang sa pahayag.

1. ___ uri ng tulang patnigan na paligsahan tungkol sa singsing ng isang dalagang


nahulog sa dagat.
2. ___ uri ng tulang patnigan na paligsahan na may tauhang bilyako at bilyaka.
3. ___ bagay na ginamit ng hari bilang parusa sa nahatulan sa larong Duplo.
4. ___ ang nagpapasimula sa paligsahang karagatan.
5. ___ dito ginaganap ang paligsahang karagatan.

PANUTO: Basahin ang sumusunod na pahayag at tukuyin ang katumbas na kahulugan ng mga may
salungguhit na eupemismo.

6. Si Jose ay may gatas pa sa labi kaya’t hindi niya agad napasagot si Juana sa kanyang
panliligaw.
a. wala pa sa tamang panahon c. bata pa siya
b. hindi kapansin-pansin d. marami pang dapat pagdaanan

7. Hindi niya napigilang umiyak nang sumakabilang bahay ang kanyang asawa.
a. iniwan ng asawa b. namatay ang asawa
c. nangapitbahay d. lumipat ng tahanan

8. “Malayo sa bituka yan.” Ang nasambit ni Karen ng makita niya ang gasgas sa braso ng
kanyang kapatid.
a. malala b. maayos c. nakakatakot d. hindi malala

9. “Itaga mo sa bato! Makakapagtapos ako ng pag-aaral.” Ang wika ni Aby kay Alice.
a. kalimutan b. ipagwalang bahala c. tandaan d. alalahanin

10. Mistulang natuklaw ng ahas si Elma nang makita niya ang kanyang idolo.
a. natulala b. natuwa c. nasaktan d. nag-alala

SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 4

I.1. Karagatan II.6. C.


2. Duplo 7. A.
3. Palmatorya o Tsinelas 8. D.
4. Isang Matanda 9. C.
5. Sa isang bakuran ng isang bahay 10. A.
Aralin 5
PANUTO: Basahin at unawain. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ayon sa tula, ano ang mensaheng nais ipaabot ni Bonifacio sa bayan ?


2. Ano ang tonong nais palutangin ng tulang “Pag-ibig sa Tinubuang Lupa”?
3. Ilang taludtod mayroon ang tula?
4. Anong pahayag ang kadalasang nagtataglay ng sukat at tugma sa bawat taludtod?
5. Ito ang pagkakasingtunugan ng mga huling pantig sa bawat taludtod. Anong elemento ng tula ito?

PANUTO: Bigyang-kongklusyon ang mga sumusunod na pahayag:

6. Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya sa pagkadalisay at pagkadakila gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa?
a. Ang pagmamahal sa bayan ay nakahihigit sa iba pang uri ng pagmamahal.
b. Ang pag-aalay ng buhay para sa bayan ay tanda ng pagkabayani.
c. Walang hihigit pa sa pagkadakila kundi ang ibuwis ang sarili para sa bayan.
d. Ang magbuwis ng buhay para sa bayan ay tanda ng kawalang pag-asang lumaya.

7. Tubig niyang malinaw na anaki’y bulog, bukal sa batisang nagkalat sa bundok, malambot na huni ng matuling asam,
nakakaaliw sa pusong may lungkot.
a. Lubos na nakapapawi ng hirap ang makita ang ganda ng bayan.
b. Ang Pilipinas ay mayaman sa kalikasan.
c. Tunay na nakabibighani ang ganda ng Pilipinas.
d. Ang yaman ng Pilipinas ay siyang layon ng mananakop.

8. Baya’y inaapi bakit di kumikilos? At natitilihang ito’y mapanood.


a. Natatakot ang mga Pilipinong lumaban at magbuwis ng buhay.
b. Ang mga Pilipino ay tila pipi’t bingi sa nagaganap sa bayan.
c. Walang nangangahas na manguna sa laban.
d. Hindi pa handa ang mga Pilipinong lumaban.

9. Saan magbubuhat ang panghihinayang sa paghihiganti’t gumugol ng buhay, kung wala ding iba na kasasadlakan
kung di ang lugami sa kaalipinan?
a. Higit na paghihirap ang manatiling alipin.
b. Walang pupuntahan ang lahat kundi ang maging alipin.
c. Higit na dakila ang mamatay na may dangal kaysa manatiling alipin na walang ginagawa.
d. Walang katiyakan ang buhay sa piling ng mga dayuhan.

10. Ampunin ang bayan kung nasa ay lunas pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.
a. Ipaglaban ang bayan upang guminhawa ang lahat.
b. Rebolusyon ang lunas upang guminhawa ang lahat.
c. Ang rebolusyon ay hindi para sa sarili lamang laban.
d. Kumilos at bigyang-lunas ang sakit at paghihirap ng bayan.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. Pag-ibig sa bayan 6. A.
2. Pagmamahal 7. A.
3. 48 taludtod 8. B.
4. Tula 9. C.
5. Tugma 10. A.
Aralin 6

PANUTO: Basahin at unawain. Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anong uri ng tuluyan ang huling nakakita ng liwanag sa mga akdang pampanitikan na
naglalaman ng mga opinyon at saloobin ng sumulat tungkol sa isang mahalagang paksa o
isyu?

2. Uri ng sanaysay na tinatawag ding impersonal na tumatalakay sa mga seryosong paksa, Ano
ito?

3. Anong uri ng sanaysay ang tinatawag ding personal na sanaysay na tumutukoy sa magaan na
paksa?

4. Tungkol saan ang sanaysay na isinulat ni Dr. Jose Rizal?

5. Ilarawan ang damdaming nangingibabaw sa sanaysay na binasa.

PANUTO: Suriin batay sa tiyak na uri ng sanaysay ang mga mungkahing pamagat ng sanaysay.

6. Si Papa at Mama

7. Bakit Nagkakaroon ng Climate Change?

8. Ang Laki sa Layaw: Aral ng Buhay

9. Ang Politika sa Pilipinas

10. Isang Gabing Pagninilay

SUSI SA PAGWAWASTO
Aralin 6

1. Sanaysay 6. Di-pormal
2. Pormal na sanaysay 7. Pormal
3. Di-pormal na sanaysay 8. Pormal
4. Tungkol sa katamaran ng mga Pilipino 9. Pormal
5. Pagpapaalala 10. Di-pormal
Aralin 7
PANUTO: Basahin at unawain ang tula. Sagutin ang mga tanong batay sa pagkakaunawa sa binasa.

INOSENTE

Nagtampong kalikasan
Sa kurakot ng bayan
Ang walang kasalanan
Ang pinaghigantihan

1. Ang tinutukoy ng salitang “Inosente” sa tula ay _____.


a. kasalanan b. bayan c. kalikasan d. kaibigan

2. Ayon sa saknong ng tula, nagtampo ang kalikasan dahil sa _____.


a. mga gawa ng tao c. kasakiman
b. paghahangad ng kayamanan d. nais maghiganti

3. Ang tonong nais palutangin ng tula ay _____.


a. galit b. pagmamahal c. pagtatampo d. poot

4. Ang tula ay binubuo ng ___ na taludtod.


a. 7 b. 4 c. 8 d. 5

5. Ang tula ay nagtataglay ng sukat na ___.


a. 7 b. 6 c. 8 d. 5

PANUTO: Suriin at tukuyin ang mga nakatala sa kasunod na mga kahon kung alin ang tanaga at haiku.

6. 7. 8.
Puno ay sanga Palay siyang matino, Gabing tahimik
Bisagra ay talahib, Nang humangi’y yumuko; Sumasapi sa bato
Kandado’y suso. Nguni’t muling tumayo Huning-kuliglig
Nagkabunga ng ginto.

9. 10.
Hila mo’t tabak… Magsikhay ng mabuti
Ang bulaklak nanginig Sa araw man o gabi
Sa paglapit mo… Hindi mamumulubi
Magbubuhay na hari

SUSI SA PAGWAWASTO
1. C. 6. Haiku
2. A. 7. Tanaga
3. C. 8. Haiku
4. B. 9. Haiku
5. A. 10. Tanaga

You might also like