You are on page 1of 1

ILANG TULOG PA BA? (PASKO NA!

)
titik ni Edith Gallardo
musika ni Moy Ortiz
inawit ng The CompanY
mula sa CD na “Christmas CompanY”
http://lyrics4me.blogspot.com/2005/12/ilang-tulog-pa-ba-pasko-na.html
http://www.opm.org.ph/registry/song_profile.php?song_id=11890

1
Kanta nang kanta, ensayo nang ensayo,
awiting pamasko'y di pa rin kabisado.
Sige lang nang sige kahit wala sa tiyempo.
Malapit na kaming magkaroling sa inyo.

2
Bilang nang bilang ng inipong pera.
Kabado man sa gastos ngunit tayo'y maligaya.
Bili pa nang bili ng kung ano-ano.
Alin nga bang regalo'ng ibibigay sa'yo?

KORO:
Ilang tulog pa ba? Malapit na malapit na!
Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Ilang tulog pa ba? Darating na.
Usok ng putobumbong--nalalanghap ko na.

Ilang tulog pa ba? Heto na heto na!


Ilang tulog pa ba ang paskong masaya?
Di na hihiling ng kung ano-ano:
mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko

3
Hamon at keso'y malapit nang ihain;
kay tagal nang binili, hulugan pa man din. (Aray!)
Di bale nang medyo gipit basta't tayo'y maligaya.
Ang masayang pasko'y hinihintay ko na.

4
Kalembang nang kalembang ang kampana—kay lakas!
Batian nang batian ng “meri krismas!”
Lahat ng masalubong ay may ngiti sa labi.
Kahit nagtatampuhan ay nagkakabati.

(Ulitin ang KORO)

CODA:
Huwag mong bibilangin ang tulog sa tanghali,
Sasapit ang paskong pagkadali-dali.
Magigising tayo sa tuwa't ligaya
Ilang tulog pa ba? Pasko na! Pasko na!

(Ulitin ang KORO)

Di na hihiling ng kung ano-ano:


mahalin mo lang ako, ayos na ang pasko
Ilang tulog pa ba? Ilang tulog pa ba?
Pasko na!

You might also like