You are on page 1of 81

You

Got
KISSED!
Written by Kharu435

All Rights Reserved. No part of this story should be changed or tampered without
the author�s consent. Please do not claim as your own story. All parts of this
story are fictional. Note that the names of the characters, time, place and events
are story bound. Thank you. ^_______^

(c) 2012-2013 l Wattpad l kharulovesyou.yolasite.com


PROLOGUE

Every story has its ending.

As for my, I mean, OUR story, I can say that we already had a happy ending.
I love him and he loves me, absolutely.

My father got promoted in work; he was designated to another location far from
home, forcing us to migrate. It pissed me off, BIGTIME. I had to transfer school
and mingle with new set of people, and leave my DAMN HOT boyfriend behind.

But guess what?


My boyfriend came with us. We�re still together. See how he loves me? ^__^

Now we�re on the same school. I thought my new life here wouldn�t be as hard as I
expected it to be, because I�m with my prince.

Until one day,

I kissed the WRONG guy.

1st

�Baaaaaaaaaaaaaaaaaaabe!! Kinakabahan na �kooo!� Reklamo ko.

Nasa tapat na kami ng gate ng bago naming school. Kinakabahan talaga ako!!

Heck, it�s our last year in high school at ngayon pa kami napa-transfer!!

�Babe, Ano ka ba! Okay lang �yan, kasama mo ako.� And there goes his overwhelming,
heart-melting, captivating and mouth-watering smile. Charot. Hihi.

Bakit nga ba ako masyadong naga-alala? I still have him with me.

This dazzling guy beside me is Jon Aldrin Villarba, my husband, I mean, boyfriend.
Haha!

Thankful talaga ako at siya ang naging boyfriend ko. Sumama pa talaga siya sa pag-
migrate ng family ko. Nakikitira lang siya sa bahay ng Tita niya.

Nag-punta kami sa may bulletin board kung saan naka-post ang sections. Buti nai-
tour na kami dito nung nag-enroll kami, kasi bukod sa kulang ako sa sense of
direction eh malabo pa yung mata ko. Hindi ko pa naman suot ngayon yung contact
lenses ko. Nasa bag. Katamad kunin. Haha!

�Here it is!!!� He exclaims, �Sabrine Verceles-Villarba!!�


�Weh?! Yun talaga ang naka-lagay??!!� Lumapit ako para Makita ko nang malinaw.

I looked at him and he is wearing his naughty grin.

�Gotcha.� He says.

�Argh. Advanced ka masyado!! Gusto mo na agad gamitin ko apelyido mo!!�

�Syempre. Can�t wait.�

Hihihi. Ang sweet talaga niya. Kahit matagal nang kami (1 year and three months),
araw-araw nafo-fall pa rin ako sa kanya.

Hinanap namin yung room namin.

Ang laki pala ng campus na �to. Mga 15 mins. pa bago namin nakita yung room namin.
Buti na lang at maaga kami, hindi pa kami late.

Pumapasok na kami (nang magka-holding hands. XD) sa room. I can see different
expressons from our new classmates� faces. May mukhang nagulat, kinikilig, curious
at meron din ilang mukhang nai-inggit. Hahaha.

We manage to smile before taking out seats. Syempre magka-tabi kami. Hoho.

Since hindi naman ako bulok sa pakikipag-socialize, May ilan na rin akong naka-
usap. Yung mga malalapit sa upuan namin, nagsi-lapitan sa amin at ininterview kami.
Karamihan mga babae, tinatanong kami about sa relationship namin. Trending agad
kami. Mwahaha.

Si Aldrin naman, niyaya nung mga guy classmates namin na makipag-kwentuhan muna sa
kanila. Pinayagan ko naman kasi iba pa rin kapag may kaibigan siyang lalaki dito.
Ang galing, ang babait ng mga bagong kaklase namin!

�Alam mo, ang gwapo nung boyfie mo!! Bagay kayo!!� Agad na nagsalita si Phoebe
(siya yung naka-upo sa likod ko) nung naka-layo na si Aldrin.

�Hehe.. Hanggang ngayon nga tinatanong ko pa rin ang sarili ko kung bakit nga ba
naging boyfriend ko siya..�

�Oooh? Ang cute naman! Gaano na ba kayo katagal?� Tanong naman ni Janet. Nag-form
na sila ng circle pa-ikot sa�kin. Err, para akong nasa hot seat nito eh.

�One year and three months na..� Mukha silang nagulat.

�TALAGA? AMAZING!!!� Sabay-sabay sila.

�Alam mo kasi, sa school na �to, uso ang kada isang linggo eh break up na.. Lalo na
sa section 3! Nandun kasi yung mga hearthrob talaga. The Casanova types. Laking
tuwa nga namin na dumating si Aldrin dito, may hot din na na-pasok sa section
namin. Haha!! But don�t worry, he�s all yours.� Mahabang sabi ni Ria. Dami ko nang
kilala! Haha!
Magta-tanong pa sana sila nang panibago nung biglang dumating ang teacher naming.
Whew! English class for the first period.

�Wow, nakikita kong pinapa-kisamahan niyo naman pala nang maayos ang mga new
members ng klase natin. Good morning.�

�Good Morning, Mrs. Ronquillo� They say in chorus. Syempre, hindi pa kami ni
Aldrin. �Di pa namin kilala eh. Hahaha.

�So, to the new students, please introduce yourselves.� Sabay na kaming pumunta sa
unahan.

�Ako na lang magsa-salita..� Bulong ni Aldrin sa�kin.

Aldrin clears his throat.

�Uhmm, Hello! I�m Jon Aldrin Villarba. Just call me Aldrin. I�m seventeen years
olde. My girlfriend, Sabrine Verceles, sixteen years old,� He puts a hand around my
shoulder, making me blush. I see my girl classmates smile teasingly, and the boys
mouthing �Go Bro!� to Aldrin. �is a daughter of a successful businessman who works
in a famous company. He was designated here, so their family had to migrate. And
because I love this girl beside me to bits, I decided to come here with them since
my parents have a friend who lives here. I stay there for the mean time. So.. Yeah.
Hope me and Saab will enjoy a year with you.�

Nag-cheer ang klase para sa�ming dalawa. Nakakahiya!!

Pero ang sweet. Haayyyy.

Syempre, pag-balik namin sa upuan eh ina-asar kami nung mga kaklase namin. Haha!
Nag-start na ang introduction sa subject namin. Ganoon na rin ang nangyari sa mga
sumunod na klase. After two more periods, break time na.

�Babe, tara na.� He smiles at me.

�Uhmm, Babe, una ka na muna. Hahanapin ko na muna yung contacts ko.. Andito lang
yun sa bag eh..� I say while digging into my bag.

�Ah, sige, intayin lang kita dyan sa labas ha..� He kisses me on the cheek.

Asaan na ba kasi yung contacts ko? Nilagay ko yun sa bag eh.. Dapat pala sinuot ko
na nung umaga pa lang..

After two minutes at hindi ko pa rin nakikita, sumuko na ako. Haha. Baka nai-inip
na si Aldrin. Hindi naman siguro ako mamamatay pag lumabas ako papunta sa canteen
nang walang contacts. Isa pa, pakalat-kalat lang diyan sa labas si Aldrin. Haha!

Nung maka-labas ako sa classroom, hinanap ko kaagad si Aldrin. Ugh. Ang daming tao!
Mas lalong nahihilo yung mata ko.
Napa-lingon ako doon sa isang corner na wala masyadong tao. There! I can see him
na! Kahit nakata-likod siya alam ko naman na siya yun. Hihi.

Naglakad na ako papunta sa kanya. Gutom na �ko!

Nung maka-lapit ako, ini-harap ko kaagad siya sa�kin. Hinawakan ko ang mukha niya,
tumingkayad tapos ki-niss ko siya sa lips. Smack lang no! Haha! Ganito talaga kami.
Tsaka wala naman masyadong tao eh.

�Hey Baaaabe! Tara na sa canteen! Gutom na �ko!! Hindi ko makita yung contacts
ko..�

Hindi gumagalaw si Aldrin.

Teka nga.

Tinitigan ko nang matagal yung lalaking nasa harap ko. Since sobrang lapit namin sa
isa�t-isa at hawak ko pa rin ang mukha niya, malinaw yung vision ko sa kanya.

WAIT. WAIT A FISHIN� MINUTE.

HINDI ITO SI ALDRIN!! HINDI ITO ANG BOYFRIEND KO!!!!!! Omigosh! Nakaka-hiya!! Ang
stupid ko!!

Lumingon kaagad ako sa paligid at tiningnan ko kung nasa paligid si Aldrin. Ayokong
magalit siya dahil lang sa mata ko. Huhu.

And I soon as I am sure that it�s safe, dumistansya kaagad ako sa guy na nasa harap
ko, na mukhang nasa state of shock pa rin, pati yung mga kasama niya sa likod.
Grabe na �to. Nakita kami nung barkada niya. Waaah!

�Hey, uhh.. Dude!! Hahaha! Sorry ha? Akala ko kasi ikaw yung boyfriend ko!! �Wag mo
nang dibdibin! Smack lang naman yun eh! Sa gwapo mong yan hindi masisira ang
reputation mo kung ma-kiss ka ng isang stranger. Ahehe. Sige ah? Sorry ulit! Sorry
talaga!! Kalimutan mo na lang yun! Hehehehe!! Babye!!� nagta-takbo na ako papunta
sa canteen habang pinupukpok yung ulo ko.

Ang engot mo talaga Saaaaaab! Grabe na!! Feeling ko tuloy nag-taksil ako sa
boyfriend ko!! Huhuhuhuhu!! Grabe na �to!!!

Promise talaga, hinding hindi na ako aalis nang bahay nang walang suot na
contacts!!
2nd

Kung buburahin natin sa history yung �ACCIDENTAL� kiss namin nung guy na yun,
sobrang okay na ng araw ko.

After classes kasi, nag-date pa kami ni Aldrin at tumambay sa bahay na tinitirhan


niya ngayon. Ang bait mga ni Tita Diane sa�min kahit na family friend lang siya
nina Aldrin.

Pero sobrang guilty pa rin talaga ako. �Di ko naman masabi kay Aldrin. AWKWAAARD.
�Di ko naman kasi sinasadya at lalong hindi ko ginusto. Ba�t kasi ang labo ng mata
ko! Pakiramdam ko nag-taksil ako!

Kahit pa sobrang good-looking nung guy na yun na na-kiss ko, nai-inis pa rin ako
no! Mahal na mahal ko kaya si Babe. Paano kung may girlfriend pala yung guy na na-
kiss ko tapos sugudin ako? Wag naman!!

�Baaaaaaaaaaaaaaabe.� May naramdaman akong kumikiliti sa tagiliran ko. Nung


tiningnan ko, si Aldrin pala. Naka-pout. *explodes*

�B-bakit?� See? Kahit kami na ganyan pa rin ang epekto niya sa�kin.

�Hindi mo naman ako pina-pakinggan eeh. Breaktime na!!� He says, still pouting.

Hinawakan ko yung pisngi niya, �Aww. Sorry, babe.. may ini-isip lang ako..�

�Ganun? May iba ka nang ini-isip bukod sa�kin?� Ginaya niya yung ginawa ko sa
kanya.
�Haha! Kulit mo. Sige na, shoo na. Kain ka na. Sabay ka na kina Carlo.�
Pinagtabuyan ko siya kunwari.

�Ayaw mo kumain?�

�Gusto. Ayoko lang lumabas ng room. Hehe.�

�Tamad mo. Ano gusto mo?�

�Yeeee! Ibi-bili niya ako! Haha! Thanks, Babe!�

Dinikit niya yung noo niya sa noo ko.

�Dito ka lang ah? I love you.� Tapos umalis na siya.. Pagkatapos niya akong
halikan nang mabilis.

Iba pa rin talaga kapag galing sa kanya yung halik. Para akong lumulutang!!

�UY!! NAKITA NAMIN YON!!!� Biglang may sumigaw sa backdoor.

�Phoebe naman!! Nakaka-gulat ka!!� Sigaw ko.

�Haha. Ang cheesy niyo kasi!! Anyway.. May chika ako!!!�

Agad naman kaming nag-form ng circle paikot sa kanya. Tsismosa eh. Haha.

�Alam niyo bang for the second time.. May naka-break na ng golden rule ni Drei??�
Natulala sila saglit.. Tapos maya-maya lahat sila naging hysterical na.

�Teka, teka!! Hindi ako maka-relate!!!� Saka lang sila tumigil.

�Ay. Oo nga pala. Sige, iku-kwento ko sayo.� Huminga nang malalim si Phoebe.
�Andrei Laroza. Drei ang tawag sa kanya ng lahat. Siya lang naman ang hottest guy
sa campus, isa sa mga sinabi kong Cassanovas ng Class 3. Simula nung mag-transfer
siya rito naging heartthrob na kaagad siya. Sobrang cold nga lang niya.. At may
pagka-violent. At alam mo bang sa buong buhay niya.. Isa pa lang ang nagiging
girlfriend niya?�

�Talaga? Bakit naman?� Tanong ko.

�Daphne Gutierrez ng Class 1. Ganito kasi, nung orientation nung year na nag-
transfer si Drei rito, sinabi niya yung rule niya, which is, kung sino lang yung
babae na magagawang mahalikan siya, yun ang ide-date or magiging girlfriend niya.
Kaso.. sabi ko nga sayo violent siya. Kung gusto mo siyang mahalikan.. Kailangan
ilagan mo ang mga sampal niya.�

�Nananampal siya????!� Nanlaki naman ang mata ko. Tumango lang silang lahat. Grabe
naman!!

�Pero dahil nga sobrang gwapo niya, marami pa rin ang naga-attempt.. At nasa-
sampal. Tapos one day, nakita na lang ng buong campus na si Drei mismo ang humalik
kay Daphne sa school fields. And then the next day, sila na. Ang bilis ng
pangyayari pero nagtagal sila ng one year. At nag-break lang sila dahil ayaw ni
Daphne ng distraction sa paga-aral. What a nerd.�
�Wow. Ang ganda siguro nung Daphne no?� Tanong ko. Aba! Na-inlove sa kanya yung
drei no!

�Hmm.. Maganda, oo. Pero hindi sobra. Ewan ko nga kay Papa Drei. I�m here naman.
Pero ayokong masampal no! Hahaha!�

�Hmm. Eh ano yung sinabi mong second rule-breaker?� Ang interesting ng topic! Haha!

�Walang naka-kita kahit sino kung sino yung girl, pero yung barkada mismo ni Drei
ang nag-announce. Ang swerte nung girl! Grabe!!�

Whoa! Ano kayang strategy ang ginamit nung girl? Nakaka-kilabot isipin na
masasampal ka dahil lang dun.. Ano kayang itsura nung Drei? Hmm.

�Omigosh!! Dadaan sila!! Andyan na sina Drei!!!!!� Nag-sigawan ang classmates ko.
Tinuro nila yung corridor. Since malapit ako sa bintana at naka-eye glasses na ko
ngayon, malinaw kong nakikita ang mga tinuturo nila.

At unti-unti..

Na-realize ko kung sino yung tinutukoy nila. Especially now that we are looking at
each other�s eyes. He has this mischievous smirk and a very, very dark aura. Noon,
alam ko na.

I am the second rule-breaker.

3rd

DREI�s POV.

Nakaka-aliw na makitang gulat na gulat siya. Transferee siya kaya siguro hindi niya
ako kilala.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha niya. Siya pa lang ang pangalawang babae
na naka-halik sa�kin nang wala akong kalaban-laban. Gulat na gulat ako nun eh.
Parang nawala yung talas ng pakiramdam ko.

Parang wala lang sa kanya yun, nag-sorry at ngumiti pa sa akin pagka-tapos niya
akong halikan. Binalewala niya.

Well, sorry. Pero hindi siya makaka-takas. Rules are RULES.

Pag-pasok namin sa room, nag-palakpakan lahat. Pasimuno si Emman, kabarkada ko.


Tss.

�O, mga bugok, tama na!! Haha!! I-celebrate na lang natin ang na-devirginezed lips
ni Drei, for the second time!!! Woooo!!!�

Nag-sigawan silang lahat at nag-labas ng kanya-kanyang alak galing sa mga bag nila.

Ganyan sa section namin. Puro lalaki.

Umupo sa tabi ko si Emman.

�Sabrine Verceles, dude. Nickname, Saab. Class 2. Transferee galing Batangas. Anak
ng isang mayamang businessman, at eto malupit. May boyfriend �tol!! Kasama niyang
lumipat dito!! Ang sweyt!! HAHAHA!!�

Oooh. May boyfriend pala siya ha? Interesting.

�Aldrin Villarba ang pangalan ng boyfriend niya. Class 2 rin.� Dagdag ni Nuke,
kabarkada ko rin.

�Wala akong paki-alam.� Sabi ko sabay ngiti.

�Yaaaaan.. Nacha-challenge si Bossing!!�

Nakaka-challenge naman kasi talaga eh.

Kaya pala wala siyang pakialam kung nahalikan man niya ako. Malabo siguro ang mata
niya at akala niya ako ang syota niya. Or maybe she�s one of the flirts out there.

Pero sabi ko nga, RULES are RULES.


May kabayaran ang bawat halik ko. Ang dami ko na kayang nasampal nang dahil dito.

And you are bound to get your prize, Sabrine Verceles.


4th

SAAB�s POV.

What to do, what to do??!!!


Nakaka-panic na �to!!

Na-kilala niya kaya ako? Naka-eyeglasses naman ako tsaka naka-puyod..

Kaso tinitigan niya ako!! Malamang nakilala niya ako. Waa!

Eh ano naman? Hindi naman kesyo na-halikan ko siya eh required na akong i-date siya
�di ba? Mag-antay na lang ulit siya ng ma-diskarteng girl. Psh. Akala ko ba
magaling siyang umiwas? Ang hina-hina ko naman tapos bakit hinayaan niya lang akong
ma-halikan siya?

Sabagay, pag nagkataon baka na-sampal niya pa ako. Pero. Waaaa!!

May Babe na ako!! Manigas siya!!

�Hoooy Saab!! Ikaw na lang ang tulala diyan, ano ka ba!!?� Noon lang ako na-tauhan.
Bumalik na ako sa upuan ko at sakto namang kababalik lang din ni Aldrin.

�Oh, ba�t ganyan pagmu-mukha mo?� Sabi niya sabay abot nung mga pinabili ko.

�Wala. Nevermind!! Ang dami lang kasing maa-angas sa mundo.� Sabay kagat sa
sandwich ko.

�Lika nga rito.� Sinandal niya ako sa balikat niya.] tapos hinalikan niya yung
buhok ko. �Maangas din naman ako ah? Ibig sabihin nai-inis ka rin sa�kin?�

�Sus. Ikaw naman ang nagi-isang maangas na love na love ko.� Nag-ngitian kami.
Hihihi.

Naalala ko tuloy yung simula ng love story namin.

Crush na crush ko siya nun kahit freshmen pa lang kami. Sikat na rin kasi yan eh.
Kahit first year lang siya halos kaging-tangkad na niya yung mga fourth years.
Gwapo pa siya at magaling mag-piano.

Hindi ko naman akalain na nung second year eh liligawan niya ako, pagka-tapos
niyang mag-propose in public sa awarding ng Mr. Intrams ng former school namin.
After a month sinagot ko rin siya. Eeeeeh! Nakaka-kilig!

Ang laki ng effort ko para lang kay Aldrin �no. At hinding-hindi ko hahayaang
masira lang yun ng isang accidental kiss.
***

�Babe, tara na.� Aya sa�kin ni Aldrin pagka-tunog ng bell. Kinuha niya yung
backpack at filecase ko, dalawang bag na naka-sakbat sa likod niya.

�Hala! Lockers muna tayo.. Iiwan ko yung iba kong gamit tutal wala anamn tayong
assignments.. Mabibigatan ka..�

�Nakuu. Thoughtful talaga ng girlfriend ko oh.� Pi-nat niya yung ulo ko.

�Uy, CR lang ako ah. Babalik ako kaagad.� Sabi niya pagkarating namin sa lockers.

Pagka-bukas ko ng locker ko, nagulat ako kasi may papel dun, eh wala pa naman akong
nilalagay na kahit ano sa locker ko.

Baka love letter? Oh my.Iba na talaga pag maganda. JOKE. Haha.


Buti na lang umalis si Aldrin. Baka-magselos. Wahaha.

Pag-basa ko, isang sentence lang ang laman.

�You�ll be getting your reward. That�s a promise.�

Uhh. Reward? Alam kong mabait ako pero, reward? That�s too much. Ahaha! Ano ba
�yan. Ang ambisyosa ko na.

Baka nanti-trip lang. Psh.


Tinapon ko na lang yung papel. Creepy eh. Dumiretso na kami pauwi ni Aldrin.

***

*Message tone*
1 message received.

Nakuu. Si Aldrin talaga. �Di ako matiis. Sabi nang goodnight na eh. Hangkuleeet.

Pero nagulat at kinilabutan ako sa nabasa kong text, at the same time, nagalit.
From: 0907*******
Simulan mo nang kalimutan ang boyfriend mo. Sooner or later, you�ll be with
another guy. :)

5th

�Babe? Sigurado ka bang okay ka lang?� Bigla akong ngumiti.

�Oo naman, Babe.�

�Weh? Eh ba�t parang kulang na lang umusok �yang ilong mo sa galit?�

Sino ba naman kasi ang hindi maba-bad mood sa mga ganoong texts?

Sigurado akong yung Drei na �yun ang may pakana nang lahat ng yun. Ano bang akala
niya? Para siyang pulitiko at lahat ng batas niya kailangan sundin ko? Golden rule
my butt!!
Nakaka-inis talag! Hindi niya alam kung paano ako mainis!!

Hindi ako lumabas ng classroom nung araw na �yon. Ayokong makita siya at nagi-isip
din ako ng pwedeng gawin.

Sabagay, bago pa lang ako sa campus na �to. Ayokong may maka-bangga or maka-away
kaagad ako.

Siguro naman hindi pa siya nai-inlove sa�kin �di ba? Wala namang masama kung
makikipag-kaibigan na lang ako?

Try ko lang. Malay natin gumana!!

�Uy.� Kinulbit ko si Aldrin. Uwian na.

�Oh?�

�Una ka nang umuwi. Mayaasikasuhin pa �ko, importante lang at kaya ko nang mag-
isa..� Seryoso kong sabi.

�Ganun?� Nag-pout pa siya. Ang kulit. �Sige. Basta magi-ingat ka ah? �Wag kang
magpapa-gabi tsaka magte-text ka sa�kin..�

�Yes, boss.� Cool talaga ng boyfriend ko.

Nag-ayos na ako ng sarili ko pati mga gamit ko.

Sinilip ko muna ang corridor. Nung masiguro kong walang tao, lumabas na ako.

Kung tama ang sinabi ni Phoebe, tuwing uwian eh tumatambay sina Drei sa
abandonadong Economics Room sa third floor. Sana makita ko sila.

Umakyat na ako since sa second floor ang room namin. Nakaka-kilabot pala sa school
kapag wala nang tao!!!

Maya-maya, may narinig akong tawanan. Huli kayo!!

Binuksan ko nang malakas yung pinto at nagulat sila. HA! BEHOLD!

�Hoy!! Andrei Laroza!!!� Sigaw ko.

�O, tara na mga P�re. Bigyan natin sila na quality time.� Sabi nung isang lalaki
tapos lumabas na silang lahat. Na-iwan kami ni Drei.

Naka-upo siya sa isang arm chair tapos naka-patong yung paa niya sa isang lamesa.
Psh.

�Hey there, BABE.� Nag-init lalo ang ulo ko.

��Wag mo nga akong tawaging �BABE�!! Hindi kita boyfriend!!�


�Hindi PA.� Tapos nag-smirk siya. Ugh. Patience, Saab. Patience.

�Look. MAY. BOYFRIEND. NA. AKO.� Tumingin lang siya sa�kin.

�So?� Napa-face palm ako sa reaction niya.

�May boyfriend na nga ako!! At ayokong mag-participate sa rule mo na �yan! Mag-


intay ka na lang ulit ng makaka-halik sa�yo!!!�

�Unfair naman yun sa mga nasampal ko na.�

�Mas sasaya pa nga sila kasi hindi kita magiging boyfriend!! Available ka pa rin!!�

�Magde-date lang naman tayo eh...� Lumapit siya sa�kin tapos tinapat niya yung
bibig niya sa tenga ko. �Hindi natin ipa-paalam sa syota mo..�

Kinilabutan ako at na-sampal ko siya.

�Para sabihin ko sa�yo, mahal ko si Aldrin at hinding-hindi ko siya lolokohin para


lang sa�yo!!� Sigaw ko. Maya-maya, nag-smirk na naman siya.

�Unang sampal na na-tanggap ko mula sa isang babae..� Natakot ako sa tingin niya,
kaya napa-atras ako. Habang siya naman, lapit nang lapit.

�Ah!! S-sorry!! N-nabigla lang ako!! Ah... Ano!! Friends na lang tayo, gusto mo??�
Wala na kong alam na sabihin eh!!

Natigilan siya, tapos maya-maya, tumawa siya nang malakas. Hala. Baliw.

�Hindi ako nakikipag-kaibigan sa mga babae.� Sabi niya.

�Hindi raw!! Eh nagka-girlfriend ka na nga eh! Yung si Daphne?� Tumingin siya nang
masama. Yung bibig mo, Saab!!!

�Lumabas ka na.� Hala, nagalit yata!

�P-pero...�

�GET OUT!!!� Nagulat ako sa pag-sigaw niya.

Pero sorry, matigas ang ulo ko.

�Problema mo ba? Bitter ka rin eh!! Alam mo, hindi kesyo nasaktan ka ng babae, eh
lahat na ng babae sasaktan ka!! Paranoid ka na eh!! Basta ako, simula ngayon,
kaibigan mo na ako!! Got it??� Medyo natulala siya, pero agad naman siyang naka-
recover at bumalik din yung smirk niya.

Inabot ko ang kamay ko. Tiningnan lang niya kaya ako na ang kumuha ng kamay niya
para makapag-shake hands kami.

��Di na ako magpapa-kilala. Number ko nga alam mo na eh. Pangalan ko pa kaya? O


sige, babayoo, NEW FRIEND!!!� Iniwan ko siyang naka-tulala pero hindi ko
makakalimutan na bago ako tuluyang maka-labas sa kwartong �yon..

Nakita ko siyang naka-ngiti.


6th

*1 message received*

Napa-ngiti ako.

From: Pareng Drei XD


Para sabihin ko sayo, hndi ako ang ngtext nun.

Napa-tawa ako. Ang FC ng contact name no? Pare kaagad. Haha!! Ka-text ko nga siya.
Pinanindigan ko na.

Ina-asar ko siya tungkol dun sa text na sinend niya nung isang gabi, yung
kinainisan ko? Pikon naman siya. Haha!!

To: Pareng Drei XD


Sus. Di raw sya. Eh number mo un eh!!

*1 message received*

From: Pareng Drei XD


Si Emman nagtxt nun. Sht.

Napa-hagalpak ako. Grabee!! Ang pikon niya talaga!! Hahaha!!


Oha, Prends na talaga kami!

*1 message received*

Akala ko si Drei ulit, yun pala si Babe. Na-miss ko siya kaninang uwian.

From: Babe <333


Uy, tulog na tayo. Sbay tyo pumasok bkas. Miss kita eh. Goodnight. Love you.

Ahee! Kinilig na naman ako. Tinext ko na si Drei.

To: Pareng Drei XD


Oo na, naniniwla na. Bka umiyak ka pa e. Haha! Osya. Tulog na si boyfie, tulog
na rin ako. Goodnight! :)

At isa pa, antok na rin ako. 11Pm na kaya! Naka-tulog ako habang ina-antay ang
reply niya.

***

Pagka-gising ko, nag-pray muna ako tapos binuksan ko na inbox ko. May text pa si
drei kagabi.

From: Pareng Drei XD


Bangungutin ka sana.

Napa-tawa ulit ako. Ang kulit!


Grabe, hindi ako maka-paniwalang kinaya ng powers ko maging friend ang isang
katulad niya!!

Friends na nga kami, tapos safe pa kami ni Aldrin. Sayaaaa.

Sinundo ako ni Aldrin. Nag-kwentuhan kami, tapos kinuwanto ko rin sa kanya na may
new guy friend ako. Syempre �di niya nilagyan ng malisya yun.

Nung nasa school na kami, sinilip ko room nina Drei pero wala pa siya.

Sayang. �Di ko siya maa-asar kaagad. Haha!

Tinext ko kaagad si Drei pag-pasok ko sa room.

To: Pareng Drei XD


Late ka na! Haha. Good Morning. :))

Ang FC! Haha.

�Babe ha, nagse-selos na ako.� Naka-tingin na pala si Aldrin sa phone ko.

�Eto naman, nag-selos kaagad. Eto na oh, ita-tago ko na cp ko.� Tinago ko nga yung
phone ko, kahit alam kong nagjo-joke lang sya.

Maya-maya, nag-sigawan na sa corridor. Andyan na sina PARE. Haha!

Nung dumaan sila, tumingin pa sa�kin nang masama si Drei. Pikon oh. Haha! Ang cute!
Sarap isigaw na, �Oy! Pare ko yan!!� Haha!

***

Nung uwian, napansin namin na nagku-kumpulan ang mga studyante sa may lockers.
Nakita namin sina Phoebe kaya lumapit kami.

�Phoebe, anong meron?�


�OMG! May leakage ng photo ni Drei, kasama si Mystery girl!! Open your bluetooth
na, dali!!� Excited na sabi ni Phoebe.

Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Seryoso ba �to?

Drei.. Akala ko pa naman..

Seconds later, Phoebe looked at me with disbelief. Napa-pikit ako.

�My gosh!! I can�t believe nakipag-siksikan ako para lang makita yung likod ng
girl!! Bummer!!� Sabi niya.

Ako nga yon. Kahapon, nung nakikipag-usap ako kay Drei. Buti hindi nakita yung bag
ko kahit naka-talikod ako!!

Hinila ko kaagad palabas ng campus si Aldrin.

***

To: Pareng Drei XD


Akala ko pa naman kaibigan na talaga kita.

Message Sent.
7th
SAAB�s POV.

Masyado lang siguro akong natuwa kasi naka-usap ko siya, kaya akala ko kaibigan ko
na siya.

Grabe. Para lang sa rules niya at para lang sa ikasi-siya niya, magagawa niyang
siraan ako sa buong school at sa BOYFRIEND ko? Okay, muntik lang. Pero kahit na!
Parang warning yung binigay niya sa�kin eh.

Warning na kahit kelan, hindi ko matatakasan yung nagawa ko.

Sobrang disappointed ako sa kanya. Ni �Sorry� hindi niya masabi o mai-text man lang
sa�kin.

Papunta na ulit ako sa school, at sobrang wala pa rin sa mood. Alam kong by this
time nag-cool down na yung issue tungkol sakin.. Pero ako hindi pa. Nasira yung
tiwala ko sa kanya eh.

Pagkarating ko sa gate, nakita kong pababa ng gate si Aldrin. Ngumiti naman siya
kaagad.

�Morning!!� Sabay halik sa pisngi ko.


�Uuy! Kayo palang dalawa!!� Biglang sumulpot si Mashi, classmate ko, sa likod namin
at mukha siyang lutang.

�Morning, Mashi!! Okay ka lang?�

�H-ha? Syempre naman! Hehe. Tara, pasok na tayo?� Tumango naman kami ni Aldrin.

Bago kami mag-lakad, napa-lingon ako sa may pedestrian lane. Nandun si Andrei
Laroza. Naka-tingin nang masama sa boyfriend ko.

Agad ko namang hinawakan ang kamay ni Aldrin para makita niya. Medyo nagulat si
Andrei, tapos maya-maya, ngumiti siya. At masama ang kutob ko sa ngiti na yun. Para
bang galit siya?

Inirapan ko siya at hinila ko na sina Mashi at Aldrin papunta sa room.

Pagka-upo ko, nag-vibrate ang phone ko.

From: Andrei Laroza


Meron ka ba?

What the? Ano bang tanong �to? Ang kapal niya ha!! Bastos!!

Akala niya ba wala lang sa�kin yung pinagkalat niya? Kahit na likod ko lang yun,
napaka-laki ng at risk kapag may nakakilala sakin!

Hindi ko siya ni-replyan. Sinubukan ko na lang na mag-concentrate sa lessons.

***

Natapos ang klase at luckily, pumasok naman sa utak ko lahat ng lessons. Lagi rin
akong kinukulit ni Aldrin.

Kung wala si Babe, siguro ang lungkot-lungkot ng bawat araw ko. Masaya talaga ako
at boyfriend ko siya. Kaya masyado akong sensitive pagdating sa relasyon namin.

Pauwi na kami ni Aldrin, kaso yung pantog ko, sasabog na.

�Uhh. Una ka na lang muna sa gate.. CR lang ako..�

�Ah. Sige, antayin kita ah?�

I did my thing, nag-ayos ng konti tapos lumabas na ako. Nasa third floor �to.
Pagka-labas mo, makikita mo yung lumang economics room. Naalala ko na naman.

Habang naka-tingin ako doon, may tunog ng mga silyang natutumba. Hala.. Totoo kaya
yung mga ghost stories dito??

�Sino bang nag-bigay ng permiso sa�yo na ipag-kalat yun?!!!� Galit na galit yung
boses na nangga-galing sa room. Parang si... Drei?
Sumilip ako ng konti tapos nakita ko yung si Emman na naka-handusay sa sahig at
dumudugo yung sa bandang noo niya. Si Drei naman mukhang galit na galit..

Teka.. �Di ba mag-kaibigan sila? Bakit sila naga-away?

Sabagay. Akala ko rin mag-kaibigan kami ni Drei eh.

�Eh ano bang problema mo? Kelan ka pa kumontra sa pranks ko? At kelan ka pa nagalit
dahil sa babae? Hindi ko naman pinakita yung itsura niya �di ba?? Ang praning mo,
dude!!� Sabi ni Emman.

�Kahit na! Ang usapan natin, �wag niyo siyang papakialaman, at walang lalabas na
kahit anong tngkol sa kanya!!!� Teka.. Yung pinagu-usapan ba nila ay yung..

�Alam mo, hindi kita maintindihan eh. Pero sige. �Di ko na uulitin yun. Bahala ka
na.�

�Good. Hayaan niyo na lang si Verceles. G*go ka rin eh.� Itinayo ni Andrei si
Emman. Nag-titigan sila, Tas maya-maya, tumawa sila pareho.

Mga baliw. =__=

Teka. Ang cute pala tumawa ni Andrei. Haha!!

Pero wait!! Edi ibig sabihin.. Si Emman ang pasimuno sa picture leakage at hindi si
Drei? Nakaka-hiya naman...

Ako lang pala yung nag-kulang sa tiwala. Naging judgemental ako. Nakaka-hiya
talaga!

�Hey, dude. Nasa pintuan pala chiks mo e. Osiya. Sibat na ako. Langya ka. Ang sakit
nung sinuntok mo. Ge.� Tapos sinuntok niya ng mahina sa dibdib si Drei.

Nung umalis si Emman, Dead air na.

�Oh ano. �Di ba sabi ko babae lagi ang nangi-iwan sa ere? Tss.� Nilampasan niya
ako. Mas lalo akong na-guilty sa sinabi niya. Hinabol ko siya.

�Drei!! Sorry talaga.. Akala ko kasi.. Ikaw yung nagpa-kalat nun, kasi �di ba sabi
mo wala akong takas? Basta sorry talaga!! Babawi ako sa�yo.. I�m really sorry..�
Naluluha kong sabi. Nakaka-inis kasi. Napaka-dali kong nagawa yung conclusion na
siya nga yung nagkalat kahit wala naman akong ebidensya..

�Tss. Whatever.� Sabi niya. Akala ko iiwan na niya ako, pero nagulat ako nung
nilagay niya yung kamay niya sa may ulo ko. �Ayoko talaga sa inyo. Tara na.�

Tapos sabay kaming bumaba. Natuwa ako sa gesture na �yun.


Peace na ba kami? Eh naka-smirk na ulit siya eh..

Pagkadating namin sa gate, napansin kong nawala yung ngiti niya, at mukhang nagalit
siya nung makita niyang naga-antay si Aldrin.

�Ah.. Drei, si Aldrin boyfriend ko.. Babe, si Drei, yung friend ko..� Nakaka-ramdam
ako ng tension. Ano ba �yan!!

Nag-offer ng kamay si Aldrin, pero nagulat ako kasi bigla na lang umalis si Drei
nang walang sinasabi.

Ano ba yan! Bipolar talaga si Drei!

�Hala.. Pag-pasensyahan mo na ah? Masungit talaga �yun..� Sabi ko.

�Halata nga eh. Bastusan. Tara na.� Hinawakan na niya yung kamay ko. Mukhang na-bad
mood si Babe..

Pero kahit ganun, gumaan yung pakiramdam ko.

Kasi alam kong hindi pa rin pala nabawasan yung mga kaibigan ko.

Nandyan pa rin pala si Drei.

Si Pareng Drei.

8th

SAAB�s POV.

Simula nung nalaman kong hindi naman si Drei ang nag-kalat nung picture, bumalik na
yung tiwala ko sa kanya, at nadagdagan pa.

Kasi imagine, nasuntok at nasigawan niya yung bestfriend niya dahil sa�kin. Haba ng
hair ko. Hahaha! JK.

Kahit pa may mga information na kumalat tungkol sa �Mystery Second-Rule-Breaker�,


hindi na namin pinapakialaman since alam naming tsismis lang yun. Madalas nga
tinatawanan na lang namin ni Drei, kasi ang layo-layo ng description nung mga
tsismosa sa totoo kong itsura!!
May nakapag-sabi ngang sobrang pangit daw nung naka-halik kay Drei kaya hindi nila
kayang ipakita sa buong school population. Syempre, pikon na naman si Drei. Haha!!

Sa pag-daan ng mga buwan, naging close talaga kami ni Drei. May mga oras na
natatakot pa rin ako na one day, ituloy niya pa rin yung tradition niya sa�kin.
Hanggang ngayon kasi, wala pa ulit nakaka-halik sa kanya.

I swear muntik na akong mapa-sigaw nung isang beses na nakita ko kung paano siya
manampal ng babae.

Pinagalitan ko nga siya nun. Nung una kasi wala lang sa�kin.. Pero nung nakita ko
na, hindi ko kinaya.

Kaya ang ginagawa ko, sa tuwing may nababalitaan akong maga-attempt na halikan si
Drei, gumagawa ako ng paraan para hindi siya matuloy. Pero minsan may nakakalusot
pa rin sa�kin. Well, I did my part. Hahaha!

Masasabi ko ngayon na parang bestfriend ko na si Drei. Kahit na moody siya at


madalas masungit, masarap din �yan kasama.. Pero syempre hindi pwedeng palagi ko
siyang kasama kasi baka mag-selos si Aldrin.

Kahit na this past few weeks eh madalas wala si Aldrin, kasi umuuwi raw siya sa
Batangas. Napapa-dalas nga eh. Naga-alala ako, baka may problema na sa bahay nila.
Pero sabi niya wala lang daw yun.

�Pare naman eeh! Apat na buwan na tayong mag-kaibigan pero ni minsan hindi mo pa
ako nilibre. Paano mo nagagawa �yan?� Page-emote ko. Nasa may lumang E.R. kami.
Breaktime ngayon at wala si Aldrin kaya sa kanya ako sumama. Eh syempre kapag
nakita kaming magkasama issue na naman yun, kaya dito na lang kami kumakain kapag
sabay kami.

�May pera ka naman ah. Ano ka, palamunin ko?�

�Aray naman!! Palamunin talaga!! Syempre may pera ako!1 Pero syempre iba pa rin
kapag libre. Hehehe. Sige naaaa!� Sinundot-sundot ko tagiliran niya. Kahit wala
naman siyang kiliti.

��Tol, baka mag-wala na �yan dito. Ilibre mo na! Haha!� Sumbat ni Emman.

�O, kita mo!! Agree sa�kin si Emman!! Dali na!!�

Napa-kamot sa ulo si Drei at mukang nai-inis na. Haha!

�Sige nga, kung ililibre kita, paano kung may makakita sa�tin na magkasama? Mag-
isip ka nga!!�

Napa-pout na lang ako.

�Ay. Sige na nga. Ako na lang mag-isa ang bibili sa canteen. Bye.� Sabay walk-out
ko. Andrama! Haha!
�Sht naman oh.� Bulong ni Drei. Oyeah, it�s working! Hahaha!! �Akin na yang shades
at cap mo, Nuke. Humanda ka kapag may nangyaring hindi maganda, Sabrine.�

�Oh, yes sir!! Hahaha!!� Sabi ko. Ang galing!! Ang lakas ko talaga kay Pareng Drei.
XDD

Sinuot na niya yung cap at shades. Natakpan naman yung mukha niya. Nag-suot din
siya ng jcket. Haha! Kung hindi lang siya gwapo, mukha na siyang snatcher. Crush ko
na nga s Pare eh. Pero crush lang syempre. Haha.

Bumaba na kami. May mga napapa-tingin kay Drei pero hindi naman sila nagta-tanong.

Nung nasa canteen na kami, pina-bili ko kaagad lahat ng gusto ko. Aba! Minsan lang
man-libre �to!! Lulubusin ko na! Hahaha!

Nakaka-miss tuloy si Aldrin. Hayy. Akala ko sabi niya papasok na siya ngayon..

�Oh, ga-bundok na nga �yang binili mo, naka-simangot ka pa rin? Anong gusto mo?
Lollipop?� Tingnan mo �to. Ginawa pa �kong baby.

�Tse. Nami-miss ko lang si Aldrin. Huhu.�

�Corny mo. Bitbitin mo lahat �yan. Ako na nga nag-bayad.� Tapos nagsiretso na nga
siya sa pagla-lakad.

Pag-tingin ko, magta-time na pala. Naku. Ang dami pa naman nito. Hahaha. Hanggang
bukas na yata �to eh!

Umakyat na ako sa room, mukhang naka-pasok na rin sa room niya si Drei.

Pag-pasok ko, nagulat ako nung nandun na si Aldrin. Waaaaaa! One week siyang
nawala. Huhu.

�Babe!!!� Sigaw ko. Medyo nagulat lang ako nung nakita kong magka-tabi sila ni
Mashi.

�Uy!! Babe!!� Pumunta siya sa�kin. �Andami naman ng dala mo ah. Tara upo na tayo,
magta-time na! Haha. Na-miss kita.� Kinuha niya yung mga dala ko, tapos umupo na
kami sa upuan namin. Si Mashi bumalik na rin sa upuan niya.

�Nagpa-turo ako ng lessons kay Mashi. Buong break kasi wala ka eh..� Sabi niya. Ay!
Nagpapa-turo lang pala. Nag-selos kaagad ako. Haha. Ewan ko ba.

�Ah! Sorry, kasabay ko sina Drei eh..� Medyo nawala yung ngiti niya.

�Ah. Okay.� Tapos biglang dumating yung teacher namin. Naku. Nainis yata si
Aldrin..

Hanggang ngayon naman kasi parang hindi sila okay sa isa�t-isa ni Drei.
Sana maging okay na sila.

Nung uwian, napag-kasunduan namin ni Aldrin na magde-date kami. Hihi.. Na-miss ko


siya.

�Ah, Babe, kumusta naman sa Batangas?�

�H-ha? Ah.. Ayun. Okay naman. Bumisita ako sa bahay namin. Tsaka nag-sight seeing
na rin.�

�Nakaka-miss ang Batangas!! Minsan sabay tayong bumisita dun ah?�

�Ah.. Sure.� Sabi niya, tapos inakbayan na lang niya ako. Ang tipid niya yata mag-
salita ngayon ah?

Pumasok kami sa isang restaurant. Nung nasa table na kami at dumating na yung order
namin, napansin kong panay ang text niya.

�Babe, sino katext mo?� Sabi ko.

�Ah. Si Mommy. Kinu-kumusta ka rin niya.�

�Talaga?? Pa-text ako, dalii! Ako na magre-reply!!!�

�Ah, wag na!! Ako nalang, ano ba sasabihin mo?� Inilayo niya pa sa�kin yung
cellphone niya.. Nagulat ako pero.. Sige. Baka wala lang siya sa mood.

�S-Sige.. Sabihin mo okay lang naman ako.. Tsaka kumusta rin sa kanya..� Tumango
lang si Aldrin.

Hindi ko alam pero nai-iyak ako. Para kasing... Ang layo niya sa�kin ngayon? Ayoko
na ngang isipin! Baka pagod lang siya sa byahe.

Hinatid niya pa rin ako hanggang bahay namin.

�Thanks, babe! Na-miss talaga kita..�

�Ah. Na-miss din kita.�

�Babe.. Okay ka lang ba? Bakit parang.. Wala ka sa mood ngayon?�

�Ha? Paanong wala sa mood?� Nag-lakad ako palayo at sumunod naman siya. Lumayo lang
kami nang konti sa bahay.

�Ewan ko ba, Aldrin.. Basta kanina.. Feeling ko hindi mo na ako mahal.. Ang adik
no?� Sabi ko. Nai-iyak na ako. Ano ba �to! Baka naman masyado ko lang pinapa-laki!

�Ano bang sinasabi mo? Syempre naman mahal kita! Kung anu-ano naman ini-isip mo
eh..� Niyakap niya ako galing sa likod.
Humarap ako sa kanya, tumitig ako sa mga mata niya. Hindi ko mabasa ang ini-isip
niya..

�Totoo ba �yan? Hindi kasi ako sanay na tahimik ka..�

�Sorry na.. Napagod lang ako sa byahe..�

Nagka-titigan kami.. Unti-unti, napansin ko na nagla-lapit na yung mga mukha namin,


hanggang sa nag-lapat na yung mga labi namin.

We shared a kiss. Long, passionate and sweet. Binuhos ko yung pagka-miss ko sa


kanya sa kiss na �yun.

Pagka-tapos nun, nag-paalam na siya.

Pagka-pasok ko sa kwarto ko, napa-hagulgol na ako ng iyak.

Yes, that kiss was passionate and sweet.

But I didn�t feel the same amount of love we used to have.

9th
SAAB's POV
Ilang araw ang nagdaan pagka-tapos nung 'araw' na yun, okay naman kami ni Aldrin.
Normal lang.

Normal lang ba talaga?

Ang sakit-sakit na kasi ng nararamdaman ko.

Alam kong wala naman akong sapat na dahilan, o basehan sa nararamdaman ko e.


Tanging "instinct" ko lang ang pinanghahawakan ko. Mali ba na pag-dudahan ko siya?
Ni minsan naman, hindi ako nawalan ng tiwala sa kanya e..

Kahit ngayon na nasasaktan ako. Hindi nawawala yung tiwala ko sa kanya. Hindi ko
alam kung bakit pero, baka nagkaka-mali lang naman ako. Siguro paranoid na lang ako
kasi matagal na kaming hindi nagkikita..
Nanggaling na mismo sa kanya na MAHAL niya ako e. We kissed pa nga. Siguro nung
hindi ko naramdaman yung dating nararamdaman ko kapag nagk-kiss kami, kasi nanibago
lang ako.. Kasi matagal kaming di nagka-lapit nang ganun. Di ba? Love is about
trust nga raw, sabi nila.

Pero kahit ganun..

Natatakot ako. Sabi nila, naabot na raw namin yung average length ng relationship
na naabot ng age group namin. Eh, hindi naman yun ang basehan nun, di ba?

Magta-tagal pa naman kaming dalawa, di ba?

Hay. Ang dami kong tanong na alam ko namang wala ring makaka-sagot, kung hindi
siya. Mahal na mahal ko talaga siya.. Na kahit isipin ko pa lang na mawawala siya
sa'kin, parang namamatay na kaagad ako.

OA na kung OA, pero yun ang totoo.


Hindi ko naman matanong sa kanya nang harapan, kasi baka magalit or mainis siya.
Hay! Baka nga kasi praning lang ako!

"Bwisit naman e. Imik ako ng imik dito tapos yung kausap ko lumilipad na naman kung
saan ang utak." Nagulat ako nung may biglang mag-salita sa tabi ko. Hala, kausap ko
nga pala si Pare.
"Eh. Sorry Drei. Alam mo naman kung bakit e.."
"I-break mo na kasi."
Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
"AGAD NA??"
"Itsura mo. Hahaha." Napa-ngiti ako nung tumawa siya. Ina-absorb ko pa rin kasi na
isa ako sa mga taong nakaka-kita ng ngiti niya. "Kausapin mo kasi nang masinsinan.
'Pag ako nainis, ako na susuntok dyan."
"Aww. Nakaka-tats ka, Pare." Teary eyed pa ko nyan.
"Oh. Wag kang assuming. Nari-rindi lang ako sa kaka-ngawa mo dyan."

"Hmp. Panira ng moment." Sumandal na lang ako sa balikat niya. Walang malisya 'to
ah. Parang bestfriends na rin naman kaming dalawa. Sumandal din siya sa ulo ko.
Sweet :")
"Eh kung ituloy na lang kaya natin yung RULE ko?"

"DREI??!!!!"
"O, Chill. Haha. Osiya. Balik na ko dun. Bahal ka na maglinis ng kalat dyan. Takaw-
takaw mo. Bye." Tapos umalis na siya.

Habang nagli-linis ng lumang Economics room, napa-isip ako.

Paano nga kaya kung na-tuloy na lang yung 'rule' ni Drei sa akin?
Posible kayang nahulog na ako sa kanya?
Posible kaya na mahalin ko siya?
Masasaktan kaya si Aldrin?
Magse-selos kaya siya kung ituloy ko ngayon?

Ano ba 'yan. Ang sama na nung ini-isip ko. Parang gagamitin ko naman si Drei nun.
AAH! Umayos ka nga, Saab!!

Titiisin ko na lang 'to. Imbis na ubusin ko yung oras sa pagmu-mukmok ko, uubusin
ko na lang oras ko sa pagpapa-kita kung gaano ko kamahal si Babe. That way, baka
bumalik na yung dating kami, yung dating SIYA.
That way, baka mawala na lahat ng pagdu-duda ko.

Tama, titiisin ko na lang.


Kasi kung tutuusin, kaya ko naman nang wala siya e.

Hindi nga lang ako masaya. <///3

10th

SAAB�s POV

�Oh, ano? Magha-hamon-hamon ka tapos iiyak ka naman?� Sabi niya sa�kin habang
nagpi-pigil siya ng tawa niya.

�Eh malay ko bang wala ka palang kiliti!!� Sagot ko habang nagpi-pigil din ng tawa
at hinahabol ang pag-hinga.

�Hahaha!! Ang manang ng itsura mo. Yak.� Hinampas ko pa siya sa braso.

Hay, Drei. Hindi ko alam ang mangya-yari sa�kin kung wala ka sa tabi ko.

Sa mga panahong depress ako kay Aldrin, siya yung nagpapa-ngiti sa�kin.

Pero okay naman kami ni Aldrin e.

Hindi ko na naman siya nakikitaan ng mga bagay na kahina-hinala. In fact, super


sweet niya sa�kin these past few weeks. Mukhang bumabawi siya. :�)

Kinausap ko na rin kasi siya tungkol sa saloobin ko. Sobrang umiyak pa ako sa harap
niya. Medyo napahiya nga lang ako sa naging sagot niya,

***
�Ikaw naman, nagpapa-miss lang ako e! Tingnan mo nga ako..� Ini-angat niya yung
mukha ko para magka-tinginan kami. �Sabihin mo nga, gaano na tayo katagal?�

�One year and five months..�

�O, tingin mo basta-basta ko lang itatapon yun nang walang dahilan? Babe, mahal
kita. Hangga�t hindi nangga-galing sa bibig ko na hindi na kita mahal, tandaan mo
na MAHAL KITA.� Hinalikan niya ako sa noo ko.
***

Grabeeee. Mamamatay na ako sa kilig pag naa-alala ko yun. Hahaha! Napahiya ako sa
sarili ko, kasi feeling ko ako lang yung nag-kulang ng tiwala. Pero ang mahalaga,
OKAY na OKAY na kami.

Break time ngayon, hindi naka-sabay si Aldrin sa�kin kasi sabi niya may aasikasuhin
daw siya. I trust him naman. Nadala na ako e.

�Oy. Tama na. Ansakit-sakit na ng tiyan ko katatawa!� Sabi ko.

�Haha. Mas gusto kong nakikita kang nasasaktan sa kasi masaya ka..� Natigilan ako
sa sinabi niya. Napaka-out of the blue kasi!

�H-ha?� Yan lang ang nasabi ko.

�Kasi mukha kang t*nga. Sarap mong pag-tawanan. Bwahahaha.� Nahablot ko kaagad yung
hawak kong libro at nai-hampas ko sa kanya.

�Panira ka ng moment! Kikiligin na ako dapat eh!�

�Hahaha! Assuming ka kasi. O. Tara na. Magta-time na.�

Tumayo na kami. Inakbayan ko siya, kahit na hamak namang mas matangkad siya sa�kin.
Haha. Walang basagan ng trip.

�Drei.�

�Oh.�

�Salamat.�

�Ha?�

�Salamat sa lahat-lahat.� Napa-tigil siya sa pagla-lakad, kaya napatigil din ako.


Naka-akbay nga ako sa kanya eh.

�Ehem.� Napa-lingon ako nung narinig ko yun.

Agad kong inalis yung pagkaka-akbay ko kay Drei.

�B-Babe!� Napa-takbo ako kaagad sa tabi niya. Hanggang ngayon kasi, hindi pa rin
sila okay sa isa�t-isa ni Drei.. Natatakot sko kasi iba yung tingin ni Aldrin kay
Drei. Eh mainitin pa naman ang ulo ni Drei sa ganito.

�A-ah! Drei, una na kami ni Aldrin ah? Sige. Thank you!� Nagulat ako kasi pagka-
sabi ko nun hinatak na ako ni Aldrin.
Nakaka-guilty.
�Babe.. Hindi naman yata tama yun.. Hindi man lang ako nakapag-paalam nang maayos
kay Drei.�

Tumigil siya sa pagla-lakad.

�Edi bumalik ka na sa kanya!!� Nagulat ako nung sinigaw nya yun, tapos iniwan na
lang niya akong naka-tulala.

�Eh ano bang problema mo ha?!!� Napa-sigaw na lang ako. Buti walang tao dito kasi
malapit lang sa abandoned Economics Room �to.

�Tinatanong mo ba talaga sa�kin �yan ha?� Sabi niya sa�kin. Lumapit ako sa kanya.

Ewan ko ba, nagi-init ang ulo ko. Kasasabi ko lang na okay na kami e!

�Oo! Ang labo e. Bakit bigla ka na lang nagalit? Dahil kasama ko si Drei? Matagl ko
nang sinabi na kaibigan ko siya! BESTFRIEND ko siya!�

�BESTFRIEND mo LANG siya, at BOYFRIEND mo ako!�

�Teka nga, ano bang pinu-punto mo, ha? Wala naman kaming ginagawang masama! Bakit
ikaw, kahit marami kang ka-close na babae, nagre-reklamo ba �ko? Nagagalit ba �ko?
Di ba hindi naman? Si Drei na nga lang yung nalalapitan ko kapag may problema ako
sa mga pagkakataong WALA KA SA TABI KO eh!�

�Bakit naman na-punta sa�kin ang usapan? �Wag mo ngang isumbat sa�kin yon! Nasabi
ko na sa�yo dati, bahala ka kung anong gusto mong isipin! Bwisit!� Pagka-sabi niya
nun, iniwan niya ako ng tuluyan.

Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako. Eto yata yung unang beses na nag-away
kami ng ganito, yung nagkaka-sagutan at sigawan talaga.

Hindi ko naman isinu-sumbat sa kanya yun e.. Hindi ko rin intensyon na maging
ganun.

Bakit ba hindi niya maintindihan? Oo, alam kong nagse-selos siya. Pero, patas pa ba
�yun? Ako nga, kahit sobrang nasaktan ako nung akala ko nagkaka-labuan na kami,
hindi ako umimik. Hindi ako nagreklamo. Tapos siya, ganito? At alam niyang
bestfriend ko si Drei!

Naramdaman ko na lang na may yumakap sa�kin. Mas lalo akong napa-iyak.

�G*go yun a.�

�Drei..�
�Shh. Iyak ka lang. Kahit pangit ka kapag umiiyak.�

�Drei, please..� Tinulak ko siya nang marahan para maalis yung pagkaka-yakap niya
sa�kin.

Nakita kong nagulat siya.

�Drei.. Alam kong alam mo naman kung anong nangyari �di ba..�

�Oo. Walang tiwala sa�yo yung syota mo. Tapos akala mo napaka-linis niya?!�

�TAMA NA!� Natigilan siya, �Tama na, Drei.. Alam mo naman kung gaano ko siya
kamahal �di ba?�

Hindi siya sumagot. Naka-tingin lang siya sa�kin.

�Mahal na mahal ko siya, at hindi ko kayang magalit siya sa�kin.� Habang tinutuloy
ko yung gusto kong sabihin, bumibigat yung dibdib ko. Nasasaktan ako.

Then, nasabi ko yung mga salitang kahit kelan, hindi ko akalaing lalabas sa bibig
ko.

�Kaya please.. Layuan mo muna ako..�

11th

One. Two. Three. Four.

Four days na nalulungkot ako, four days na hindi kumpleto ang araw ko, at four days
na nagsisisi ako sa nasabi ko.

Apat na araw na kaming hindi nagu-usap ni Drei. Miss na miss ko na siya..

Pero dahil sa pag-iwas ko sa kanya, nagka-ayos kami ni Aldrin.

Grabe. Feeling ko, kinailangan kong pumili sa kanilang dalawa. Sobrang hirap. Napa-
lapit na ako kay Drei e. Tsaka, totoo siyang kaibigan..

Ang sistema namin ngayon, walang pansinan, walang text-an.. Kapag magkaka-salubong
kami ni hindi man lang siya titingin sa�kin.

Siguro, na-offend ko talaga siya sa sinabi ko.


Nakakapanghinayang.

Promise, Drei. Kapag nakausap ko nang maayos si Aldrin, hindi na natin kailangang
mag-iwasan.

Ang sakit kasi sa pakiramdam nung, alam mong halos naging bestfriend mo na talaga
yung tao, tapos biglang back to zero kayo? Parang ang laki-laki ng kulang sa buhay
ko ngayon.

Ang advantage nga lang, palagi na kaming magkasama ni Aldrin ngayon. Mas naging
sweet pa siya, at mas naging thoughtful.

Palagi niya akong hinahatid at sinusundo, sinasabayan sa pagkain, tinetext ot


tinatawagan. Yung iba iniisip pag ganito na, nakakasakal.

Ako, hindi. Mas lalo ko siyang minamahal.

Yun kaya yung purpose ni Drei sa buhay ko? Yung para mapatunayan ko na mahal ako ni
Aldrin?

Na kaya kami umabot sa ganito na kelangan naming layuan ang isa�t-isa, eh para
maging maayos kami ng boyfriend ko?

Mahirap ding isipin e. Sobrang napa-lapit na nga si Drei sa�kin.

�Babe, alam kong na-pagod ka sa Algebra period natin. Hahaha!� Sabi ni Aldrin
pagka-labas ng teacher namin. Break time na.

�Kelan ba hindi? Haha! Pero okay lang. Buhay pa naman ako.�

�Syempre. Hahayaan ko ba namang mamatay ka?� Sabay pisil sa ilong ko.

�Nakuuu. Bobolahin mo na naman ako. Hahaha! Tara, baba na tayo.�

�Tara.� Automatic na hinawakan niya ang kamay ko at ni-lock ito sa kamay niya.
Sweet. :�)

Pag-dating namin sa canteen, natigilan ako kasi nakita ko si Drei. Eh, hindi naman
yun bumababa sa canteen, unless pinilit ko siya.

�Saab. Tara na, bumili na tayo.� Naalis yung tingin ko kay Drei nung nag-salita si
Aldrin.

�A-Ah. Oo. Sorry.� Yun lang ang nasabi ko. Parang nairita siya nung nakita niyang
naka-tingin ako kay Drei e.

Habang nasa pila kami at naka-focus ang tingin ni Aldrin sa menu, panakaw akong
lumingon kay Drei.

Nagulat ako nung nakita kong marami siyang binili, pang-dalawang tao. �Di naman
siya nanli-libre ng iba bukod sa�kin eh..

Ah, baka gutom siya ngayon.

Feeling ko, napa-lingon siya sa�kin kaya napa-iwas ako ng tingin at sakto namang
gumalaw na rin yung pila.

Ang hirap sa feeling nung alam mong may hindi pumapansin sa�yo.

Well.. Hiniling ko �to sa kanya e.

Umakyat na kami agad ni Aldrin sa room pagka-bili namin ng pagkain.

Nung malapit na akong matapos sa pagkain ko, dumating sina Phoebe na mukhang may
bago na namang tsismis.

�Grabe nga e. Ang tagal na nung huling napa-away sila!� Narinig kong sabi nina
Phoebe.

Pinuntahan ko sila. Likas na tsismosa e. Haha.

�Ano yun?� Sabi ko pagka-lapit ko sa kanila.

�Naku! Ayun, yung class C, Napa-away na naman after a looooong time! Last last
month pa yata yung huli nila, di ba? And last time, halos may mapatay na sila..
Lalong-lalo na si Drei..�

Parang nanigas yung buong katawan ko noon at muntik ko nang mabitawan yung bote ng
tubig na hawak ko.

�H-ha? Napa-away sila ULIT? Saan? Bakit daw?�

�Sa class E yata. Kung bakit? Hindi ko sure pero mukhang dahil yata sa kay Daphne.�

Natigilan din ako nung narinig ko yun.

�Daphne? Yung ex ni Drei?�

�Oo. Ang sabi, nakita raw nina Drei na binabastos nung ibang taga-class E si Daphne
kasi nagka-inuman sila. Eh sinugod daw ni Drei kaya sumama na yung buong class C.
Balita ko na-ospital halos kalahati ng population ng class E. Halos puro lalaki rin
dun e..� Sabi ni Ria.

�Tama! Edi, ibig sabihin, may feelings pa siya kay Daphne?�

�Oh eeeeem! Revelation �toooo!�

Hindi ko na masyadong naintindihan yung mga sinabi nila.


Basta ang alam ko, kumirot yung dibdib ko nung nalaman kong halos makapatay na
siya.

At bumigat nang sobra yung dibdib ko nung narinig ko na yung dati niyang girlfriend
ang dahilan. Bakit? Bakit ganito?

�Oh my gosh. I guess, may proof na yung mga pinagtsi-tsismisan natin! Tingnan niyo!

Agad naman naming tiningnan yung tinuturo ni Phoebe sa labas ng room.

Walking on the corridor, side by side, were my BEST FRIEND and his EX-GIRLFRIEND.

Lalo pang bumigat yung dibdib ko nung nakita kong hawak ni Daphne yung ilan sa mga
biniling pagkain ni Drei. Para sa kanya pala yun.

�Sila na ba ulit? Wow ha.� Rinig kong sabi ng mga kaklase ko na lalo pang nagpa-
sama sa nararamdaman ko.

Hindi ko gusto yung naramdaman kong �to. Hindi ko maipaliwanag.

Ano �to?

Pakiramdam ko, may pumipiga ng puso ko.

12th

SAAB�s POV.

Tumunog ang bell at pumasok na ulit kaming lahat sa classroom.

Hindi ko maintindihan. Ano ba �tong nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako?

Nag-simula na ulit ang klase at talagang lumilipad ang utak ko. Naguguluhan talaga
ako.
Ah, siguro kasi hindi na ako yung kasama ni Drei. Siguro kasi bestfriend nya ako,
tapos iba na ang kasama niyang ginagawa yung ginagawa namin dati. Masakit talaga
yun, di ba?

�ANO BA?!� Nagulat ako nung marinig kong sumigaw si Aldrin. Hindi ko man lang
namalayan na nasa may gate na pala kami ng school.

�H-ha?�

�Iniisip mo na naman ba yung DREI na �yon? Nakita mo lang na may kasamang babae,
nagka-ganyan ka na? Ano ba �to, gag*han ha, Saab?!�

Sobra akong nagulat sa biglang pagta-taas ng boses ni Aldrin. Mas malala pa �to sa
mga nakaraang pagta-talo namin.

�A-ah, hindi naman sa ganun, ano ka ba!� Hinawakan ko siya sa braso niya, pero
tinabig niya lang ang kamay ko.

�Babe...� Hindi niya ako tiningnan at nag-lakad siyang palayo sa akin. Ulit.

�Kausapin mo na lang ako kapag nakapag-isip ka na.� Sabi niya sa�kin, walang
emosyon.

Balak ko sanang habulin siya, pero natigilan ako.

�Haha! Ano ka ba, wala �yun.� Naka-rinig ako ng pamilyar na boses. SOBRANG
PAMILYAR.

�Anong wala? Sobra-sobra �yun no. Super thank you talaga, Andy..� Pagka-rinig ko
nun, parang automatic na lumingon yung ulo ko sa pinanggalingan nung mga boses.

Sa �di kalayuan, nandun sila. Si Drei at si Daphne.

At kung itatama nga naman talaga sa pagkakataon, saktong-sakto yung pag-lingon ko


sa pag-halik ni Daphne sa pisngi ni Drei.

Yung pakiramdam ko nang mga oras na �yun, sobrang hindi ko maipaliwanag!

Halos ganun yung naramdaman ko noong nagdu-duda ako kay Aldrin. Mas malala nga lang
�to, kasi siguro harap-harapan kong nakita.

Eh, teka. Bakit ba ako nagkaka-ganito? Iba si Drei.. Iba siya kay Aldrin..
Napa-takbo na lang ako nun.

Si Aldrin.. Hindi ko na makita si Aldrin..

Wala akong magawa kundi umuwi sa bahay, tutal wala naman akong pupuntahang iba.

Napa-higa kaagad ako sa kama, at tumulo kaagad yung mga luha ko.

Ayoko ng pakiramdam na �to.. Ayoko talaga. Ayoko na ganito ang epekto ni Drei sa
akin.

Mahal ko si Aldrin, mahal na mahal.

Si Drei, bestfriend ko �yun. Mahalaga siya sa akin..

Pero bakit pakiramdam ko ngayon..

Obligado akong pumili ng isa LANG sa kanila?


13th

DREI�s POV.

Akala ko, bato na ako.

Akala ko, hindi ko na kayang maramdaman yung mga naramdaman ko dati.

Yung mga naramdaman ko sa unang babaeng minahal ko, na iniwan ako sa ere dahil
�distraction� daw ako.

Akala ko, siya yung papaikutin ko sa mga palad ko, lalo na at bago lang siya sa
teritoryo ko. Pero lintek, ako pa yung napaikot niya, ako pa yung nahulog sa
kanya..

Ang tanga ko kasi gusto ko si Sabrine Verceles ngayon.

Yung kaisa-isang babae na tumanggi sa�kin, at yung kaisa-isang babae na hindi ko


makuha.

Bakit ganun? Hindi ko siya kayang sulutin? Kung tutuusin, ang laking lamang ko dun
sa g*gong syota niya.

Ayoko na lang magbato ng kung anu-ano, kasi alam kong wala ako sa lugar at hindi ko
talaga ugali ang makialam sa buhay ng iba.

Paano nga ba nag-simula �tong lintek na pakiramdam na �to? Basta paggising ko isang
araw, siya na lang ang laman ng isip ko.

Hindi ko na babanggitin lahat, dahil napaka-baduy. Nakaka-suka.

Basta ang alam ko, nagpapaka-tanga ako sa isang babae na nagpapaka-tanga rin sa
iba. Galing no? Tangahan lang?
Dati pinagtatawanan ko lang yung mga nasa ganitong sitwasyon e.

Nakakatawa naman talaga. Alam na ngang may syota, yun pa ang gugustuhin. Alam na
ngang may mahal na iba, mamahalin pa rin. Martir lang. Nakaka-g*go.

Tapos mangyayari rin pala sa�kin? Ilabas niyo nga �yang tinatawag niyong �kupido�
at papaslangin ko. Pana ng pana, duling naman.

At ako? Ako na hinahabol ng sandamakmak na babae?


Ako na naka-sampal na ng maraming babaeng nagtangkang humalay sa�kin?

Ha! Kalokohan.

Kaya nga hinahayaan ko lang siya e. Hinahayaan ko lang siyang magpaka-martir.


Hinahayaan ko lang siyang ituring ako bestfriend niya. Bestfriend LANG.

Yung g*gong syota niya naman, Pweh!

Akala mo kung sino. Kung hindi lang dahil kay Saab, matagal ko nang napa-tikim yun
e. Ang angas.

Itong si Saab naman, ang bilis bumigay pagdating sa Villarba�ng yun! Konting drama
lang nung hayop, maya-maya kinikilig na naman!

Ano ako, panyo niya? Tuwing iiyak siya ako ang sasalo ng luha niya?

Oo, baduy. Nakakadiri. Nakakasuka.

Pero para sa kanya, nagawa ko.

Para sa kanya, nalulunok ko yung pride ko. Binababa ko pati tingin ko sa sarili ko,
at at tingin ng tropa ko sa�kin. Pati pagkalalaki ko, naaapektuhan na.

Nung nakaraan, sabi niya sa�kin layuan ko raw siya.

Yung pakiramdam ko nun, higit pa sa pakiramdam kapag nahahampas ako ng bakal sa


tuwing makikipag-away kami.

Parang na-bakla ako nun, hindi ako maka-imik, hindi ako makapag-wala.
Pinanuod ko lang na mag-lakad siya palayo sa�kin.

Sige lang. Akala niya yata hahabulin ko siya e. Hindi ko kailangang gawin yun.

Nung isang araw, napadaan kami sa bakanteng lote malapit sa school. May nakita
kaming grupo ng mga lalaki na taga-kabilang school. Mga itsura pa lang patapon na.
Partida, naka-talikod pa �yun nung nakita namin. Kaya likod pa lang nila patapon
na. Paano pa nung humarap na?

Lalo na at nung humarap sila, yung takot na mukha ni Daphne ang una kong nakita.

Nag-init ang dugo ko nun. Parang bumalik yung mga panahon na yung mukha ni Daph ang
kaisa-isang dahilan para gumana ang buong katawan ko.

�Mga �tol. Alam niyo na.� Senyas ko sa tropa ko. Agad naman naming natalo yung mga
nambabastos kay Daph.

Tahimik kami nun, walang umiimik. Aalis na sana kami, pero nagulat ako nung may
yumakap sa likod ko.

�A-Andy..� Bulong niya. Napa-ngiti ako. Kahit paano, na-miss ko yung may tumatawag
sa akin ng ganun. �Salamat.. Ang dami ko nang atraso sa�yo..�

�Buti alam mo.� Sabi ko sa kanya, at humarap na ako.

Nung araw na yun, tingin ko nagka-ayos na kami. Hindi na kasi kami nag-usap simula
nung makipag-break siya sa�kin.

Dahil dun, naging magkaibigan ulit kami.

Nakaka-tawa lang isipin na noon, patay na patay ako sa Daphne na �to. Halos lahat
na ng makasalubong ko, inaaway ko dahil sa galit ko nung nakipag-break siya sa�kin,
lalo na at dahil lang sa pag-aaral. What a nerd.

Sakto rin naman kasi hinahanap ko yung may kasabay na makulit tuwing kakain.

Ack. Naalala ko na naman yung makulit na �yun.

Wala na rin naman akong paki-alam sa mga sinasabi ng tao sa paligid, kaya hinayaan
ko lang na sumama si Daphne sa akin paminsan-minsan.

Kaso, nagulat ako nung isang beses, hinalikan ako sa pisngi ni Daph.
�Promise, babayaran ko lahat ng atraso ko sayo, Andy. Bye.� Yan ang sinabi niya.
Hindi ko talaga maintindihan ang mga babae.

Pagka-talikod ko kay Daphne, nakita ko siya.

Nakita ko siyang tumatakbo, palayo na naman sa akin. Ganun siguro talaga. Pustahan
tayo, yung syota niya ang pupuntahan niya dun. Ni hindi man lang siya nag-abalang
tumingin sa direksyon ko.

Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko.

Ayokong hayaan ang sarili kong mahulog nang sobra. Ayokong maging t*nga nang dahil
lang may nararamdaman ako sa kanya.

Hindi naman ako maka-gawa ng paraan para makuha siya, kasi masyado siyang nakakapit
sa lalaking yun.

Pero ako si Andrei Laroza e. Hindi �yan matatabunan ng pagka-martir ko ngayon.

Kilala ako sa pagiging pala-away ko, walang tinatanggihang laban at walang


sinusukuan.

Isang pagkakamali lang, Aldrin Villarba. Isa lang, at sinisiguro kong hinding-hindi
mo na siya mababawi pa.
14th

SAAB�s POV.

The subscriber you�re calling is busy at the moment. Please try your call later. **

*sigh*

�Babe...� Nasambit ko, kasabay ng pag-tulo ng luha ko. Kahit na akala ko, naubos ko
na sila sa kakaiyak ko. Hindi talaga sinasagot ni Aldrin ang mga tawag o text ko.

Oo, ilang araw at gabi na akong umi-iyak.

Stress, depression at frustration. �Yan ang mga dahilan.

Pakiramdam ko, hindi lang si Aldrin ang nawala sa�kin e. Pati si Drei.|

Langya. Akala siguro ng iba, ang landi-landi ko na. Kasi, pareho ko silang
hinahanap. Pareho akong nasasaktan nang dahil sa kanila, at higit sa lahat, ayokong
may mawalang ni isa sa kanila.

Alam kong para na akong sirang plaka rito.

Ano bang nangyayari? Ano bang ginagawa ko? Ano bang iniisip ko?

Alam ko kasing sa nangyayari na �to, hindi lang sarili ko ang nasasaktan ko.

Kundi pati yung dalawa sa mga taong pinaka-pinapahalagahan ko.

Kailangan may gawin ako. Kailangan, ayusin ko �to.

Aware naman ako sa naf-feel ko kay Drei e. Halos ganito rin yung naramdaman ko kay
Aldrin noon..
Pero.. Hindi ko kayang bitawan si Aldrin.. At alam kong �yun ang tamang gawin.
Mahal ko siya e..

Nag-ayos ako. Pupunta ako sa bahay nina Aldrin.

Aayusin ko na �to. It�s now or never. Kahit maga-gabi na at may pasok pa kami
bukas, wala akong pakialam.

Habang papunta ako sa kanila, iniisip ko na nang mabuti yung mga sasabihin ko.
Bawat salita at pangungusap na bibitawan ko. Miss na miss ko na siya e..

Mahal na mahal ko lang talaga siya.

Naalis lang yung isip ko sa malalim na pagi-isip nang makita ko siyang nagla-lakad
pauwi. Naka-uniform pa siya.. Saan kaya siya nag-punta?

Kahit na ganoon, natuwa pa rin ako nang makita ko siya.

Tatawagin ko na sana siya, pero may nakita na naman akong isang bagay na nakapagpa-
pigil sa�kin noong halos mahawakan ko na siya.

May kasama pala siya..

Handa na sana akong tumalikod at tumakbo palayo. Sobrang sakit lang kasi na makita
siyang may kasamang iba, sa ganitong oras, at sa ganitong lugar pa.

Pero nagulat ako nung may bumusinang motor sa likod ko. Halos mahagip na ako, kaya
napatumba ako at napa-sigaw sa sakit ng pagkaka-bagsak ko sa semento. Nag-sugat pa
yata yung bandang siko ko kasi yun yung naging suporta ko para hindi ako bumagsak
nang diretso.

�Ah, Mashi. Sige, mauna ka na. Pasensya na ha. Bukas na lang tayo gumawa ng.. uhmm.
Project.� Sabi ni Aldrin, in a very casual way.

�Ow. Okay! Bye Aldrin!� Lumingon pababa sa akin si Mashi. �Bye, Saab!� Ngumiti siya
at umalis na.

Ang sakit noon para sa�kin. Nung tingnan lang ako pababa ng babaeng kasama ng mahal
ko sa mga panahong hindi ako ang kasama niya.

�Ano, bakit ka nandito?� Kahit masakit, pinilit kong tumayo mag-isa.


�Mag-usap naman tayo oh..� Pilit kong tinatago yung sakit na nararamdaman ko.
Physically, and emotionally.

�Doon tayo sa loob.� Sabi niya, hindi man lang nag-alalang magtanong kung okay ako,
o hindi.

Eto na ba �to? Magb-break na ba kami? Hindi ko pa yata kaya..

Dumiretso kami sa garden. Umupo kami doon sa bench.

�Hanggang kelan ba tayo ganito? Bakit ba tayo nagkaka-ganito?� Sabi ko, pigil ko
ang luha ko.

�Sa tingin mo?�

�Kung.. Kung dahil naman kay Drei.. Wala ka namang dapat alalahanin dun e..
Kaibigan ko lang talaga �yun..�

�Kaibigan mo? Tapos kung maka-dikit ka, akala mo siya yung syota mo?!�

�Ano ka ba!! Wala lang �yun! Hindi pa ba sapat para sa�yo na ikaw yung MAHAL ko?
Hindi mo ba ma-realize yun??�

�Sige, sabihin nating mahal mo ako. Ang tanong, AKO lang ba ang mahal mo?? HA?�

Sa sinabi niyang yun, hindi ko na napigilan ang sarili ko at nasampal ko siya.


Nasagad na kasi yung pasensya ko eh..

�Ganyan ba kababaw yung tiwala mo sa�kin, ha, Aldrin? Bakit? Sa tuwing kasama mo ba
�yang si Mashi, pinapansin ko? Kapag may katext kang iba habang magkasama tayo, at
kapag tulala ka kahit mukha na akong t*nga kaka-imik sa�yo, nagre-reklamo ba ako?
Grabe naman Aldrin!!!�

Mukhang natulala siya sa sinabi ko. Ginamit ko yung time na �yun para makapag-labas
ng saloobin ko, wala na akong pakialam kung ang sagwa pakinggan ng pagsasalita ko
dahil sa tuloy-tuloy na pag-hikbi ko.

�Sabihin mo nga, kelan ako nag-selos sa iba? Kelan kita pinagbawalang lumapit sa
iba? AT KELAN KITA PINAGBAWALANG MAGKAROON NG BESTFRIEND NA BABAE? Naisip mo ba
yun? Utang na loob, give and take naman, Aldrin! �Wag naman yung ako lang palagi
ang nagpa-pasensya at nag-papaubaya!! Babae ako, Aldrin. May feelings din ako!! A-
at kung pinagdu-dudahan mo yung pagma-mahal ko sa�yo..�

Napa-kagat labi ako. Nasimulan ko na yung sentence.. Itutuloy ko ba?

Kung sabihin niyang �Sige�.. Makakayanan ko ba?


�Mabuti pa sigurong mag-break na lang tayo..�

15th

ALDRIN�s POV.

�Mabuti pa sigurong mag-break na lang tayo..�

Naka-tayo lang siya sa harap ko, habang patuloy na tumutulo yung mga luha galing sa
mga mata niya.

�Ano? B-bakit.. Bakit hindi ka sumagot? Ayaw mo na ba? S-sabihin mo lang.. Sabihin
mo lang, Aldrin.. Kasi hirap na hirap na rin ako.. Ang sakit-sakit na..�

Napaluhod na siya pagka-sabi niya nun.

Ano ba�ng ginawa ko? Ano ba�ng ginagawa ko sa babaeng mahal ko?

Bakit ba umabot sa ganito?

�S-Saab..� Gusto kong saktan ang sarili ko. Bakit yun lang ang kaya kong sabihin?

Tumingin siya sa�kin.

Gamit yung mga mata niyang puno ng luha, puno ng kalungkutan.

Nung nakita ko yun, dun ko na-realize kung gaano ako naging g*go nitong mga
nakaraang linggo/buwan.

Noon, nangako ako na hindi ko siya sasaktan..


Na lagi ko siyang pasasayahin, at hinding-hindi paiiyakin.

Pero ngayon, sobra siyang nasasaktan nang dahil sa�kin. I�ve been such a jerk.

Hindi ko rin maintindihan eh.

Mahal ko naman si Saab.

In fact, sobra akong nagse-selos dun sa bestfriend niya.

Lalo�t halata ko naman na may gusto rin yun kay Saab.

Kaya gumawa ako ng paraan para ma-realize ni Saab na ayaw kong mawala siya sa�kin.
Na gusto ko, sa akin lang siya.

Nilapit ko ang sarili ko kay Mashi. Inisip ko na baka kung sakaling makita kami ni
Saab na magkasama palagi, magse-selos siya..

At mararamdaman niya rin yung nararamdaman ko kapag nakikita ko silang mag-kasama


nung �bestfriend� niya.

Pero na-disappoint ako sa resulta noon. Para kasing wala lang sa kanya.

Parang, okay lang kahit may kasama akong iba. Kaya itinuloy ko lang.

Hanggang sa mukhang masyado na akong napalapit kay Mashi.


Kapag badtrip ako, siya yung tinatawagan ko.

Kapag may gusto akong puntahan, siya yung niyayaya ko para samahan ako.

At kapag nasasaktan ako, siya yung hinahanap ko para mapaglabasan ng sama ng loob
ko.

Mahalaga siya sa�kin, Oo.

Pero mahal ko pa rin si Saab.


Hindi ko kayang mawala siya sa�kin ngayon..
At nasasaktan pa rin akong makita siyang nasasaktan siya nang dahil sa�kin..

�Saab.. I�m sorry..� Lumapit ako, at niyakap ko siya. Na-miss ko siya...

Lumuhod ako sa harap niya. Nagulat siya, pero hindi siya nag-salita.

�Sorry kung.. nasasaktan kita.. Sorry kung napaka-insensitive ko.. Sorry kung
pina-iyak kita. Sorry kung binali ko yung pangako na hinding-hindi kita sasaktan..
Sorry kung pinabayaan kita.. Sorry kung gago ako. Sorry kung t*nga ako. Sorry kung
pinagbawalan kitang sumama kay Andrei.. Nagseselos kasi ako.. Sorry kung palagi
kong kasama si Mashi, mas madalas pa kesa sa�yo.. Pero maniwala ka man o hindi,
kaibigan ko lang siya.. Sorry kung sarili ko lang yung iniisip ko. Sorry kung hindi
ko naiisip yung mga ginagawa mo para sa�kin. Sorry kung kinailangan mong mag-
sakripisyo ng mga bagay o taong mahalaga sa�yo para lang sa�kin. Sorry kung para na
akong bakla sa kaartehan ko.. At sorry kung mangangako ulit ako ngayon, na hindi na
kita sasaktan at iintindihin na kita. Promise, magbabago na ako.. Sorry, Saab..
Sorry. I love you.. Sana mapatawad mo pa ako..�

Kinuha ko ang kamay niya, at tinitigan siya sa mata.

Alam kong mahirap nang paniwalaan yung mga sinabi ko.. At mahirap na ring mag-
tiwala dahil sa mga ginawa ko.

Pero alam kong lahat nung mga sinabi ko, totoo.

Para sa kanya, handa akong mag-bago.

16th

SAAB�s POV.

Nakaka-panibago.

Nakaka-panibago yung pinapakitang ugali ni Aldrin ngayon.


Lahat ng atensyon nya, sa akin naka-tuon. Masyado siyang mabait, sweet at
maaalalahanin. Ngiti lang din siya nang ngiti..

Oo, alam kong dapat masaya ako ngayon, pero..


AH! Nevermind. Syempre masaya ako �no! Talagang nagba-bago na siya para sa�kin.
Effort talaga siya.

Simula sa pag-sundo sa�kin kaninang umaga, pagda-dala ng LAHAT ng gamit ko, pags-
serve ng lunch at ngayon na pauwi na kami, siya na raw ulit ang magda-dala ng gamit
ko.

�Sigurado ka? Kaya ko naman e..� May backpack kasi ako tapos filecase..

�Oo naman, basta para sa�yo!!� Naka-ngiti niyang sabi tapos lumabas na siya ng
room. Napa-ngiti na lang din ako.

Nabigla ako nang patakbong dumating si Mashi sa classroom. Medyo naging awkward
yung pakiramdam ko.

�Ah, hello! Naiwan ko yung Physics book ko, eh. Excuse me lovebirds!� Kinuha niya
nga yung book niya, pagkatapos nag-ngitian lang kami. Nginitian niya lang din si
Aldrin. Akala ko magu-usap sila..

�Hindi mo ba siya kakausapin?� Sabi ko kay Aldrin nung maka-lapit na ako sa kanya.
Kasi syempre, close sila �di ba?

�Bait mo talaga. Tara na nga..� Inakbayan niya lang ako tapos lumabas na kami.

Paglabas namin,

Naka-salubong namin si Drei.. Masakit man, pinili kong tumungo na lang kahit na
naka-tingin siya sa�kin.. Katabi ko kasi si Aldrin.. Ayoko nang mag-away pa ulit
kami..

Kahit sobrang hirap nito..

Pero natigilan ako sa pagla-lakad nung hinawakan ako ni Aldrin sa braso. Napatingin
ako sa kanya.

At nakita kong hindi lang pala ako ang hawak niya.

�Usap kayo, Saab. Ako na mag-dadala ng gamit mo sa bahay niyo.� Binitawan niya
kami, tapos humarap siya kay Drei. �Dude. Una na ko. Paki-ingatan girlfriend ko ah.
Ge.� Tapos nag-high five sila. Aaminin kong, napa-ngiti ako nung nakita ko yun.

Naiwan nga kaming dalawa ni Drei sa corridor. AWKWARD.


Ilang segundo rin kaming tahimik, kaya halos mapa-talon na ako nang makarinig ako
nang malakas na kalabog.

Nakita ko na lang na bukas na yung pintuan ng isang bakanteng room. Naka-lock yun
kanina ah!

�Ah! U-usap tayo.. sa loob. Hehe.� Mahinang sabi ni Drei.

ABA! May hiya rin pala siya? Haha. Kidding.

Pag-pasok ko, medyo natatawa ako kasi mukha talaga siyang nahihiya. Naka-tungo lang
siya tapos panay ang buntong-hininga niya.

�Musta?� Naupo ako. Yun lang ang kaya kong sabihin.. Syempre, ang tagal naming
hindi in good terms eh.

Umupo na rin siya, one seat apart kami ngayon. Hindi siya umi-imik. Mukhang hindi
niya narinig yung sinabi ko. Medyo mahina kasi e.

�M-musta?� Sabi ko ulit. Tiningnan niya lang ako. Blangko.

�Wag mong sabihing galit siya? :/

Pero maya-maya, nag-salita na rin siya.

�Langya. Ano �to, text? Musta-ka-Okay-naman-Ikaw? Ganon? Wow ha.� Sabi niya sa�kin
na parang tinatamad.

�Eh anong gusto mo? Magsi-sigaw ako rito at tumawa kaagad pagka-tapos ng nangyari?
Lokohan lang, D�re?� Pa-sigaw kong sabi. Pero sa totoo lang..

Ang saya-saya ko.

�May sinabi ba ako? Tss.�

Hindi na ako naka-sagot nun. Nagka-tinginan lang kami.

At maya-maya, para na kaming mga baliw na humahagalpak sa walang kasense-sense na


bagay.

�Fudge. I missed you so much!� Natigilan ako sa pag-tawa ko nang marinig ko �yan sa
kanya. Feeling ko nga, nanlaki mata ko e. Ngumiti lang siya sa�kin.
Yung totoong ngiti. Na-miss ko yun.

�Takte, pare. NAG-ENGLISH KA!!!!� Sabi ko, kasi sobrang speechless ako. Though,
sobrang saya ko at sobrang naa-appreciate ko yung sinabi niya.

�Hindi, Sabrina. Intsik yun, intsik. Lintek ka.� Mas lalo akong napa-hagalpak nun.
Ang lutong kasi ng pagkaka-sabi niya, tapos super poker-face.

�Wag mo sabi akong tawaging Sabrina! It�s, SAAB!�

�SAAB mo mukha mo! Arte ne�to. Tss.� Binatukan ko siya.

�Oh, oh. Bubugbugin mo na naman ako? Pasalamat ka, na-miss kita!� Sabi niya, na
halatang nagpi-pigil ng tawa.

�Eeeeeh. An-sweet mo naman.. Sige na nga. Na-miss na rin kita.� Ngiting-ngiti kong
sabi sa kanya.

�Ew. Kadiri.� Sabi niya. HAHA. Ang cute.

�Kadiri raw. If I know, kinikilig ka na dyan kasi katabi mo na naman ang crush mo.�
Sabi ko sa kanya.

�Oh? Asan? Hala? Asaaan?� Umarte siyang nagpa-panic, tapos tumingin pa sa ilalim ng
desk.

�Kainis �to! Basag trip!� Napa-pout na lang ako.

�Tss. �To namang panget na �to. Tampo kaagad. Basta. Welcome back, dude.� Sabi
niya.

�Uh-hmm. Welcome back, to us.� Nagtinginan kami, at nag-ngitian.

Nung sandaling yun, alam kong kung ano man ang nawala sa amin recently, eh nai-
balik na.

Habang palabas kami ng building, nagk-kwentuhan lang kami sa mga nangyari sa�min
habang hindi kami nagu-usap. Ihahatid na raw niya ako sa amin e.

Tawa lang kami nang tawa.. kahit wala namang nakakatawa sa topic namin. Masyado
lang siguro naming na-miss ang isa�t-isa, hindi dapat aksayahin ang oras sa mga
madramang usapan. Masaya lang.

�O siya. Pasok na. Shoo.� Sabi niya nung maka-rating kami sa tapat ng gate namin.
�Maka-shoo ka. Aso ako? Tse! Layas na!� Sabi ko. Tumawa lang siya, nag-salute,
tapos lumayas na nga.

Napailing ako habang naka-ngiti, at pumasok na ako sa bahay.

Palundag-lundag pa ako habang kumukuha ng tubig sa ref, nang naramdaman kong nag-
vibrate ang phone ko.

New message from: Drei

[Wag ka�ng ngumiti msyado. Mukha kang shunga. Masyado kang kinikilig.]

Agad akong napa-dungaw sa bintana namin.

Nakita kong nakatingin pa siya dito. Dumila siya tapos patakbong umalis.

AAAAARGH! Andaya nun ah!

[Walangya ka! May araw ka rin!] Reply ko. Nagsunod-sunod na yung text namin noon.

[Joke lang. Bka dedmahin mo n nman ako. :P]

[Yiiee. Sabi ko na nga ba�t crush mo ko! Miss na miss o!]

[Feeler mo.]

[Miss mo nman. :P]

Hahaha. Ang kulit. Grabe. Hindi pa ako nakakapag-bihis.

[Pero may ttoong version ung text ko kanina.]

[Alin dun? Ano?]

Matagal siyang hindi nag-reply nun. Nainip ako kaya nag-bihis na muna ako. Pa-
suspense naman ng lalaking �to. -___-

Pero nung nabasa ko na kung ano yung sinasabi niya, hindi ko maipaliwanag yung
naramdaman ko.
[�Wag kang ngumiti masyado. Bwisit. Gumaganda ka lalo.]

17th

SAAB�s POV.

Weeeeeee!!

Ang saya naman.

Ayos na kami ng boyfriend ko, tapos ayos na rin kami ng bestfriend ko!!

These past few days, nagkaka-usap na naman sila nang maayos.. medyo nawawala na
yung tensyon tsaka awkwardness kapag magki-kita kami.

Ewan ko ba pero..

Dapat talaga masaya na ako �di ba? Yung as in MASAYANG-MASAYA NA?

Kasi syempre, ayos na lahat. Wala na akong dapat problemahin..


Pero feeling ko, may kulang.

Hay! Praning lang siguro ako. Smile na lang!

�Oo na. Kahit pa�no. Pwede na rin.� Sagot sa�kin ni Drei. Mag-kasama kami ngayong
breaktime kasi bumalik saglit sa bahay nila si Aldrin. Sa lahat naman ng mai-iwan,
yung labgown niya pa. E required sa Lab namin yun. Hay Babe.

�Pwede lang? Choosy ka.� Sabi ko. Tinanong ko kasi sa kanya, kung ano na ang tingin
niya kay Aldrin ngayong medyo maayos na naman sila.

�Buti nga �pwede� na ang sinabi ko �no. Tss.� Naka-simangot niyang sabi.

�Eh bakit naka-simangot ka dyan?�

�Pake mo.� Tumalikod pa sa akin. Aba? Daig pa ako kapag meron ako ah!!

�Problema mo ba? MERON KA??� Sabi ko, sabay hampas pa sa likod niya. Napa-aray
naman siya. Medyo natawa nga ako nun eh.

�WALA! Wag mo nga ako itulad sa�yo! Maka-hampas ka ha!�

�Eh ikaw eh! Bakit ba kasi parang galit ka. Akala mo ba hindi ka nakakatakot sa�kin
porke�t bestfriend kita?�

Napa-nganga lang ako sa sinagot niya.

�Ang gwapo ko naman para katakutan no.�

�Yaaaak! Napaka-vain mo ha!!! Kadiri!� Sabi ko, with matching facial expression
talaga.

Kahit na, totoo naman yung sinasabi niya. Wahaha.

�Sus. Ayaw mo pang amining pinagnanasahan mo rin ako bago ka matulog.� Sabi niya
habang kunwaring hinihipan ang kuko niya. Gay. -___-

�Ang kapal mo ha! Napaka----� Naputol yung sinasabi ko nung nag-ring bigla yung
phone ko.

�Saglit lang D�re..� Sumenyas lang siya ng �Shupi�. -__-

Pag-tingin ko sa phone, si Aldrin pala. Sinagot ko na. Hindi na ako lumayo. Si Drei
lang naman ang katabi ko eh.

�Hello, babe!� Bati ko.


�Hi, babe! Musta ka dyan? Sino kasama mo?� Napa-lingon ako kay Drei no�n, nakita
kong nakatingin din siya..

Or naka-glare siya sa�kin? Umiwas kaagad siya ng tingin eh.

�Ah. Okay naman ako. Katatapos lang kumain. Kasama ko si Drei. Asan ka na?�

Matagal siyang hindi sumagot. Kinabahan ako. May mga kaluskos kasi akong narinig.

�Hello? Hello! Aldrin?�

Nagulat ako ng sobra nung may nagtakip ng mata ko. Syempre, kinakabahan ako dahil
hindi sumasagot si Aldrin!

�Andito na ko, babe.� Naka-hinga ako nang maluwag nung narinig ko yun, swear!

�Nakakainis ka! Kinabahan ako dun!!� Sabi ko. Umupo na siya sa tabi ko.

�Hahaha. Sorry. Sinurprise lang kita.�

�Tse. Haha. Kumain ka na? Gusto mo ba��

�Alis na �ko ah.� Bigla na lang sabi ni Drei, tapos walang pasabing umalis na lang
sa table namin.

�Hala? Anyare dun?� Bulong ko.

May binulong din si Aldrin.. Pero para fair, hindi ko na lang din tinanong.

Ano bang meron kay Drei ngayon? Napaka-moody niya! Hindi ko siya ma-gets!! Grr.

Nagk-kwentuhan lang kami ni Aldrin, since may 20 mins. pa bago mag time. Nahagip ng
mata ko sa may fields si Drei.. Aba! Kanina lang sobrang moody niya, maka-ngiti
naman ngayon, wagas!! Naiinis ako!!

Pero yung inis ko, napalitan ng kung anong emosyon..

Nung nakita kong si Daphne pala ang kasama niyang tumatawa.


18th
DREI�s POV
Psh. Badtrip. Sa harap ko talaga magla-lampungan? Nananadya yata yung Villarbano,
este Villarba na �yun e.

Antayin niya lang. Pag ako, naka-hanap ng tyempo. Ingungudngod ko siya sa lababo.
Fliptop, dude.

Sa kabugnutan ko, lumayas na ako dun. Bago pa maagnas ang eardrums ko sa kabaduyan
nila. PWEH.

Sakto naman na pagka-alis ko, naka-salubong ko si Daphne.

�Oy. Daphne Duck.� Agad namang umasim ang mukha niya.

�Argh. Porke�t bati na tayo, tatawagin mo na naman ako nang ganyan!�

�At bakit hindi, tingnan mo yang nguso mo. Nangha-haba na naman. O diba. DUCK?�

Lalo pang sumama ang mukha niya. Napa-tawa naman ako. Napa-tawa na rin siya.

�Uhm. Nakapag-lunch ka na?� Tanong niya.

�Galing akong canteen eh. Malamang, di ba?� Nawala na naman yung ngiti niya. Expert
ko talagang mambara. Hahaha.

�Ay. Okay.� Tatalikod na sana siya nu�n, pero pinigilan ko siya.

�Hep hep. Pikon mo naman e. HAHA.�

�Eh ikaw e! Kinakausap kitang matino!! Nakakainis!� Nagulat ako kasi seryoso pala
siya. Nakalimutan ko. Si Daphne nga pala siya. Seryosong tao. Ang iniisip ko kasi..
AH. EWAN.

�Di ka pa ba nasanay sa�kin? O siya. Sorry na. Kumain na ako. Okay na?�

Huminga muna siya nang malalim, at tsaka ngumiti nang malapad. Hala.

�Okay! Uhm. Pwedeng samahan mo �ko? Gutom na �ko e. Don�t worry, ako magba-bayad.
Samahan mo lang ako.�

Naka-ngiti niyang sabi.

�Bakit, sino ba may sabing ili-libre kita? Osiya. Tara.� Nakita kong nawala ng
konti yung ngiti niya. Ops.

Nag-lakad na kami pabalik sa canteen.

Anak ng hipon. Lumayas nga pala ako dun kasi may maka-bulag at maka-binging tagpo
doon. Sus.
Ako? Matatakot? Pwet nila.

Pagpasok namin ulit ni Daph sa canteen, diretso lang ang tingin ko.

Oo, gago ako. Pero tao ako. LALAKI ako. Nakaka-ramdam din ako ng selos. At hindi
ako t*nga para titigan pa sila kahit nagse-selos na nga ako. Ano ako? Suicidal?
Tss.

Sinamahan ko bumili nang pagkain si Daph. Ang tipid talaga kumain nito. Lunch na
niya ang isang sandwich, isang saging at isang boteng tubig. Buhay pa ba �to? Baka
zombie na pala �to, hindi pa nagsa-sabi.

Hindi katulad nung isang babaeng kilala ko. Daig pa ang patiner kung kumain. Yang
kinain ni Daphne ngayon, appetizer niya lang. Bibili pa �yan ng kung anu-ano
tapos..

Eh bakit siya na naman? IMBA. Tama na nga.

�Uhm. Andy.. I have something to ask.� Sabi ni Daphne pagka-upo namin.

�O?� Sabi ko habang umiinom ng softdrink.

�Uhh. Wala ka pa namang girlfriend di ba?�

Muntik na akong mapa-buga nun. Hindi naman sa nagulat ako, pero nagulat nga ako.
BA. Gulo ah.

�Tss. Ano yung girlfriend? Pag-kain ba �yun?� Sabi ko.

�ANDY NAMAN EH!�

�OO NA! PESTE. WALA!!� Napa-lakas ang boses ko no. Tinginan yung mga tao. Pake ko
ba. Batas ako.

�Ohh. How about that Saab girl?� Sabi niya, sabay nguso kay Saab.

Bakit parang may iba akong naaamoy sa usapang to.

�Ano? How about that.. Sabon?� Maang-maangan ko.

�Oh my gosh, Andrei.� Medyo mukhang galit na siya. HAHA.

�Meron ka no? Tss. O, ano namang meron sa babaeng yun?�

�Tinatanong ko nga sa�yo eh! Ano mo siya?�


�Schoolmate. Pare. Silahis yun e.� Pero balang araw susulutin ko yan. :D

�HAAA?�

�Wala! O ano. Tapos ka na? Parang di ka naman kumain e. Tumikim ka lang.�

�No, diet kasi ako. Uhm. Tara na. Sabay na tayo umakyat, Andy.�

Mood swings ng babaeng to ha.

Tumayo na nga kami. Tapos, sa lapit ng pintuan sa amin, talagang umikot pa si


Daphne. Pakana nito? Wagas pa maka-hawak sa braso ko.

�Hoy. Saan ka dadaan? Sa bintana?� Nginitian niya lang ako.

Noon ko napansin, dadaan kami sa table nung dalawang naglalampungan kanina. Okay.
Pake ko.

�Hey ANDY, Ang sarap nung food no? Nabusog ako, grabeee!! Thanks for your company!!
� Sabi ni Daphne, malakas.

Aba, teka. Mukhang gets ko na ang ginagawa ng babaeng �to.

Nakita kong naka-tawa si Daphne nung maka-lampas kami sa table nung dalawa.
Sinasabi ko na nga ba e.

Pero nalipat yung atensyon ko nung aksidenteng napa-lingon ako.

Nagngi-ngitngit sa galit ang mahal ko. :DD


19th

DREI�s POV

�HAHAHAHAHAHAHAHA.� Tawa lang ako nang tawa, habang yung kaharap ko yung kilay
halos mag-dikit na.

�Bakit ba wagas ka maka-tawa HA! I�m offering you a very appealing plan, for
cheese�s sake, Andrei!!� Pasigaw niyang sinabi �yan. HUWAW. Inglis.

�TAE MO! Don�t english-english me, you duck! HAHAHA.� Ngumuso lang siya. Grabe.
Tawang-tawa kasi ako sa mga sinabi niya.

�UGH. Ano? Papayag ka ba, o papayag ka?� Sigaw niya.

�Sus. Nag-bigay pa ng pag-pilian. Bahala ka sa buhay mo. Paki ko ba sa plano mo.


-__-�

�I guess that�s a yes.� Ngumiti naman siya na para siyang nanalo sa kung saan, at
ini-abot ang kamay niya sa akin.

�Oh, ano �yan? Nanli-limos ka? Yuck ha.� Sabay ismid ko.

�Yeah, whatever.� Siya na mismo ang kumuha sa kamay ko, at nag-kamay kami. Ano raw?
Puro kamay. -___- �It�s a deal, then. O, sige. May class pa ako. See you, partner�
Kumindat siya at lumayo na. Napa-tawa na lang ako nang mahina.

Lakas ng trip nun ah.

�Di ko akalaing tama ang hinala ko sa kanya. Nakaka-tawa siya.

Dahil matagal din kaming nag-usap, magt-time na nga. Eh, nakaka-tamad pumasok sa
sunod na klase. History eh. Tatambay na lang ako kung saan.

Nung paalis na sana ako, may tumawag sa akin. Pamilyar. Sobra.

�D-Drei..� Mahina niyang sabi. Tumigil ako, pero hindi ako lumingon.

�Oh, bakit?� Sabi ko. Naisip ko, baka mamaya naka-tingin yung syota niya. Tss.
Kainit ng ulo -__-.

Matagal siyang hindi umimik. Humarap na ako, akala ko kasi nilayasan na niya ako.

�Uhm. Hehehe. Hello.� Halos matawa na ako sa mukha niya. Para siyang.... Nevermind.
HAHAHA.

�Oh. Anong masamang hangin ang nag-dala sa�yo sa likod ko?� Sinamaan niya kaagas
ako ng tingin.

�Minsan na nga lang tayo magkausap, ginaganyan mo pa ko. Walangya ka.� Sabi niya
sabay hampas nang mahina sa akin. Maya-maya lang, tumatawa na kami pareho.

Hindi naman sa joke, pero kapag nandyan siya napapatawa talaga ako palagi.

�Oh. Baka.. Baka makita ka ng BABE mo.� Labas sa ilong na sabi ko.

�Ah. Hayaan mo na yun.� Nagulat ako sa sinabi niya.

HAYAAN ko na raw?

Nung napatingin siya sa�kin, para bang na-realize niya kung ano �yung nasabi niya.
Mukha siyang nagulat.

�A-ah! Nasa CR si.. Si Babe eh. Haha. Uhm.. E.. Si Daphne? Bakit.. Hindi mo kasama?
� Tumingin siya sa malayo pagka-sabi niya noon. Hmm.

�May klase na kasi e �di ba? Ikaw.. Kayo? bakit andito pa kayo?�

�Ah..Eh, Di namin namalayan na time na eh. Haha.�

�Ah..� Natahimik kami pagkatapos nun.

Tahimik. Tahimik. Tahimik.

�Uy. Nilamon na ba ng bowl yung inaantay mo? �Di na lumabas oh.� Parang nagulat na
naman siya nung bigla akong nag-salita. Naka-hithit ata to ng kape e.

�H-ha? Ahhh.. H-Hayaan mo na! Sige, una na ko. May klase na. Bye!� Sinabi niya
tapos kumaripas na siya ng takbo.

Akala ko ba may inaantay yun? Ang labo ah.


Dahil curious ako, pumasok ako sa banyo.

At ano? Walang tao.

Aba. Aba. Aba.

Napa-iling ako habang naka-ngiti. Nag-lakad na ako pa-balik sa room namin, habang
ina-alala yung sinabi ni Daphne kani-kanina lang, bago dumating si Saab.

�Promise. She�ll be yours, and he�ll be mine. Just stick with my plan. Okay?�

20th

Saab�s POV.

Ang t*nga ko.

Yun ang sinasabi ko sa sarili ko habang tumatakbo ako papa-layo kay Drei.

Ano bang ginawa ko? Ano bang ginagawa ko? Bakit ko ginawa yun? Bakit ko nasabi ang
mga yun?

Gulong-gulo na ako sa sarili ko. Aware naman ako sa nangyayari sa akin pero.. Hindi
�yon pwede!! Baka naman nabi-bigla lang ako, o kaya sobra ko lang na-miss si Drei
kaya ganito ako.

Nung nakita kong magkasama sina Daphne at Drei.. Ewan ko ba. Parang, nai-inis ako.
Naga-galit pa ako. Tingnan mo nga naman. Pareho palang letter �D� ang names nila.
Psh. Eh ano naman?

Eh teka. Bakit ba napaka-big deal no�n sa akin?


Ano bang nangya-yari? Ano �to?

Selos ba �to? HA? Bakit naman ako magse-selos?

Ah. Oo. Selos, kasi bestfriend ko si Drei. Tapos ngayon, mas madalas na niyang
kasama si Daphne.

Sh*t. I can�t convince myself.

Kahit ano pang sabihin ko, may kung anong nag-sasabi sa sarili ko, sa loob-loob
ko.. na.. �Gaga! SELOS yan, to the truest deepest meaning of the word, S-E-L-O-S!!�

Nawala ako sa wisyo nun. Nung lumabas sila sa cafeteria.. Feeling ko nga talagang
naka-taas na yung kilay ko. Paano ba naman! Kung maka-smirk yung Daphne na �yun!
Akala mo kung sinong maganda!

Well.. Maganda naman nga.

Nakita kong umupo sila sa isang bench sa may fields. Talagang hindi pa nakuntento
sa naging usapan nila dito sa cafeteria? Kelangan may Part 2? Sa labas? Sila lang?
Private talk?

�Aaaaaargghh!!� Bigla kong nasabi. Nagulat si Aldrin. Ooops. Kasama ko nga pala
siya. :/

�Huy. Okay ka lang, Babe?� Tanong niya.

�Ah! Yes B-babe. Sorry.. May ini-isip lang.� Pagka-sabi ko nun, napa-tingin ako sa
labas.

Ayun. Tumawa na naman si Drei. May kung anong kumirot sa dibdib ko.

Ooops. Wroong move.

�Ah, okay. Mukhang may ini-isip ka nga. Sige. Baka nakaka-abala ako sa ini-isip
mo.� Tumayo si Aldrin at padabog na itinulak ang lamesa.

Tiningnan ko lang siya habang papa-layo siya.

Oo, tiningnan ko lang siya. Hindi ko siya hinabol. Kung bakit? Hindi ko rin alam.
Para bang.. Walang ibang gustong gawin ang buong sistema ko kung hindi.. Tingnan
sila.

Ang sama ko na ba?

Isa pa ulit na tanong. ANO BA �TO?


Natauhan ako ulit nung nakita kong umalis na si Daphne. Patayo na rin si Drei.

Parang automatic.. Napa-tayo ako at tumakbo papunta sa likod niya. Kinausap ko


siya.

Hindi niya ako nili-lingon. Bakit? Saan ba siya naka-tingin? Kay.. Daphne?

Maya-maya, humarap na siya. Gaya ng dati.. Binara na naman niya ako.

Pero instead, natuwa pa ako. Hindi siya si DREI kung hindi niya ako babarahin.

Maya-maya lang, pareho na kaming tumatawa.

�Oh. Baka.. Baka makita ka ng BABE mo.� Bigla niyang sinabi.

Oo nga pala no? Parang nung nakausap ko siya.. Nakalimutan ko na lahat ng


nangyayari sa paligid.

Yun bang.. Parang nasa isang mundo kami na kami lang ang nage-exist? AMBADUY!
Pero.. Gusto ko kasing maging honest ngayon eh.. Kahit sa sarili ko man lang..

�Ah. Hayaan mo na yun.� Biglang lumabas sa bibig ko. Nagulat din ako sa sinabi ko,
kaya dinagdagan ko kaagad. �A-ah! Nasa CR si.. Si Babe eh. Haha. Uhm.. E.. Si
Daphne? Bakit.. Hindi mo kasama?� Tumingin na lang ako sa malayo. Hindi ako maka-
tingin sa mga mata niya.

Nasa CR? Wow. Saan nanggaling yun. Na-Badtrip sa akin si Aldrin e. :�///

�May klase na kasi e �di ba? Ikaw.. Kayo? bakit andito pa kayo?� Sabi niya.

�Ah..Eh, Di namin namalayan na time na eh. Haha.� Yun na lang ang sinagot ko.

�Ah..� Natahimik kami pagkatapos nun.

Tahimik. Tahimik. Tahimik.

�Uy. Nilamon na ba ng bowl yung inaantay mo? �Di na lumabas oh.� Nagulat ako nung
bigla siyang nag-salita, at doon sa sinabi niya.

Bakit kasi nasabi ko pa yun.. PANIC!

�H-ha? Ahhh.. H-Hayaan mo na! Sige, una na ko. May klase na. Bye!� Wala na akong
maisip. Nahihiya rin ako sa pinagagagawa ko.
Ikinahihiya ko rin ang sarili ko. Feeling ko, ang sama-sama ko.

Bakit? The moment na tumakbo ako papalayo.. May na-realize ako.

Mahal ko si Aldrin. Alam ko �yan, boyfriend ko siya eh.

Pero si Drei... Tingin ko..

Nahuhulog na rin ako sa bestfriend ko.

21st

SAAB�s POV.

Isang linggong walang tulog.

�Yan ang bunga ng pagka-realize ko sa totoong nararamdaman ko.


Una na do�n yung guilt eh.. Feeling ko.. Two-timer ako. Feeling ko, ang sama-sama
ko. Totoo palang pwede yun ano?

�Yung magma-mahal ka pa ng iba kahit may mahal ka na? Akala ko kasi, lokohan lang
yun. Akala ko, kat*ngahan ang tawag dun.

Well in that case.. t*nga nga siguro ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Argh. Nagsi-simula pa lang naman �to di ba? Siguro..

Baka naman infatuation lang �to? Di ba?

Kasi.. May boyfriend ako. Alam niyo naman yung point ko di ba?

Natigil yung pagi-isip ko nung may marinig akong nag-door bell.

Ah, siya na siguro yun.

�Saab, Si Aldrin nandito na!� Sigaw ng Mama ko. Agad naman akong nag-ayos at
pumunta sa sala. Nandun siya.

Tahimik na naka-upo, naka-tungo. Nasaktan ako sa nakita ko.

Siguro, apektado na siya sa mga ikini-kilos ko.

�Aldrin..� Bulong ko nung maka-upo ako sa tabi niya.

�Bakit mo �ko pina-punta?�

�Ah.. W-wala naman.. gusto lang kitang maka-sama..� Pinilit kong ngumiti.

�Tss. Maka-sama o maka-usap? May sasabihin ka ba?� Kahit na medyo may tensyon,
kalmado pa rin ang boses niya. Tipong hindi ka magp-panic.

�Sorry... Babe, sorry talaga..� Yun kaagad ang lumabas sa bibig ko. SORRY. Kasabay
nun, napa-iyak na ako. Kaya dinala niya ako sa garden. Nasa loob kasi si Mommy,
baka makita pa akong umi-iyak.

�Shhh. Tama na. Okay na.� Niyakap niya ako at hinagod yung likod ko, pero mas lalo
lang akong na-iyak.
Nung medyo kumalma na ako, naka-usap ko na ulit siya.

�Sorry talaga ha.. Sorry..�

�Para saan ka ba nags-sorry?� Nagulat ako sa lalim ng tingin niya sa�kin. Parang
napaka-literal naman ng tanong niya pero... Parang iba ung pinapa-hiwatig niya.

��Wag mo na palang pansinin yung sinabi ko.� Sabi niya. Ngumiti pa siya pagkatapos.

�Galit ka ba? Ang totoo kasi niyan.. Feeling ko.. feeling ko na-offend kita kaha��

�Babe, �wag mo �kong iiwan ha..� Nagulat ako sa pag-putol niya sa sinasabi ko, at
dun sa mismong sinabi niya.

Nakita ko yung lungkot sa mga mata niya. Grabe. Ako naman ang nakaka-sakit ngayon..
Hindi ako maka-sagot. Speechless.

�Saab, mahal na mahal kita, alam mo �yan. Sana.. Sana hindi ka mag-sawa sa�kin..
Kahit na ganito ako.. Pag-pasensyahan mo na sana ako Babe..� Nagulat na lang ako
nung maramdaman ko na nababasa ung kamay ko. Nakita ko, umiiyak na pala siya.
�Sorry sa lahat ng nagawa ko sa�yo, Saab. Sorry kung noon.. I mean, sorry kung
napaka-raming beses na kitang nasaktan. Sana mapatawad mo pa ako.. hindi ko kaya
kung mawa-wala ka sa akin.. Alam kong g*go ako, at inaamin ko naman na noon, medyo
nadadala ako.. Pero pangako mahal talaga kita. Ikaw lang.. Sana.. Sana maniwala ka
sa akin..�

That scene broke my heart.

�Babe! Bakit ka umi-iyak? Hala! Sorry! Sorry talaga Babe.. Oo.. I.. I promise!�
Niyakap ko na lang siya kasi hindi ko na rin alam ang sasabihin ko, at na-iyak na
rin ako ulit.

Paano ba kami umabot sa ganito?

Napaka-simple lang naman ng sitwasyon ah?

Mahal ko siya, mahal niya ako. Boyfriend ko siya, Girlfriend niya ako..

Tapos, ako.. Mahuhulog sa iba? Unfair naman yata yun.

Oo, alam kong may mga pagku-kulang sa akin si Aldrin. Marami siyang imperfections,
marami siyang flaws.. At madalas nasasaktan niya ako.
Pero lahat yun, parte ng pagkatao niya e. At nung sinagot ko siya, alam kong
tinanggap ko na ang buong pagkatao niya. Kaya nga tumagal kami nang ganito e.
Ayokong maging �cheater�. Ayokong saktan si Aldrin. Ayokong sayangin yung ilang
taong pinag-samahan naming dalawa..

Ayokong maging unfair. Ayokong gawing dahilan yung kaunting mga pagka-kamali ni
Aldrin para lang mag-hanap ako ng iba (pero hindi naman ako nagha-hanap.. Di ba?)

Ayoko nang pakinggan yung selfish side ko. Yung side ko na nagsa-sabing.. Si Drei,
mahal ko na si Drei. Ayoko. Please.. Ayoko.

�I really love you, Saab.� Sabi ni Aldrin, tapos hinalikan niya ako sa noo, sabay
punas ng luha niya. �Okay, ang gay nun ah. Sorry, Babe. Tara na sa loob. Pag-luto
mo �kong lunch. Pina-iyak mo kasi ako eh.� Sabi niya, then ngumiti siya nang
makulit. Ang cute.

Ayun. Tingin ko naman.. Ayos na kami.

Mahal ako ni Aldrin at boyfriend ko siya. Responsibility ko na alagaan at i-respeto


kung ano man ang meron sa amin..

Yung kung ano mang naramdaman, nararamdaman ko para kay Drei..

Pipilitin kong alisin yun. Pipilitin kong kalimutan yun. Hindi ko alam kung gaano
na kalalim �to. Pero hindi pwede.. hindi talaga pwede.. Ayokong maging selfish
ngayon..

Masyado ring mahalaga para sa akin yung relationship namin ni Aldrin. I can�t
afford to risk that. Parang.. Kapag basta-basta ko na lang yun binalewala,
tinalikuran ko na rin ang halos kalahati ng buhay ko.

Mai-intindihan naman siguro ako ng lahat di ba? Kung.. Kung uunahin ko si Aldrin
kesa sa sarili ko? Ganun naman ang LOVE, di ba?

At isa pa, yung kay Drei.. Walang kasiguraduhan yun. Tingin ko naman nagkaka-
mabutihan na ulit sila ni... Ni Daphne.

Atleast.. Single silang dalawa.. Saka.. May pinag-samahan naman sila. Mas deserve
nila ang isa�t-isa..

Mas bagay sila.. Tama.


�Babe! Handa na yung pag-kain sabi ni Tita!� Sigaw sa akin ni Aldrin. Nauna na pala
siya sa akin sa kusina, ako, na-iwan dito sa garden.

�Sige Babe, susunod na ako!� Sumenyas ako sa kanya na umuna na siya sa loob, at
nginitian ko siya. Sumunod ako sa kanya.

Oo, siya ang susundan ko. Si Aldrin... Siya pa rin ang pipiliin ko.

Sorry, Andrei.

21st
(Side Chapter: Aldrin�s POV)

�Babe, �wag mo �kong iiwan ha..�

Bigla ko na lang nasabi yun. Bastos man pero hindi ko na siya pina-tapos sa
sinasabi niya. Hindi ko rin naman kasi ma-intindihan e. Gulong-gulo rin yung isip
ko.

Nada-dala ako ng emosyon ko, una na doon ang TAKOT at Lungkot.


Hindi ko kayang mawala siya sa akin. Desperado na ako.

�Saab, mahal na mahal kita, alam mo �yan. Sana.. Sana hindi ka mag-sawa sa�kin..
Kahit na ganito ako.. Pag-pasensyahan mo na sana ako Babe..�

Alam kong tumutulo na yung luha ko noon. Kabadingan bang maitu-turing kapag umiyak
ang isang lalaki?

Sa tingin ko hindi..

Kasi, eto yung patunay na seryoso kami sa isang bagay, o sa isang babae. Saludo ako
sa mga lalaking umiiyak para sa girlfriend nila. Para sa akin, mas matapang yun..
Kasi, kaya nilang ilabas yung nararamdaman nila. Hindi sila nata-takot na
magmukhang tanga, wag lang mawala yung minamahal nila.

Ayokong mawala siya sa�kin.. Hindi ko kaya..

�Sorry sa lahat ng nagawa ko sa�yo, Saab. Sorry kung noon.. I mean, sorry kung
napaka-raming beses na kitang nasaktan. Sana mapatawad mo pa ako.. hindi ko kaya
kung mawa-wala ka sa akin.. Alam kong g*go ako, at inaamin ko naman na noon, medyo
nadadala ako.. Pero pangako mahal talaga kita. Ikaw lang.. Sana.. Sana maniwala ka
sa akin..�
Kailangan siguro marinig niya lahat ng gusto kong sabihin. Kahit mag-mukha pa akong
kawawa, gagawin ko talaga. Kung sasabihin niya ngayon na lumuhod ako sa harap niya,
gagawin ko. Mahal na mahal ko talaga siya.

Totoo pala na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag unti-unti nawawala na
siya sa�yo.

Ina-amin ko. Nag-loko talaga ako noon.. Sabihin na nting.. Nag-two time ako. Gago
kasi ako e. Hindi ako na-kuntento. Nasaktan ko siya.

Pero wala na yun! Si Saab na lang talaga. Lumipas na yun e! Hindi ko na nga sinabi
kay Saab kasi.. Kasi ayokong magalit siya. Ayoko talagang mawala siya sa�kin. Fling
lang naman yun e.. Hindi kasing seryoso ng pagmamahal ko kay Saab.

Alam kong nasaktan ko rin si Mashi. Pero.. Nai-intindihan niya naman e. Ngayon,
halos mabaliw na ako kapag nai-isip kong magma-mahal ng iba si Saab.

Hindi talaga ako pa-payag na ma-agaw siya sa akin ng kahit sino.

Lord. Mahal na mahal ko po ang babaeng �to. Sana..

Sana Po hindi siya ang karma ko.

22nd

DREI�s POV.

�My gosh! This is becoming soooooo long and boring, Andy! May bago na akong crush,
hindi pa rin natin nakukuha yung babaeng yun? Baka mamaya nagka-boyfriend na ako,
ikaw NGANGA pa rin!� Talak ng babae sa harap ko. Sino pa nga ba?

�Kelan ka pa naging flirt ha?�

�HOW DARE YOU! And for your information, I�m not flirting! Kelan mo ako nakitang
nakipag-date sa kung kani-kanino? And anyway. Eto talaga ako. Ngayon ko pa lang
naila-labas ang totoo kong ugali kasi alam mo naman. Parents ko masyadong strict
dati. Oh well. Ano naaaa?�

�Anong �ano-naaaa�?� Ginaya ko boses niya.

�Hay naku Andrei Laroza. Hindi ka man lang ba gagawa ng move? Alam naman natin na
mahal na mahal mo siya! Seriously ha. Kitang-kita ko. I know you more than anyone
else does.�
�Tanga lang, Daphne? May syota yung tao, oh. Anong gusto mong gawin ko? T*ngna
naman!!!� Uminit na ang ulo ko, nasipa ko na yung upuan sa harap ko. Nagulat si
Daphne.

Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko talaga siya magawang makuha e, o masulot,


whatever (Daphne style).

Nasasaktan na nga ako, natatapakan pa pati pride ko! Lintek na pagmamahal naman �to
oo!

�Drei? Totoo bang, ikaw �yan? Nasaan na yung Drei na kilala ko? Yung palaban at
hindi sumusuko?� Lumapit siya sa akin. �Hey. Look. Alam kong feeling mo siguro, or
kung may makakarinig man sa ating iba.. Iisipin eh ang sama-sama ko. Sulsulera ako
at bad influence sa�yo. Pero trust me, hindi ko naman sasabihin lahat ng �to sa�yo
kung walang sense, di ba? Hindi ako magma-maldita kung alam kong walang magandang
results �to. Malaki kasi ang tiwala ko na may pag-asa ka, may pag-asa KAYO. Marami
lang pumipigil sa inyo. At tsaka, DUH. Alam ko naman na may gusto rin sa�yo si
Saab, at alam kong hindi ka DENSE para hindi mo maramdaman yun! Tingin mo hindi pa
ba kasalanan yun? Tingin mo hindi naguguluhan si Saab ngayon? At tingin mo ba
healthy pa yung relationship nila? AND MOST OF ALL, TINGIN MO BA MASAYA PA SI SAAB
NGAYON? HINDI, DI BA? KAYA WAKE UP!� Naramdaman ko na lang na pinitik niya ang noo
ko.

Gagu. Natulala ako dun ah. Mantakin mong may mabuti palang maita-talak ang bibeng
�to.

OO nga naman. Tama nga naman. T*nga ko. Bobo pa. Hahaha.

�Hey hey hey! Saan ka naman pupunta? Ha!? Matapos kong kapusin nang hininga sa
napaka-haba kong sinabi, lalayasan mo �ko? How dare you!!�

�Daldal mo! Bunganga mo busalan mo! Sabi mo sa�kin, MAKE A MOVE. E di eto, gagalaw
na ho! Bobo ne�to.� Nang marinig niya yun, napa-ngiti siya.

Haha. Uy. Gusto niyang tinatawag na BOBO.

Pero seryoso. Nagpa-pasalamat ako na naging kaibigan ko ulit si Daphne. Alam ko


naman na simula pa lang.. Hindi niya talaga gusto si Aldrin Villarba e. Gusto niya
lang akong tulungan. Siguro nagi-guilty pa rin sa pangi-iwan niya sa�kin no�n.
Anong akala niya? Masyado akong na-broken hearted? Bobo talaga nu�n. Haha.

So ngayon.. Saan ako magsi-simula? Ayoko nang patagalin �to. Naiinip na rin ako.
Napa-pagod na rin ako.

Kahit naman kasi gaano ka katatag.. Kahit pa sabihing lalaki ka.. Mapapagid at
mapapagod ka, lalo na kapag alam mong naba-balewala lang yung mga ginagawa mo.

Ay, wala pa pala akong ginagawa. BUBU!


�So anong plano?�

�Anak-ka-ng-tatay-mong-pato naman Daphne! Bigla-bigla kang sumusulpot?!�

�Hindi pato ang tatay ko! At yun nga. Need some help? Hihi.�

�Ano bang.. dapat kong gawin?� Subukan ko mag-seryoso.

�Nasabi mo na ba kay Saab �yan? I mean.. Confession?�

�Tss. Kelangan pa ba nun? Hindi pa ba halata?�

�Syempre kelangan nun no! Alam mo, kaming mga babae, kahit pa nararamdaman namin na
may gusto sa amin ang isang lalaki, iisipin namin na wala lang yun hangga�t sabihin
mismo nung lalaki! Ayaw naman naming maging asyumera, �no!�

�Woo. Pakipot kamo.�

�Shut up! Oh. So first thing, CONFESS.�

�Bobo ka talaga, ha? May syota nga!�

�Eh mas BOBO ka! Magco-confess ka lang! Hindi ka pa manliligaw or whatsoever! Atat!
Apurado! Excited!�

�Tss. Andami namang dapat gawin! Eh nung naging tayo naman, hinalikan lang kita,
naging tayo na!�

�Hoy! Ang kapal ng pagmu-mukha mo ha! At please, mag-seryoso ka naman!�

�....�

Na-upo ulit kaming dalawa. Nakakapagod din makipag-talo sa babaeng �to. Masyado rin
akong maraming iniisip.

Hindi naman kasi ako madrama at expressive na tao eh. Hindi ko alam kung paano iha-
handle �to. Noon naman.. Wala akong pakialam sa iisipin o mararamdaman ng ibang tao
sa bawat bagay na gagawin ko eh.

Pero bakit ngayon.. Masyado yata akong conscious? Masyado akong takot na masaktan
siya..

Siguro.. Mahal ko na nga talaga.


�Haay. Alam mo.. Hindi mo naman kasi kailangang gumawa ng kahit anong bagay, sa
totoo lang eh. Ang kailangan mo lang gawin, sabihin mo sa kanya lahat ng dapat mong
sabihin. Tapos, siya na ang bahalang mag-desisyon dun. Kung sino ang pipiliin niya.
Trust me, the girl has feelings for you, too. Naguguluhan lang siya kasi.. Siguro
naiisip niya yung boyfriend niya. Nanghi-hinayang siya sa pinag-samahan nila. Ayaw
niyang masaktan si Aldrin. Aaminin ko na mabait talaga siya. No wonder minahal mo
siya. Andrei.. Wala kang gagawing mali, okay? Nagma-mahal ka lang. Hindi mo siya
susulutin, sasabihin mo lang yung katotohanan. Kung tanggapin niya, GOOD. Kung
hindi.. I suggest you move on. Kung kayo naman talaga.. Kayo pa rin talaga sa huli.
Am I clear?�

�Sa wakas.. May nasabi ka ring may sense.� Sabi ko at niyakap ko siya.

Yun lang naman pala ang kailangang gawin eh.. Bahala na.
***

From: Daphne
Andy, you need to come here. NOW.

Makapag-utos, kala mo kung sinong senyora.

Sumunod naman ako. Ang sabi niya, nasa rooftop siya. Ano na naman kaya ang ginagawa
niya doon?

�Wala kang karapatang pag-salitaan ako nang ganyan! Hindi mo ako kilala!� May
narinig akong sumisigaw nung nasa may pintuan na ako ng rooftop.

Nung lumapit ako, nakita ko si Daphne na naka-hawak sa pisngi niya, at isang babae
na nakaharap sa kanya, bale nakatalikod sa akin.

Siya.

�Bakit? Hindi ba totoo? Kahit saang anggulo mo tingnan, what you�re doing is still
CHEATING!� Akmang sasampalin ulit siya ni Saab pero napigilan niya. �My dear, kahit
ilang ulit mo akong sampalin, walang mangyayari. Mas pinapatunayan mo lang sa akin
na tama ako.�

�Eh ano bang gusto mong gawin ko? Aminin ko na mahal ko siya? FINE! Mahal ko si
Drei, at ang sakit-sakit na! Sobrang sakit nung alam mong mahal mo siya pero hindi
pwede! Yung mahal mo siya pero hindi mo siya pwedeng ipag-laban!!!�

Para akong nanigas sa kinatatayuan ko.

�Girl. Sinong may sabi sa�yong �hindi pwede�? Na sa�yo naman �yan eh! Kung
pakikinggan o lolokohin mo lang ang sarili mo! Pati boyfriend mo, nilo-loko mo!�

�Ano? Ib-break ko siya? Daphne.. Hindi ko kayang gawin �yun. At isa pa.. Hindi ko
naman sigurado kung mahal nga ako ni Drei..�

�Eh paano kung sabihin kong, OO, MAHAL KITA?� Hindi ko namalayang lumapit na pala
ako sa kanila.

�Oh. I guess I have to go.� Iniwan kami ni Daphne.

�Anong sinabi mo?� Hinarap ako ni Saab.

�M-MAHAL KITA.� Nilunok ko na yung natitirang pride ko para sabihin ULIT yun.

Pag nag-mahal ka pala.. Hindi mo na rin mai-isip ang pride mo.

Nagulat na lang ako nung humagulgol siya.

�Saab? Huy! Anong nangyari sa�yo?�

�Drei.. Mahal din kita.. Sobra na..�

Ang.. Ang sarap pala sa pakiramdam. Eto pala yun. Ganito pala yun.

Niyakap ko siya. Hindi ako makapag-salita. Sobrang saya ko.

�Mahal na mahal kita, Drei..�

�Mahal na---�

�Pero sorry..� Hindi niya ako pinatapos. �Sorry.. Kasi.. Hindi ko kayang iwan si
Aldrin. Drei.. Alam kong nasasaktan kita.. Pero promise.. doble ang sakit nito para
sa akin. Alam kong siguro hindi mo�ko maiintindihan.. Pero mahal talaga kita.. Kung
pwede lang sana.. Kung sana una lang kitang nakilala.. Kung sana matapang ako..
Pasensya ka na.. Sana mapatawad mo pa ako Drei..�

�Ganun na lang ba �yun, Saab? Hahayaan mo na lang bang masaktan ang sarili mo?
Kahit alam mo naman talaga kung ano �yung makakapag-pasaya sa�yo? Ako yun, Saab!
T*ngna!�

�Drei. Please! Intindihin mo sana ako!�

�Kahit ilang beses mong ipamukha sa�kin yan, hindi ko pa rin maiintindihan! Baka
naman ginagawa mo lang akong past time mo no? Panakip butas? Rebound? Kapag
nagkakalabuan kayo? Saab naman! Nakaka-g*go na eh!!!�
�DREI! Kaya nga hindi kita kayang piliin.. Kasi hindi ko kaya kayang pagsabayin!
Kung malandi lang ako edi sana sinagot na kita? �Di ba? Wag ka naman sanang padala
sa galit mo! Kasi nahihirapan din ako! Nasasaktan din ako!!�

Lumapit ako sa kanya, hinawakan ko ang mukha niya.

�Drei.. ang paki-usap ko lang sa�yo.. Sana maniwala ka na minahal.. na mahal talaga
kita.. Sorry..� Magsa-salita pa sana siya pero.. Hindi ko na napigilan.

Hinalikan ko siya.

Nang humiwalay na ako, medyo natawa siya. Ay.

�Parang kelan lang.. Ako yung humalik sa�yo.. Kasi akala ko.. Ikaw yung boyfriend
ko. Ang boplaks ko talaga nun.. Pero.. Hindi ko pinagsisisihan na noon.. Nagka-mali
ako. Kasi.. k-kung hindi ko nagawa yun.. Hindi kita makikilala.. Hindi kita
magiging kaibigan at hindi kita mamahalin.. Kahit na sobra akong nasasaktan
ngayon.. Sobra naman akong masaya kapag kasama kita.. Kaya sana.. Pagkatapos nito..
Magkaibigan pa rin tayo, ha? Kung gusto mo.. T-tutulungan pa kitang humanap ng
babae na.. Na para sa�yo..� Pinilit niyang ngumiti kahit tuloy-tuloy na yung luha
niya. Sh*t. Nasasaktan siya..

�Tara.� Pinunasan ko ang luha niya at inalalayan ko siya.

�Saan tayo pupunta?�

�Magd-date tayo.�

�H-ha? Teka muna---�

�Ngayon lang �to, Saab. Please. Kahit isang araw man lang.. Hayaan mong magkasama
tayo.. Yung walang iniintinding ibang tao.�

�Sige. I�ll go with you.� Nag-ngitian kami.

Huling beses na �to. Huling beses na gagawa ako ng hakbang para makuha ka. Ipa-
paramdam ko sa�yo kung ano yung pwedeng maranasan mo kapag naging tayo. Ipa-pakita
ko sa�yo kung gaano kita ka-mahal. At kung pagka-tapos nito, yun pa rin ang
desisyon mo..

Hindi ko na ipi-pilit ang sarili ko sa�yo.


23rd

SAAB�s POV.

�Hahaha! Dun naman tayo!� Tinuro ko yung fishball stand sa kabilang dulo ng park.
Na-miss ko yun eh.

Marami na kaming napuntahan. Kung saan kami dalhin ng paa namin. Kahit gnito lang,
sobra akong nage-enjoy.

Nginitian niya ako at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming nag-punta roon.

Pumayag ako sa sinabi niya.


Kahit ngayong araw lang.. Magiging maka-sarili ako. Cheater na kung cheater. Pagbi-
bigyan ko muna ang sarili ko at si Drei.

Hindi ako nagsi-sisi, at alam kong hindi ko rin �to pagsi-sisihan.

Kung alam niya lang kung gaano ako kasaya ngayon.

Kung alam niya lang kung gaano ko ka-gustong gawin ang mga bagay na �to kasama
siya.. Kung alam niya lang..

�Eto oh.� Binigay niya sa akin yung isang plastic cup na may lamang fishball, at
naka-ngiti na naman siya. Yung ngiting.. Kayang tunawin ang puso ng kahit sinong
babae.

Ang swerte ng babaeng magiging forever mo, Drei. Sayang..

Sayang at hindi pwedeng maging ako �yun..

�Tara upo tayo dun, prinsesa.� Hinawakan niya yung free hand ko at sabay kaming
lumapit sa isang bench. Napa-tulala kasi ako nung tinawag niya akong, �prinsesa�

Ang sarap pakinggan.

6PM na. Halos dalawang oras na kaming magkasama. Nagsi-simula na ring dumilim. At
sa totoo lang..

Parang ayoko nang lumipas ang oras.. Ayokong matapos ang araw na �to.. Yung
pagkakataon na �to..

Na maka-sama yung totoong mahal ko.


Alam ko siguro na sa tingin nang marami.. Isa akong malaking t*nga.

Kasi alam ko naman na mahal ko si Drei, pero hindi ko siya pinipili. Mas pinipili
ko pa rin si Aldrin.

Siguro kung malalaman �to ng lahat, iisipin nila nagiging unfair lang ako sa sarili
ko at kay Aldrin. T*nga ako, T*NGA.

Pero wala kasi sila sa sitwasyon ko. Hindi nila mai-intindihan kung gaano kahirap
mamili sa dalawang taong minahal mo ng sobra-sobra. Hindi nila alam yung pakiramdam
na mang-hinayang at matakot na i-risk ang napaka-habang pinag-samahan namin ng
boyfriend ko. Hindi nila nararanasan yung hindi k maka-tulog sa gabi sa kaka-isip
sa gagawin mo.

Mahirap din sa�kin �to. Masakit. Sobra. Ako kasi yung nai-ipit.

Ako yung MASAMA.

Kaya para matapos na �to.. Aayusin ko yung ginawa kong gulo. Tutal.. Konti na lang
naman at g-graduate na kami. Maghihiwa-hiwalay na rin kami. Magsa-sama na lang ulit
kami ni Aldrin sa iisang university.. At siguro naman matututunan ko uling ibigay
sa kanya ang buong puso ko, ang buong pagma-mahal ko.

Sobrang bilis lumipas ng panahon. Parang kailan lang.. Nagka-mali lang ako ng taong
nahalikan at mahal na mahal ko pa si Aldrin. Ngayon.. Hindi ko na alam.

Naramdaman ko na lang na may lumapat sa balikat ko.

Sinandal pala ni Drei sa balikat ko yung ulo niya. Napansin kong tuluyan nang
dumilim, at mas lalong gumanda kasi maraming ilaw sa Park. Medyo kumonti na ang
tao.

�Saab.. Pwede bang.. Itapon mo na �yung relo mo?� Sabi nya. Napa-tingin naman ako
sa relo ko.

�Ha? Ano namang meron sa relo ko? Mahal kaya �to no. Manigas ka.� Biro ko sa kanya,
at isinandal ko rin ang ulo ko sa ulo niya. Hinawakan niya ulit ang kamay ko. Na-
ubos na namin pareho yung kinakain namin.

�Kung pwede lang sana.. Itigil ko muna ang oras eh. Ayokong makitang lumilipas ang
oras habang mag-kasama tayo.� Sabi niya. Narinig ko pang binulong niya.. �T*ngna
ang baduy.�

Napa-tawa ako sa effort niya. Alam kong napaka-hirap para sa katulad niya na mag-
voice out ng nararamdaman niya, lalo na yung romantic feelings niya.
�Mukhang wala tayong maga-gawa eh.. Gabi na oh..� Ipinikit ko ang mata ko.
Natahimik kami saglit.. Para bang.. Hindi na namin kailangang mag-salita masyado
para magkaintindihan kami.

Sapat na yung magka-tabi kami, yung mag-kasama kami.

Kung pwede lang sanang i-reset ang lahat...

�Dito na lang tayo matulog.� Bigla niyang sinabi.

�Baliw lang? Haha.� Para kaming engot na nagu-usap habang naka-pikit, sa ganoon pa
ring posisyon. Ni hindi namin alam kung may tumitingin na sa amin. Hahaha.

�Baliw agad? Edi, okay lang maging baliw. Kasama naman kita mag-damag. Ano? Baliwan
tayo?� Natawa ako sa tono niya. Nangha-hamon eh.

�Gagu. Hahaha.�

�Ano kamo? I love you? Sweet mo naman.� Sabi niya.

�Ulul ka.� Sagot ko, nata-tawa na ako.

�Ano sabi mo? �Mahal kita�? Yieee.� Tinusok niya yung tagiliran ko gamit ang daliri
niya.

�Hahaha! Ang adik mo! At alam mong wala akong kiliti dyan kaya tigilan mo �yan.�

�Sus. Alam ko namang naki-kiliti na ang puso mo sa kilig dyan.�

�Ay grabe, kapal mo na. Haha!� Umayos na siya ng upo, na-ngalay na siguro.

�Nage-enjoy ka ba, Saab?� Tumango lang ako bilang sagot.

�Sobra Drei. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya..� Tumayo siya.

�Saan ka?� Bigla siyang lumuhod sa harap ko, pero naka-talikod.

�Sakay ka sa�kin, dali.�

�HA? Ano na naman �yan?�

�Gawin mo na lang, bilis. Sakay na. Kahit mabigat ka malakas naman ako.� Sabay dila
sa akin. Aba. Hinahamon ako.

Nata-tawang pumasan ako sa likod niya. Piggy back.

�Ano bang pakulo �to, Drei?�


�Syempre, ang prinsesa hindi dapat nahi-hirapan..� Sabi niya. Ang sweet ng tono
niya.

�Ikaw ha. Nakaka-panibago ka talaga ngayon..� Niyakap ko yung leeg niya.

Ang lamig ng simoy ng hangin.. Ang sarap sa pakiramdam. Balak yatang libutin ng
lalaking �to ang buong park habang ganito kami. Baliw.

�Nasa�yo naman yun.. Kung gusto mong masanay na ganito ako.. Walang problema yun..
Handa akong magpaka-baduy kung gugustuhin mo lang..� Mahina niyang sabi, pero dahil
tahimik.. rinig na rinig ko.

�Kaya kong mag-bago para sa�yo.. Aayusin ko ang buhay ko.. Pasasayahin kita..
Sabihin mo lang.. gagawin ko talaga..�

Nasasaktan ako.

Nasasaktan akong marinig at makita na si Drei Laroza, ang pinaka-kinatatakutang


leader ng gang sa school namin ngayon, ay nagba-baba ng pride at nagma-makaawa nang
dahil lang sa akin. Nasasaktan ako..

Kasi alam kong nasa-saktan ko rin siya..

Ibinaba niya ako. Nasa isang field lang kami na puro damo.. Malinis at ma-aliwalas.

�Saab..� Tiningnan niya ako sa mata.

Nakita ko noon nang mas malinaw.. Kung gaano ko na siya nasa-saktan. Kung gaano ko
na siya napa-pahirapan.

May kinuha ako sa bulsa ko.

Binili ko �to kanina nung hindi siya naka-tingin. Niyakap ko siya sa leeg, tapos
sinuot ko sa kanya yung regalo ko.

�Alam kong dapat.. Hindi ako mag-bigay ng remembrance para hindi mo na ako ma-alala
after graduation.. Pero.. Hindi ko na-pigilan e. Binili ko pa rin.� Hindi ko inalis
ang pagkaka-yakap ko sa kanya matapos kong mai-suot sa kanya ang kwintas.

Silver chain lang siya Walang kahit banong design, simple.

Ganun kasi ang pagkakakilala ko sa kanya e. Simple pero sobrang lakas ng dating.
Totoong tao at matibay pa sa bakal o kadena.

Pero heto siya, nagpapa-kita ng kahinaan sa harap ko.


�Drei.. Galit ka ba sa�kin?� Niyakap niya na rin ako.

�Hindi ko kaya �yun..�

�Kung ganun.. Please.. Magalit ka sa�kin..�

Natahimik siya.

�Magalit ka. Kamuhian mo ako.. Kalimutan mo ako.. Mag-mahal ka ng iba. Yung taong
mas deserving kesa sa�kin.. Yung hindi duwag at kaya kang ipag-laban.. Please.. Wag
mo nang saktan ang sarili mo sa pag-kapit sa akin..� Na-iyak na ako nun. Ang
sakit...

�Bobo ka talaga, Sabrine. �Di ako maka-paniwalang na-inlove ako sa�yo.� Hinalikan
niya ang ulo ko.

�Sorry, Drei.. Sorry talaga..� Kumalas na siya sa yakap namin at tinalikuran ako.

�Sana.. Sana maging masaya ka. Kapag nasaktan ka.. Hindi mo na ako maa-asahan
palagi sa tabi mo. Ingat ka.�

Natigilan ako sa sinabi niya. Yun naman ang gusto ko, �di ba? Pero sobrang sakit.

Gusto ko siyang pigilan.. Pero hindi pwede.

�Sana.. Maging masaya ka.� Papa-layo na siya sa akin.

Hindi ko makakalimutan ang likod na �yun. Hindi ko makakalimutan yung tao na yun.

At kahit kelan hindi ko makakalimutan na dahil sa akin,

Nakita kong nag-pahid ng luha ang isang Andrei Laroza.

EPILOGUE

�Cause this pain I�m feelin� won�t go away, and today, I�m officially missing you~

�Saab! Ano ba? Kanina pa kita tinatawag!� Nagulat ako sa sigaw ni Aldrin.
�A-ah? Sorry! May ginagawa kasi ako, Babe. Tara na.� Pinilit kong pa-kalmahin si
Aldrin. Bad mood siya eh.

Nitong mga huling araw, palagi siyang ganyan. Iritable, mainitin ang ulo. Pinagpa-
pasensyahan ko na lang.

Kasi nangako ako na hindi ko siya iiwan.

Tatlong taon na rin simula nung gu-mraduate kami ng college. We both have stable
jobs now. Pwede na nga kaming magpa-kasal kung gugustuhin namin.

Pero ni minsan after graduation, hindi pa nao-open ni Aldrin ang topic na �yun sa
akin.

Somehow.. May parte ko na nagpapa-salamat dun.. Pero tingin ko.. Darating at


darating din kami sa puntong yun.

Ina-amin ko...

All those years, pinilit kong sumaya at ibalik lahat ng pagmamahal ko kay Aldrin.
God knows how much I wanted it all back.

But I simply can�t. Para bang, naka-tali na ako sa isang taong ako mismo ang nag-
taboy papa-layo sa akin. Yung taong minahal ako, pero sinaktan ko lang.

At ngayon, eto na ang KARMA ko.

�Uhh. Babe? Sa�n tayo?� Tanong ko habang ina-ayos ni Aldrin ang seatbelt ko.

�Simbahan.� Sa unang pagkakataon sa araw na �to, nakita ko siyang ngumiti.

Pero sa ngiti niyang �yun.. Parang kumirot yung puso ko.

�Ahh.. S-Sisimba tayo?� Pinilit ko ring ngumiti.

�Hmm. Yeah? But that�s not the main reason.� Ngumiti siya ulit. �We�re gonna fix a
wedding� Then he winked at me.

Biglang bumigat ang pakiramdam ko.. Alam ko nga na darating �to.. Pero.. This soon?
Hindi ako handa.. Ni hindi ako makapag-react man lang..

�R-really? That�s.. great!� Forced smile.

�Talaga? Masaya ka?� Tanong niya.

�Syempre naman, no.� Ngumiti ako.


�Basta tatandaan mo, lahat ginagawa ko, kasi mahal kita.� I was touched.

Touched, that�s all.

Nung makarating kami sa simbahan, ngumiti na lang ako.

Tina-tanggap ko na ang pagka-talo ko. Ako naman ang may kasalanan nito eh.

Kaya ko namang bumuo ng pamilya kasama si Aldrin, basta may tiwala kami sa isa�t-
isa, �di ba? Kahit walang love.. Kaya ko naman, �di ba?

Nag-set na kami ng date, inayos na namin lahat sa simbahan.

One month from now, on Valentines Day.

Magiging Mrs. Villarba na ako.


�Nakaka-tawa. Dati, pangarap ko �to eh. Yung ma-kasal sa �Babe� ko. Pero ngayon...
Hindi na ako masaya.

Naging busy kaming lahat buong January.


Invitations, reception, yung mga aabay, yung mga isu-suot.

Everything seems to be perfect.

Hanggang sa hindi ko na namalayan, Valentines Day na pala.


***

Kahit sino sigurong babae, sobrang matu-tuwa sa araw na �to. Ito yung araw na..
Sobrang gaganda ang isang babae.. Makakapag-suot ng pangarap niyang wedding gown,
at haharap sa altar katabi ang lalaking mahal niya.

Indeed, I was in my dream wedding, but not with my dream man.

Haaaay, Saab. Tama na �yan. Simula ngayon.. Dapat i-commit mo na ang sarili mo sa
magiging asawa mo. Panindigan mo �yang ginawa mo.

Pinunasan ko ang luha ko, at humarap sa salamin sa huling pagkakataon. Paalis na


kasi kami papunta sa church, nandoon na raw si Aldrin.

�Sana, naki-kita mo kung gaano ako ka-ganda ngayon.�

Inayos ko ang sarili ko. Now, there�s no turning back.


***

Pinipilit kong pigilan ang luha ko habang nasa bridal car kami, lalo na at kasama
ko ang parents ko rito.

Sa loob-loob ko, hinihiling ko na sana dumating siya. How pathetic. Ako �yung taong
nag-taboy sa kanya. Ako �yung pumili nito. Tapos ako rin ang magma-makaawang
balikan niya ako? At ngayon pa na araw na ng kasal ko?

Simple lang naman kasi ang buhay eh, tayong mga tao lang ang nagpapa-kumplikado
nito.

We always choose the hard way, we always choose the path where we would end up
being hurt.

Hay, bahala na si Lord. Alam kong hindi niya ako pababayaan.

�Saab, Dear? Nasa church na tayo.� Na-tauhan ako nang tinawag na ako ni Mama.
Nakita kong maluha-luha na sila ni Papa.

�We wish you both happiness forever.� Tapos hinalikan nila ako pareho.

I also wish myself happiness.

Nag-ready na kami. Tumunog na yung mga kampana. Nag-simula na ring pumila yung mga
aabay.

Nag-simula na akong mag-lakad, papunta sa taong maka-kasama ko habambuhay.

Pag-pasok ko sa simbahan, na-mangha ako. Ang ganda talaga. Everything is well-


planned and organized.

�It hurts to let go of our only princess.� Sabi ni Papa.

�Papa naman eh. Parang lilipat lang ako ng bahay!�

�Syempre, kasama mo na yung lalaking mahal mo.. Magsi-simula na rin kayong bumuo ng
sarili niyong pamilya..�

Sa sinabi niyang yun, mas lalo akong na-lungkot.. Nakaka-lungkot isipin na.. Hindi
SIYA ang kasama kong bubuo ng pamilya.

Halos hindi na ako maka-hinga habang papalapit na kami sa altar. Ang bigat ng
pakiramdam ko. Ini-isip ko nga, magpaka-run-away bride kaya ako?

STUPIDITY.
At eto na nga, nasa harap na ako ni Aldrin. Hinawakan na niya ang kamay ko. Pinilit
kong ngumiti, para kunwari.. Tears of joy �to.

Pero sa totoo lang, sobra na akong nasa-saktan. Alam kong sa oras na �to, nagkaka-
sala na ako eh. Haharap ako kay Lord nang ganito ang nara-ramdaman ko. Nilo-loko ko
ang sarili ko, pati lahat ng tao rito.

But I just can�t turn back now.

�Hi, Babe.� Bati ni Aldrin na may malapad na ngiti. �After this, hindi mo na
gagamitin ang Verceles. And.. I promise to make you happy.�

Ngumiti na lang ako.

Nasa tapat na kami ng Pari. Magsa-salita na sana siya, kaso nag-salita si Aldrin.

�Wait, Father. We�re not done with the procession yet.�

�Aldrin? Ano ka ba? Kumpleto na tayo!� I hissed.

�Just watch.� He winked, then clapped, as if getting everyone�s attention.


�Pasensya na po sa abala. Pero, hindi pa po tayo tapos eh. Meron pong na-late ng
dating. Wala pa po �yung groom.�

Napa-nganga na lang ako. Ano �to?

�Aldrin? Don�t pull a prank on a formal gathering!!!�

�Please welcome, the REAL groom!!� Tapos biglang bumukas ulit ang pintuan ng
simbahan. At first hindi ko nakilala yung lalaking lumalapit.

Pero nung nag-tagal.. Bumalik lahat ng alaala ko sa kanya. SIYA!!

Napa-takip ako sa bibig ko. Na-bitawan ko rin yung mga bulaklak na hawak ko.

Ano �to? Bakit nandito siya.. At anong siya raw ang groom? Nananaginip ba ako?

�G*go ka. Ginawa mo akong bride.� Sabi niya kay Aldrin nang maka-lapit siya sa
amin. Nag-shake hands pa sila.

�Eh ikaw �tong late eh. Pa-VIP ka.� Nag-ngitian sila.

I still don�t get this.

Nagulat ako nang tiningnan niya ako.


Nag-bago ang itsura niya.. Luminis siyang tingnan. No more studs, no more bruises,
no more highlights. Yung malinis niyang itsura, bumagay pa sa coat na suot niya.

He looked PERFECT.

�So.. Dun na ako sa upuan ng best man, ah. Father, please proceed.� Sabi ni Aldrin.
Grabe, nai-iyak na ako. Sa shock, tuwa, pagka-lito.. Halu-halo na!

Bago maka-baba ng altar si Aldrin, lumapit siya sa akin at bumulong.

�Sabi ko naman sa�yo, I would make you happy. Congratulations, Saab. Sorry for
being selfish for three long years. Sorry kasi itinali kita sa akin, when all those
time alam kong hindi na ako ang mahal mo. Alam kong pinipilit mo lang kasi ayaw mo
akong masaktan. Thank you. Best wishes.� Then umupo na siya, katabi ng parents ko
at parents niya, I also noticed Daphne behind them, kaya mas nagulat ako. They are
all smiling, kaya ibig sabihin.. Alam nilang lahat ito.

Hindi ko alam kung paano magre-react.

Nag-simula na uling mag-salita si Father. Ang to be honest, wala akong nai-


intindihan. Halos wala akong marinig, kundi ang tibok ng puso ko. Wala akong ibang
makita kundi yung mukha ng katabi ko.. Ang tagal kong hiniling na makita ko siya..
Na maka-sama ko siya.

At ngayon, heto.. Ika-kasal na kami.

�OH PLEASE! SHE DOES, FATHER. SHE DOES!!� Na-putol lang ang pagi-isip ko nung
marinig kong sumisigaw si Drei. Narinig kong nag-tawanan din ang mga tao sa
simbahan. Gosh, wala talaga ako sa sarili ko!

�Ano ba? Maga-�I do� ka ba o hindi?� He grinned at me.

�Lul. Inunahan mo na ako, eh.� Sabi ko.

It�s like magic.. Sa loob ng halos pitong taon, hindi kami nag-kita, walang
communication. Pero ngayon na nag-kita ulit kami, bumalik lahat, INSTANTLY. Ngayon
ko lang ulit naramdaman kung gaano ko siya ka-mahal.

�Then, you may kiss the bride.� Naka-ngiting sabi ni Father.

�Oh, at last.� Na-tawa ako sa sinabi niyang �yun.

We kissed, full of love, and freedom. Ngayon, wala nang boundaries, no more odds.

�I love you, I never stopped. I love you, my wife.� Sabi niya pagka-tapos ng kiss.
Then we hugged. Nagpalakpakan ang lahat.

This time, I�m sure I kissed the RIGHT guy.

~Fin~

You might also like