You are on page 1of 2

BUWAN NG WIKANG PAMBANSA

Ika- 30 ng Agosto, 2019


Joshua:
“Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda; kaya ating pagyamaning
kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala."
Ito ang tanyag na katagang nagmula sa ating pambansang bayani na si Gat.Jose Rizalna nagbibigay
kahalagahan sa wika sa buhay ng isang tao.

Co-Host:
Tama Gn. Joshua. Ang wika ng isang bansa ay masasabing siyang kaluluwa na nagbibigay buhay
dito. Ito ang nagsisilbing tulay na nagdurugtong sa mga komunidad na naninirahan sa isang bansa.
Sa pamamagitan ng wika, nagkakaunawaan at nagkakaisa ang bawat tao.

Joshua:
Higit sa lahat Binibing Joan, nagsisilbi ito bilang ating pagkakakilanlan. Dahil dito ay nakikita ang
iba’t ibang impluwensya sa bansa na siyang nakapagpabago at humulma sa pagkatao ng mga
mamamayan.

Josh at Co-host:
Isang mapagpalang hapon sa inyong lahat! Sa ating minamahal na Punong-guro, Gn. Raul L.
Mahilum, mga kapwa ko guro, mga minamahal kong mga magulang, sa mga mga-aaral at sa inyong
lahat, magandang hapon.

Sa pagdating ng buwan ng Agosto ay ipinagdidiriwang natin ang Buwan ng Wika upang mabalik –
tanaw ang kadakilaang ginawa ng ating itinuring na Ama ng Wikang Pambansa, Manuel Luiz Quezon.
Siya ang naging tulay upang magkaroon ng pagkakaisa ang ating bansa sa pagtalaga ng isang
pambansang wika ang Filipino.

Co-Host: Sa taong ito, ang Paaralang Elementary ng Mandacpan ay nakiki-isa sa buong bansa na
ipagdiwang ang Buwan ng Wika na may temang, “ Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang
Pilipino.” Isang paraan ng pagdiriwang ng ating paaralan ay ang taunang Patimpalak Pangkultura
na lalahukan ng ating mga pili at katangi-tanging mag-aaral mula Kinder hanggang ika-anim na
baitang. Sila ay buong husay na nag ensayo upang maipakita sa inyo ang kanilang mga natatagong
talento.

Joshua: Sa pagsisimula ng ating patimpalak, maaring tumayo tayong lahat upang makinig sa isang
panalangin mula kay Gng. Raul L. Mahilum. Punong Guro ng Paaralang Elemenartaya ng
Mandacpan.

Co-Host: at Manatiling tumayo para sa pagpugay sa ating watawat at sa pag-awit ng Lupang


Hinirang sa pagkumpas ni Gng. _________________________ mag-aaral sa Ika-anim na Baitang.

Joshua:
Maraming salamat ____________________ at _______________________. Ngayon naman ay makinig tayo
sa isang Pambungan na Pananalita ni Gng.____________________________.

Co-Host:
Salamat ___________________Tiyak na mangingibabaw ang mga palakpakan at hiyawan sa susunod
nabahagi ng ating palatuntunan.

Joshua: Salamat Gng Erna, at sa oras na ito ay ang pagbibigay sa mga kriterya ni Gng. Jocelyn R.
Bayana

Joshua: Sa puntong ito ay panoorin natin ang mga pinaghandaang pampasiglang bilang ng bawat
seksyon.
Co-Host:
Paano ba natin makikilala na tayo ay isang Pilipino? Para handugan tayo ng isang awitin,narito ang
mga piling mag-aaral ng Kinder.

3333
Joshua:
Ngayon naman, magpapasiklab ang mga mag-aaral sa Unang Baitang sa kanilang pinaghandaang
Monologo.

Co-Host: Hindi naman, magpapahuli ang ikalaawang baitang. Para magpamalas ng tula, narito ang
piling mag-aaral ng ikalawang baitang.

Joshua: Napakahusay. Bigyan nati ng isang masigarbong palakpakan.

Co-Host:
Ang musika ay isang mahusay na pamamaraan upang lalong mapalaganap, mapatibay at
mapaunlad natin ang ating kamalayan bilang mga Pilipino. Ating saksihan ang Paligsahan sa
Dalawahang Pag-awit. Ang patimpalak na ito ay may layuning maipahayag ang pagmamahal sa
sariling wika at musika sa pamamagitan ng pag-awit ng mga himig na orihinal na nilikha ng mga
Pilipinong mang-aawit. Narito ang piling mag-aaral sa ikatlong baitang.

Joshua: Ang Pilipino ay kilala sa pagiging malikhain at kahusayan sa anu mang klase larangan. Sa oras
na ito ay masasaksihan natin ang tagisan ng talent ng piling mag-aaral ng Ika-apat na baitang. Bigyan
ng masigarbong palakpakan.

Co- Host: Sa puntong ito ay panoorin natin ang mga pinaghandaang Suklas Tula at Madulang
Pagkukwento ng mga masigasig na mag-aaral ng ika-anim na baitang.

Joshua: Napakagaling ng mga ipinakita ng ating mga mag-aaral. Palakpakan naman natin sila. Sa
puntong ito biyang oras natin ang ating Pangulo ng GPTA Gng. Rosalita B. Libres para sa kanyang
Mensahe.

Co-Host:
At ngayon para ianunsiyo ang mga pangalan ng mga nanalong kalahok sa iba't ibang patimpalak
sa Buwan ng Wika at para ipaabot ang kanyang pasasalamat, narito si ____________________________
para sa Proklamasyon sa mga nanalo.

Joshua:
Binabati naming ang lahat ng mga nagsipagwagi! Ang pagpapahalaga natin sa ating wika ay dapat
hindi lamang ipinapakita sa loob ng ating paaralan. Sa pagtatapos ng ating programa, ina-
aanyayahan ko ang lahat na tumayo para sa Sayaw Para Sa lahat. Tayo’y magsipagtayo.

Co-Host:
Ipagpapatuloy natin ang ating pagmamahal at paggamit nito sa ating pang-araw-araw nabuhay,
at sa loob at labas ng ating mga tahanan. Dito nagwawakas ang ating pampinid na palatuntunan.
Joshua: Ako si Joshua
Co-Host: At ako naman si ________________________.
Joshua at Co-Host: Mabuhay Ang Wikang Pilipino

You might also like