You are on page 1of 1

Biosafety level 1 (BSL), ang pinakamababang antas, ay para lamang sa mga mikrobyo na nagpapakita ng

maliit na banta, at hindi tuluyang nagiging sanhi ng sakit sa mga gumagamit ng laboratoryo. Dahil dito,
hindi na kinakailangang ihiwalay pa ang ganitong pasilidad sa pangkalahatang gusali. Sapat na ng
pagsunod sa standard microbiological practices tulad ng tamang paghawak sa mga matatalim na
kagamitan, at ang agarang paglilinis sa lahat ng mga natapon na kemikal. Kasama na rin dito ang pansin
sa personal na kalinisa ntulad ng paghuhugas ng kamay, pagbabawal sa pagkain, pag-inom at
paninigarilyo sa loob ng laboratoryo. Ang mga gumagamit ng laboratory ay nangangailangang magsuot
ng pangproteksyon sa katawan tulad ng guwantes at lab coat o gown. Nararapat din na mayroong mga
Biohazard sign na nakapaskil sa loob ng laboratoryo.

Ang mga laboratoryo na nasa ikaapat na lebel pasilidad ay nararapat na makapagbigay ng pinakamataas
na antas ng proteksyon at kontrol laban sa mga virus tulad ng Ebola, at iba pang lubhang mapanganib
na sakit na maaring magbanta sa buhay. Kadalasan, ang mga BSL laboratory ay nasa hiwalay na gusali,
naglalaman ng Class III biological safety cabinet, exhaust streams gamit ang high-efficiency particulate
air (HEPA) na mga filter, at shower sa labasan. Dagdag dito, kinakailangan ng pagbabago ng damit bago
pumasok sa laboratoryo, at ang paglilinis sa lahat ng mga materyales bago umalis sa pasilidad.

ang mga laboratoryong nasa ikatlong antas ay nangangailangan ng Bio Safety level 3 na kasanayan at
kaalaman sa wastong pag-iimbak ng mga agents. Isa na nga sa mga agents na ito ay ang mga indigenous
o exotic na agents, tulad ng Yellow fever, St Louis encephalitis at West Nile virus. Ito ay nangangailangan
ng matinding proteksyon, maayos na pamamaraan, pasilidad at kaalaman. Kaya’t ang mga gawain o
trabaho na maaring maging ekspose sa mga nabanggit ay kailangang nakarehistro sa angkop na ahensiya
ng gobyerno. Ang disenyo ng pasilidad ay dapat may dalawang pinto na naghihiwalay mula sa
pangkalahatang koridor ng gusali at may maayos na bentilasyon na kung saan ang hangin na pumapasok
sa pasilidad ay mula sa malinis na lugar at ang hangin mula sa pasilidad ay hindi na dapat pang muli
pumasok sa loob ng laboratoryo o hindi dapat magkaroon ng tinatawag nilang recirculation.

You might also like