You are on page 1of 8

BUNYING SANTO NINO

1. Bunying Santo Nino kami nagsasaya


Dahilan sa iyo kami'y maligaya
umaawit kami nagagalak tuwina
sayong alindog ay nakiki-isa.

2. Bunying Santo Nino dyos kang dakila


sa langit at lupa ikaw ang may likha
sumasamba kami't ang hingi ay ang awa
igawad sa amin ang iyong kalinga.

1
UMAWIT AT MAGPURI
Koro:
Halina tayong lahat ay umawit
Sa Panginoon tayo ay magpuri
Pagkat ating nakita
Ang dakilang pag-ibig ng Dyos!

1. Nilikha Nya ang sanlibutan


At ang buong kalikasan
Mabuti ang lahat ng ginawa
Pinagyaman at pinagpala
Ang tao’y Kanyang nilalang
Kalarawa’t kawangis Niya
At kahit hindi naging tapat
Ay kanya pa ring minahal (KORO)

2
PAG-AALAY

1. Panginoon, aming alay


Itong alak at tinapay
Sa altar Mo ilalagay
Tanggapin sa Iyong kamay.

2. Alay naming aming buhay


Bawat galak at lumbay
Bawat pangarap naming taglay
Sa palad mo ilalagay.

3
MULA SAYO

Wala akong maihahandog sa'Yo,


Na 'di mula sa kabutihan mo.
Gayon pa man, 'Yong tanggapin,
Aking alay, pabanalin.

Muli kong handog, buhay Mong kaloob;


Kalugdan Mo at basbasan.

Mula sa iyo, ang lahat ng ito;


Buhay ko’y pagharian Mo.

Wala akong maihahandog sa ‘yo


Na di mula sa kabutihan mo
Gayon pa man, ‘Yong tanggapin,
Aking alay, pabanalin, tanging hiling
4
PANANALIG

Sa puso kong umiibig


Walang nananaig
Kundi yaong pananalig
Sa sintang iniibig
Hindi ka man masilayan
At init mo'y maglaho nang tuluyan
Pag-ibig ko sa'yo at katapatan
Mananatili kailan pa man
Bawat tao'y nalulumbay
At 'di mapalagay
Hangga't hindi nahihimlay
Sa puso mong dalisay
Hindi ka man masilayan
At init mo'y maglaho nang tuluyan
Pag-ibig ko sa'yo…

5
DAKILA KA, O, PANGINOON
.

I. Ikaw, O, D’yos ang ay tunay na dakila sa ‘Yong mga gawa’t salita / O,


Amang maylikha, kami’y namamangha / pag-ibig ang alok mo sa lahat.

II. Kahit kami’y hindi karapat-dapat tinawag mo pa rin kaming lahat / sa Iyo,
O , Ama kami’y nagkaisa / nagpupuri ngayon ang aming puso at kaluluwa.

Koro:

Dakila Ka, O, Panginoon / Dakila rin ang ‘Yong Pag-ibig na handog.

Dakila Ka pagkat sa araw na ito tinawag Mo kami upang maging anak Mo

III. Buhay ngayon sa amin ang paghamon maging ilaw sa aming panahon
/ O. Ama, sa Iyo dumudulog ngayon ang bayan Mong hinirang / at sa ngalan
Mong nagkatipon.

6
KORDERO NG DIYOS

Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan


Maawa ka
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan
Maawa ka
Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan
Ipagkaloob Mo sa amin ang kapayapaan

7
8

You might also like