You are on page 1of 1

Pagsusulit

I. Pagkilala sa mga tauhan

Panuto: Piliin ang tamang sagot.

1. Ito ay patulang salaysay na paawit kung basahin.


a. Korido b. awit c. Tula
2. Siya ang hari ng kahariang Berbanya na nagkaroon ng malubhang karamdaman.
a. Don Fernando b. Don Juan c. Don Pedro
3. Siya ang kabiyak ng hari ng Berbanya at ang ina nina Don Pedro, Don Diego at Don Juan.
a. Donya Valeriana b. Donya Valeriano c. Donya Maria
4. Panganay na anak ni Haring Fernando.
a. Don Diego b. Don Juan c. Don Pedro
5. Pinakamamahal na anak ng hari.
a. Don Pedro b. Don Juan c. Don Diego
6. Pangalawang anak nina Don Fernando. At Reyna Valeriana pinakatahimik laging sumusunod sa utos ni don
pedromagiging asawa si Prinsesa Juana.
a. Don Juan b. Don Diego c. Don Pedro
7. Tanging ibon na magpapagaling sa sakit ni Don Fernando.
a. Ibong Adarna b. Ibong Adarno c. Ibong Maya
8. Prinsesa ng kahariang Armenya na kapatid ni Donya Leonora ang nakatuluyan ni Don Diego.
a. Donya Valeriana b. Donya Juana c. Donya Maria
9. Sya ang anak ni Haring Salermo na tunay na inibig ni Don Juan. Sya ay nagtataglay ng kakaibang mahika.
a. Donya Leonora b. Donya Juana c. Donya Maria Blanca
10. Matandang naninirahan sa Bundok Tabor, isa sa mga tumulong kay Don Juan.
a. Leproso b. Leprasa c. Leptos
11. Siyang nagbabantay kay Donya Leonora sa ilalim ng balon, may pitong ulo.
a. Serpyente b. Higante c. Tiyanak
12. Dambuhala na nagbabantay kay Donya Juana sa ilalin ng balon.
a. Unano b. Serpyente c. Higante
13. Siya ay kasunod ng hari,siya ang nakapagbibigay ng desisyon.
a. Arsobispo b. Pari c. Padre
14. Anong hayop ang pinadala ni Donya Juana para iligtas si Don Juan sa pagkakahulog sa balon?
a. Lobo b. Bibe c.Manok
15. Ama ni Donya Maria Blanca, hari ng reyno de los cristales tumututol sa pag-iibigan ng kanyang anak na si Maria
Blanca at Don Juan.
a. Haring Salermo b. Haring Pedro c. Haring Fernando
16. Siya ang nagdala kay Don Juan sa de los Cristales.
a. Lobo b. Agila c. Higanti
17. Anong pangalan ng mahiwagang puno na kung saan pinamuugaran ng Ibong adarna?
a. Piedras Planta b. Piedras Platas c. Piedras Plato
18. Bundok na kung saan matatagpuan ang mahiwagang puno.
a. Tabor b. Apo c. Mayon

Bonus Points

19. -20. Ano ang buong Pangalan ko.

II. Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe (Essay)

1. Bakit kaya may mga anak na napapasama o nililigaw ng landas? Paano maiiwasan ang ganitong
kalagayan?
2. Ilarawan ang iyong sarili bilang anak. Masabi mo bang napalaki ka nang naayos ng iyong magulang?
Bakit?

III. Panaginip ng Hari

Panuto: Gumawa ng isang islogan na may kaugnayan sa maibibigay sa inyong paksa.

a. Kahirapan
b. Droga
c. Polusyon
d. Pagbaba ng edad ng criminal liability
e. Korupsyon
IV. Si Don Pedro
Panuto: Sagutin ang sumusunod na katanungan sa pamamagitan ng sanaysay.
1. Ano- ano ang mga nagawa mong kapalpakan sa buhay? Paano mo ito nabigyang solusyon?
2. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Don Pedro at Don Diego, ano ang maaari mong gawin upang higit
mo pang mapaghandaan ang ganoong kalaki o kahirap na misyon?

You might also like