You are on page 1of 1

Ang Liga ng mga Bansa

Pinangarap ni Pangulong Wilson na magkaroon ng pandaigdigang samahan ang mga


bansa.Napagtagumpayan naman niyang maitatag,mamaitatag at sumapi ang mga
pinuno ng mga bansang Alyado sa Liga ng mga Bansa.Sa konstitusyong ito
nakapaloob sa kasunduan sa Versailles ang mga sumusunod na layunin:
1.)Maiwasan ang digmaan.
2.)Maprotektahan ang mga kasaping bansa sa pananalakay ng iba.
3.)Lumutas sa mga usapin at hindi pagkakaunawan ng kasapi.
4.)Mapalaganap ang pandaigdigang pagtutulungan at;
5.)Mapalaganap ang mga kasunduang pangkapayapaan.
Ang mga sumusunod ay ilan sa mga nagawa ng Liga ng mga Bansa;
1.)Napigil nito ang maliliit na digmaan sa pagitan ng Finland at Sweden noong 1920,
Bulgaria at Greece noong 1925 at Colombia at Peru noong 1934.
2.)Pinangasiwaan nito ang iba't ibang mandato.
3.)Pinamahalaan din nito ang rehabilitasyon ng mga sundalo pagkatapos ng digmaaan
Mga Lihim na Kasunduan na Lingid sa Kaalaman ni Pangulong Wilson
Ang ibang miyembro ng Alyado ay gumawa ng lihim na kasunduan, at ito ay lingid sa
kaalaman ng Great Britain at France at iba pang mga bansa.Hinati nila ang kolonya at
teritoryo ng Central Powers.Pinangakuan ang Italy ng teritoryo kahit hindi nila sakop
ito.Ang Turkey naman ay maaaring paghati-hatian ng maiimpluwensyang bansa.
Ito ay naganap ng mabuo ang kasunduan sa Versailles.At naisagawa ang mga pangyayari.
1.)Ang kolonyal sa Germany ay nawalang lahat.Ang teritoryong Posen,Kanlurang Prussia
at Silesia ay ibinigay sa bagong Republika ng Poland.Ang Danzig ay naging malayang
lungsod sa pangangasiwa ng mga Alyado bilang mandato.
2.)Ang Alsace-Lorraine naman ay naibalik sa France.Ang Saer Basen ay napasailalim sa
pangangasiwa ng Liga ng mga Bansa sa loob ng labinlimang taon.
3.)Ang Hilagang Schleswig naman ay ibinigay sa Denmark.
4.)Lubhang pinahina ang Hukbong Sandatahan ng Germany sa lupa man o
dagat.Binawasan nito ng hukbo ng marami ng pinaglalakbayang ilog ng Germany at
ipinagbawal ang kanilang partisipasyon sa anumang digmaan.
5.)Ang Kanal Kiel at iba pang pinaglalakbayang ilog ay ginawang pang internasyonal.
6.)Pinagbawalang gumawa ng armas at amyunisyon ang Germany.
7.)Pinagbayad ng malaki ang Germany sa mga bansang napinsala nito bilang
reparasyon.Layunin nitong ginawang kasunduan ay pilayin ng lubusan ang Germany ng
hindi na nito muling tangkaing guluhin ang tahimik na daigdig.

You might also like