You are on page 1of 2

Mga Isyung Kinakaharap ng Pilipinas Tungkol sa

Edukasyon

Malayo na ang narating ng bansang Pilipinas. Sa kabila ng mga pagbabagong naganap sa mga nakalipas
na panahon, hindi maipagkakailang suliranin pa rin magpahanggang ngayon ang mga isyung may
kaugnay sa edukasyon.

May ilang mga pag-aaral at pananaliksik na nagsasaad na ang edukasyon ang siyang sagot sa
napakaraming suliranin na kinakaharap ng ating lipunan. Ang edukasyon ang isa sa mga daan upang
mabawasan ang lumalaganap na kahirapan at krimenalidad. Ito rin ay tumutulong upang umunlad ang
estado ng buhay ng bawat mamamayan at tumaas ang ekonomiya ng bansa.

Bagamat sinisikap ng ating pamahalaan na mapabuti ang sistema ng edukasyon sa pamamagitan nang
pagsasagawa at pagsasakatuparan ng mga batas, tuntunin at sapat na puhunan, sadyang hindi pa rin
maiwasan ang patuloy na pag-usbong ng iba't ibang suliranin kaugnay dito. Magpahanggang ngayon ay
hindi pa rin nararating ang wastong antas na pakikinabangan ng mga mag-aaral.

Isa sa mga suliraning ito ay ang kakulangan ng sapat na kagamitan, materyales at maging ang maayos na
silid-aralan para sa mga mag-aaral.

Ang patuloy na paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay nangangahulugan din nang pagtaas ng bilang ng
mga mag-aaral. Sa dami ng mga mag-aaral na ito, ang mga silid-aralan ay nagkukulang dahilan upang
mahirapan ang pamahalaan na sila'y pagkasyahin. Ayon sa DepEd, mahigit sa 152,000 ang kulang na
silid-aralan para sa taong 2012. Mayroon lamang itong pondo para sa 13,000 silid-aralan. Ang
kakulangan rin sa mga kagamitan ay isang malaking suliran. Maraming silid-aralan ang kulang sa upuan
at mga silid-aklatan na kulang sa mga aklat o libro na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa
pagsasaliksik ng mga mahahalagang impormasyon at kaalaman. Ayon sa DepEd, nangangailangan pa rin
ng 96 milyon na textbook ang mga pampublikong paaralan at mahigit sa 13 milyon naman ang kulang na
upuan.

Ang patuloy na pagtaas ng datos ng mga humihinto sa pag-aaral o "drop-out" ay isa rin sa mga
ipinangangamba ng mga kinauukulan. Ang mga paaralan ay sadyang nagugulumihanan sa kung papaano
nga ba nila mapapanatili ang kanilang mag-aaral. May iba't ibang dahilan kung bakit humihinto sa pag-
aaral ang mga mag-aaral. Ilan sa kanila ay dahil sa walang sapat na pantustos ang kanilang magulang o di
kaya'y malayo ang paaralan mula sa kanilang lugar. Ayon sa ilang mga pagsusuri, ang bilang ng mga
drop-out sa elementarya at mataas na paaralan ay tumaas at umabot na sa 4.8 milyon. Malayo na ang
narating ng bansang Pilipinas. Sa kabila ng mga pagbabagong naganap sa mga nakalipas na panahon,
hindi maipagkakailang suliranin pa rin magpahanggang ngayon ang mga isyung may kaugnay sa
edukasyon.
May ilang mga pag-aaral at pananaliksik na nagsasaad na ang edukasyon ang siyang sagot sa
napakaraming suliranin na kinakaharap ng ating lipunan. Ang edukasyon ang isa sa mga daan upang
mabawasan ang lumalaganap na kahirapan at krimenalidad. Ito rin ay tumutulong upang umunlad ang
estado ng buhay ng bawat mamamayan at tumaas ang ekonomiya ng bansa.

Bagamat sinisikap ng ating pamahalaan na mapabuti ang sistema ng edukasyon sa pamamagitan nang
pagsasagawa at pagsasakatuparan ng mga batas, tuntunin at sapat na puhunan, sadyang hindi pa rin
maiwasan ang patuloy na pag-usbong ng iba't ibang suliranin kaugnay dito. Magpahanggang ngayon ay
hindi pa rin nararating ang wastong antas na pakikinabangan ng mga mag-aaral.

Isa sa mga suliraning ito ay ang kakulangan ng sapat na kagamitan, materyales at maging ang maayos na
silid-aralan para sa mga mag-aaral.

Ang patuloy na paglaki ng populasyon sa Pilipinas ay nangangahulugan din nang pagtaas ng bilang ng
mga mag-aaral. Sa dami ng mga mag-aaral na ito, ang mga silid-aralan ay nagkukulang dahilan upang
mahirapan ang pamahalaan na sila'y pagkasyahin. Ayon sa DepEd, mahigit sa 152,000 ang kulang na
silid-aralan para sa taong 2012. Mayroon lamang itong pondo para sa 13,000 silid-aralan. Ang
kakulangan rin sa mga kagamitan ay isang malaking suliran. Maraming silid-aralan ang kulang sa upuan
at mga silid-aklatan na kulang sa mga aklat o libro na maaaring magamit ng mga mag-aaral sa
pagsasaliksik ng mga mahahalagang impormasyon at kaalaman. Ayon sa DepEd, nangangailangan pa rin
ng 96 milyon na textbook ang mga pampublikong paaralan at mahigit sa 13 milyon naman ang kulang na
upuan.

Ang patuloy na pagtaas ng datos ng mga humihinto sa pag-aaral o "drop-out" ay isa rin sa mga
ipinangangamba ng mga kinauukulan. Ang mga paaralan ay sadyang nagugulumihanan sa kung papaano
nga ba nila mapapanatili ang kanilang mag-aaral. May iba't ibang dahilan kung bakit humihinto sa pag-
aaral ang mga mag-aaral. Ilan sa kanila ay dahil sa walang sapat na pantustos ang kanilang magulang o di
kaya'y malayo ang paaralan mula sa kanilang lugar. Ayon sa ilang mga pagsusuri, ang bilang ng mga
drop-out sa elementarya at mataas na paaralan ay tumaas at umabot na sa 4.8 milyon.

You might also like