Professional Documents
Culture Documents
Indus River
Indus River
India.
Ang tubig ng ilog dito ay nagmumula sa malayelong kabundukan ng Himalayas sa katimugang Tibet. Ito
ay may habang 1000 milya na bumabagtas sa Kashmir patungong kapatagan ng Pakistan.
Kapuna-punang wala ni isa mang pinuno mula sa sinaunang kabihasnang Indus ang kilala sa
kasalukuyan. Ito ay dahil sa wala itong iniwang mga tala at larawan at tila hindi nangailangang ipagmalaki
ang kanilang mga ginawa. Isa pang katakataka ay ang kawalan ng mga naiwang monument o istruktura
mula sa sinaunang India na maaaring maihalintulad sa zigurrat ng Mesopotamia at pyramid ng Egypt.
Sa kasalukuyan, ang India ay isa lamang sa mga bansa sa Timog Asya. Subalit kung susuriin, ang
buong tangway ay tahanan at pinag-usbungan ng sinaunang kabihasnang namumukod-tangi sa iba.
Ang bawat lungsod na ito ay may sukat na halos isang milyakwadrado at tinatayang may halos 40,000
katao. Maayos angmga lungsod na ito sapagkat planado at malalapad ang mgakalsada. Ang mga gusali
ay hugis-parisukat at mga kabahayan ay may malawak na espasyo. Ang ilang mga kabahayan dito ay
may ikalawang palapag.
Ang irigasyon ng lupa ay mahalaga sa pagsasaka ng mgaHarappan. Sila ay nag-aalaga ng mga hayop
tulad ng elepante, tupa at kambing. Maaaring sila rin ang mga kauna-unahang taong nagtanim ng bulak
at nakalikha ng damit mula rito.
Ang lipunang Harappan ay kinakitaan ng malinaw napagpapangkat-pangkat ng mga tao. Ang ganitong
dibisyon salipunan ay mananatili sa India hanggang sa kontemporaryongpanahon.
Ang mga Harappan ay natatag ng mga daungan sa Arabian Sea at ang mga mangangalakal ay
naglakbay sa mga baybayinpatungong Persian Gulf upang dalhin ang kanilang mgaprodukto
tulad ng telang yari sa bulak, mga butil, turquoise at ivory. Ang ilang mga selyong Harappan
ay natagpuan saSumer. Ang mga selyong (seal) ito ay may pictogram para kilalanin ang mga paninda.
Ang mga Aryan ay pinaniniwalaan nagmula sa mga steppe ngAsya sa kanluran ng Hindu Kush at
nakarating sa Timog Asyasa pamamagitan ng mga makikipot na daanan sa kabundukan. Sila
ay mas matatangkad at mas mapuputi kung ihahambing samga naunang tao sa lambak ng Indus. Hindi
nagawang masupilng mga taga-Harappa ang tapang ng mga Aryan kung kaya’t angkaramihan sa kanila
ay nagtungo sa katimugang bahagi ngIndia. Samantala, ang mga naiwan ay naging alipin. Sa
kabilanito, ang ilan sa mga salik ng kanilang kabihasnan ay nanatili at
naging bahagi ng pamumuhay ng mga Aryan.
Question
Ano ang naging dahilan ng pag-bagsak ng matatandang lungsodng India?
Answer
Ang dahilan ng pag-bagsak ng matatandang lungsod ng India ayang pag salakay ng ilang tribu
at ang pag salakay ng mga Aryannoong 1500 B.C.E.
Ang mga Aryan ay nagtungo pakanluran sa Europa at patimog-silangan sa Persia at India. Sa mga
rehiyong ito nila dinala ang wikang ngayon ay tinatawag na
Indo-European – ang makabagong wika tulad ng Hindi at
Bengali ay nag-ugat dito.
Samantala, dinala nila sa India ang
Sanskrit – ang wikang klasikal ng panitikang Indian.
Ang kaalaman ukol sa unang milenyong pamamalagi at pamamayani ng mga Aryan sa hilaga at
hilagang-kanlurang India ay hango sa apat na sagradong aklat na tinatawag naVedas.
Dinala ng mga Aryan ang kanilang mga diyos (na kadalasa’y mga lalaki at mapandigma) at kulturang
pinangingibawan ng mga lalaki. Ang kanilang kaparaanan ay unti-unting umangkop sa mga diyosa at
kultura ng sinaunang India. Sa pagsapit ng1100 B.C.E., tuluyang nasakop ng mga Aryan ang hilagang
bahagi ng India.
Kapansin-pansing ang bawat kasapi ay maaaring makalipat patungo sa ibang antas ng lipunan. Ang
isang mandirigma ay pinipili upang pamunuan at pangasiwaan ang pang-araw-araw na pamumuhay ng
mga tao.
Subalit ang kanilang pagsakop sa lambak ng Indus ay nagdulot ng malaking pagbabago sa kanilang
pamumuhay. Ang kanilang lipunan ay naging mahigpit at masalimuot nang lumaon. Nagkaroon ng
pagtatatag ng maliliit na imperyo samantalang ang pagiging pinuno ay nagsimulang mamana.
Sa pagtatapos ng Panahong Vedic, naging mas makapangyarihan din ang mga kaparian kung
ihahambing sa mga mandirigma. Ito ay dahil sa naging mahalaga ang kaayusang itinuturo ng kanilang
paniniwala ukol sa mga tao at mga diyos. Mahalaga ang mga ritwal at sakripisyo upang hindi mawasak
ang kaayusan sa kalawakan.
Nang lumaon, nabuo ang tinatawag na sistemang caste sa India. Ang katagang ito ay unang ginamit ng
mga Portuguese na nakarating sa India noong ika-16 na siglo.
Question
Ipaliwanag ang sistemang caste ng India.
Answer
Ang sistemang caste ng India ay ang pag-aantas-antas ng mga tao sa lipunan.
Pagdaloy nitong pababa mula sa bundok na walang puno, dala nito ang
makapal na banlik na siyang nagpapataas sa tubig at nagiging dahilan upang umiba ito ng daloy kung
minsan.
Ang pinakamalaking pinsalang nagawa ng Huang he ay naganap noong 1887 na ikinamatay ng halos
isang milyong tao.
Upang makontrol ito, ikinulong ng mga awtoridad sa Tsina ang Huang He sa pagitan ng mga dikeng
sadyang ginawang malapad upang hindi umapaw kahit malakas ang pagbaba ng tubig mula sa bundok.
Gayunpaman, tuwing tag-ulan ay palaging nakaamba ang panganib sa mga tao at sa mga bukiring higit
na mababa kaysa sa mga dike.
Ang banlik na ito, kapag nagtipon, ay siyang nakapagpapalaki sa sukat ng lupa ng Shanghai.
Ang Yangtze ay maaaring daanan ng mga sasakyang dagat na mas maliit kaysa sa barko.
Ang bansag na “pighati ng Tsina” ay nagpapatunay na mas natatandaan ng mga tao ang hirap kaysa
biyayang dala ng Huang He.
Subalit batay sa ginawa ng mga ninuno ng Intsik, malamang na hindi nila kaagad ikinapit sa Huang He
ang katawagang ito. Katunayan, sa mga tabi ng Huang He sila unang nagtayo ng mga pamayanan, ditto
nabuo ang sibilisasyon ng Tsina.
Dahil sa natatangi at sariling kakayahan ng sibilisasyon ng Intsik, malaki ang naging impluwensya rito
noong simula ng mga naunang sibilisasyon ng mga Sumerian at Indian.
Sa mahahabang kapatagan at disyerto ng Gitnang Asya, nagbiyahe ang malalaking karaban na may
dalang mga kalakal na yari sa metal, mga butong maitatanim, pinaamong hayop, at mga bagong ideya na
sa matatalinong isipan ay maaaring magbunga ng mas marami pang mga bago at maiinam na ideya.
Ang An-yang ang nagsilbing kabisera ng dinastiyang Shang mua noong banding 1400 hanggang 1100
B.K., at siyang nagging tagpuan ng iba’t-ibang uri ng mga tao at impluwensya.
Ang dinastiyang Shang ay naghari ng 500 taon sa Tsina bago ito napabagsak ngdinastiyang Chou noong
1122 B.K.
Nag bago ang pamumuhay ng tao sa Panahong Neolitiko. Nagsimula ang malawakang pagtatanim o
agrikultura at ang pag-aalaga ng hayop. Depende sa kanilang kapaligiran.
Nang lumaon, may apat na batayang kapaligiran sa Asya na hinanap ng tao. Ito ang kapaligirang lambak-
ilog, disyerto, at steppe o damuhan. Natuto ang mga tao sa kapuluan na magtanim ng halamang ugat at
palay. Naging bihasa rin sila sa paglalayag at pangingisda. Samantala, ang mga pamayanansa lambak-
ilog ay natutong magtanim ng trigo,barley at palay. May nag-aalaga rin ng hayop sa lambak-ilog tulad ng
tupa, kambing, at baka. Sa kabilang banda, pag-aalaga ng hayop tulad ng kabayo, tupa, camel, at ox ang
naging kabayuhan sa disyerto atsteppe. May kaunting pagtatanim din tulad ng dates sa mga oasis sa
disyerto.
Tatalakayin sa blog na ito ang nabuong agrikultural na pamumuhay sa mga lambak-ilog, sa Asya - ang
Tigris-Euphrates sa Kanlurang Asya, Indus sa Timog Asya, at ang Huang Ho sa Silangang Asya.
Ilalarawan sa blog na ito ang mga kabihasnang Sumer, Indus at Shang. Ipapakita rin ang pamahalaan at
lipunan na nabuo sa tatlong kabihasnan at kikilalanin ang mga natamo ng mga ito.
Sibilisasyon
mula sa salitang ugat na civitas
Kabihasnan
nagsimula sa salitang ugat na "bihasa"
Kabihasnang Sumer
(3500-3000 B.C.E.)
Fertile Crescent
- isang arko ng matabang lupa sa Kanlurang Asya mula sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng
Mediterranean Sea.
-Ang Mesopotamia ay naging tagpuan ng iba't ibang grupo ng tao na naghahanap ng matabang lupa.
-ilang pamayanang neolitiko na lumitaw sa rehiyon sa labas ng mesopotamia ay ang Jericho sa Israel,
Catal Huyuk at Hacilar nasa Anatolia at ilang pamayanan sa kabundukan ng Zagros nasa hangganan ng
Mesopotamia-Persia.
Jericho (7000 B.C.E.) - Nest Bank na Kontrolado ng Israel -Produkto: Sulfur at Asin n nalilinang mula sa
Dead Sea.
Catal Huyuk (6000 B.C.E.) - Katimugang bahagi ng Anatolia -Pangunahing produkto ay obsidian, isang
volcanic glass
Hacilar (5700 B.C.E.) - Talampas ng Anatolia
- Pottery o mga palayok ang produkto
Ur
Uruk
Eridu
Lagash
Nippur
kish
Ziggurat
- ang mga pinunong militar ang papalit sa Paring-hari bilang pinuno ng templong-estado
*Sistemang Panrelihiyon*
- natuto ang mga Artisano na ihubog ang luwad na galing sa ilog upang maging iadrilyo
- ayon sa mga matandang paniniwalang Sumerian, ang mga kabundukan ay siyang sentro ng
kapangyarihang supernatural sa mundo
- Pagsapit sa tuktok, matatagpuan ang isang dambana na alay sa diyos na kanilang sinasamba
An - diyosa ng kalangitan
*Sistemang Panlipunan*
- kasama sa naghaharing uri ang matataas na opisyal at kanilang pamilya. kasunod ang mga
mangangalakal,artisano,scribe,at mababang opisyal.
*Kontribusyon ng Sumer sa Kabihasnang Pandaigdig*
-isa sa mga pinakamahalagang ambag ang sistema ng pagsula ayCuneiform. dahil nito, naitala na nila
ang batas,epiko,dasal,at kontrata ng negosyo.
-ang mga scribe o tagasulat ay umuukit sa isang basang Clay tablet. Nagtataglay ng kumpletong petsa at
lungsod kung saan ito nagmula.
Kabihasnang Indus
-isa sa pamayanang ito ay ang Mergarh. Na nasa bandang kanlurang ng ilog indus.
*Sistemang Pampulitika at Pang-ekonomiya*
-sa limang lungsod na nahukay, dalawa ang pinakaimportante: ang Harappa at Mohenjo-Daro
-Angappa at Mohenjo-Daro ay mga planado at oraganisadong lungsod. May dalawang bahagi ito- citadel
o mataas na moog at mababang bayan.
*Sistemang Panrelihiyon
*Sistemang Panlipunan*
*Sistema ng Pagsusulat*
-ang mga ebidensya na pagsulat ay mga selyo na may Pictogram upang kilalanin ang mga
paninda. Natuklasan ito sa Mesopotamia.
*Paglaho ng Kabihasnan*
-ang mga Aryan na tumawid sa mga lagusan sa kabundukan ng Hindu Kush bago makarating sa
lambak-iog ng Indus.
Kabihasnang Shang
-sa pagitan ng mga buwan Huyo at Oktubre dumaating naman ang hanging monsoon na may
ulan.
-Ngunit minsan, ang mataas na pagbaha ng Huang Ho ay maaari ding sumira sa maraming ari-
arian at pumatay sa maraming tao.
-noong 1920, hinati ng mga iskolar sa dalawang panahon- ang kalinangang Yangshao at ang
Lungshan.
-Yangshao(3000 B.C.E - 1500 B.C.E)- natatakpan ng luwad and pader at may bubungang pawid
o kugon.
-nagsimula na ring gumawa ng tapayan nainit sa loob ng pugon. Ang tapayan ay kulay pula at
itim, at may disenyong geometrical.
-Lungshan o Longshan(2500 B.C.E - 2000 B.C.E)- ang pangalawang neolitiko sa Huang Ho bago
ang kabihasnang Shang
-ilang pamayanan ay nagtatanim ng millet habang iba naman ay palay ang itinatanim.
-mas umunlad ang teknolohiya ng paggawa ng tapayan dahil sa pagkaimbento ng potter's wheel.
-may nauna raw na dinastiya sa Shang. Ito ang Xia o Hsia na itinatag ni Yu at nagtagal ng apat at
kalahating siglo. Kung totoo ngang dinastiya ang Xia ay hindi mapatunayan dahil sa kawalan ng
ebidensyang arkeolohikal.
*Sistemang Pampulitika*
-may pitong lungsod ng Shang ang nahukay na ng mga arkeologo. Ang pinakasikat sa pito ay
ang Anyang.
-ang pinakaimportanteng nahukay sa mga sementeryo ng Shang ay ang iba't ibang buto na
ginamit sa mga ritwal. Ang mga butong ito ay tinawag na Oracle Bones o butong orakulo.
-ang mga pinuno ng Shang ay mga paring-hari na namumuno gumagamit ng mga sandatang
bronse at sasakyang chariot.
-isa sa mga kilalang hari ay si Wu Ding. ang kanyang asawa na si Fu Hao ay magaling din na
pinunong militar.
*Sistemang Panrelihiyon*
*Sistema ng Pagsulat*
-ang mga simbolo na ginamit sa mga butong pang-orakulo ay ang karakter ng pagsusulat na
tsino.
-ang mga karakter na ito ay sumisimbolo a bagay,ideya, o tunog na maaaring isulat na patayo.
-gumagawa rin ito ng mga seda para sa mga aristokrata at magagandang porselana mula sa kaolin