Pahina ng Pamagat – sa bahaging ito mababasa ang pangalan
ng may akda, ang pangalan ng aklat, at ang naglimbag nito.
Pahina ng Karapatang-ari – Makikita rito ang karapatang-ari
ng tagalimbag, kung ilang edisyon, kailan inilimbag, at maikling impormasyon tungkol sa awtor.
Paunang Salita – nakasaad dito ang dahilan kung bakit isinulat
ng may-akda ang aklat kasama ang paliwanag sa paggamit nito.
Talaan ng Nilalaman – makikita rito ang pahina ng bawat
paksang tinatalakay sa aklat.
Katawan ng Aklat – makikita rito ang mga paksa at araling
nilalaman ng aklat.
Glosari – nakatala rito ang mga kahulugan ng mahihirap na mga
salitang ginamit sa aklat.
Bibliograpi – nakatala rito ang pangalan ng manunulat at aklat
na pinagkunan ng may-akda ng ilang mahahalagang impormasyon. Indeks – nakasulat dito ang pangalan, mga paksa na nakaayos nang paalpabeto, at ang pahina kung saan ito matatagpuan sa aklat.