You are on page 1of 3

Ang Kwento ni Mabuti- Genoveva Edrosa Matute

I.              Tauhan
Lapad na Tauhan:
Mabuti- isang guro sa larangan ng Panitikan at malimit na tinuturan ang salitang
“mabuti”. Matatag sa pagsubok sa buhay.
Anak ni Mabuti- Anim na taong batang babae na nais maging manggagamot ni Mabuti.
Mga Estudyante- mga mag-aaral na tinuturuan ni Mabuti sa Panitikan at pinagtitiisan
ang paulit-ulit na kwento ni Mabuti tungkol sa anak.
Asawa ni Mabuti- mahihinuha natin na iniwan niya si Mabuti at ang kanyang anak para
sa ibang babae.
Bilog na Tauhan:
Ang mag-aaral na umiyak sa sulok- isang batang naging malapit kay Mabuti at
naging interesado sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti.

II. Tagpuan
   

Sa isang pinaglumaan ng panahon na paaralan


III.Banghay
Panimulang Pangyayari
       Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod
dahil sa lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga
mag-aaral sa Panitikan dahil dito siya bihasa.

Suliranin
          Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-
aklatan dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at
pinatahan. Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon.
Tinanong niya si Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon
ngunit hindi siya nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng
matinding damdamin sa pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro.

Kasukdulan
            Isang araw, nagkwento si Mabuti tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa
susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang maging manggagamot ang
kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang narinig ang bulung-
bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang ama!”.
Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman, siya
ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot
sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng
pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga
impormasyon ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti.
Kakalasan
           Natuklasan ng mag-aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang
nakaburol ang asawa ngunit hindi sa tinitirhan ni Mabuti.
Wakas
          Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang
lahat at iyon ang nagpagaan ng damdamin nito.

IV.                Mga Leksyon o Aral


  Huwag kang makiapid.
  Mahalin at maging tapat ka sa iyong pamilya.
  Maging positibo ka sa lahat ng aspeto sa buhay.
  Huwag mong itago ang iyong nadarama dahil hindi ito makatutulong.
  Laging isipin na lahat ng bagay ay mabuti.
  Pahalagahan mo ang mga tao sa paligid.
  Ang babae ay matatag sa mga problema lingid sa kaalaman ng mundo.

V.                        Bisang Pangkaisipan


-          Ang kababaihan ay tunay na matatag sa mga problema.
-          Dapat isipin natin na ang ating mga guro ay ating pangalawang magulang at dapat
natin silang tulungan sa kanilang mga suliranin kapalit ng kanilang mga sakripisyo para
sa atin.

VI.                Bisang Pandamdamin


-          Nahihiwagaan ako kay Mabuti dahil sa kanyang kinikilos. Sa mga nakasaad sa kwento, sa harap ng
klase ay nakangiti siya ngunit tumatangis siya sa sulok ng silid-aklatan.  Naitatago niya ang kanyang
damdamin at namamangha ako sa pagiging matatag at positibo niya.
-          Naiinis ako sa asawa ni Mabuti dahil iniwan siya si nito pati na rin ang kaniyang anak para lang sa
ibang babae. Kaya siguro siya ay namatay dahil binalikan siya ng mga kasamaang ginawa niya.

VII. Bisang Pangkaugalian


     

-          Dabat bigyan natin ng importansya ang ating mga kabiyak dahil sila ay kalahati na ng ating buhay.
-          Dapat igalang natin ang ating mga guro.
-          Dapat maging positibo tayo sa buhay tulad ni Mabuti.

VIII.                    Buod


                Uminog ang istorya sa buhay ni Mabuti, isang guro, habang kinukwento mula sa punto de vista
ng isa sa kanya ng mga estudyante.

Tinatawag siyang Mabuti ng kaniyang mga estudyante sa kanyang likod dahil lahat ng kaniyang mga
salita ay naglalaman ng mga kabutihan. Bukod roo'y binudburan rin ng salitang 'mabuti' ang mga
sinasabi niya.

Isang hapo'y may isang estudyante ang umiiyak nang patago sa silid-aklatan, nakita siya ni Mabuti at
inalo ito. Sinabi ni Mabuting hindi niya alam na may tao roo't ang pagpunta niya roo'y hindi rin
nagkataon lamang. Pumupunta rin si Mabuti sa sulok ng sild aklata na iyon upang umiyan rin.
Kung anong kadahilana'y hindi niya na sinabi. Nakinig lamang siya sa kanyang estudyante kahit na
napaka babaw lamang ng iniiyak nito.

Simula ng engkwentrong iyon ay mas naging bukas na si mabuti sa pagkekwento ng kaniyang buhay,
liban ng tungkol sa kaniyang asawa. Iniikutan ng kaniyang mga pangarap ng kabutihan ang kaniyang
anak, halata sa mga kwento niyang patungkol dito na ang anak niyang ito ang kaniyang buhay.

wala pang isang taon mula ng siya'y mabiyuda. Sa kabila ng bigat na kaniyang dinadala ay patuloy pa rin
ang kaniyang positibismo. Ang kanyang katatagan ay patuloy ang pagningas kahit nilulunod na siya ng
kalungkutan. 

You might also like