You are on page 1of 25

ISSN 1908-885X

STARRDEC Farm Primer No. 01/2010

Produksyon ng
Lansones
Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural
Resources Research and Development (PCARRD)
Department of Science and Technology (DOST)

Southern Tagalog Agriculture and Resources Research


and Development Consortium (STARRDEC)
Cavite State University (CvSU)

Southern Tagalog Integrated Agricultural


Research Center (STIARC)
Department of Agriculture (DA) RFU-IV-A
Office of the Executive Director

ISO 9001:2008

Dear Reader:

This Regional Farm Primer presents location-specific and


need-based information, technologies, and farm practices from
among the regional consortia. It aims to provide the farmers
and other clientele the appropriate information and technology
that target the regional priorities or focus commodities in their
respective regions.

As part of enhancing the Techno Gabay Program, the primers


aim to hasten the delivery of information, education, and
communication (IEC) materials that are specifically intended
for the target audience and beneficiaries in the regions. Each
primer is created by a regional team based on the focus
commodities/regional priorities identified by the consortium.

Through these primers, farmers and other clientele of the


PCARRD-Consortia partnership will have better access to
appropriate information and viable technologies. Also, the
primers will enhance the inventory of location-specific IECs
and strengthen the continuum between research and extension.

Sincerely yours,

PATRICIO S. FAYLON
Executive Director
PCARRD
STARRDEC Farm Primer No. 01/2010

Produksyon ng Lansones

Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural


Resources Research and Development (PCARRD)
Department of Science and Technology (DOST)

Southern Tagalog Agriculture and Resources Research


and Development Consortium (STARRDEC)
Cavite State University (CvSU)

Southern Tagalog Integrated Agricultural Research


Center (STIARC)
Department of Agriculture (DA) RFU-IV-A

Los Baños, Laguna


2010
First Edition 2010

ISSN 1908-885X

Bibliographic Citation:

Southern Tagalog Agriculture and Resources Research and


Development Consortium. Produksyon ng lansones.
Los Baños, Laguna: PCARRD-DOST, STARRDEC-CvSU,
RFU-IV-A/DA-STIARC, 2010. 13p. - (STARRDEC Farm
Primer No. 01/2010)

ii
Paunang Salita

Layunin ng babasahing ito na makapagbahagi ng


mga kaalaman at gabay sa produksiyon ng lansones
upang mapataas ang ani at kita ng mga maglalansones.
Nakapaloob dito ang mga pamamaraan ng pagpaparami
ng pananim na lansones at ang tamang pag-aalaga sa
punong-kahoy na ito. Tinalakay din ang gastos at kita ng
mga magsasaka sa mga teknolohiyang nabanggit gayundin
ang pamamaraan ng pag-aani at pagkakalakal. Nasasaad
din dito ang iba’t ibang sakit at peste ng lansones at kung
paano maiiwasan at masusugpo ito.

DIVINIA C. CHAVEZ
Chairperson, STARRDEC Regional Research and
Development Coordinating Council (RRDCC)

iii
Pasasalamat

Lubos na pinasasalamatan ang mga sumusunod sa


kanilang naibahagi sa paggawa ng babasahing ito:

• Ang pamunuan ng Department of Agriculture


Regional Field Unit IV-A (DA RFU IV-A) sa
pangunguna ni Assistant Secretary at OIC-Regional
Executive Director Dennis B. Araullo; Regional
Technical Director for Policy, Research, Planning
and Development, Dr. Aida P. Cariño; Regional
Technical Director for Operations, Engr. Abelardo
R. Bragas; at ang pamunuan ng Southern Tagalog
Integrated Agricultural Research Center (STIARC) sa
pangunguna ni Gng. Digna P. Narvacan;

• Ang Bureau of Agricultural Research (BAR) na


siyang nagbigay ng tulong pinansyal upang
maisagawa ang proyektong “Agribusiness
Development Project on Lanzones”;

• Ang research staff ng STIARC na binubuo


nila Avelita M. Rosales, sa pangkalahatang
pangangasiwa ng proyektong “Agribusiness
Development Project on Lanzones”, Virgilia D.
Arellano, Merly K. Tuazon, Elizabeth R. Gregorio,
Thelma M. Lambio na nakatulong ng may akda
sa pagsasagawa ng proyektong “Agribusiness
Development Project on Lanzones”;

• Ang research staff ng Tanggapan ng Sakahang


Panlalawigan ng Laguna at mga kawani ng
Tanggapan ng Sakahang Pambayan ng Alaminos,
Pakil at Paete, Laguna, San Jose, Padre Garcia
at Lipa City, Batangas, sa pakikiisa nila sa
pagpapatupad ng proyektong nabanggit;

iv
• Si Dr. Roberto Coronel, Professor Emeritus sa
UP Los Banos sa pagsusuri ng mga nasasaad na
impormasyon at teknolohiya sa lathalaing ito;

• Si Bb. Ma. Ciejay J. Calara ng College of


Development Communication-University of the
Philippines Los Baños (CDC-UPLB) sa pagsalin
sa Filipino ng ilang impormasyon; sa pagbuo at
pagsasaayos ng unang nailimbag na Gabay sa
Produksiyon ng Lansones;

• Si Aida P. Luistro, Site Manager at Information


Service Specialist ng FITS DA-STIARC na orihinal na
nagsaayos at nangasiwa ng pagbuo ng primer na
ito; sa pangangalap ng ilang datos at pagtulong sa
pagsasalin ng impormasyon sa wikang Filipino;

• Ang Southern Tagalog Agriculture and Resources


Research and Development (STARRDEC) na
tumulong sa pagsasaayos ng lathalaing ito; at

• Ang Philippine Council for Agriculture, Forestry and


Natural Resources Research and Development
(PCARRD) na namahala at nagbigay tulong
pinansyal sa paglilimbag ng babasahing ito.

v
vi
Nilalaman

Paunang Salita iii


Pasasalamat iv

Panimula 1
Ano ang iba’t-ibang uri ng lansones? 1
Saan matatagpuan ang malalawak na taniman ng
lansones? 3
Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpaparami ng
lansones? 4
Saan maaaring makabili ng pananim na lansones? 5
Paano ang tamang pagtatanim ng lansones? 5
Anu-ano ang mga dapat gawin upang maging malusog at
mabunga ang mga puno ng lansones? 6
Anu-ano ang mga sakit at peste ng lansones at paano
maiiwasan o masusugpo ang mga ito? 8
Kailan dapat anihin ang prutas ng lansones? 9
Paano ikinakalakal ang mga aning prutas ng lansones? 10
Magkano ang gastos at kita sa pagtatanim ng lansones? 11
Magkano ang gastos at kita sa pagpaparami ng pananim
(nursery establishment) na lansones? 11

Pinagkunan ng Impormasyon 13

vii
Produksyon ng Lansones

Panimula

Ang lansones (Lansium domesticum Correa) ay


mahalagang prutas sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansang
tropiko. Ito ay nagmula sa Malay Peninsula at kumalat sa
mga bansang Indonesia, Singapore, Malaysia, Thailand, at
Pilipinas.

May mahahalagang kapakinabangan mula sa


lansones. Ang bunga nito ay isa sa mga pangunahing
pinagkakakitaan ng mga magsasaka sa mga lugar kung
saan ito ay malawakang itinatanim. Ang puno nito ay
matigas at mainam na gamiting poste o haligi ng bahay.
Ang pinatuyong balat naman ng bunga ay maaring
gamiting pantaboy ng lamok at iba pang pesteng insekto
sa pamamagitan ng pagsusunog nito. Maari rin itong
gamiting gamot sa diarrhea sapagkat ito ay may oleoresin.

Malaki ang potensyal na mapaunlad pa ang industriya


ng lansones sa Pilipinas at dahil dito kinakailangang
maipaabot sa mga magsasaka ang mga angkop na
teknolohiya sa pagpaparami ng pananim, pagtatanim,
at pag-aalaga ng mga puno ng lansones. Bukod dito,
mahalaga ring maituro ang wastong pamimitas at pag-
iimpake ng mga bunga ng lansones upang mabigyan ito
ng mataas na halaga sa pamilihan.

Ano ang iba’t ibang uri ng lansones?

Sa kasalukuyan, may apat na uri ng lansones ang


karaniwang itinatanim sa Pilipinas. Ito ay ang Paete,
Duku, Thai, at Jolo . May kanya-kanyang katangian ang
bawat uri at ito ay ang mga sumusunod:

1
Produksyon ng Lansones

Iba’t ibang uri ng lansones at ang mga katangian ng


mga ito:

Uri Anyo Dahon Bunga


Paete Tuwid at paitaas Matingkad na Manipis ang balat,
ang mga sanga berde, pantay ang habilog
gilid ng dahon at
bahagyang pahaba
ang dulo

Duku Tuwid na puno; Alon-alon ang gilid Makapal ang balat,


mayabong at ng dahon, pabilog karaniwang may isa
malapad na ang dulo ng dahon o walang buto. May
sanga 4-5 bunga kada buwi

Thai Tuwid na puno, Pantay ang gilid ng Malutong ang balat,


mayabong na dahon mahaba ang buwig,
sanga karaniwang walang
buto

2
Produksyon ng Lansones

Uri Anyo Dahon Bunga


Jolo Tuwid na puno, Pantay ang gilid ng Makapal ang balat,
mayabong na dahon mahaba ang buwig,
sanga karaniwang may 3–4
na buto; maasim
ang bunga

Saan matatagpuan ang malalawak


na taniman ng lansones?

Naitala noong 2006 na ang mga rehiyon ng


ARRM, CALABARZON, Northern Mindanao, Davao, at
Zamboanga Peninsula ang may pinaka malalawak na
taniman ng lansones.
Rehiyon Sukat ng Taniman Produksyon
(Ektarya) (Metriko Tonelada)
CAR 25 13
Ilocos 4 1
Cagayan Valley 20 115
Central Luzon 6 20
CALABARZON 4,334 4,248
MIMAROPA 309 172
Bicol 35 8
Western Viasayas 371 545
Central Visayas 84 80
Eastern Visayas 167 735
Zamboanga Peninsula 1,711 800
Northern Mindanao 3,278 1,948
Davao Region 2,060 2,345
SOCCSKSARGEN 1,108 543
CARAGA 829 335
ARMM 5,327 38,105
Kabuuan 19,668 50,012
Pinagkuhanan ng datos: Bureau of Agricultural Statistics, 2007.
3
Produksyon ng Lansones

Anu-ano ang iba’t ibang paraan ng pagpaparami


ng lansones?

May dalawang pamamaraan ang karaniwang ginagamit


sa pagpaparami ng lansones. Ito ay ang sekswal o likas na
pamamaraan at asekswal o di likas na pamamaraan.

Sekswal o likas

Ito ay karaniwang ginagawa sa pamamagitan ng


pagpupunla at pagpapatubo ng mga buto ng lansones.
Inililipat ang mga punla sa mga plastik bag na may
lamang pinaghalong lupa at organikong pataba. Maaari
din gamitin ang binulok na pulbos na bunot ng niyog.
Inaalagaan ang mga inilipat na punla hanggang sa lumaki
na may isang metro ang taas.

Asekswal o di likas (pagdudugtong)

Ang cleft grafting ang pangkaraniwang ginagamit


sa pagpaparami ng iba’t-ibang uri ng lansones. Ang
mga budsticks ay kinukuha sa mga puno na may piling
katangian. Maaring gamiting rootstock kahit anong uri
subalit pinakamabuti ang Jolo.

4
Produksyon ng Lansones

Saan maaaring makabili ng pananim na lansones?

Sa Timog Katagalugan, maaaring makabili ng


magagandang uri ng dugtung na lansones sa Southern
Tagalog Integrated Agricultural Research Center
(STIARC), Brgy. Marawoy, Lipa City at sa Plant Nursery ng
Tanggapan ng Sakahang Panlalawigan ng Laguna (Office
of the Provincial Agriculture), Brgy. Lamot, Calauan,
Laguna. May mga pribadong narseri din ang nagpaparami
at nagbibili ng pananim.

Paano ang tamang pagtatanim ng lansones?

Maaari ng ilipat-tanim ang mga pananim ng lansones


kapag ito ay may taas nang isang metro. Mas mainam
magtanim ng lansones sa panahon ng tag-ulan.

Ihanda ng maayos ang lupang taniman at gawin ang


mga sumusunod:

1. Pumili ng taniman na hindi tinitigilan ng tubig at


may magaspang at buhaghag na lupa.
2. Kumuha ng soil sample at ipasuri ito sa
pinakamalapit na Soils Laboratory sa inyong lugar
upang malaman ang mga kinakailangang abono at
sustansya ng lupa.
3. Araruhin ang lupa bago magtanim (opsyonal).
4. Humukay ng butas na may luwang at lalim na
30 sentimetro. Ang agwat ng bawat butas ay
5–6 metro kapag Paete var. ang itatanim, at
7–8 metro naman kapag duko o Thai var. ang
itatanim. Lagyan ng pinaghalong organikong pataba
at lupa (1:1) ang ikatlong bahagi ng hukay. Kung
walang organikong pataba maaaring maglagay
ng komersyal na pataba (inorganic) katulad ng

5
Produksyon ng Lansones

urea (46-0-0). Ang dami nito ay ayon sa resulta ng


pagsusuri sa lupa. Lagyan ng lupa ang hukay na
may inorganic na abono bago ilagay ang pananim.
Tiyakin na hindi malalagyan ng abono ang ugat ng
pananim.
5. Tabunan ng lupa ang hukay pagkatanim. Diligin
kaagad at ulitin ang pagdidilig kung mapansin na
may kakulangan sa tubig katulad ng pagkalanta ng
dahon.

6. Lagyan ng pangkanlong ang bagong tanim na


lansones. Maaring gumamit ng dahon ng niyog
o saha ng saging. Maaring magtanim ng apat na
poste ng madre de cacao o kamoteng kahoy na
nakapalibot sa puno ng lansones sa layong isang
metro.
7. Palaging bisitahin ang tanim upang malaman ang
kondisyon ng halaman.
8. Maglagay ng abono dalawang beses sa isang
taon: sa Mayo o Hunyo pagsapit ng tag-ulan, at sa
Oktubre o bago matapos ang tag-ulan.

6
Produksyon ng Lansones

Anu-ano ang mga dapat gawin upang maging


malusog at mabunga ang mga puno ng lansones?

1. Pag-aabono

Ipasuri ang taglay na


sustansya ng lupang
taniman bago maglagay ng
anumang uri ng abono.
Ang rekomendadong dami
ng abono ay hinahati sa
dalawa. Ang kalahati ay
ilalagay sa buwan ng Mayo
o Hunyo at ang kalahati
ay sa buwan ng Oktubre
pagkatapos mag-ani.
Maglagay ng abono kada
taon.

2. Paglilinis at pagbabawas ng mga sanga (pruning)

Alisin ang mga tuyong


sanga na walang dahon at
mga suloy na di kailangan
pagkatapos mag-ani. Ang
mga tuyong sanga ay
pinagbabahayan ng mga
peste katulad ng insekto at
amag. Samantalang ang
mga sobrang dahon at suloy
ay nakikibahagi sa sustansya
na mahalaga upang ang
puno ay mamunga.

7
Produksyon ng Lansones

3. Pagpapatubig o irigasyon

Ang pagpapatubig
ay nakakapagpa-aga
ng pamumulaklak
lalo na kung may
2–4 na linggong
tagtuyot na nangyari.
Dapat ay tuloy-tuloy
ang patubig hanggang
sa sumapit ang tag-
ulan upang maiwasan
ang pagkaluoy ng
mga butong o flower buds. Diligin o patubigan ang mga
punong lansones hanggang lupa ay magkaroon ng tamang
halumigmig.

4. Wastong pagsugpo sa pesteng insekto, sakit, at dapo.

Anu-ano ang mga sakit at peste ng lansones


at paano maiiwasan o masusugpo ang mga ito?

Bark Borer

Ang bark borer ay uod ng paruparo na makikita sa


mga puno at sanga ng lansones. Mapapansin ito sa ilalim
ng bitak-bitak at umbok
na balat ng kahoy o bark.
Kapag natuklap ang balat,
mapapansin ang mga butas
sa katawan ng puno na
likha nito. Ang pagkakalis
(scraping) ay ginagawa
pagkatapos mag-ani upang
masugpo ang mga bark

8
Produksyon ng Lansones

borer. Kapag masyadong marami ang mga uod, maaaring


magbomba ng angkop na pamatay peste.

Scab o Galis

Pangkaraniwang sakit ito ng


matatandang puno sa Laguna
at Batangas. Mapapansin ang
kakaibang hitsura ng balat na
nakaumbok (galis) kapag maysakit
ang puno. Maaring magbomba ng
pestesidyo pagkatapos kalisin ang
mga balat.

Dapo

Ang dapo ay halamang tumutubo sa mga sanga ng


lansones. Sinisipsip nito ang mga sustansya at tubig at
inaagaw din nito ang kaukulang init ng araw na para sa
lansones. Kailangang alisin ito sa pamamagitan ng pruning
ng sanga at pagtuklap sa mga ugat ng dapo na nakakapit sa
mga sanga.

9
Produksyon ng Lansones

Pagkabulok ng Ugat (Root Rot)

Ang unang palatandaan ng pagkabulok ng ugat


ay pagkalanta at paninilaw ng dahon ng lansones kahit
hindi ito nagkukulang sa tubig. Sumunod na mapapansin
ay ang panlalagas ng dahon at ang pagkatuyo ng
buong punongkahoy. Kapag sinuri ang mga sanga
nito, mapapansin ang pagkukulay kape ng loob nito na
parang nabubulok. Ang mga ugat naman ay karaniwang
nababalutan ng mapuputing amag. Panatilihing malinis
ang paligid ng mga puno upang maiwasan ang pag atake
ng amag. Ipasuri ang lupa sa pinakamalapit na pest clinic
upang malaman kung may presensya ng mga amag na
sanhi ng sakit na ito.

Kailan dapat anihin ang prutas ng lansones?

Ang pag-aani ay ginagawa kapag ang mga bunga sa


bawat buwig ng lansones ay kulay tuyong dayami (rice
straw) na. Ito ay inilalagay sa mga kaing o kahon na

10
Produksyon ng Lansones

sinasapinan ng lumang dyaryo o tuyong dahon ng saging.


Ang sapin ay nakatutulong upang hindi masugatan ang
balat ng lansones.

Paano ikinakalakal ang mga aning prutas ng lansones?

Ang mga inaning prutas ng lansones ay karaniwang


ipinagbibili ng pakyawan. Mayroong mga mamamakyaw
na nakikipag-usap na sa may-ari ng lansones sa mga
buwan ng Hulyo at Agosto kung kailan namumulaklak pa
lamang ang mga puno. Sa ganitong kasunduaan naka-
atang na sa mga mamamakyaw ang tungkulin sa pag-
aalaga ng mga puno hanggang sa pag-aani.

Maaari ring ipagbili ng tingi ang mga inaning prutas ng


lansones. Kadalasan kinikilo ang pagbebenta ng lansones
sa mga tindahan ng prutas at mga pamilihan. Kung walang
tiyak na mamimili mas mainam na huwag pagsabay-
sabayin ang pag-aani ng mga prutas upang di agad ito
mabulok.

Magkano ang gastos at kita sa pagtatanim ng lansones?

Ang kabuuang gastos sa bawat puno ay nagkakahalaga


ng P173.88 samantalang ang kabuuang kita naman ay
P1,395.50 at umaabot na P1,221.62 ang netong kita kada
puno.

11
Produksyon ng Lansones

Gawain at Materyales Halaga Bawat Puno (P)


Pagbabawas ng sanga 20.00
Pagkakalis 20.00
Pag-aabono 4.00
Pamimitas/pag-aani 83.73
Pagpipili 27.91
Materyales
Abono 18.24
Kabuuang Gastos 173.88
Kabuuang Kita 1,395.50
*Mga palagay (assumptions)
Pag-aani - P3/kg Pagpipili - P1/kg
Ani - P27.91 kg/puno Pagbibili - P50/kg

Magkano ang gastos at kita sa pagpaparami


ng pananim (nursery establishment) na lansones?

Materyales Halaga Kabuuang Halaga


Punla (rootstock) 6,000 p x P12/p P72,000.00
Budstik
Paete P2/p x 3,000 p 6,000.00
Duku P5/p x 2,700 p 13,500.00
Thai P10/p x 300 p 3,000.00
Plastik bag, laseta, 1,750.00
pantali
Abono 1 bag 900.00
Tubig P100/buwan x 6 600.00
buwan
Pangsangga ng init dahon ng niyog, 9,450.00
lambat
Gomang pandilig 1,000.00
Gawain 1,000.00
Pandugtong P2/p x 6,000 p 12,000.00
Pag-aalaga P200/araw x 10 araw/ 12,000.00
buwan x 6 buwan

12
Produksyon ng Lansones

Materyales Halaga Kabuuang Halaga


Kabuuang Gastos P133,200.00
Kita Paete-2,040 x P50/p 102,000.00
Duku - 2,160 x P60/p 129,600.00
Thai- 229 p x P150/p 34,350.00
Kabuang Kita P265, 950.00
Netong Kita P132,750.00

*Bahagdan ng nabubuhay na punla matapos dugtungan (percentage recovery after


grafting): Paete- 68%; Duku - 80%; Thai - 76%

Para sa karagdagang impormasyon, sumangguni kay:

Gng. Avelita M. Rosales


DA-STIARC
Marawoy, Lipa City
Telepono: (043) 756-49-62
E mail: stiarc@yahoo.com.ph

13
Produksyon ng Lansones

Pinagkunan ng Impormasyon

Bureau of Agricultural Statistics. Crop statistics of the


Philippines, 2001–2006. Quezon City: BAS, 2007.
Coronel, R.E. Promising fruits of the Philippines. College,
Laguna: College of Agriculture, University of the
Philippines at Los Baños, 1983. 508p.
Rosales, A.M.; Arellano, V.D.; Gregorio, E.R.; Tuazon,
M.K.; Lambio, T.M. Improved technologies for
the enhancement of lanzones production in
CALABARZON. In: 2nd Regional Technology
Commercialization Forum for Agriculture and Fisheries
held in Naga City, May 30, 2007. 35p.
__________. Pagpapa-unlad ng industriya ng lanzones sa
Timog Katagalugan. Diliman, Quezon City: STIARC
and BAR, 2008. 12p.
Southern Tagalog Agriculture and Resources Research and
Development Consortium. 2004. Gabay sa pag-aalaga
ng lansones. College, Laguna: STARRDEC. 43p.

Disclaimer

The use of trade names does not imply endorsement of or discrimination


against any product. Such products were mentioned only to provide specific
information for the convenience of the growers. The recommended methods
and pesticides are based on the results of research and the best information
available. In recommending certain treatments or activities, however, no
liability shall be attached either in the event of injury to the commodity or to
the operator.

14
Produksyon ng Lansones

Lupon ng Nagsagawa ng Primer

May Akda
Avelita M. Rosales
Project Leader, Agribusiness Development
Project on Lanzones, DA-STIARC

Virgilia D. Arellano,
Merly K. Tuazon,
Elizabeth R. Gregorio,
Thelma M. Lambio
Study Leaders
Agribusiness Development Project on Lanzones
DA-STIARC

Patnugot
Dr. Teddy F. Tepora
RACO Coordinator, STARRDEC

Nagsaayos ng Kabuuang Proyekto


Aida P. Luistro
Senior Agriculturist
DA-STIARC

Series Editor
Lily Ann D. Lando
Chief Science Research Specialist
Applied Communication Division
PCARRD-DOST, Los Baños, Laguna

Lay-out and Design


Paul Jersey G. Leron
Marina T. de Ramos
Science Research Specialist
Applied Communication Division
PCARRD-DOST, Los Baños, Laguna
15
ISSN 1908-885X

ISO 9001:2008

You might also like