You are on page 1of 3

Koneksyon ng Ekonomiya sa Kursong BS Mathematics

Kapag narinig ang kursong BS Mathematics ang unang pumapasok sa utak o isipan ng mga tao

ay magiging guro ito at magtuturo ng matematika sa eskwelahan o unibersidad. Sa hindi

pagkakaalam ng ilan hindi lamang guro ang pwedeng trabaho ng isang gradweyt ng BS

Mathematics. Maraming kilalang mathematician na kilala din bilang economista tulad nina,

leonid kantorovich kilala sakanyang teorya at development techniques para sa optimal

allocation ng resources, lloyd stowell shapley kilala bilang mathematician at nobel-prize winning

economist kilala siya sakanyang ambag sa field ng mathematical economics at game theory, at

marami pang iba.

Ayon sa pag-aaral ni Weintraub nagpapakita dito na ang matematika ay hindi nagbibigay ng

"fixed point" sa mga reperensya para sa ekonomiya. Ipinapaliwanag nya din dito ang "notions of

rigor" at ang hindi pagbabago ng ilang bagay sa loob ng matematika sa paglipas ng ilang taon,

at kung paano ito napatunayang imposible upang ipahayag ng matematika mismo bilang isang

"complete formal system". Bilang resulta, makikita naten ng mas malinaw dito na mayroong

"methological confusion" na kasama ang ilang "applied economics", na kung saan binibigyang

halaga ang expresyon ng matematika. Para mapatunayang tama ito, nagtala si weintraub ng

ilang historiographical na isyu, na tinutukoy natin dito, ibinigay ang normative na nilalaman ng

lahat ng diskarte kabilang na ang ilang pagaaral sa siyensa.

May ilang teoryang pang-ekonomiya na ipinapahayag sa mga tuntunin ng statistika at modelo

ng matematika. Ngayon magpopokus tayo kung paano ang benta sa merkado, presyo, supply,

kung paano magagamit ang demand sa statistika, at linear relationship.


Ano nga ba ang linear relationship? Ito ay statistical term na ginagamit upang mapaliwanang

ang pagkakaiba ng dependent at independent variable.

Paano nga ba nagagamit ang linear relationship sa ating ekonomiya? Ang linear relationship ay

pwedeng gamitin para ma-determina ang presyo ng ilang bilihin, at ibang resources. Tulad ng

bahay at lupa. Habang palawak ng palawak ang lupa at bahay na nais bilin ng isang mamimili

may mataas na tyansang lumaki din ang market value o presyo nito. Mas malaking quantity ng

produkto na nais bilin ng isang mamimili ay mas mataas ang matatanggap na sales nito. Maari

itong makita gamit ang linear relationship.

Paano Ginagamit ang Sipnayan sa Kaisipang Lohikal sa Kursong BS

Mathematics?

Ang salitang "lohika" ay mula sa lumang Griyego na λόγος (logos), na literal nitong kahulugan ay

“ang salita” o “ang sinabi”, ngunit mas pinipili ang kahulugan nito bilang “kaisipan” o

“katwiran”. Nagagamit ang kaisipang lohikal sa matematika sa maraming bagay.

Ayon kay Devlin (2001) ipinaliwanag nya na ang matematika ay isang pattern ng siyensa na

binibigyang diin ang pagkakasunod-sunod, istraktura, pattern at lohikal na relasyon. Ang mga

mag-aaral o kolehiyong kinukuha ang kursong matematika ay kailangang mabuo ang kanilang

kakayahang mangatwiran at mag-isip nang lohikal. Ang kaisipang lohikal ay naka base sa ilang

mga lugar at kung ang lugar na iyon ay may likas na matematika, masasabi din na ang lohika ng

matematika ay gumagana. Ang pagaaral ng matematika ay nagbibigay ng makabuluhang


pagkakaintindi kapag inintindi mo ito ng mabuti gamit ang lohikal na pangangatwiran. Ang

antas ng lohikal na pangangatwiran ay nagdaragdag kasama nito pare-pareho ang paggamit sa

iba't ibang mga konteksto at kapag natutunan ito sa mga unang taon. Ang lohikal na pag-iisip ay

naka-link sa ideya na ang pag-aaral ng matematika ay maaaring patunayan na ang ilang mga

bagay sa matematika ay tunay. may ilang mga patakaran ng gramatika na kung saan ang ilang

mga konsepto ay pwedeng maiugnay sa matematika na pwedeng isagawa (Macdonal, 1986).

You might also like