You are on page 1of 1

Workshop 2: Pag-unawa sa Nilalaman ng Simulaang Teksto

Ang teksto ay tungkol sa mga karanasan ni Linda Miller Nicholson sa kanyang libangan
ng pangongolekta ng asin mula sa dagat. Ilinalalahad niya ang kanyang pablalakbay sa iba’t
ibang bansa para makakuha ng iba’t ibang kalidad ng asin at ang kalaunan ng paglaganap ng
kanyang libangan sa kanyang bansa. Gayunman, mas pinagbibigyang tuon ng teksto ang mga
payo na maaaring makatulong sa mga intersadong mangolekta rin ng asin mula sa tubig. Kung
tutuusin, masasabing teknikal ang teksto dahil pahakbang – hakbang at may aspetong siyentipiko
ang kanyang mga payo. Taglay ng mga hakbang ang mga terminolohiyang mahirap bigyan ng
tamang salin tulad ng sediment, siphon, vial, buoyant, Diamond Crystal Kosher Salt, atbp.
Upang mabigyan ang mga ito ng angkop na salin, maaaring bigyan lamang ng simpleng
paglalarawan ng mga katangian nito, pagbibigay ng depinisyon o kaya paglalagay ng isang
footnote

Workshop 3: Pagtukoy sa Uri ng Teksto


Ang teksto ay masasabing impormatibo sapagkat ang kabuung layunin nito ay
makapagbigay ng payo para sa mga interesadong mangolekta o gumawa ng asin mula sa dagat.
Ang teksto, sa kadalasan, ay nasa obhetibong wika – kahit na kolokyal ito dahil isa itong blog.
Masasabi rin impormatibo ang teksto dahil gumagamit ito ng mga terminolohiyang teknikal at
siyentipiko sa bawat hakbang ng pangongolekta o paggawa ng asin. Dahil ibig naming
mapanatiling impormatibo ang pagsasalin sa tunguhang lengguahe (TL), angkop na maipanatili
rin ang daloy at obhetibong wika ng mensahe ng teksto. Kinakailangan mapanatili rin ang
pagiging isang blog ng orihinal na teksto sa tunguhang lengguahe, kung saan may bahagi sa
teksto na may kasamang paghihikayat ng audiens.

You might also like