You are on page 1of 3

WIKANG KATUTUBO: TUNGO SA ISANG BANSANG FILIPINO

Wikang Filipino nasaan na ba?

Mga kabataang pinoy di alintana

Mas ginagamit pa ang ibang wika

Nilisan ito at tila nawawala.

Mas maganda kasi ang ibang wika

Dahil ang ibang wika ay nagbigay sa amin ng hiwaga

At masaya kami sa aming nakikita

Tila isang bayaga na kung saan si jungkok ang bida sa kanilang wika.

Kayo ba ay nalinlang?

Sa isa lamang karakter sa Kdrama

Ba’t di si Catriona Gray?

Ang inyung maging bida sa pelikula, na tila bida sa dalagang Filipina.

Na saan ang kabataan

Na sinabing pag-asa ng bayan

Na hindi pinapayabong ang kanilang kasarinlan

Na mas inuuna pa ang ibang kasabihan.

Ang wikang Filipino ay gaya rin ng iba

Na kayang makisabayan sa iba’t ibang bansa

Kaya tayong mga pinoy ay dapat bihasa

Sa wikang Filipino na sumasagisag sa ating bansa .


Kahit magbago man ang ating mundo

Dapat natin ipagmalaki ang ating wikang katutubo

Na siyang sumisimbolo

Sa ating pagkatao.

Saan ba nagsimula ang aking pagkatao

Na tila nabuhay sa mundong ito

Ako ba ay napabilang sa katutubong Filipino

O di kaya ay napabilang sa mga koreano.

Nais mo ba malaman ang iyong pagkatao?

Ano ba ang lugar na kinakatayuan mo ?

Ano ba ang lupa na tinatapakan mo?

Na sa dugo mo lang ang sagot sa mga tanong mo?

Salamat sa paalala mo Inang Bayan

Batid ko ang aking Puso ay makasarinlan

Gusto Kung mamulat sa aking kasakiman

Ngayon marami na akung natutunan, Na dapat natin pahalagahan ang ating Inang Bayan.

Nais ko lamang ninyong hindi kalimutan

Na namatay si Jose Rizal, sa pagtanggol sa ating Bayan

Bayan na dapat natin ipaglaban

Tungo sa kabutihan ng ating Inang Bayan.


Wag sana nating kalimutan

Kung saan tayo pinagmula

Dapat natin pahalagahan

An gating wikang Filipino.

You might also like