You are on page 1of 1

Kahalagahan ng Pakikinig at pagsasalitang miyembrong pamilya

Ang komunikasyon ay ang paraan kung saan nakakapag palitan ang tao ng impormasyon
gamit ang berbal o di berbal na pamamaraan ng pag uusap. Ginagamit ito lagi sa pang araw
araw ng mga tao tulad ng sa pagbili sa tindahan, sa gyera, sa pagkilala sa isang tao, at ang
syempre sa loob ng ating tahanan. Importante ang komunikasyon sa pamilya dahil dito mas
magkakaintindihan ang mga myembro at mas makakaiwas sa gulo o ano mang di kaaya ayang
mga pang yayari. Isa sa mga positibong pag gamit ng komunikasyon sa isang pamilya ay ang pag
kwekwento sa hapag kainan. Dahil dito ang kasapi ng pamilya na may problema ay nakakapag
labas ng kanyang damdamin at ang iba namang kasapi ay makakapag labas din ng kanyang
opinion upang malutasan ang problema. Kung walang komunikasyon sa loob ng ating tahanan,
ang pamilya mawawalan ng sigla at saya dahil kung walang komunikasyon hindi makakapag
bonding ang mga myembro ng pamilya, ika nga “communication is the key to success”. Kaya
kung may kapamilya tayo na gusto mag kwento o may kailangan ng tulong kailangan nating
maging bukas para sakanila dahil kailangan natin iparamdam sakanila na ang pamilya ay hinding
hindi ka iiwan at hinding hindi ipaparamdam sayo na hindi ka nag iisa. Sa kasalukuyang
pandemic na mayroon ngayon. Ngayon ang oras natin para mag bigay ng oras natin sa pamilya,
binigay na satin ang panahon na makapag bonding tayo kasama ang pamilya. Dahil ang nangyari
sakin dati nagging hadlang ang kawalan ng panahon sa pagkakaroon ng madalas
nakomunikasyon sa pagitan ng bawat pamilya ng dahil sa aking pag pasok sa eskwela. Ngayon
aking napagtanto ang kahalagahan ng pag kausap sa ating pamilya.

You might also like