You are on page 1of 9

EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA

MAG-AARAL NG
SENIOR HIGH SCHOOL SA IKA-LABING ISANG
BAITANG SA CARMUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
Isang Pamanahong – papel

na Inihaharap sa Kagawaran ng Departamento

ng Senior High School sa CARMUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng Pagbasa,Pagsusuri at Pagsulat ng Ibat-Ibang Teksto


Tungo Sa Pananaliksik

Nina:
Moris, Ariesteo

Miranda, Mark Richard

Manalo, Lester Arvin

Manlises, Jhon Rexan

Masiri, Limuel

Sarmiento, Loel Jay

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang sa Pagbasa,Pagsusuri at Pagsulat ng


Ibat-Ibang Teksto Tungo Sa Pananaliksik,ang pamanahong papel na ito na pinamagatang EPEKTO NG
MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA MGA MAG-AARAL NG
SENIOR HIGH SCHOOL SA IKA-LABING ISANG BAITANG SA CARMUNDO NATIONAL HIGH SCHOOL
ay
inihanda at iniharap ng mga mananaliksik na sina:
Moris, Ariesteo

Miranda, Mark Richard

Manalo, Lester Arvin

Manlises, John Rexan

Masiri, Limuel

Sarmiento, Loel Jay

Tinanggap sa kagawaran ng Departamento ng Senior High School sa Carmundo National High School
bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Pagbasa,Pagsusuri at Pagsulat ng Ibat-Ibang Teksto
Tungo sa Pananaliksik

Ginoong,Roland Paolo D.Diloy

PASASALAMAT
Taos pusong pasasalamat ang aming ipinaabot sa mga sumusunod na indibidwal at tanggapan
dahil sa mahahalagang tulong, kontribusyon at suporta tungo sa matagumpay na reyalisasyon ng
pamanahong papel na ito .
-Sa aming guro na si Ginoong,Roland Paolo D.Diloy, ang aming mabait na guro sa asinaturang
komunikasyon , sa pagtulong sa amin at paggabay sa paggawa ng isang pamanahong-papel sa
pamamagitan ng pagtuturo ng tamang paggawa at mga tamang hakbangin sa pagsulat ng isang
pamanahong-papel.

- Sa mga awtor, editor at mananaliksik ng mga akdang pinaghanguan ng mahalagang


impormasyon na aming ginamit sa pagsulat ng una at ikalawang kabanata ng pamanahong-papel na ito.

- Sa mga respondente, sa paglaan ng panahon upang matapat na sagutan ang aming inihandang
kwestyuner

- Sa aming kanya-kanyang pamilya sa pag-unawa at pagpapahintulot sa aming umuwe sa


oras na hindi namin kinagawian matapos lamang ang pamanahong-papel, at higit sa lahat

- Sa Poong Maykapal, sa pagdinig sa mga panalangin lalong-lalo na sa sandaling kami ay


pinanghihinaan na ng loob at wala ng lakas ang aming katawan matapos lang namin ito sa
itinakdang panahon.
Muli, maraming salamat po.
-Mga Mananaliksik

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I. ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO 1


1. Introduksyon 1
2 .Layunin ng pag-aaral 2
3. Kahalagahan ng Pag-aaral 2
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 2
5. Depinisyon ng mga Termenolohiya 3

KABANATA II. ANG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA 4

KABANATA III. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK 5


1. Disenyo ng Pananaliksik 5
2. Mga Respondente 5
3. Instrumentong Pampananaliksik 6
4. Tritment ng mga Datos 7

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KAPALIGIRAN NITO

1.Introduksyon

Tiyakin ang mga bagay na higit na mahalaga.


Sa bawat henerasyon ng makabagong teknolohiya ay maraming kahalagahan ang naiaambag nito sa
ating pamumuhay sa pang – araw – araw. Hindi maipagkakaila na ang mga Social Networking Sites ay isa
sa maging produkto ng makabagong panahon. Napapabilis nito ang komunikasyon. Ayon kay Espina at
Borja (1996), ang komunikasyon ay isang makabuluhang kasangkapan upang maangkin ng bawat nilikha
ang kakayahang maipaliwanag nang buong linaw ang kanyang iniisip at nadarama. Dito kusang
umuusbong ang isang matatag na pagkakaunawaan at relasyon ng mga tao sa isang lipunan. Nagiging
bukas ang isipan sa mga pangyayari sa loob at labas ng ating bansa at nagsisilbing libangan ng
karamihan. Ngunit sa kabilang dako, nagiging bulag tayong mga estudyante sa maaaring dulot o epekto
nito sa ating pag – aaral at pati na rin sa pag – uugali.

Dahil na rin sa nagaganap na modernisasyon sa ating mundo, marami ang nagbabago. Kabilang na dito
ang pagbabago sa pananaw ng mga estudyante sa mga bagay na produkto ng makabagong teknolohiya,
mga kinahihiligang mga larong online, maging ang paraan ng kanilang pakikisalamuha sa kapwa.
Masasabing mas mahabang oras ang inilalaan ng mga estudyante sa ngayon. Ang pumuntang computer
shop para buksan ang kanilang account, malaro ng online games, kaysa sa pagbisita ng silid – aklatan at
igugol ang bakanteng - oras para mabasa ng mga aklat at mag – aral.

Kadalasan naman, nawawala na nang ganang makinig sa itinuturo ng mga guro dahil kahit sa oras ng
talakayan ay hawak – hawak pa rin ang cellphone at patuloy sa pagbisita ng kanilang account sa iba’t
ibang sites. Ang iba naman, dahil sa mga impormasyong kanilang masasagap mula sa binibisitang sites,
alam na nila ang tinuturo kaya at hindi makuha – kuha ang atensyon ng mga estudyante.

Ayon sa pag – aaral nina Basilio at Bernacer (2007), ang guro ay may malaking papel na ginagampanan
sa paghubog ng kagandahang – asal ng mga estudyante. Subalit sa pamamagitan ng social media na
produkto ng makabagong teknolohiya, kay gulo ng takbo ng kanilang pag – iisip sa larangan ng kanilang
pag – aaral. Nakakalungkot isipin na mas nangingibabaw na ang negatibong epekto ng Social Media sa
mga estudyante at tila baga unti – unti nang nahihigitan ang kagandang asal at disiplina sa sarili.

Dahil dito, ang mga guro bilang pangalawang mga magulang ng mga estudyante ay nararapat na gawing
kawili – wili ang mga gawaing pang – akademiko, magkaroon ng kakaibang istratehiya sa pagtuturo at
maghanda ng mga motibasyong nakakatawag – pansin o interes sa kanilang mga estudyante para mas
mahikayat silang makinig at makilahok sa talakayan. Kaya’t nararapat ang ibayong patnubay at gabay ng
mga guro. Higit silang naaapektuhan sa pagpasok sa iba’t ibang Social Networking Sites dahil sa walang
sapat silang kaalaman hinggil sa tamang paggamit nito.

Kaya bilang paghahanda sa mga kagamitang pangturo sa hinaharap, layunin ng pag – aaral na itong
kumalap ng impormasyong kinakailangan para tuklasin ang epekto ng dulot ng Social Media sa mga
estudyante. Ito ay para maging gabay at daan kung paano maiwasan at masolusyunan ang sobrang
pagkahumaling ng mga estudyante dito.

2. Layunin ng Pag – aaral:

Layunin ng pananaliksik na ito na mabigyang kaalaman ang mga estudyante sa ngayon tungkol sa social
media na karaniwang popular sa lipunan. Bukod pa dito, layunin rin nito na ipabatid sa mga estudyante
ang mga epekto ng social media, positibo man o negatibo, lalong-lalo na sa kanilang pag-aaral. Higit sa
lahat, ninanais ng pananaliksik na ito na mabigyang solusyon ang mga mambabasa upang maiwasan ang
pagkahumaling ng mga estudyante sa social media.

1. Anong antas ng kaalaman ang naibibigay ng teknolohiya sa mga mag-aaral ng SENIOR HIGH SCHOOL ?
2. Ano-ano ang mga saloobin ng mga mag-aaral sa teknolohiya ukol sa pag-aaral ngayon ?
3. Sapat ba ng kaalaman ng mga mag-aaral na nakukuha s teknolohiya at sa pag-aaral ng mga mag-
aaral ?
4. Ano-anu ang nakukuhang kaalaman ng mga mag-aaral sa teknolohiya ?
5. Bakit kelangan ng mag-aaral ang teknolohiya sa ngayon ?

3. Kahalagahan ng Pag – aaral

Malaki ang epekto ng Social Media sa mga estudyante ngayon. Maaaring mabuti o masama ang dulot
nito depende sa taong gumagamit. Ang pag – aaral na ito ay inaasahang maging kapaki – pakinabang sa
mga sumusunod:

Sa mga Mag – aaral. Sa pamamagitan ng pag – aaral na ito, magsisilbing patnubay at makatutulong para
makakuha ng paraan kung paano mababago at mapapaunlad ang kanilang pananaw tungkol sa Social
Media. Makatutulong din ito upang maimulat ang isipan ng mga estudyante sa tamang paggamit ng
social media bilang instrumento sa pagpapaunlad ng kanilang sarili.

Sa mga Guro. Upang bigyang – ideya ang mga guro tungkol sa Social Media na kadalasang
pinagtutuunang – pansin ng mga estudyante sa ngayon. Sa pamamagitan ng mga ideyang napulot,
maaaring gamitin at isagawa ang mga maging mungkahing paraan at solusyon para malimitahan ng mga
estudyante ang kanilang lubos na pagkahumaling sa Social Media.

Tagapangasiwa ng Paaralan. Ang resulta o ang kinalabasan ng pag – aaral na ito ay makatutulong sa
pagpapatupad ng mga programa, proyekto, mga gawain at iba pang mga hakbang para makatulong sa
mga mag – aaral na mapaunlad ang kanilang persepsyon o pananaw tungkol sa dito.

Sa mga Mananaliksik sa Hinaharap. Ang aming pananaliksik ay magsisilbing gabay upang kung sakaling
ang kanilang paksa ay kauri nitong pag – aaral ay may mapagkukunan sila ng mga kaugnay ng literatura
at karagdagang kaalaman.

Sa mga kasalukuyang mag-aaral ng SENIOR HIGH SCHOOL . Bilang isang mag-aaral at guro, abogado,
pulis, nurs sa hinaharap , ang pananaliksik na ito ay magsisilbing mapagkukunan ng mga ideya at mga
posibleng sitwasyong kanilang kalalagakan sa hinaharap. Sa ganoong paraan makapaghahanda sila
upang gawin ang kanilang pagtuturo na mas epektibo.

4. Saklaw at Limitasyon ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay nakatuon sa paglalahad ng mga positibo at negatibong epekto ng social media
sa mga estudyante ng SENIOR HIGH SCHOOL sa Carmundo National High School mula sa ika-labing isang
baitang.

Nalimitahan ang pag – aaral na ito sa mga estudyante ng SENIOR HIGH SCHOOL sa Carmundo National
High School mula sa ika-labing isang baitang. Hinahangad din ng pag – aaral na ito na suriin ang mga
pananaw at persepsyon ng mga guro sa epektong dulot ng social media sa mga estudyante. Sa huli,
bibigyan ng mga mananaliksik ng mga mungkahing solusyon upang maiwasan ang sobrang
pagkahumaling sa social media ng mga estudyante.

5. Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat naming bigyan
ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa
pamahanong – papel na ito:

Ang Social Media ay isang daan upang makipagkaibigan sa isang tao kahit hindi mo siya nakikita. Ito ay
may malaking kontribusyon din sa komunikasyon sa mga taong nasa malayong lugar.

Ang Social Networking Sites ay modernong paraan ngayon ng pakikipagkaibigan ng iba’t ibang tao sa
mundo dahil sa ito ay mas high tech, mas madali, at higit sa lahat, mas mabilis. Ito ang tulay sa atin para
makamusta ang mga taong malalayo sa atin, magkaroon ng mga bagong kakilala at kaibigan.

Ang Facebook isang makabagong ideyang na nag – aalok sa ating pagkakataong makipag – ugnayan sa
isang malawak na sansinukob na tao, mga taong marahil ay bago para sa atin.

Ang Instagram Isa sa mga hottest Mobile Apps ngayong taon at araw – araw ay parami ng parami ang mg
active users. Isa rin itong tulay sa modernong pakikipagkaibigan. Dito, makikita ang kinahiligan o interes
sa mga larawang pinopost.

Ang Wattpad ay tinaguriang “the best place to discover and share stories”.Mahalaga sa larangan ng
panitikan sapagkat ito ay isa sa mga aktibong paraan ng pagpapalaganap ng mga kwentong maaaring
magasaya, magbigay ng lakas, magsilbing inspirasyon, magpalungkot at syempre magpakilig lalong – lalo
na sa mga kabataan. Isa rin itong malaking komunidad kung saan maraming pwedeng malaman o
madiskubre.

Kabanata II
Mga Kaugnay na Literatura
Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang
naniniwala na ang teknolohiya ay may epekto sa ating lipunan , pero marami rin ang pabor sa pag-unlad
ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino . Ang mga
pananaw na ito ay tama. Subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kungang teknolohiya nga ba ay
nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa atin mga Pilipino kung paano
natin ito gagamitin. Ayon kay Miel Torres ng Tanauan Institute Inc. Na may kursong Business
Administration ,Sa kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi nakaka-alam ng isa pa sa mga sikat na
imbensyon, ang Computer. Bagay na nagpadali ng buhay ng mga mag-aral na katulad ko. Ayon nga sa
mga nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng mag-hapon sa library ng paaralan upang hanapin ang
kahulugan ng mga leksyon, ngayon ay nariyan sa bawat kanto ng Metro Manila hindi lang sa lugar ng
mga urban maging sarural ang mga ‘Internet Café’. Sa isang pindot lang, nasa harap mo na agad ang
hinahanap mo. Maliban pa sa sobrang bilis na proseso na paghahanap ng leksyon,nariyan pa ang printer
upang solusyonan ang problema sa matagal na pagsusulat ngmga takdang aralin. Click lang ng click ay
makukuha mo na ang isang mabilis naproseso ng paggawa. Kung isang matalinong indibidwal nga naman
ang gagamit ng teknolohiya, siguradong malayo ang mararating ng ating bansa. Malaki ang
maitutulongnito upang umunlad at patuloy na mapadali ang proseso ng modernisasyon na siyang
magdadala sa bawat tao sa tiyak na tagumpay.Ayon kay DepEd Asst. Secretary Teresita Inciong, kina
kailangan na pagsabihanlang ng mga guro ang kanilang mga estudyante na patayin o itago ang
cellphones ngmga ito habang nasa klase para makaiwas sa anumang reklamo mula sa mgamagulang
laban sa kanila.
Sa umiiral na DepEd Order number 83-2003; order number 26-2000 at order number 70-1999, mahigpit
na ipinagbabawal ang paggamit ng cellularphones sa mga estudyante habang nasa loob ng klase.
Pinakiusapan din ni Inciong ang mga estudyante na maging responsable sa paggamit ng cellphone.
Hinikayat rin niInciong ang mga guro na gabayan ang mga estudyante sa tamang paraan sa paggamitng
naturang teknolohiya sa impormasyon upang hindi malaglag ang mga ito sa malinggawain tulad ng
pakikipag-text sa mga estranghero na may masasamang intensyon,bagkus ay gamitin ito lalo na sa
paghingi ng saklolo.

Kabanata III
Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik
Ang mga maniniliksik ay matiyagang na ngalap ng impormasyon sapamamagitan ng matiyagang
pamimigay ng mga talatanungan sa mga mag-aaral ng Carmundo National High School , sa
Departamento ng Senior High School at pangangalap ng mga datos sa aklatan at mga thesis.
Sa kabanatang ito ilalahad ang disenyo at pamaraan ng mga mananaliksik,disenyo, respondent, teknik,
instrument, paraan ng pagsasagawa at istratehiyanggagamitin ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng
ibinibigay na talatanungan.
Disenyo
Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng descriptive survey opaglalarawan panunuri dahil
inilalarawan rito ang kinalalabasan ng pag-aaral sapamamagitan ng talatanungan.Upang maisakatuparan
ang pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay gumawamuna ng talatanungan o “questionnaire” na
siyang ipinasasagot sa mga mag-aaral ng Senior High School. Na nagiging saklaw ng pag-aaral naito.
Pagkatapos malikom ang mga talatanungan, ito ay iwinasto at matiyagang sinuri ngmananaliksik sa
pamamagitan ng talahanayan. Upang lalong maging malinaw angkinalabasan ng pag-aaral ay gumamit
ang mga mananliksik ng pormulangmakakatulong sa lubos na ikakaunawa ng bawat talahanayan.
Percentage technique ang ginamit ng mga mananaliksik na pormula.

RESPONDENTE
Ang respondent o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa Carmundo National High School
na nasa ika-11 baitang.Binubuo ng labinlimang mag-aaral.
Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa Prinsipal at Gurong nangangasiwa sa
respondent na mag-aaral na saklaw ng pag aaral upangmaipamahagi ang mga talatanungan o
questionnaire na inihanda ng mga mananaliksikupang matugunan ang hinahanapan ng kasagutan.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK
Ginamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang malaman angmga salik na
nakakaapekto sa paraan ng pagamit ng teknolohiya ng mga mag-aaral.Gumamit dn ng aklat ang mga
mananaliksik sa pagkalap ng datos.

PAGTATRATO SA MGA DATOS


Sa pamamagitan ng paggawa ng mga teybol matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng
mga respondente ay naipakita ang porsyento o bahagdan ayon sa daming sinang-ayunang kasagutan ng
mga respondente sa tanong na nakapaloob sa kwestyuneyr o talatanungan

You might also like