You are on page 1of 44

Published by the

Writers Republic of the Philippines


Ronie J. Balasabas Department of Education
Jinny E. Opina Region VI - Western Visayas
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ESCALANTE CITY
Jolyn P. Salimbot Curriculum Implementation Division
Marineth I. Villena Learning Resources Management and
Noli P. Diogenes Development Center (LRMDC)
Escalante City, Negros Occidental, Philippines
Melanie T. Vaflor
Allen P. Valencia Copyright 2019
Bernie Rey A. Vinson
Eva B. Cabahug
Dominador D. Pabon
Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:
Fe M. Sacayan
Maribel H. Tesaluna “No copyright shall subsist in any work of the
Pedro S. Casipong
Government of the Republic of the Philippines.
Nilo J. Dela Torre
Jancen L. Dence However, prior approval of the government agency of
Edna M. Dionaldo office wherein the work is created shall be necessary
Teresito Escultor for exploitation of such work for profit.”
Elnor Mae Barasbaras

Cataloguer
This material has been developed within the Project in
Ethel S. Gali
Araling Panlipunan implemented by Curriculum and
Project Development Officer Learning Management Division (CLMD) of the
Clint S. Cinco Department of Education, Region VI – Western Visayas.
It can be reproduced for educational purposes and the
Division Quality Assurance Team source must be clearly acknowledged. The material
Alica A. Olid
may be modified and the derivatives of the work
Normelita N. Alsado
Era P. Villapana including creating an edited version, an enhancement
Marineth I. Villena or a supplementary work are permitted provided all
Jancen L. Dence original work is acknowledged and the copyright is
attributed. No work may be derived from this material
Project Manager for commercial purposes and profit.
Jason R. Alpay

Executive Managers
Ivy Joy A. Torres, PhD. Grade 9
Chief, CID Grade Level

Ermi V. Miranda, PhD.


OIC, Assistant Schools Division Tagalog
Superintendent Language

Clarissa G. Zamora, CESO VI


OIC, Schools Division Superintendent
A Workbook
for
Araling Panlipunan
9
(EKONOMIKS)

Based on least-learned skills using the


levels of thinking
TALAAN NG NILALAMAN

Gawain 1 Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan. …………… 1


Gawain 2 Nauuri ang pinagkukunang-yaman ng Pilipinas. …………… 3
Gawain 3 Natataya ang uri, dami, kalidad, at kahalagahan ng lakas – …………… 5
paggawa (labor force) sa pagkakaroon ng produkto at
mataas na kalidad na antas ng produksiyon.
Gawain 4 Nakikilala ang mga palatandaan ng mga kakapusan bilang …………… 7
isang suliraning panlipunan.
Gawain 5 Nasusuri ang mga epekto ng pag–aanunsyo ng …………… 9
pagkonsumo.
Gawain 6 Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand. …………… 11
Gawain 7 Nasusuri ang iba’t ibang istraktura ng pamilihan. …………… 13
Gawain 8 Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at …………… 15
implikasyon nito sa pang-araw - araw na pamumuhay.
Gawain 9 Nasusuri ang mga tungkulin ng iba’t-ibang organisasyon ng …………… 17
negosyo.
Gawain 10 Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan …………… 18
ng paggamit ng pamantayan sa pamimili.
Gawain 11 Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng …………… 20
pambansang produkto.
Gawain 12 Natutukoy ang dahilan/ epekto ng implasyon. …………… 22
Gawain 13 Nasusuri ang pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan. …………… 24
Gawain 14 Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng …………… 26
pamahalaan.
Gawain 15 Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapi. …………… 27
Gawain 16 Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon. …………… 29
Gawain 17 Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at …………… 31
pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya.
Gawain 18 Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang …………… 33
kaunlaran.
Gawain 19 Nasusuri ang dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng …………… 35
agrikultura, pangingisda at paggubat sa bawat Pilipino.
Gawain 20 Natitimbang ang epekto ng mga patakaran pang-ekonomiya …………… 37
na nakakatulong sa patakarang panlabas ng bansa sa
buhay ng nakararaming Pilipino.
Mga Kasagutan sa Gawain …………… 39
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Kahalagahan ng Ekonomiks”


Nasusuri ang ekonomiks bilang isang agham panlipunan.
Layunin:
AP9MKE-IA-I

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 1
Ekonomiks, Isang Agham

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang sangay ng agham panlipunan na nagsusuri sa wastong pamamahagi ng mga


pinagkukunang-yaman upang magamit sa pagbuo ng mga bagay at serbisyong
makatutugon sa kagustuhan at pangangailangan ng tao.
A. Alokasyon
B. Ekonomiks
C. Maykroekonomiks
D. Makroekonomiks

2. Anong uri ng agham panlipunan na nakatuon sa pag-aaral ng katangian o pag-uugali ng


tao kapag nakitungo siya sa pangkat o kabuuan ng kanyang lipunan?
A. Anthropology
B. Psychology
C. Sociology
D. Demography

3. Ang kaalaman sa asignaturang ito ay makakatulong sa lubos na pag-aaral sa ekonomiks


na ginagamitan ng numero, statistics, mathematical equation, formula at graph. Sa anong
agham natin matutuklasan ang pagtuturong ito?
A. Kemistri
B. Biyolohiya
C. Pisika
D. Matematika

4. Ang ekonomiks ay may kaugnayan sa sosyolohiya sapagkat sa pamamagitan ng datos


na ibibigay ng sosyologo naipaliwanag ang mga sumusunod MALIBAN sa:
A. dahilan ng krimen at kahirapan
B. dahilan ng paglaki ng populasyon
C. paglaganap ng eskwater
D. kung paano ang mga manggagawa maging produktibo

1
5. Ang ekonomiks ay may kaugnayan sa demograpiya sa pamamagitan ng mga datos na
ibinibigay ng demographer. Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagpapakita ng epekto
nito?
A. Ang komposisyon ng populasyon sa bumubuo sa lakas-paggawa ng bansa.
B. Ang malaking populasyon sa antas ng pagkatuto at kasanayang dapat makamit
ng mamamayan.
C. Ang lumulubong populasyon sa pag-unlad at pagbagsak ng ekonomiya ng bansa.
D. Ang kanilang nakaraan sa paggawa sa kabuhayan ng bansa.

6. Ang ekonomiks bilang agham panlipunan ay gumagamit ng mga simpleng kinatawan o


representasyon ng tunay na pangyayari tulad ng economics model o teorya upang
_______.
A. Mapag-aralan at maisagawa ang wastong paraan ng pamumuhay
B. maisalin ang iba’t ibang uri at paraan ng pamumuhay pang-araw-araw na gawain
C. matukoy at mapagtuonang pansin ang pinagmulang suliranin na may kinalaman
sa ekonomiya ng bansa.
D. maunawaan, maipaliwanag at mahulaan ang mga economic phenomenon sa
tunay na pangyayari.

2
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Kahalagahan ng Ekonomiks”


Layunin: Nauuri ang pinagkukunang - yaman ng Pilipinas. AP9MSP-IV-C-6

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 2
Kayamanan na nasa Pilipinas

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na salik ng produksiyon na nagmula sa kalikasan?


A. yamang-tao
B. yamang-lupa
C. yamang-likas
D. yamang-mineral

2. Ang isang uri ng pinagkukunang-yaman kung saan may kakayahang gumawa ng paraan
upang paunlarin ang mga bagay sa kalikasan ay ________.
A. yamang-tubig
B. yamang-lupa
C. yamang-tao
D. yamang-kapital

3. Ang yamang-tao ang pinakamahalagang yaman ng isang bansa dahil ang tao ay ______.
A. napapabilang sa lakas-paggawa
B. ang bumubuo at nagpapatatag ng populasyon
C. itinuturing na pangunahing salik ng produksiyon
D. ang gumagamit at nagpapaunlad sa mga likas na yaman

4. Ang mga sumusunod ay tinatawag na kayamanang mana ng bansa MALIBAN sa _____.


A. kagubatan at depositing mineral
B. karagatan, ilog at lawa
C. lupa at kagubatan
D. lakas paggawa at makinarya

3
5. Kailan masasabing pinagkukunang-yaman ang isang bagay?
A. Ito ay napagkikitaan bilang isang produkto.
B. Ito ay pinagmulan ng isang produkto na gingagmit sa pang-araw-araw.
C. Ito ay napakikinabangan at tumutugon sa pangangailangang ekonomiko.
D. Lahat ng nabanggit.

6. Paano nagiging mahalagang bahagi ng produksiyon ang yamang-kapital?


A. Ito ay ginagamit ng tao upang kunin at isailalim sa isang proseso ang mga hilaw
na materyales upang makabuo ng panibagong produkto.
B. Nagiging mahalagang salik ng produksiyon ang tao sapagkat siya ay gumagamit
ng lakas at nagpapaunlad sa mga yamang – likas.
C. Kabilang sa mga mahahalagang gamit ng mga ito ay ang paglikha ng enerhiya at
irigasyon sa mga sakahan.
D. Ito ay itinuturing na hindi napapalitang pinagkukunang-yaman at walang
kakapusang nararansan dito.

4
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Produksiyon”


Natataya ang uri, dami, kalidad, at kahalagahan ng lakas – paggawa
Layunin: (labor force) sa pagkakaroon ng produkto at mataas na kalidad na
antas ng produksiyon. AP9MKE-Ii19

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 3
Lakas- Paggawa

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa proporsyon ng indibidwal sa lakas-paggawa


sa edad na nasasakupan na may potensyal na maging aktibong manggagawa?
A. Economically Active Population
B. Labor Participation Rate
C. Employment Rate
D. Active Population Rate

2. Bakit mahalaga ang gulang, distribusyon, proporsyon ng lalaki at estado sibil sa


ekonomiya ng bansa?
1. Dahil may epekto ito sa edukasyon
2. Dahil may epekto ito sa dami ng ipinanganak
3. Dahil may epekto ito sa laki ng lakas – paggawa
4. Dahil may epekto ito sa laki ng namumuhunan; at
5. Dahil may epekto ito sa laki ng namumuno

A. 1,2,3
B. 1,3,5
C. 3,2,4
D. 3,4,5

3. Sa anong batas itinadhana na hindi maaring mamasukan sa mga mapanganib na trabaho


ang mga kabataan na wala pang 18 taong gulang?
A. Batas Pambansa 877
B. Batas Republika 1556
C. Batas Republika 4729
D. Batas Republika 7610

5
4. Ang mga sumusunod ay hindi sangay ng pamahalaan na nangangasiwa at tumutulong
sa pagpapaunlad ng paggawa ng bansa, MALIBAN sa:
A. DepEd
B. DOLE
C. DOH
D. DSWD

5. Paano mapapaunlad ang kalidad ng lakas-paggawa?


A. Pagkakaroon ng marangal at disenteng paraan ng trabaho.
B. Pagbibigay ng mga programang nagbibigay trabaho sa mga mamamayan.
C. Patuloy na pagpapahusay sa kakayahan kahit tapos na sa pormal na edukasyon.
D. Lahat ng nabanggit.

6
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Kakapusan”


Nakikilala ang mga palatandaan ng mga kakapusan bilang isang
Layunin:
suliraning panlipunan. AP9MKE-Ib14

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 4
Suliranin ba ang Kakapusan?

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tumutukoy sa pagkaubos ng mga iba’t ibang species ng hayop at halaman sa kalikasan.


A. reforestation
B. distinction
C. extinction
D. deforestation

2. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang – yaman tulad ng


yamang likas, yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkaroon ng kakapusan ang mga
ito?
A. Dahil limitado ang mga pinagkukunang – yaman at walang katapusan ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao.
B. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga
pinagkukunang – yaman.
C. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong
ibinibenta sa pamilihan.
D. Dahil sa mapang-abusong paggamit ng mga tao sa pinagkukunang – yaman ng
bansa.

3. Isang batas na nagsasaad na wala tayong sapat na kita o kayamanan upang matugunan
ang lahat ng ating pangangailangan.
A. Batas ng Kakapusan
B. Batas ng Demand
C. Batas ng Suplay
D. Batas ni Harold Maslow

4. Ano ang tanda o indikasyon na may kakapusan ang isang bansa? (Analyzing)
A. kapag mataas ang presyo ng mga pangunahing pangangailangan
B. kapag mataas ang antas ng pagdarahop at krimen
C. kapag marami ang hindi nakapagtrabaho
D. kapag marami ang lumalabas ng bansa

7
5. Ang mga sumusunod ay nagpapakita ng mga mabuting gawain upang maiwasan ang
kakapusan MALIBAN sa:
A. Pagtatanim ng mga puno sa nakalbong kagubatan na tirahan ng mga hayop at
halaman.
B. Pagkoron o enclosure sa mga piling lugar (protected areas program) upang
maiwasan ang paglapit ng tao.
C. Pangangampanya upang ipagbawal ang paggamit ng kemikal at iba pang bagay
na nakakalikha ng polusyon.
D. Paghuli sa mga nauubos na hayop (endangered species)

6. Ang kakapusan ay maaring magdulot ng iba’t ibang suliraning panlipunan. Alin sa


sumusunod ang HINDI nagpapakita ng suliraning ito?
A. Maaari itong magdulot ng kaguluhan sa mga taong nakakaranas nito alo na sa
mga mahihirap na mamamayan.
B. Tumataas ang presyo ng mga bilihin kung kaya nababawasan ang kakayahan ng
mga mamimili na bumili ng iba’t ibang produkto at serbisyo.
C. Pag-init ng klima na nagdudulot ng mas malakas na bagyo at mahabang panahon
ng El Niño at La Niña.
D. Nagpapataas ng pagkakataong kumita ang mga negosyante.

8
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Pagkonsumo”


Nasusuri ang mga epekto ng pag – aanunsyo sa pagkonsumo.
Layunin:
AP9MKE-IC16

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 5
Pagkonsumo

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Si Abrahan Maslow ay kilala sa modelo ng herarkiya ng pangangailangan. Batay dito,


isaayos ang sumusunod mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas ayon sa antas
nito.
1. Responsibilidad sa lipunan
2. Pangangailan sa seguridad
3. Pisyolohikal at biyolohikal
4. Pangangailangan sa sariling kaganapan
5. Pangangailan sa karangalan

A. 2,3,4,5,1
B. 1,2,3,4,5
C. 3,2,1,5,4
D. 4,5,1,2,3

2. Ang pangangailangan at kagustuhan ay dalawang magkaibang konsepto. Ang


kagustuhan ay ang paghahangad ng higit pa sa batayang pangangailangan ngunit ang
pangangailangan ay mga bagay na________________.
A. ginagamit ng tao sa pang-araw-araw na pamumuhay.
B. nagbibigay ng kaginhawaan at kasiyahan sa buhay ng tao.
C. ginagamit ng tao upang mapagaan ng gawain sa araw-araw.
D. ang kawalan nito ay maaaring magdulot ng sakit na hahantong sa kamatayan.

3. Ang kagustuhan at pangangailangan ay dalawang magkaibang konsepto. Maituturing na


kagustuhan ang isang bagay kapag higit ito sa batayang pangangailangan. Kailan
maituturing na batayang pangangailangan ang isang produkto o serbisyo?
A. Magagamit mo ito upang maging madali ang mahirap na gawain.
B. Nagbibigay ito ng kasiyahan at kaginhawaan.
C. Hindi mabubuhay ang tao kapag wala ang mga ito.
D. Kapag ito ay nakapagpapagaan sa gawain ng tao.

9
4. Ang pagtatakda ng pamahalaan ng log ban, pagbabawal sa paghuhuli ng mga
endangered species at pagbabawal sa paggamit ng dinamita ay ilan sa mga paraan
upang malunasan ang ____________.
A. kakapusan
B. kagustuhan
C. kailangan
D. konsumo

10
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Mga Salik na Nakakaapekto sa Demand”

Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand.


Layunin:
AP9MYKIIa-2

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 6
Ang Demand Mo! Ibibigay Ko!

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang hindi salik na nakaaapekto sa demand?


A. Dami ng mamimili
B. Kita
C. Dami ng nagtitinda
D. Panlasa

2. Ibinalita sa TV na magkakaroon ng pagtaas ng presyo ng LPG sa susunod na linggo.


Dahil dito inaasahan sa kasalukuyan na ang kurba ng demand ay lilipat patungong
_______.
A. kanan
B. kaliwa
C. pababa
D. Wala sa nabanggit.

3. Paano dapat tumugon ang mamimili sa pagbabago sa mga salik ng demand?


A. Bumili ng gusto kapag tumaas ang kita.
B. Hintayin na hindi na uso ang isang bagay bago ito bilhin dahil makakamura ka.
C. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo.
D. Huwag magpapaniwala sa mga balita na tataas ang presyo ng isang produkto
dahil panggulo lamang ito.

4. Ang mga sumusunod ay mga pares ng produkto, alin dito ang mga produktong
komplementaryo?
1. Kape at asukal 3. Karne ng baka at baboy
2. Cellphone at sim 4. Isda at karne

A. Bilang 1
B. Bilang 1 at 2
C. Bilang 1 at 4
D. Bilang 3 at 4

11
5. Si Leah ay 18 taong gulang na. Siya ang tulong-tulong ng kanyang nanay sa
pamamalengke at pagluluto sa kanilang bahay. Tuwing namamalengke si Leah at mahal
ang karne at isda, naghahanap siya ng pamalit dito kagaya ng beans at legumes. Si Leah
ay _____________.
A. isang matalinong mamimili dahil sumusunod sa budget.
B. Isang matalinong mamimili dahil alam niya kung mahal ang karne at isda, ang
beans at legumes ay mataas din sa protina na ating makukuha sa karne at isda.
C. Hindi matalinong mamimili dahil sinusunod niya ang bilin ng kanyang nanay.
D. A at B

12
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Iba’t ibang Istruktura ng Pamilihan”


Nasusuri ang iba’t ibang istraktura ng pamilihan.
Layunin:
AP9MYK-IIi-12

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 7
May Kawiwilihan sa Pamilihan

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser
ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano
makatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan?
A. Nakakukuha ng malaking tubo ang mga prodyuser.
B. Napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto.
C. Nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto.
D. Sumisigla ang kompetisyon dahil marami ang konsyumer at prodyuser.

2. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ay may sumusunod na katangian, MALIBAN


sa:
A. iisa ang nagtitinda
B. maraming maliliit na konsyumer at prodyuser
C. malayang paggalaw ng sangkap ng produksiyon
D. walang sinuman ang maaaring magtakda sa presyo

3. Sa pamilihang may ganap na kompetisyon, ang konsyumer ay umaayon lamang kung


ano ang takbo ng presyo sa pamilihan, sa pagbili ng produkto, ang sumusunod ay
isasaalang-alang mo, MALIBAN sa:
A. sumusunod sa badyet
B. opportunity cost
C. may alternatibo o pamalit
D. Nagpapanic-buying

4. Ang trademark ay paglalagay ng simbolo na siyang nagsisilbing pagkakakilanlan ng


kompanyang may gawa o nagmamay-ari nito. Bilang mamimili, ano ang kadalasan na
pinagbabatayan?
A. Hindi na tinitingnan ang simbolo
B. Hindi binibigyang importansiya o halaga ang simbolo
C. Pinipili ang may mas kilalang simbolo
D. Wala sa mga nabanggit

13
5. Ang halimbawa ng mga produkto at serbisyong ipinagkakaloob sa pamilihang may
monopolistic competition ay ang mga sumusunod MALIBAN sa _________.
A. fabric conditioner
B. soft drinks
C. beauty at cosmetics product
D. gasoline

14
ARALING PANLIPUNAN 9

“Salik ng Produksyon at Implikasyon nito sa pang-araw-araw na


Paksang Aralin:
Pamumuhay”
Napahahalagahan ang mga salik ng produksyon at implikasyon nito
Layunin:
sa pang-araw - araw na pamumuhay. AP9MKE-Ii-19

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 8
Halika! Gumawa Tayo ng Produkto

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Isang salik ng produksiyon na kakaiba ang katangian sapagkat fixed o takda ang bilang
nito.
A. Enterprenuership
B. Kapital
C. Lupa
D. Paggawa

2. Ang kapital ay maituturing na isang salik ng produksiyon dahil ______.


A. mas yayaman ang bansa at matutugunan nito ang pangangailangan ng mga
mamamayan nito.
B. ito ang magdedekta kung gaano karami ang gagawing produkto para sa mga
konsyumer.
C. nakadepende dito ang lakas-paggawa na naging batayan ng pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa.
D. mas magiging mabilis ang paggawa kung may mga makinarya o kasangkapang
gagamitin ang mga manggagawa.

3. Bilang isang entrepreneur, paano mo mapapahalagahan ang lupa bilang isang salik ng
produksiyon?
A. Patayuan ng mga hotel at resort para sa mga turista.
B. Gamitin nang wasto at tiyakin ang pagkakaroon ng produktibong paggamit nito.
C. Kunin ang lahat ng mga produkto na mapapakinabangan mula rito hanggang sa
wala ng matira.
D. Wala sa mga nabanggit

15
4. Suriin at unawain ang dayagram sa ibaba. Ano ang inilalarawan ng dayagram?

INPUT PROSESO OUTPUT


(Lupa, paggawa, (pagsasama-sama ng (produkto o serbisyo
kapital, mga input ng na gamit sa paglikha
enterprenuership) produsyon) ng iba pang produkto)

A. Nagpapakita ng paikot na daloy ng mga salik ng produksiyon.


B. Nagpapakita ng ugnayan at pagkakaiba ng mga salik ng produksiyon.
C. Nagpapahiwatig ng relasyon ng mga salik ng produksiyon sa pagkonsumo.
D. Nagpapakita ng paggamit ng mga salik ng produksiyon upang makabuo ng isang
produkto.

5. Ano ang mangyayari kung walang salik na magagamit sa proseso ng paglikha ng mga
produkto?
A. Magiging sagabal ito sa pag-unlad ng ekonomiya ng isang bansa.
B. Walang produkto at serbisyo na ikokonsumo ang mga mamamayan ng isang
bansa.
C. Ito ay magdudulot ng kakulangan sa pagtugon ng pang-araw-araw na
pangangailangan ng tao.
D. Lahat ng nabanggit

16
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Mga Organisasyon ng Negosyo”


Nasusuri ang mga tungkulin ng iba’t-ibang organisasyon ng
Layunin:
negosyo. AP9MKE-Ij-20

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 9
Sa Negosyo, May Asenso!

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tinatawag na Sole Proprietorship?


A. Ito ay negosyo na pag-aari at pinamamahalaan ng isang tao.
B. Ito ay isang organisasyong binubuo ng dalawa o higit pang indibidwal.
C. Ito ay may legal na katauhan na hiwalay sa katauhan ng taong nagmamay-ari.
D. Ito ay binubuo ng mga kasapi na karaniwan ay hindi bababa sa 15 miyembro na
kabahagi sa puhunan at tubo.

2. Alin sa mga sumusunod ang tungkulin ng isang sole proprietor o sole trader?
A. Mahigpit na usaping legal sa ganitong uri.
B. Pantay-pantay na pinangangasiwaan ang negosyo.
C. Nagbibigay ng mga bahagi o share sa anyo ng stocks.
D. May kabuuang kapangyarihan at responsibilidad sa negosyo.

3. Mayroong pantay-pantay na pananagutan ang bawat kasapi sa pagkakautang at


pagkalugi.
A. Sole Proprietorship
B. Partnership
C. Corporation
D. Cooperative

4. Ang pangunahing layunin ay ang makapagbili o makapagbigay ng mga produkto at


serbisyo sa mga kasapi sa pinakamababang halaga.
A. Sole Proprietorship
B. Partnership
C. Corporation
D. Cooperative

5. Alin ang may pinakamasalimuot na organisasyon ng negosyo?


A. Sole Proprietorship
B. Partnership
C. Corporation
D. Cooperative

17
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Pamantayan sa Matalinong Pamimili”


Naipamamalas ang talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng
Layunin:
paggamit ng pamantayan sa pamimili. AP9MKE-Ih-17

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 10
Sa Matalinong Pagkonsumo, Angat ang Estado!

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kailan mo masasabing matalino ang isang pamimili?


A. Kapag bumibili ng segunda mano upang makamura at makatipid.
B. Kapag gumagamit ng credit card sa pamimili at laging inaabangan ang
pagkakaroon ng sale.
C. Kapag sumusunod sa badget at sinusuri ang sangkap, presyo, at timbang ng
produktong binibili.
D. Kapag bumibili ng labis sa mga pangangailangan upang matiyak na hindi
maubusan.

2. Ang karapatan sa tamang impormasyon ay maaaring maitaguyod sa pamamagitan ng


___________.
A. palagiang paggamit ng recycled na produkto upang mapangalagaan ang
kapaligiran.
B. pag-aaral sa nakatatak sa etiketa ukol sa sangkap, dami at komposisyon ng
produkto.
C. Pag-aaral sa kalidad at hindi sa tatak ng produkto o serbisyong bibilhin.
D. palagiang pagpunta sa timbangan ng bayan upang matiyak na husto ang timbang
ng biniling produkto.

3. Ano ang HINDI katangian ng isang matalinong mamimili?


A. Pagiging responsable sa kanyang pamimili at pagdedesisyon
B. Suriin at siyasatin ang bibilhing mga produkto
C. Maipagtanggol ang sarili kung may idinudulog na hinaing
D. Pagyabungin ang sariling kita

18
4. Ang mga sumusunod ay pangunahing dahilan kung bakit ipinatupad ang price freeze
MALIBAN sa __________.
A. upang masigurong ang galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay naaayon
sa kagustuhan ng mga investor
B. upang mapanatiling abot kaya para sa mga mamamayan ang presyo ng
pangunahing produkto lalo na sa panahon ng krisis
C. tuwing nakararanas o katatapos pa lamang ng isang kalamidad ng bansa
D. upang mapigilan ang pananamantala ng mga negosyante sa labas na
pagpapataw ng mataas na presyo ng kanilang mga produkto

19
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Pambansang Kita”


Nakikilala ang mga pamamaraan sa pagsukat ng pambansang
Layunin:
produkto. AP9MAK-IIIb-5

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 11
Tamang Pagsukat, Dapat! Nararapat!

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang HINDI paraan sa pagsukat ng Gross National Income?
A. Economic Freedom Approach
B. Expenditure Approach
C. Value Added Approach
D. Income Approach

2. Piliin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakawasto tungkol sa GNI.


A. Ang kita ng mga dayuhang namamasukan sa Pilipinas ay kabilang sa Gross
National Income.
B. Ang gawaing nagmula sa impormal na sektor ay kabilang sa pagsukat ng GNI.
C. Ang kita ng mga OFW ay hindi kaabilang sa pagsukat ng GNI.
D. Ang halaga ng tapos na produkto at paglilingkod lamang ang isinasama sa GNI.

3. Kung ikaw ay nagtatrabaho sa Hongkong bilang isang factory worker, saan dapat
isinasama ang iyong kita?
A. Sa GNI ng Hongkong
B. Sa GNI ng Pilipinas
C. Sa GDP ng Pilipinas
D. Sa GNI at GDP ng Pilipinas

4. Alin sa sumusunod ang may tuwirang epekto ng Gross Domestic Product ng bansa?
A. Mataas na remittance ng mga Overseas Filipino Workers.
B. Masiglang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa ibang bahagi ng mundo.
C. Maayos na pamumuno ng pamahalaan na makahihikayat sa pamumuhunan.
D. Matalinong paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa kawanggawa.

20
5. Sa iyong palagay, bakit mahalagang masukat ang economic performace ng bansa?
A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang institusyong
pampinansyal.
B. Dahil magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa
ekonomiya ng bansa.
C. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magamit upang umani ng
malaking boto sa Eleksyon.
D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na pamamalakad ng
ekonomiya.

21
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Implasyon”


Layunin: Natutukoy ang dahilan/ epekto ng implasyon. AP9MAK-IIId-9

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 12
Presyo Bakit ba Ganito?

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tumutukoy sa patuloy na pagtaas ng kabuuang presyo sa ekonomiya?


A. Deplasyon
B. Depresyon
C. Implasyon
D. Regresyon

2. Bilang isang mag-aaral, alin sa sumusunod ang nararapat mong gawin kung maliit
lamang ang baon na ibinigay sa iyo?
A. Tipirin ang sarili sa lahat ng pagkakataon.
B. Humingi na lamang kapag kulang na ang salapi.
C. Bilhin ang mga bagay na nakapagpapasaya sa’yo.
D. Tipirin ang sarili sa mga bagay na hindi naman mahalaga.

3. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas sa suliranin ng implasyon?


A. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan.
B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan.
C. Bumili ng maramihan o wholesale upang makatipid sa gastusin.
D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng
kakulangan.

4. Sa papaanong paraan malulutas ang demand-pull inflation?


A. Pagbibigay-pansin sa produktibidad sa paggawa upang mapataas ang output ng
produksiyon.
B. Pagbubukas ng karagdagang trabaho upang mapasigla ang matamlay na
ekonomiya.
C. Paramihin ang suplay ng salapi upang hindi mahirapan sa pagtaas ng presyo.
D. Pagkontrol sa suplay ng salapi upang mabawasan ang labis na paggasta sa
ekonomiya.

22
5. Si Eva ay umutang kay Edna ng ₱100.00 na ipinambili niya ng isang kilo ng manok sa
kasalukuyan. Kung 5% ang antas ng implasyon sa susunod na buwan, ano na ang halaga
ng isang kilong karne ng manok?
A. ₱ 100.00
B. ₱ 105.00
C. ₱ 110.00
D. ₱ 115.00

23
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Patakarang Pananalapi”


Nasusuri ang pinagkukunan ng pananalapi ng pamahalaan.
Layunin:
AP9MAK-IIIh-18

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 13
Pera, Pera Saan Ka Nagmula?

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang pangunahing pinagkukunan ng pananalapi o pondo ng pamahalaan?


A. Pagbubuwis
B. Bangko Sentral ng Pilipinas
C. Gross National Product
D. Gross Domestic Product

2. Upang maisaayos ang pangangasiwa sa pambansang yaman o kita ng bansa, kailangan


ng masusing pag-aaral sa mga datos na nakapaloob sa ____________.
A. pambansang badyet
B. pambansang gastusin
C. pampublikong badyet
D. pampublikong gastusin

3. Kapag ang buwis ay katumbas ng gastos ng pamahalaan, ang pamahalaan ay


nagsasagawa ng ____________ badyet.
A. balanseng
B. deficit
C. di-tuwirang
D. tuwirang

4. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa kapangyarihan ng Bangko Sentral ng Pilipinas na


kontrolin ang suplay ng salapi at kredito sa bansa?
A. Fiscal policy
B. Banking policy
C. Monetary policy
D. National defense policy

5. Kung ang kabuuang kita ni Jose ay ₱ 25,000.00 at ang kanya namang kabuuang gastusin
ay ₱ 21, 000.00, magkano ang maari niyang ilaan sa pag-iimpok?
A. ₱ 4,000.00
B. ₱ 21,000.00
C. ₱ 25,000.00
D. ₱ 46,000.00

24
6. Ang idenipositong ₱ 100,000.00 ni Maria sa bangko ay nagpapakita ng paglabas ng
salapi sa paikot na daloy ng ekonomiya. Ano ang nararapat na gawin upang pumasok
muli ang salapi sa paikot na daloy?
A. Magpataw ng mataas na interes upang mahikayat ng pag- impok.
B. Ipautang ng bangko ang ideniposito upang magamit na panibagong kapital sa
negosyo.
C. Ibaba ang interes mula 10% patungong 5% upang maragdagan ang paggastos
ng tao.
D. Magbigay ng insentibo sa mga depositor upang lumaki ang reserba ng mga
bangko.

25
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Patakarang Piskal”


Nasusuri ang badyet at ang kalakaran ng paggasta ng pamahalaan.
Layunin:
AP9MAK-IIIg-15

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 14
Paggasta, Naayon Ba?

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang inilalarawan ng paikot na daloy ng ekonomiya?


A. Ugnayan ng bawat sektor ng ekonomiya
B. Kita at gastusin ng pamahalaan
C. Kalakalan sa loob at labas ng bansa
D. Transaksyon ng mga institusyong pang pinansyal.

2. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran.
Bilang isang mamamayang Pilipino may obligasyon ka ring dapat sundin upang
makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral ano ang bagay na dapat
mong gawin upang makatulong sa bansa?
A. Maging mulat sa anumalyang nangyayari sa lipunan.
B. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran
sa paaralan at komunidad.
C. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
D. Wala sa nabanggit.

3. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensyon ng lipunan at sa ibang panig


ng daigdig. Bagamat hinihikayat nito ang pag-uugnayan ng mga bansa lalo na sa aspekto
ng kalakalan, maraming mga bansang papaunlad pa lamang ang nakararanas ng
masamang epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng
kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naaapektuhan ng globalisasyon?
A. Ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal.
B. Ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan.
C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa.
D. Ang pagkakaroon ng kakulangan o shortage sa pamilihan.

26
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Patakarang Pananalapi”


Layunin: Nakikilala ang bumubuo ng sektor ng pananalapi. AP9MAK-IIIi-20

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 15
Sektor ng Pananalapi: Kilala mo Kaya?

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay bumubuo sa sektor ng pananalapi, MALIBAN sa:


A. Mga Regulator
B. Mga Di-Regulator
C. Mga Institusyong Bangko
D. Mga Institusyong Di-Bangko

2. Ang SSS ay ang ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng seguro sa mga kawani ng


pribadong kompanya at sa kanilang pamilya sa oras ng pangangailangan. Ano ang buong
kahulugan ng SSS?
A. Security Social Section
B. Social Security System
C. Social Security Section
D. Security Social System

3. Isa sa mga institusyong Di-bangko ay ang Pension Funds. Alin sa mga sumusunod ang
halimbawa nito?
A. Insurance Companies (Kompanya ng Seguro)
B. Ang Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC)
C. Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines (AlAmanah)
D. Pagtutulungan sa Kinabukasan: Ikaw, Bangko, Industriya, at Gobyerno (PAG-
IBIG Fund)

4. Ang mga Institusyong Bangko ay tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon
at pamahalaan bilang deposito. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa
institusyong ito?
A. Rural Banks
B. Thrift Banks
C. Commercial Banks
D. Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)

27
5. Itinatag ito upang magpautang sa mga taong madalas mangailangan ng pera at walang
paraan upang makalapit sa mga bangko. Ano ang tinutukoy nito?
A. Bahay-Sanglaan
B. Pre-Need Companies
C. Registered Companies
D. Government Service Insurance System

6. Ang Land Bank of the Philippines ay isa sa mga Specialized Government Banks. Alin sa
sumusunod ang pangunahing layunin ng LBP?
A. Tustusan ang mga proyektong pangkaunlaran lalo na sa sektor ng agrikultura at
industriya.
B. Tulungan ang mga Pilipinong Muslim na magkaroon ng puhunan at mapaunlad
ang kanilang kabuhayan.
C. Magkaloob ng pondo sa mga programang pansakahan at tulungan ang iba pang
negosyante sa kanilang pangangailangan sa puhunan.
D. Tumulong sa mga magsasaka, maliliit na negosyante, at iba pang mga
mamamayan sa kanayunan sa pamamagitan ng pagpapautang.

28
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Mga Epekto ng Implasyon”


Nasusuri ang iba’t ibang epekto ng implasyon.
Layunin:
AP9MAK-IIIe-10

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 16
Repleksiyon sa Implasyon

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Anong bangko na nagpapairal ng mga patakaran sa pananalapi upang makontrol ang


suplay ng salapi sa sirkulasyon?
A. Land Bank of the Philippines
B. Bangko Sentral ng Pilipinas
C. Philippine National Bank
D. Development Bank of the Philippines

2. Si Danny ay nakatanggap ng kaniyang 13 th month pay, ang sumusunod ay ang maaari


niyang gawin upang maibalik sa daloy ng ekonomiya ang perang kaniyang natanggap
MALIBAN sa isa, ano ito?
A. Mamuhunan sa mga kooperatiba
B. Ibili ito ng mga produkto o serbisyo
C. Mag-ipon sa alkansya
D. Gamitin sa negosyo

3. Ang pagtaas ng demand ay nagbubunsod ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, dahil dito
ang pamahalaan ay maaring magpatupad ng ______________.
A. pagbabawas ng bonus ng mga manggagawa
B. pagpapahiram ng BSP ng pera sa mga bangko
C. pagtaas ng interes ng mga pautang sa mga namumuhunan
D. B at C

4. Alin sa sumusunod ang HINDI indikasyon ng isang malusog na ekonomiya?


A. Maraming trabaho ang nabubuo
B. Malaki ang demand ng sambahayan at bahay-kalakal
C. Maraming negosyo ang nagbubukas
D. Tumataas ang presyo ng produkto at serbisyo

5. Alin sa sumusunod ang HINDI dahilan upang ipatupad ang Contractionary Fiscal Policy?
A. Pagbabawas ng puhunan ng mga negosyo.
B. Mabawasan ang paggasta ng sambahayan
C. Ibaba ng pamahalaan ang interes sa pagpapautang
D. Pagbabawas ng sahod ng mga mangagawa

29
6. Kapag nagkaroon ng patuloy na implasyon sa mga pangunahing bilihin, maraming epekto
ang nararamdaman ng mamamayan. Ano ang mga ito?
I. Maaaring di matugunan ang mga pangunahing bilihin.
II. Marami ang naghihirap at walang makain.
III. Maraming pera ang sambahayan at bahay kalakal
IV. Bumabagsak ang demand ng mga produkto at serbisyo.

A. I at II
B. I, II at IV
C. I, II at III
D. I, II, III at IV

30
ARALING PANLIPUNAN 9

“Kahalagahan ng Pag-iimpok at Pamumuhunan bilang Isang Salik


Paksang Aralin:
sa Ekonomiya.”
Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan
Layunin:
bilang isang salik ng ekonomiya. AP9MAK-IIIi-19

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 17
Pera Saan Ka Papunta?

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay instrumento na tanggap ng nagbibili at namimili bilang kapalit ng produkto at


serbisyo.
A. Pera
B. Kalakal
C. Sahod
D. Barya

2. Kinakailangan ang pag-iingat at matalinong pamamahala ng salapi upang ________.


A. may pambili ng pangangailangan sa panahon ng kagipitan.
B. mayroong store of value na maaaring gamitin sa ibang panahon.
C. maiwasan ang masamang dulot ng implasyon sa presyo ng mga pangunahing
bilihin.
D. masiguro na ang bilang ng salapi sa ekonomiya ay magiging kasangkapan upang
mapanatili ang kaayusan.

3. Paano naiiba ang salapi sa pera?


A. Ang salapi ay ginagamit sa serkulasyon habang ang pera ay pamalit.
B. Ang salapi ay may store of value samantalang ang pera ay wala.
C. Ang salapi ay may unit of account at ang pera ay ginagamit bilang panukat sa
presyo.
D. Ang salapi ginagamit bilang pamalit sa produkto habang ang pera ay instrumento
na tanggap ng nagbibili at mamimili.

4. Paano mo pinahahalagahan ang paggamit o paggasta ng pera?


A. Ginagamit sa pagbili ng mga nagugustuhang gamit o produkto.
B. Ipambili ng mga mamahalin at matibay na mga gadgets.
C. Maingat at matalinong pamamahala sa paggasta ng pera.
D. Ipamigay sa mga taong may pangangailangan.

31
5. Si Mang Osting ay isang traysikad driver. Araw-araw namamasada siya at kumikita ng
₱200.00. Nakaugalian na niyang tumaya sa lotto at pinalad siyang manalo ng halos
humigt kumulang ₱ 348,000,000.00. Kung ikaw si Osting, ano ang gagawin mo sa pera?
A. Ibili ng lupa, bahay, makabagong kagamitan at mga mamahaling sasakyan.
B. Gagamitin ko sa paglalakbay sa iba’t ibang bansa.
C. Ideposito muna sa bangko at pag-isipan kung ano ang nararapat gawin sa
napanalunang pera.
D. Gamitin sa paghahanda para sa pagpapakain ng mga kapitbahay at ipangsugal
at ipang-inom araw-araw.

32
ARALING PANLIPUNAN 9

Paksang Aralin: “Mga Palatandaan ng Pambansang Kaunlaran”


Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansang kaunlaran.
Layunin:
AP9MSP-IVa-2

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 18
Pilipinas: Ngayon at Bukas

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay tumutukoy sa aplikasyon ng siyentipikong pamamaraan upang mapadali ang


gawain.
A. Siyensya
B. Teknolohiya
C. Modernisasyon
D. Industriyalisasyon

2. Tukuyin sa mga pahayag sa ibaba ang maaaring paraan ng dislokasyon sa hanay ng


mga manggagawa dala ng makabagong teknolohiya.
A. Kasanayan ng manggagawa na humawak sa makabagong teknolohiya.
B. Pagdami ng manggagawa dala ng pagdami ng makinarya.
C. Kakayahan ng makinarya na palitan ang mga manggagawa.
D. Limitadong pondo para sa makabagong teknolohiya.

3. Paano ka makaaambag upang mapanatili ang pagtiwala ng mga dayuhan at lokal na mga
negosyante bilang mahuhusay sa paggamit ng makabagong teknolohiya?
A. Makiusap na taasan ang umento sa sahod.
B. Paghingi ng iba’t ibang benepisyo at insentibo.
C. Palaging lumapit at pagdikit sa mga managers at presidente ng kumpanya.
D. Pag-ibayuhin pa ang pagtrabaho at pagdalubhasa sa mga kasanayan.

4. Ayon sa Teorya ng Modernisasyon, ang kaunlaran ay nagaganap o posible lamang sa


pamamagitan ng transpormasyon bilang lipunan na _______________.
A. progresibo at industriyal
B. progresibo at mapamahiin
C. maraming mga produktong pananim
D. tahimik at malayo sa makabagong teknolohiya

33
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa kahandaan ng ating bansa sa paggamit
ng makabagong teknolohiya?
Maraming mga Pilipino ang:
A. Computer literate
B. Dalubhasa sa makabagong teknolohiya
C. Marunong mag-internet at maglaro ng clash of clans at DOTA
D. Nakatanggap ng parangal at pagkilala sa iba’t ibang larangan ng paggawa

6. Ang paggamit ng angkop na teknolohiya ay malaking tulong sa kaunlaran ng isang bansa,


ngunit maaaring maging suliranin din ito. Sa anong paraan ito magiging suliranin?
A. Pagkunti ng tao sa proseso ng paggawa ng produkto.
B. Kawalan ng kahandaan sa paggamit ng teknolohiya.
C. Pangingibang bansa ng mga may talent.
D. Marami ang takot sa paggamit.

34
ARALING PANLIPUNAN 9

“Mga Dahilan at Epekto ng Suliranin ng Sektor ng Agrikultura,


Paksang Aralin:
Pangingisda at Paggugubat sa bawat Pilipino.”
Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ng sektor ng
Layunin: agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino.
AP9MSP-IVd-7

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 19
Sektor ng Agrikultura May Pag-asa Pa Ba?

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor?


A. Pangingisda
B. Paggubat
C. Paghahayupan
D. Pagmimina

2. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program


Extension with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t ibang samahan at ang Simbahang
Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin sa pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang
taon ang implementasyon nito. Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng
pamahalaan para sa mga magsasaka?
A. Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka.
B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng
agrikultura.
C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema
ng pautang, mga proyektong pang-imprastruktura, redistribusyon ng lupa at iba
pa.
D. Lahat ng nabanggit

3. Bilang mamamayang Pilipino, may obligasyon rin tayong dapat gawin upang makatulong
sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang mag-aaral, ano ang maaari mong gawin upang
makatulong sa bansa?
A. Tangkilikin ang mga produktong gawang Pilipino
B. Maging mapagmasid sa mga nangyayari sa lipunan
C. Maging aktibo sa pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at
sa komunidad.
D. Wala sa nabanggit

35
4. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya, samantalang ang
industriya naman ang tinatawag na sekundaryang sektor. Mahalagang papel na
ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa
sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksyon ng
dalawang sektor?
A. Sa malawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura
samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal.
B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga
entreprenyur naman ang kapitan ng industriya.
C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang
mahalagang sangkap sa sektor ng industriya upang gawing panibagong uri ng
produkto.
D. Sa industriya nagmumula ang mga hilaw na materyales na ginagamit upang
makabuo ng produkto ang sektor ng agrikultura.

5. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ay ang pagkabulok o


madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito?
A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka.
B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan.
C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm to market road).
D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.

Gamitin ang talahanayan para sagutin ang tanong sa ibaba.

6. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag-uusapan ay likas na
yaman. Mataba ang mga lupain at hitik ang ating mga anyong-tubig sa iba’t ibang
yamang-dagat. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos sa itaas na ang sektor ng
agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005-2010.
Ano ang nais ipahiwatig nito?
A. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura.
B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo.
C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa sektor ng
agrikultura.
D. Lahat ng nabanggit

36
ARALING PANLIPUNAN 9

“Mga Patakarang Pang-ekonomiya na Nakakatulong sa Patakarang


Paksang Aralin:
Panlabas ng Bansa sa Buhay ng Nakararaming Pilipino.”
Natitimbang ang epekto ng mga patakaran pang-ekonomiya na
Layunin: nakakatulong sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng
nakararaming Pilipino. AP9MSP-IVj-22

Pangalan: Baitang:
Paaralan: Iskor:

GAWAIN 20
Ugnayang Panlabas ay Palawakin upang Ekonomiya’y Patatagin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa kabutihang dulot ng kalakalang panlabas


tungo sa isang masigla at maunlad na ekonomiya?
A. Dumadami ang mga uri ng produkto o serbisyong maaaring pamilian o tangkilikin
ng mga tao.
B. Mas pinaghuhusay o pinaaangat nito ang antas ng produksyon.
C. Nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produkto ng ibang bansa kaysa
lumikha o tumuklas ng paraan para makabuo ng sariling produkto.
D. Tataas ang Gross National Income at Gross Domestic Product ng bansa.
2. Alin sa sumusunod ang pinakaakmang dahilan ng pakikipagkalakalan ng mga bansa sa
daigdig?
A. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan.
B. Magkakaroon ng magandang samahan sa pagitan ng mag bansa.
C. Upang dumami ang mga produktong imported na maaaring gayahin o kopyahin.
D. Madaragdagan ang pantugon ng mga panustos para sa pangangailangan ng lokal
na ekonomiya.

3. TALAHANAYAN Absolute Advantage Theory


Bansa Dami ng Sapatos Dami ng Pantalon
A 10 8
B 5 24
Kabuuan 15 32
Batay sa Talahanayan, ano ang iyong magiging interpretasyon?
A. Ang mga manggagawa sa bansang A at B ay kayang makagawa ng nabanggit na
kabuuang dami ng sapatos at pantalon sa loob ng isang araw.
B. Ang dalawang bansa ay nagpoprodyus ng dalawang uri ng produkto: sapatos at
pantalon.
C. Ang bansang A ang may absolute advantage sa produksyon ng sapatos at ang
bansang B naman ay mas efficient sa pagprodyus ng pantalon.
D. Iba’t–iba ang kasanayang kinakailangan upang makapagprodyus ng mga
nabanggit na produkto.

37
4. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng mga bunga ng pamimirata sa bansa
MALIBAN sa:
A. Kakulangan ng komprehensibong kampanya sa mga tao ukol sa masasamang
bunga nito.
B. Kakulangan ng trabaho sa bansa.
C. Kakulangan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga batas na laban sa pamimirata.
D. Pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal na
pamamaraan.

5. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at


panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?
A. Ang pagkakaroon ng mga surplus sa mga pamilihan
B. Ang patuloy na paglawak ng mga korporasyong transnasyonal
C. Ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa
D. Ang pagbabago sa kabuuang pamumuhay ng mamamayan

6. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na may kalakalang panlabas, na nagdudulot ng hindi
magandang epekto gaya ng pagkalinang ng kaisipang kolonyal ng mga mamamayan
sapagkat nagkakaroon sila ng pag-uugaling mas tinatangkilik ang mga produktong
banyaga kaysa sa mga produktong lokal. Kung ikaw halimbawa ang pangulo ng bansa,
ano ang magiging planong aksyon mo para malutas kung di man maibsan ang epektong
ito?
A. Hayaan na lang ang mga mamimili na magdesisyon sa pagbili ng mga gusto
nilang produkto.
B. Gumawa ng pangangampanya na huwag bumili ng mga dayuhang produkto at
pagtangkilik sa produktong pinoy.
C. Ipagbigay alam sa mga mamamayan na bagamat may isinusulong na
liberalisasyon ayon sa konsepto ng globalisasyon tungkulin pa rin ng pamahalaan
na pangalagaan ang interes at kapakanan ng mga mamamayan.
D. Magpatupad ng mababang pamantayan at maluwag na polisiya sa pagpasok ng
mga dayuhang produkto.

38
Mga Kasagutan:

Gawain 1 Gawain 2 Gawain 3 Gawain 4


1. B 1. C 1. B 1. C
2. C 2. C 2. A 2. A
3. D 3. D 3. D 3. A
4. A 4. D 4. B 4. A
5. D 5. C 5. D 5. D
6. D 6. A 6. D

Gawain 5 Gawain 6 Gawain 7 Gawain 8


1. C 1. C 1. D 1. C
2. D 2. A 2. A 2. D
3. C 3. C 3. D 3. B
4. A 4. B 4. C 4. D
5. D 5. D 5. D

Gawain 9 Gawain 10 Gawain 11 Gawain 12


1. A 1. C 1. A 1. C
2. D 2. D 2. D 2. D
3. B 3. D 3. B 3. D
4. D 4. A 4. C 4. D
5. C 5. B 5. B

Gawain 13 Gawain 14 Gawain 15 Gawain 16


1. A 1. A 1. B 1. B
2. A 2. B 2. B 2. C
3. A 3. B 3. D 3. A
4. C 4. D 4. D
5. A 5. A 5. C
6. B 6. D 6. B

Gawain 17 Gawain 18 Gawain 19 Gawain 20


1. A 1. B 1. D 1. C
2. D 2. C 2. D 2. D
3. D 3. D 3. C 3. C
4. C 4. A 4. C 4. B
5. C 5. D 5. C 5. A
6. B 6. D 6. C

39

You might also like