You are on page 1of 2

Salcedo, Olivia Nicole M.

BSA – A1E
Buod
Sa pag-aaral na ito, binibigyang pansin ang pagbuo ng isang estratehiya ng pagtututro sa
mga mag-aaral. Sa unang bahagi ng pag-aaral ay inalam ng mga mananaliksik ang epekto ng
social networking sites (SNS) sa mga mag-aaral. Dahil sa mga SNS ay nagkaroon ng mas
madaling koneksyon ang mga mag-aaral sa kanilang mga kaibigan, mga kapamilya at sa ibang
tao na nagbibigay ng kapakinabangan sa mga guro upang magkaroon din ng koneksyon sa
kanilang mag-aaral. Sa kadahilanan rin ng pag-usbong SNS sa ating lipunan ay mas lumawak ang
mundo ng mga tao sapagkat nagkaroon ng lugar saan malayang makakapagbahagi ng mga
saloobin at opinyon ang mga tao at mabilis na naipapamahagi ang mensahe sa maraming tao.
Layunin ng pag-aaral na ito na malaman ang proseso ng pagtuturo ng isang guro at ang
magiging paraan ng pagkatuto ng mga mag-aaral kasabay na rin ang pag-alam sa mabuti at
masamang epekto ng mga SNS sa mga ito. Ang lumabas na resulta ng pananaliksik ay hindi
ganoong masasabing sapat upang malaman kung positibo ba or negatibo ang teknolohiya sa
pagkatuto ng isang mag-aaral dahil sa timbang na datos na lumabas dito. Ngunit masasabi na
kung ano mang bagay ang humigit sa sapat ay lagging may karugtong na negatibong epekto
kaya ang pagkatuto ng mag-aaral ay nakadepende na rin sa kanilang pansariling desisyon

2.
Para sa akin ay tama lamang ang naging resulta ng pag-aaral sapagkat totoo na
mayroong parehas na timbang ang epektong positibo at negatibo ang teknolohiya sa pagkatuto
ko bilang isang mag-aaral. Tulad na lamang na sa nakalap na datos ng pag-aaral na sa tulong ng
social networking site (SNS) ay nagkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mas
maintindihan ang mga lektyur sapagkat may malawak ng mundo sa likod ng Internet na mas
makakatulong sa pagpapalalim ng mga pinag-aaralan ng mag-aaral. Ngunit tama pa rin naman
na bilang mag-aaral ay nasa amin pa rin ang desisyon kung ano ang magiging epekto sa amin ng
SNS, kung kami ba ay magpapadala sa tukso ng mga nasa Internet o gagamitin naming ito
upang mas matuto at mas lumawak ang aming kaalaman.

3.
Para sa akin, mas mapapakinabangan ang teknolohiya kung ito ay gagamitin upang
magkaroon ng mas magandang ugnayan ang estudyante at guro sapagkat sa kasalukuyang
panahon ay marami ng kaso sa paaralan ang bullying. Kung ang teknolohiya o particular sa mga
social networking sites katulad ng Facebook o Messenger ay mas magkakaroon ang isang mag-
aaral ng lakas ng loob na magbahagi sa kanyang guro kung siya man ay nasasangkot sa isyu ng
Bullying. Hindi rin lamang naman ito maglalayong sa usaping Bullying lamang ngunit kasabay na
rin nito ang mga estudyante na gustong makausap ang kanilang guro kapag may hindi
masyadong naintindihan sa lektyur sa klase at sa iba pang isyu na maaring pagtuunan ng pansin
at masolusyunan sa tulong ng guro na nakakaalam ng mga pangyayari.

4.
Ayon sa naging resulta ng pag-aaral, masasabing ang pag-alam sa positibo o negatibong
epekto ng isang malaking bagay o usapin katulad ng teknolohiya ay hindi masusukat sa
pananaliksik sapagkat ang mga ganitong usapin ay nakadepende mismo sa tao naapektuhan
kung ito ay hahayan niya na maging positibo o negatibo ang epekto sa kanyang pansariling
buhay.

You might also like