You are on page 1of 47

Batayan sa Pagbili ng Produkto sa TV Komersyal Ayon sa mga Piling

Mag aaral na Senior High School sa Our Lady of Fatima University

Isang Pamanahong papel na Iniharap sa Kagawaran ng


Filipino

Kolehiyo ng Mga Sining at


Agham

Bilang Bahagi ng
Pangangailangan sa

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa


Pananaliksik

Ipinasa nina:
Rivera, Kreeshan Sarga, Javee Sicat,
Romano, Leah Mae Angela Anne
Ronquillo, Alexa Soriano, Sygie
San Miguel, Crystal Tejoso, Czarina
San Miguel, John Marvin Verueco, Jemina Rut
Saniel, Ajean Villahermosa, Darryl

Pangkat Blg.4

ABM 11-16

Ipinasa kay:

Gng. Evangeline J. Catchuela, LPT

Tagapayo

Marso 2018
PINAGTITIBAY

Ang pamanahunang papel “Batayan sa Pagbili ng Produkto sa TV


Komersyal Ayon sa mga Piling Mag aaral na Senior High School sa Our Lady of
Fatima University” na inihanda ng pangkat blg.4 na mula sa seksyon ABM 11-16
na binubuo nila:

Rivera, Kreeshan Sarga, Jayvee


Romano, Leah Mae Sicat, Angela Anne
Ronquillo, Alexa Chrisanne Soriano, Sygie Carl
San Miguel, Crystal Tejoso, Czarina
San Miguel, John Marvin Verueco, Jemina Ruth
Saniel, Ajean Villahermosa, Darryl

Bilang Partial Requirement sa Filipino 2A, pagbasa at pagsulat tungo sa


Pananaliksik ay dumaan sa pamamagitan ng Oral Defense at inirekomenda para
tanggapin at pagtibayin

Gng. Evangeline Catchuela, LPT


Tagapayo

Panel Evalwaytor

Pinagtitibay ng Komitee ng Oral Defense na may marka

Bb. Coleen P. Pecoro, LPT

Chair ng Depensa
G. Llamado James Euric A, LPT Bb.Rizalina T. Rosalin, LPT

Member Member
DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino

2A, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na

“BATAYAN SA PAGBILI NG PRODUKTO SA TV KOMERSYAL AYON SA MGA

PILING MAG AARAL NA SENIOR HIGH SCHOOL SA OUR LADY OF FATIMA

UNIVERSITY” na inihanda ng Pangkat 4

Blg.4 na mula sa seksyon ABM 11-16 na binubo nina:

Rivera, Kreeshan Sarga, Javee


Romano, Leah Mae Sicat, Angela Anne

Ronquillo, Alexa Soriano, Sygie Carl

Chrisanne San Miguel, Tejoso, Czarina

Crystal Verueco, Jemina Ruth

San Miguel, John Marvin Villahermosa, Darryl

Saniel, Ajean

Tinanggap ang Pamanahong papel na ito sa ngalan ng Departamento ng Filipino

at ng Our Lady of Fatima University, bilang isa sa mga pangangailangan sa

asignaturang Filipino 2A, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

Gng. Evangeline J. Catchuela, LPT


Tagapayo

Ginoong Ernesto R. Leuterio Jr.


Dekano ng Kolehiyo ng Sining at Agham
PAGHAHANDOG

Nagpapasalamat ang aming grupo, pangkat ABM 11-16 sa mga

naging inspirasyon at bahagi ng pananaliksik na ito. Lubos kaming

nagpapasalamat sa ating Panginoong Diyos na siyang nanguna sa amin sa

pagsasagawa at pagpapatuloy ng aming pananaliksik karapatdapat siyang

bigyan ng papuri sa pagbibigay sa aming mga mananaliksik ng lakas, tatag, at

tibay ng loob at isipan.

Hindi rin matatawaran ang malaking bahagi ng aming mga magulang sa

pagsuporta at paggabay sa aming paglakad. Nagpapasalamat kami sa kanila sa

tulong moral, pinansyal at pisikal na ibinibigay nila sa amin.

Sa aming mga kaibigan na naging katuwang naming sa pagsasagawa ng

pananaliksik.

Higit sa lahat, sa aming pinaka-mamahal na kagalang-galang na tagapayo

na si Gng.Evangeline J. Catchuela sa kaniyang matiyagang paggabay at

pag- unawa sa amin sa buong proseso ng pananaliksik.

Panghuli ay sa bawat kasapi ng aming pangkat na siyang naglaan ng oras

at pagod maisakatuparan ang aming pananaliksik.


PASASALAMAT/PAGLALAAN

Ang pananaliksik na ito ay hindi mabubuo kung hindi dahil sa mga taong

nagbigay tulong at kontribusyon, sumuporta, nagbigay inpormasyon, at lakas

ng loob sa mga mananaliksik upang maisakatuparan ang minimithing

kaganapan.

Ang mga mananaliksik sa paksang “BATAYAN SA PAGBILI NG PRODUKTO SA

TV KOMERSYAL AYON SA MGA PILING MAG AARAL NA SENIOR HIGH

SCHOOL SA OUR LADY OF FATIMA UNIVERSITY” ay ipinapaabot ang lubos at

taos pusong pasasalamat sa mga sumusunod:

 Sa Poong Maykapal

 Sa pamilya ng mga Mananaliksik

 Sa aming mga Respondente

 Sa aming tagapayo, Gng. Evangeline J. Catchuela

 Sa Dekano ng kagawaran ng Sining at Agham, G. Ernesto R.

Luterio Jr.

 Sa mga editor, awtor, mananaliksik

 Sa mga kaibigan na nagbigay suporta

 Sa mga guwardiya ng Our Lady Of Fatima University

 Sa mga Senior HighSchool Students ng Our Lady Of Fatima

University
ABSTRAK
Pangalan ng mga
Mananaliksik:
Sarga, Javee
Rivera, Kreeshan
Sicat, Angela Anne
Romano, Leah Mae
Soriano, Sygie Carl
Ronquillo, Alexa Chrisanne
Tejoso, Czarina
San Miguel, Crystal
Verueco, Jemina Ruth
San Miguel, John Marvin
Villahermosa, Darryl
Saniel, Ajean

Pamagat: “Batayan sa Pagbili ng


Produkto sa TV Komersyal Ayon sa
mga Piling Mag aaral na Senior High
School sa Our Lady Of Fatima
University”

Tagapayo: Gng. Evangeline J. Catchuela, LPT

I.

N
G h

P t

A a

G n

- g

A L

R a

A y

L u

P i

a n

n Ang pangkalahatang layunin ng

isinasagawang pag-aaral ay ang


g
malaman ang Batayan sa Pagbili ng
k
Produkto sa TV Komersyal Ayon sa mga
a Piling Mag aaral na Senior High School

l Students ng Our Lady of Fatima.

a Tiyak ng mga Layunin:


1. Matutukoy ang

batayan sa pagpili ng

produkto ng Senior

High School Students

ng Our Lady Of Fatima

University Valenzuela
2. Malalaman kung ano ang dahilan sa pagpili ng produkto ng mga Senior

High School Students ng Our Lady Of Fatima University Valenzuela

II. METODOLOHIYA

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik, ito

ang angkop na napili ng mga mananaliksik. Naniniwala ang mga mananaliksik na

ang disenyong ito ang pinakaangkop gamitin sapagkat mas madaling kumuha ng

mga kinakailangang datos mula sa maraming bilang ng mga respondente.

Lokal ng Pananaliksik

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay binubuo ng 50 na Senior High School

Students ng Our Lady of Fatima University.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng sarbey-kwestyuner na naglalaman

ng mga katanungan na maaaring pagkuhanan ng sagot ng mga

respondente patungkol sa batayan at dahilan sa pagpili ng produkto ng mga mag

aaral. Ito ang sasagot sa katanungan ng mga mananaliksik ukol sa desisyon ng

mga mag-aaral sa pagbili ng produkto.


Mga Hakbang sa Pag-aaral

Ang mga mananaliksik ay unang pumili ng mga respondente na maaaring

tumugon sa paksang napili. Tinalakay ng mga mananaliksik kung saan

mangagaling ang mga ito at napagpasyahan na sa Our Lady Of Fatima University

manggagaling ang sagot ng mga sarbey at ito ang napiling pagdausan ng sarbey.

Ang bawat katanungan na nakapaloob sa sarbey-kwestyuner ay masusing

pinagisipan upang masigurado na ito ay makapagbibigay ng mga tamang

impormasyon na kinakailangan sa pag-aaral.

IV. KONKLUSYON

1. Ang kadalasang edad ng mag-aaral na Senior High School sa Our Lady

of Fatima University ay may gulang na 16-19 taon , ngunit mas madalas

ang edad 16-17 taon , mas marami ang bilang ng mga respondenteng

lalaki na may bilang na 32 kumpara sa mga kababaihan na 18 lamang na

may kabuuang 50 respondente .

2. Ang karamihan sa mga mag-aaral ay bumabatay sa brand name ng

produkto upang bilihin nila ito.

3. Marami sa mga mag-aaral na nagsasabing kalidad ang nagiging dahilan

upang bilhin ang isang produkto.


VI. REKOMENDASYON

Para sa mga mag-aaral

Ang kahalagahan ay maituturing na hiyas ng isang indibidwal. Ang

kahalagahan nito ay may kaakibat na responsibilidad na marapat na

gampanan ng isang mag aaral. Sa pag-uugnay ng pag-aaral/pananaliksik na

ito sa buhay ng isang mag-aaral, matatamasa ang minimithing

kasagutan ng isang indibidwal. Ang mga impormasyon na nakapaloob sa

pananaliksik na ito ay naghahandog ng sapat na kaalaman na lubhang

makatutulong sa mga mag-aaral sa reyalidad ng buhay. Ang pananaliksik na

ito ay maaaring isalin at gamitin sa pagkalap ng mga impormasyon ng mga

mag-aaral na maghahatid sa kanila ng sapat na kaalaman at ideya.

Para sa mga guro

Bilang isang tagapayo o bilang isang guro ng Our Lady of Fatima

University ay mas kinakailangan na mas marami silang nalalaman. May

kakayahang makapagbigay ng sapat na impormasyon ukol sa pagbili ng

produkto sa TV Komersyal.

Para sa institusyon

Ang pagaaral na ito ay maaring makatulong sa isang institusyon na mas

lalo pa nilang maintindihan ang pinaka batayan sa pagpili at pagbili ng

produkto sa TV Komersyal.
Para sa Kapwa Mananaliksik

Ang isinagawang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay

makakatulong para sa mga susunod na kapwa mananaliksik. Maari rin itong

maging gabay upang makakalap ng bago at karagdagang impormasyon

ukol sa batayan sa pagbili ng produkto sa TV komersyal ayon sa mga piling

mag aaral na Senior High School sa Our Lady of Fatima University. Maaari

rin nila itong maging batayan upang mas mapadali ang kanilang pag-aaral.

Para sa mga konsyumer

Makatutulong ang pag aaral na ito sa iba pang mga konsyumer sa

pamamagitan ng pagtatala ng mga mananaliksik kung gaano ba talaga

nagiging makatotohan ang isang TV komersyal na kanilang napapanuod. Ito

ay gagawin sa pamamagitan ito ng pagkalap ng mga datos ukol sa

batayan sa pagbili ng produkto sa TV komersyal ayon sa mga piling mag aaral

na Senior High School sa Our Lady of Fatima University , maari nila itong

gamiting batayan ng kanilang pagtangkilik sa isang produkto dahil ang mga

datos na makukuha ay mula sa karanasan ng isa ring konsyumer.


TALAAN NG NILALAMAN

PRELIMINARYONG PAHINA

Pinagtibay..............................................................................................................i

Dahon ng pagpapatibay.......................................................................................ii

Paghahandog......................................................................................................iii

Pasasalamat / Paglalaan.....................................................................................iv

Abstrak..................................................................................................................v

TALAAN NG NILALAMAN

KABANATA I: Ang Suliranin at ang Sanligan ng Pag-aaral

 Panimula.................................................................................................1-3
 Paglalahad ng Suliranin.........................................................................4
 Layunin ng Pagaaral..............................................................................4-5
 Kahalagahan ng Pananaliksik...............................................................5-7
 Paradigma..............................................................................................8
 Saklaw at Delimitasyon..........................................................................9
 Depinisyon o kahulugan ng mga terminong ginamit..............................9

KABANATA II: Mga Kaugnay na Literatura

 Dayuhang Literatura............................................................................10-12
 Lokal na Literatura...............................................................................12-14

KABANATA III: Metodolohiya

 Disenyo ng Pananaliksik....................................................................15
 Lokal na Pananaliksik..........................................................................15
 Taktika sa Pagkuha ng Datos..............................................................16
 Hakbang sa Paglikom ng mga Datos..................................................16
 Instrumento ng Pananaliksik...............................................................16-17
 Istatistikong Pamamaraan...................................................................17
TALAAN NG TALAHANAYAN AT GRAP

KABANATA IV: Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

 Talahanayan ng Propayl ng mga Respondente...................................18-19


 Grap Blg. 1-2........................................................................................20-21

KABANATA V: Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

 Lagom.....................................................................................................22
 Konklusyon............................................................................................23
 Rekomendasyon....................................................................................24-25

TALAAN NG SANGGUNIAN

APENDIKS

 Apendiks A – Liham ng Paghingi ng Pahintulot


 Apendiks B – Rubriks
 Apendiks C – Larawan ng mga Mananaliksik
 Apendiks D – Mga Dokumentaryo
 Apendiks E – Sarbey-Kwestyuner
 Curriculum Vitae
TALAAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAP

 Talahanayan

Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga Respondente...................................................................18

Talahanayan Blg.2

Kasarian ng mga Respondente............................................................19

 Grap
Grap Blg. 1
“Ano ang batayan sa pagpili ng produkto?”............................................20

Grap Blg. 2
“Ano ang dahilan sa pagbili ng produkto?”….........................................21
Kabanata I

Ang Suliranin at ang Sandigan ng Pag-aaral

Panimula

Ang patalastas ay laganap na sa buong mundo at hindi lang

sa telebisyon maaring makita ang patalastas. Mayroon naring patalastas sa

mga radyo, dyaryo, at internet. Ang patalastas ay isang paraan upang

mahikayat, o maipakita sa madla ang kanilang produktong ipinagmamalaki upang

makilala at tangkilikin ang produkto (Cruz, 2015).

Ayon kay Rosario (2014) ang patalastas o adbertaysing ay isang

mainam na paraan upang maengganyo at tangkilikin ng tao ang isang produkto.

Gamit ang makabagong teknolohiya, mas lumalawak at nakakaapekto ito sa mga

tao lalo na sa kabataan. Dahil dito mas nagiging mulat ang kabataan sa kanilang

paligid at sa iba’t ibang aspeto ng buhay na maaring makaapekto kung paano

sila mag-isip at kumilos.

Ayon kay Cruz (2015) kung mas maganda ang ipinaparating o

ang mensahe ng isang patalastatas mas naeengganiyo ang mga mamimili

na bumili nito. Lalo na kapag naabot ng patalastas ang kalidad na ninanais o

inaasahan ng mamimili.

1
Sa pamamagitan rin ng patalastas, nakikita natin ang iba’t ibang

produkto na maaari rin nating tangkilikin at makita ang pinagkaiba ng mga

produktong ito. Marami ng iba’t-ibang klase ng patalastas ang pinapauso ngayon

sa ating lipunan. Sinsabi nilang mas nahihikayat o mas naeenganyo ang mga

mamimili kung ang patalastas ay Jingle Campaign o magandang musika at

biswal na presentasyon na magmumungkahi sa kanilang produkto. Ang iba

naman ay pumupili ng mga sikat na mag eendorso ng kanilang produkto na alam

nilang magiging epektibo sa panghihikayat ng mamimili.

Maraming katanungan ang naglalaro sa isipan ng mga

mananaliksik. Kabilang na dito ang mga katanungan ng mga mag-aaral, ng

mamamayan. Ano nga ba ang batayan sa pagbili ng produkto sa tv komersyal sa

mga mag-aaral? Ano ang dahilan nila upang bumili ng produkto? Akma nga ba

ang ipinapabatid ng patalastas sa personal na katangian nito?

Ito ang naging sanhi ng grupo na pagdesisyunan na gawing paksa

ang batayan sa pagbili ng produkto sa tv komerysyal. Ang pag-aaral na ito ay

nakatuon sa pag-alam kung nakakatulong ang patalastas para mas mahikayat

ang mga mag-aaral. At mabatid ang kanilang mga saloobin hinggil sa isyu ng

batayan sa pagbili ng produkto sa TV Komersyal.

Ang mga mananaliksik ay ninanais na mabatid sa mga mag aaral,

guro, institusyon at kinauukulan ang mga tanong at opinyon ng mga mag-aaral,

upang malaman ang kanilang mga saloobin.


Layunin din ng mga mananaliksik na ipagbigay alam sa publiko ang

mga saloobin ng mga mag-aaral na naaapektuhan ng tv komersyal sa pagbili ng

produkto na kung saan bibigyang pansin ng mga mananaliksik ng kanilang mga

opiniyon at saloobin ukol sa nasabing isyu. Ito ay paglilinaw lamang ng

mananaliksik na di lamang ang mga mag aaral ang apektado sa nasabing isyu

kundi pati na rin ang ibang mga taong nakakakita at nakakasubaybay ng mga

patalastas na nagmumula sa telebisyon at print ads. Ang mga nakikita nila ay

karaniwang mas nakaiimpluwensya sa mga mag aaral na tumangkilik sa

produkto dahil ayon kay Rosario (2014) mas maraming ginugugol na panahon at

oras ang mga kabataan sa media.

Nawa’y gabayan ang mga mananaliksik na maging matagumpay

ang pag-aaral na ito at maging maganda ang bunga ng pagsisikap at

pagsasakripisyo ng mga mananaliksik na makamit ang minimithing hangarin

para sa mga mamamayan.


Paglalahad ng Suliranin

May mga mangilan-ngilang problema ang matatalakay ng mga

mananaliksik mula sa paksa ng pananaliksik. Ang pangunahing suliranin ay ang

pag alam ng Batayan sa Pagbili ng Produkto sa TV Komersyal Ayon sa

mga Piling Mag aaral na Senior High School Students ng Our Lady of Fatima

University taong kasalukuyang (2018).

1. Anu-ano ang iba’t ibang demograpikong propayl ng mga mag-aaral ng

Our Lady of Fatima University na sumasailalim sa Batayan sa Pagbili ng

Produkto sa TV Komersyal sa mga Piling Mag-aaral na Senior High School?

1.1 Edad

1.2 Kasarian

2. Ano ano ang mga batayan sa pagpili ng produkto sa TV Komersyal sa mga

Piling Mag-aaral na Senior High School sa Our Lady of Fatima University?

3. Ano ang dahilan sa pagbili ng produkto ng mga piling mag-aaral na Senior

High School sa Our Lady of Fatima Univeristy?

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na isinagawa ng mga

mananaliksik ay Matukoy at Malaman ang Batayan sa Pagbili ng Produkto sa

TV Komersyal Ayon sa mga Piling Mag aaral na Senior High School ng Our

Lady of Fatima

4
Ang ilan pang mga layunin ng pananaliksik ay ang mga sumusunod:

1. Matukoy ang batayan sa pagpili ng produkto ayon sa mga piling mag-aaral

na Senior High School ng Our Lady of Fatima University.

2. Malaman ang dahilan sa pagbili ng produkto ayon sa mga piling mag-aaral na

Senior High School ng Our Lady of Fatima University.

Kahalagahan ng Pag aaral

Naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag aaral na

isinasagawa ay makakapagbatid ng impormasyon na makakatulong sa mga

taong tumatangkilik ng mga produkto. Hinahangad ng mga mananaliksik na

mabatid ang maaaring solusyon sa kasalukuyang isyu na Batayan sa Pagbili ng

Produkto sa TV Komersyal sa mga Piling Mag-aaral na Senior High School sa

Our Lady of Fatima University.


Ang mga tiyak na kahalagahan ng pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Para sa mga mag-aaral

Ang kahalagahan ay maituturing na hiyas ng isang indibidwal. Ang

kahalagahan nito ay may kaakibat na responsibilidad na marapat na

gampanan ng isang mag aaral. Sa pag-uugnay ng pag-aaral/pananaliksik na ito

sa buhay ng isang mag-aaral, matatamasa ang minimithing kasagutan

ng isang indibidwal. Ang mga impormasyon na nakapaloob sa pananaliksik na

ito ay naghahandog ng sapat na kaalaman na lubhang makatutulong sa

mga mag-aaral sa reyalidad ng buhay. Ang pananaliksik na ito ay maaaring isalin

at gamitin sa pagkalap ng mga impormasyon ng mga mag-aaral na maghahatid

sa kanila ng sapat na kaalaman at ideya.

Para sa mga guro

Bilang isang tagapayo o bilang isang guro ng Our Lady of Fatima

University ay mas kinakailangan na mas marami silang nalalaman. May

kakayahang makapagbigay ng sapat na impormasyon ukol sa pagbili ng produkto

sa TV Komersyal.

Para sa institusyon

Ang pagaaral na ito ay maaring makatulong sa isang institusyon na mas

lalo pa nilang maintindihan ang pinaka batayan sa pagpili at pagbili ng

produkto sa TV Komersyal.

6
Para sa Kapwa Mananaliksik

Ang isinagawang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay

makakatulong para sa mga susunod na kapwa mananaliksik. Maari rin itong

maging gabay upang makakalap ng bago at karagdagang impormasyon

ukol sa batayan sa pagbili ng produkto sa TV komersyal ayon sa mga piling

mag aaral na Senior High School sa Our Lady of Fatima University. Maaari

rin nila itong maging batayan upang mas mapadali ang kanilang pag-aaral.

Para sa mga konsyumer

Makatutulong ang pag aaral na ito sa iba pang mga konsyumer sa

pamamagitan ng pagtatala ng mga mananaliksik kung gaano ba talaga

nagiging makatotohan ang isang TV Komersyal na kanilang napapanuod. Ito

ay gagawin sa pamamagitan ito ng pagkalap ng mga datos ukol sa

batayan sa pagbili ng produkto sa TV komersyal ayon sa mga piling mag aaral

na Senior High School sa Our Lady of Fatima University , maari nila itong

gamiting batayan ng kanilang pagtangkilik sa isang produkto dahil ang mga

datos na makukuha ay mula sa karanasan ng isa ring konsyumer.

7
Paradigma

Sa pag aaral na ito, ipinapakita ng figura 1 ang kadahilanan

na magkaroon ng magkakaibang pananaw sa epekto ng mga produktong

komersyal na binibili ng mga tao at ang mga maidudulot nito.

INPUT PROSESO AWTPUT


Paghanap
Inaasahang kalalabasan ng pag aaral nangmakapagbigay
mga kaugnayang na literatura
ng sapat na impormasyon tungkol sa batayan ng
Pagkalap ng impormasyon sa iba’t ibang silid- aklatan
Ano ang batayan ng tao sa Pag gamit ng internet
pagpili ng produkto. Pag gawa ng mga katanungan na may kinalaman sa pagaaral
Ano ang dahilan ng tao sa pagbili ng Pagtalakay sa napagpiliang pagaaralan
produkto.

8
Saklaw at Delimitasyon

Ang pag-aaral ng pagbuo ng pamanahunang papel na ito ay

sumasaklaw sa ilang mga mag-aaral ng Our Lady of Fatima University na siyang

magiging taga-tugon sa sarbey kwestyuner sa pamamagitan ng purposive

sampling. Kukuha ang mga mananaliksik ng 50 na respondente mula sa baitang

labing-isa ng Our Lady of Fatima University.

Depinisyon o Kahuluguhan ng mga Terminong Ginamit

Ang mga sumusunod ay ang mga terminolohiyang ginamit dito sa pag-aaral

Internet – Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na

maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Naipápadala ang mga datos

sapamamagitan ng packet switching na gamit ang inayunang pamantayan

na Internet Protocol (IP).

Patalastas – ay isang paraan ng pag aanunsyo ng produkto o serbisyo

sa pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyong pang madla.

Respondente – tawag sa tao na siyang tutugon sa katanungan ng sarbey,

at siyang sentro ng pananaliksiik.

Senior High School – huling dalawang taon sa K12 Program

Telebisyon – ay isang sistemang telekomunikasyon para sa pagpapahayag at

pagtanggap ng mga gumagalaw na larawan at tunog sa kalayuan.


9
Kabanata II

Mga Kaugnay na Literatura

Dayuhang Literatura

Ayon kay Samson (2003) ang patalastas ay may malaking epekto sa

industriya at sa pag-unlad ng isang bansa. Sa patuloy-tuloy na pagtuklas ng mga

bagong produkto naeengganyo ang mga kumpanya upang ipaharap ito

kung kaya’t kapag ito’y naging makapukaw atensyon sa karamihan lalo na

sa mga manonood, ito ay nagiging kilala at patuloy-tuloy na darami ang

tumatangkilik. Ang iba’y nagkakaroon ng tyansang makilala ng ibang bansa

at gustong makipagkalakalan upang mapatunayan ang kalidad at epektibo ng

produkto kung kaya’t lumalago ang industriya at ekonomiya.

Sa pamamagitan ng patalastas, nailalathala ng mga iba’t-ibang kompanya

ang kanilang naimbentong produkto na nagmula sa kanilang malawak na

imahinasyon at ideya na sumisiguradong makatutulong sa pagpapagaan sa ating

araw-araw na pamumuhay (Williams, 2001).

Ang Brand Name ay katawagan, disensyo, simbolo na kumikilala sa

produkto, serbisyo, institusyon o ideya galing sa isang patalastas (Mortarty et

al, 2004)
Ayon kay Schultz (1979), dahil sa kahalagahan ng patalastas,

malaking salapi ang napupunta sa paggawa nito. Ang ilang kompanya ay

may sariling dibisyong namamahala sa pagpapakilala ng produkto sa madla sa

pamamagitan ng patalastas. Ang iba naman ay nagbabayad na lamang sa

ilang ahensyang pampatalastas upang mapagawa ito. Ang patalastas ang

bumubuhay sa mga programa, sa radyo at telebisyon. Nagbabayad din sila

ng malaking halaga upang makasingit sa pagitan nito. Gayundin sa

pinansya ng mga dyaryo at magasin.

Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagpapakita ng katapatan at

magandang epekto ang isang patalastas. Maraming tao ang hindi nagtitiwala

dahil sa mga masasamang feedback na natamo ng produkto at dahil na rin sa

nasubukan nila ito. Sa kabilang banda, ang patalastas ay nagsisilbing pabango

sa isang produkto upang mabenta ito (Anderson,1999).

Dayuhang Pag-aaral

Ayon kay Wayne (2005) Halos lahat ng mga produkto na kumakalat

at sumisikat sa mga tao ay dahil sa pangalan ng kanilang produkto at ang kalidad

nito. Whitening soaps, lotions at cornetto ang mga halimbawa ng mga patalastas

talaga namang nagustuhan ng mga kabataan.


Samson at Little (1995) ang unang paraan upang makapili ng maayos na

produkto ay kinakailangang gumagamit ng buying plan of the classification,price

lines at iba pang kinakailangan sa isang patalatas o advertisement upang mas

mabuti ang customers demand. At kinakailangan din ang produkto ay may

consistent na kalidad upang mas lalo pa itong maipagbili.

Ayon kay Taylor (1995) Sinasabi na ang advertisement ay dapat nakikita

,naririnig o pareho .Sabi ng Psychologist na ang atensyon ng mga manonood ay

kinakailangan bago masabi ang pinaka mensahe na makakapag udyok sa

manonood na bilin ang produktong ipinapakita sa patalastas.

Lokal na Literatura

Ayon kay Hernandez (2015) Ang patalastas ay isang paraan ng

pag- aanunsyo ng produkto o serbisyo sa pamamagitan ng iba't-ibang anyo

ng komunikasyong pang madla.

Ayon kay Rivera (2006) ang adolescent ay ang transisyon mula sa

pagkabata sa karampatang gulang na mula sa paligid 15-21 taong gulang. Ito

ang mga kabataan na dumadaan sa pisikal na pag-unlad at kapaganapan


sa gulang. Ang proseso ng pagbibenta ay isang panahon ng paghahanda,para sa

karampatang gulang sa panahon na oras ng ilang mga karanasan nila ay

magaganap. Ang mga ito ang uri ng mga tao na apektado sa medya. Dahil sa

maraming pagbabago ng edad nila ito ay kung saan sila magsimulang bumuo ng

kanilang mga isip.

May ikalawang anyo na nakalimbag na patalastas na lumaganap sa anyo

ng poster at karleton matapos maimbento ang imprenta noong siglo

15. Nagpatuloy ang paglaganap nito kasabay ng pag-unlad ng makabagong

teknolohiya. Tuluyan nang nahasa ang telebisyon. Higit nang malawak ang

naabot ng mga patalastas (Nofuente, 1976).

Dahil sa dami ng mga produktong lumalabas, kailangang mag-

anunsyo upang ipakilala ang isang produkto sa madla, o kaya ay higit na

magkakaroon ng matingkad na reputasyon ang produkto. Isang karaniwang

obserbasyon ng kapag mahusay ang patalastas, tataas ang benta ng produkto.

Ayon kay Nofuerte (1976), ang epekto ng patalastas sa mamimiling

Pilipino ay makikita sa pagalala ng mga tao sa tatak ng produkto at paggamit nito

bilang pangalan ng produkto mismo, kahit na ito ay ibang tatak.

Lokal na Pag-aaral

Ang advertisement ay kadalasang nagpapalito sa mga opsyon ng tao sa

pagpili kung alin ang dapat bilin; ang tawag dito ay choice overload (Luna, 2013).
Ayon kay Espiritu (2013) mas naeengganyo bumili ang mga tao lalo na

kapag ginagamit o tinatangkilik rin ito ng mga endorser o artista.

Ayon naman kay Santos (2013) ang tv advertising ay mayroong

mahalagang ginagampanan pagtulong sa pagpili ng mga produkto.

Maraming ads ang nakakaagaw ng ating mga atensyon sa mga

produktong may karagdagang features, halimbawa na lamang ang mga

cellphone na hi-tech at mga pagkaing may kasamang bitamina. Ang iba

namang advertisement ay nagkukumpitensiya sa presyo at kalidad ng produkto.

Ang mga nag eendorso ay may malaki ring impact sa mga kabataan lalo

na sa panahon ngayon. Dahil na rin ito sa kadahilanang ang iniidolo nila ay

napapanuod o lumalabas sa Telebisyon (De Leon, 2013).

14
Kabanata III

Disenyo at Metodo ng Pananaliksik

Ang kabanatang ito ay naglalalaman ng metodolohiyang

ginamit para sa pag-aaral. Ito ay naglululan ng disenyo ng pag-aaral, lugar

kung saan isinagawa ang pag-aaral, mga halimbawang teknik na ginamit

ng mga mananaliksik, instrumentasyon, at pangangalap ng datos pati ang

istatistikong ulat.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik ay ginamitan ng

deskriptibong pananaliksik. Ito ay isang paraan na gumagamit ng talatanungan

(survey questionnaire) na kung saan pupunan ng mga respondent para

makalikom ng datos o impormasyon na siyang gagamitin ng pangkat sa

pag- aaral ukol sa isyu ng epekto ng patalastas sa pagbili ng produkto at ang

epekto nito sa mga Senior High School Students na nag-aaral sa paaralang Our

Lady of Fatima University.

Lokal ng Pananaliksik

Ang saklaw ng mag-aaral ay binubuo ng 50 na mag-aaral na nasa

ika-labing isa at ikalabing-dalawang antas ng Our Lady of Fatima University,

Valenzuela City.
Taktika sa Pagkuha ng Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling

Technique sa pangangalap ng mga respondente na kung saan ang mga kalahok

ay pinipili base sa natatanging grupo na kanilang kinabibilangan, at batay

sa layunin ng pag-aaral. Kinakailangan na ang mga respondente ay nasa edad

labing-lima (15) hanggang labing-siyam (19).

Hakbang sa Paglikom ng mga Datos

Naghanda ang mga mananaliksik ng mga kwestyuner na

pasasagutan sa mga respondente. Pagkatapos ito sagutan ng mga respondente,

pag-aaralan ito at ililikom sa isang grap kung saan pagsasamahin ang

mga magkakatulad na sagot. Kukuhanin ng mga mananaliksik ang bahagdan

o porsyento ng mga makakatulad na sagot ng mga respondente sa bawat tanong

sa kwestyuner. Masusing pag-aaralan at gagawan ng pagbubuod at konklusyon

ng mga mananaliksik ang mga kasagutan ng mga respondente. Sa paraang ito

ay makukuha ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondente ayon sa

pagbili ng mga produkto batay sa mga napapanood nitong mga patalastas.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Kwestyuner:

Ayon kay Good (1963), ang kwestyuner ay isang listahan ng mga

tanong. Ito ang pangunahing instrumento na ginagamit sa mga pananaliksik.Ito

ay naglalaman ng espasyong pagsasagutan ng mga respondente


pagkuhanan ng mga mananaliksik ng sagot at paniniwala patungkol sa epekto

ng mga patalastas sa pagbili ng produkto ng mga mag-aaral.

Ang talatanungan ang pinakamabilis at pinakaepektibong

instrumento sa pagkalap ng impormasyon. Pagtapos masagutan ng

mga respondente ang mga kwestyuner ay agad na isasagawa ng mga

mananaliksik ang porsiyento sa bawat sagot sa mga katanungan. Dito isusunod

ang paglikha ng grap na nakabase sa mga sagot ng mga respondente.

Istatistikong Pamamaraan

Ginamit ang istatistiks upang malaman ang kalalabasan ng

pagsusuring nagawa batay sa sagot ng respondente at upang makuha ang

pangkalahatang bahagdan na para lamang galing sa isang tanong. Ang pormula

na ginamit ay %=F/N×100.

Kung saan:

F= bilang ng sagot

%= Bahagdan

N= Bilang ng respondente

17
Kabanata IV

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga resultang nakalap

mula sa sarbey kwestyuner na sinagutan ng mga Senior High School Students

ng Our Lady of Fatima University.

Propayl ng mga Respondente

Talahanayan Blg. 1

Edad ng mga Respondente


Edad Bilang Bahagdan

15 1 2%

16 13 26%

17 34 68%

18 1 2%

19 1 2%

Kabuuan 50 100%

Ang Talahanayang blg. 1 ay naglalaman ng edad ng 50 na mga

respondente. Sila ay may gulang mula 15 hanggang 19 na taong. Nakasaad din


dito ang bilang at bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang edad. Ipinapakita

dito na mas marami ang mga respondente na may edad na 17 na may bilang na 34,

bahagdan na 68%. Sumunod ang bilang ng mga respondenteng may edad 16 na may

13 katao na may bahagdan 26%. May isa na mga respondente ang may gulang na 15

taon, 18 taon at 19 na taon na may bahagdan na 2%.

Talahanayan Blg. 2
Kasarian ng mga Respondente

Kasarian Bilang Bahagdan

Lalaki 32 64%

Babae 18 36%

Kabuuan 50 100%

Ang Talahanayang blg. 2 ay naglalaman ng kasarian ng 50 na

mga respondente. Nakasaad din dito ang bilang at bahagdan ng mga

respondente ayon sa kanilang kasarian. Ipinapakita dito na mas marami

ang bilang ng respondente sa lalaki na may bilang na 32 o bahagdan na

64% habang ang babae naman ay may bilang na 18 o bahagdan na 36%.

19
Graph blg 1

Batayan sa pagpili ng produkto ng mga mag aaral

Ano ang iyong batayan sa pagpili ng produkto?

14%
8%
46%
26%
6%

A. Brand Name B. Endorser/Artista C. Konsepto


D. Commercial Jingle E. Iba pang sagot

Batay sa datos na nakalap ng mga mananaliksik sa tanong na ano ang

batayan mo sa pagbili ng produkto. Letrang A ang may pinakamaraming nakuhang

sagot na may 46% kung saan brand name ang kanilang batayan sa pagbili ng

produkto na nasa kulay asul. Pumapangalawa naman ang letrang C na may 26% na

nagsasabing konsepto ang kanilang batayan sa pagbili ng produkto na nasa kulay

berde. Pangatlo nang letrang E na may 14% na may ibang batayan sila sa pagpili ng

produkto at ito ay ang nasa kulay na kahel. Pumapang apat ang letrang D na may 8%

na nagsasabing Commercial Jingle ang batayan nila na nasa kulay Ube. Ang panghuli

ang letrang B na may 6% at nagsasabing ang endorser o artista ang tinitignan nila sa

pagbili ng produkto at makikita ito sa kulay na pula.

20
Graph Blg 2
Dahilan ng pagbili ng produkto ng mga mag- aaral

Ano ang dahilan ng pagbili mo ng produkto?

2% 6%

92%

Kalidad
Pianagkakatiwalaan ang Endorser o Artista
Pinagkakatiwalaan ang kredibilidad ng kumpanya

Sa tanong na ano ang dahilan mo sa pagbili ng produkto pinakamarami

ang nagsasabing kalidad ang kanilang nagiging dahilan, ito ay may 92% na nasa

kulay asul at letrang A. Pumapangalawa naman ang nagsasabing kaya sila bumibili

ng produkto ay dahil nagtitiwala sila sa kredibilidad ng kumpanya na may 6% at ito ay

nasa letrang C at nasa kulay na berde. Kadikit nito ang nagsasabing

pinagkakatiwalaan nila ang endorser o artista kaya sila bumibili na may 2% na nasa

letrang B at kulay na pula. Wala sa mga respondent ang sumagot ng iba pang

dahilan.
Kabanata V

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng binalangkas na lagom,

konklusyon mula sa datos na nakuha sa sarbey at ang rekomendasyon ng mga

mananaliksik ukol sa suliranin base sa impormasyon na nakalap.

Lagom

Ang pangunahing layunin ng pananaliksik na ito ay matukoy ang

batayan at dahilan sa pagpili ng produkto sa TV Komersyal Ayon sa mga piling mag

aaral na Senior High School Students ng Our Lady of Fatima University.

Ang pananaliksik na iyo ay gumamit ng deskriptibong sarbey, upang

makakalap ng mga datos na hahanguan ng interpretasyon upang makamit

ang layunin ng pananaliksik. Pumunta ang mga mananaliksik sa iba’t ibang klase ng

Senior High School Students na may makukuhang impormasyong magagamit sa pag-

aanalisa ng mga pananaw ng mga respondente.

Batay sa resulta ng isinagawang sarbey ay mayroong 50 na mga Senior

High School Students ng Our Lady of Fatima University ang naging

respondente na sumagot sa sarbey-kwestyuner. Buhat sa mga naging kasagutan ng

mga respondente, nakagawa ng interpretasyon ang mga mananaliksik ukol sa

paksang napili.

Nang matapos magpasarbey ang mga mananaliksik, ginamitan ng

istatistikong pamamaraan ang mga datos na nakalap, upang masigurado ang

kalidad ng mga impormasyon.


Konklusyon

Mula sa nakalap na impormasyon ng mga mananaliksik

sa kanilang pagsarbey, ito ang mga nabuong konklusyon.

1. Ang kadalasang edad ng mag-aaral na Senior High School sa Our Lady

of Fatima University ay may gulang na 16-19 taon , ngunit mas madalas

ang edad 16-17 taon , mas marami ang bilang ng mga respondenteng

lalaki namay bilang na 32 kumpara sa mga kababaihan na 18 lamang na

may kabuuang 50 respondente .

2. Ang karamihan sa mga mag-aaral ay bumabatay sa brand name ng

produkto upang bilhin nila ito.

3. Marami sa mga mag-aaral na nagsasabing kalidad ang nagiging dahilan

upang bilhin ang isang produkto.

23
Rekomendasyon

Para sa mga mag-aaral

Ang kahalagahan ay maituturing na hiyas ng isang indibidwal. Ang

kahalagahan nito ay may kaakibat na responsibilidad na marapat na

gampanan ng isang mag aaral. Sa pag-uugnay ng pag-aaral/pananaliksik na ito

sa buhay ng isang mag-aaral, matatamasa ang minimithing kasagutan

ng isang indibidwal. Ang mga impormasyon na nakapaloob sa pananaliksik na

ito ay naghahandog ng sapat na kaalaman na lubhang makatutulong sa

mga mag-aaral sa reyalidad ng buhay. Ang pananaliksik na ito ay maaaring

isalin at gamitin sa pagkalap ng mga impormasyon ng mga mag-aaral na

maghahatid sa kanila ng sapat na kaalaman at ideya.

Para sa mga guro

Bilang isang tagapayo o bilang isang guro ng Our Lady of Fatima

University ay mas kinakailangan na mas marami silang nalalaman. May

kakayahang makapagbigay ng sapat na impormasyon ukol sa pagbili ng

produkto sa TV Komersyal.

Para sa institusyon

Ang pagaaral na ito ay maaring makatulong sa isang institusyon na mas

lalo pa nilang maintindihan ang pinaka batayan sa pagpili at pagbili ng

produkto sa TV Komersyal.

24
Para sa Kapwa Mananaliksik

Ang isinagawang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay

makakatulong para sa mga susunod na kapwa mananaliksik. Maari rin itong

maging gabay upang makakalap ng bago at karagdagang impormasyon

ukol sa batayan sa pagbili ng produkto sa TV komersyal ayon sa mga piling

mag aaral na Senior High School sa Our Lady of Fatima University. Maaari

rin nila itong maging batayan upang mas mapadali ang kanilang pag-aaral.

Para sa mga konsyumer

Makatutulong ang pag aaral na ito sa iba pang mga konsyumer sa

pamamagitan ng pagtatala ng mga mananaliksik kung gaano ba talaga

nagiging makatotohan ang isang TV Komersyal na kanilang napapanuod. Ito

ay gagawin sa pamamagitan ito ng pagkalap ng mga datos ukol sa

batayan sa pagbili ng produkto sa TV komersyal ayon sa mga piling mag aaral

na Senior High School sa Our Lady of Fatima University , maari nila itong

gamiting batayan ng kanilang pagtangkilik sa isang produkto dahil ang mga

datos na makukuha ay mula sa karanasan ng isa ring konsyumer.


Talaan ng Sanggunian

➢ Aklat
Samson, Herland. 1982, Retail Merrchandising. Cincinnati, Ohio. South-
WesternPublishing Co.

Wells, William. 1950, Advertising Principles & Practice. Upper Saddle River,
New Jersey. Pearson Education, Inc.

➢ Internet
Arao, Danilo. 2009, Isa munang patagong patalastas huli sa ikalawang bahagi.

http://pinoyweekly.org/new/2009/11/isa-munang-patagong-
patalastas-huli-sa-ikalawang-bahagi/

Lopez, Hannah Almira. 2013, Epekto ng mga Tv Advertisement sa paraan


ng pagtangkilik ng mga produkto.

http://www.academia.edu/27286408/EPEKTO_NG_MGA_TV_ADVERTIS
EMENT_SA_PARAAN_NG_PAGTANGKILIK_NG_MGA_PRODUKTO

Ang Patalastas at ang Sikolohiyang Pilipino

https://www.slideshare.net/mobile/romilynh13/ikalimang-bahagi

https://prezi.com/lyv_dfekscj2/isang-pagsusuri-na-sikolohikal-sa-
adbertaysing/

Epekto ng Media ng mga Tao sa Kababaihan

http://www.academia.edu/12365972/

https://kccabrera67.wordpress.com/2013/02/17/thesis-sa-filipino/

26
OUR LADY OF FATIMA
UNIVERSITY
#120 Mc Arthur Highway, Marulas, Valenzuela City

Ika- ng Pebrero, 2018

Sa kinauukulan,

Isang Mapayapang Pagbati!

Ang aming grupo mula sa pangkat ng ABM 11-16 ay magsasagawa ng pagseserbey

tungkol sa aming ginagawang pananaliksik na may pamagat na Batayan sa Pagbili

ng Produkto sa TV Komersyal Ayon sa mga Piling Mag aaral na Senior High

School sa Our Lady of Fatima University

Ito ay isang kahingian para sa asignaturang Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa

Pananaliksik.

Ang inyong permiso ay aming hinhingi pati na ang partisipasyon at pang-unawa.

Maraming Salamat po.

Lubos na Gumagalang, Pinagtibay ni,

Leah Mae Romano Gng. Evangeline J. Catchuela, LPT

Pinuno ng Pangkat Blg. 4 Guro sa Filipino


Larawan ng mga Mananaliksik
Dokumentaryo
Batayan sa Pagbili ng Produkto sa TV Komersyal Ayon sa mga

Piling Mag aaral na Senior High School ng Our Lady of Fatima

University Valenzuela

Pangalan: Edad:

Baitang at Pangkat: Kasarian:

1. Ano ang iyong batayan sa pagpili ng produkto?

A.Brand Name

B.Endorser/Artista

C.Konsepto

D.Commercial Jingle

E.Iba pang sagot

2. Ano ang dahilan ng pagbili mo ng produkto?

A.Kalidad

B.Pinagkakatiwalaan ang Endorser o Artista

C.Pinagkakatiwalaan ang kredibilidad ng

kumpanya D.Iba pang sagot

You might also like