You are on page 1of 5

John N. Abletis Prof. Laura L.

Samson
MA Sociology Student Popular Culture (Socio 243)
2009-79293 UPD-CSSP-Dep’t. of Sociology
January 12, 2011
Sa Mall

SM Fairview Fascade in Regalado Ave. (Main Entrance)

Noong mga unang araw ng klase, Nobyembre ng nakaraang taon, sinabihan kami ng aming
guro sa Popular Culture na kailangan naming bumisita sa Mall para obserbahan ang setting ng
lugar at gawain ng mga tao roon. Napaisip ako noon, ano ang meron sa mall at kailangan pa
namin iyong tignan? Pangkaraniwan akong nagdaraan sa Gateway at Farmer’s Plaza sa Cubao
kapag papasok pa-PUP at uuwi pa-Fairview. Nasanay na ako sa parating pagkapkap ng gwardya
kapag sasakay ng tren sa LRT-2 at pagpasok sa mga mall, sa pagbabasa ng mga tulaan sa tren at
kung ano-ano pang mga advertisements sa mga pintuan at bintana ng mga tindahan, sa
panghaharang ng mga ahente sa daraanan para magpromote ng condo unit at mga raffle promos,
sa mga nagiimbitang kumain sa Shakey’s at iba pang mga mamahaling restaurant, sa mga
matang nagmamasid kung ikaw na ba ang susunod nilang customer, at sa daan-daang mga taong
nakakasalubong na may iba’t-ibang porma, kilos, at mood habang naglalakad, nakaupo,
nakatingin, nagdadaldal at lumilipad ang isip. Siguro, ang pagkasanay na ito ang naging dahilan
para hindi ako maging mapag-isip sa mga nangyayari sa paligid ko; ang pagkasanay sa palaging
pagbabago sa paligid, kasabay ng pag-agos ng mga pangyayari sa trabaho, sa akademya, sa
pamilya, sa mga kaibigan, sa facebook, sa telebisyon, sa uso etcetera. Kaligaligan at pagkagulo
sa dami ng mga isinasaisip, yan ang naghari sa akin; katulad ng maraming mga taong
nakakasabay ko sa LRT, bus, jeep, sa simbahan at sa palengke, sa hallway ng mall, eskwelahan,
at kalsada. Naging unreflective ako sa buhay. Nakakatawang isipin kasi nagmemajor ako ng
Sociology, na hindi ko naisabuhay ang tawag ng aking disiplina. Kaya nang sinabing kailangan
naming bumisita sa mall para magobserba, tinanong ko sa sarili ko, anong bago?
Naassign ako sa SM Fairview, isang mall na bagamat malapit-lapit sa barangay namin (i.e.
Brgy. Commonwealth, ang SM Fairview ay sa Lagro) ay bihira kong mapuntahan dahil hindi
naman dinadaanan papuntang PUP o UP (pinakamadalas ay ang Ever Gotesco Mall). Bago kami
pinasabak sa field inerequire sa amin na basahin ang ilan sa mga chapters ng “Sa loob at labas ng
mall kong sawi…” ni Rolando B. Tolentino. Napagisip-isip ko dapat ko ngang basahin ang libro
para magkaroon man lamang ako ng framework sa kung papaano titignan ang mall. At hindi ako
nagkamali. May pagkaMarxist ang orientation ng libro pero nilahukan ng mga modernong
diskusyon tungkol sa text, ideology, space, hypereality, conspicuous consumption, at
dreamworld. Dito na nagsimulang magtransform ang paningin ko sa nga naranasan ko.
Naramdaman ko nanaman ang excitement ng pagiging sosyolohista. Sumagi sa isip ko ang sinabi
ni Peter Berger sa Invitation to Sociology: “Yet there is another excitement of discovery
beckoning in his investigations. It is not the excitement of coming upon the totally unfamiliar,
but rather the excitement of finding the familiar becoming transformed in its meaning.” Salamat
kay Tolentino at nabuhay nanaman sa akin ang esensya ng the promise of sociology (at ng social
science sa pangkalahatan), sa medaling salita, ang sociological imagination.
Pumasok ako sa SM Fairview mga bandang hapon, pangalawang Sabado ng Enero. Eto lang
kasi ang panahon kung kailan nakalabas ako ng bahay simula pa noong pasko, natambakan kasi
ako ng mga babasahin sa graduate school. Lakip-lakip ang mga naibahaging kaisipan sa akin ni
Tolentino at mga kwento ng aking mga magulang, mga kaibigan, at dating mga guro sa mga
pagbabagong idilunot ng SM City Fairview sa dulong bahaging iyon ng Quezon City. Dala ko
ang aking Camera, para kumuha ng mga larawang nagpapakita ng kontradiksyon at gawi ng
buhay sa loob at labas ng mall, at isang maliit na notebook, para isulat ang ilang mga detalye at
insights habang nagsasagawa ng isang maikling obserbasyon.
Nakapagproduce ng trabaho ang SM para sa mga skwatter, mahihirap, at middle class na
talamak sa dulong parte ng District 2 ng Quezon City (Novaliches at Lagro Area). Marami-rami
kaming mga kapit-bahay na nagtratrabaho roon (ang ilan ay sa Ever Gotesco Mall). Ang ilan sa
mga magulang at mga nakatatandang kapatid ng mga classmates ko dati ay mga salesperson at
utility workers sa SM Fairview. Dahil sa SM Fairview kaya dumami ang mga bus, jeep, fx, at
taxi na bumabyahe mula Cubao at Quiapo papuntang Fairview, Lagro, Novaliches, at San Jose
Del Monte, Bulacan (i.e. Tungko at Sapang Palay). Dahil din sa dami ng mga nagcocommute
mula SM papuntang Maynila at EDSA kaya nagtayo ng isang pangunahing terminal ng bus doon
ang MMDA. Ang ganitong aksyon ng gobyerno ay maganda kung tutuusin, lalo pa at napadali at
nagawang ligtas ang pagsakay ng mga pasahero sa mga pampublikong bus, pero maaari ring
mahinuha na ang ganitong aksyon ng gobyerno ay mas lalo pang nagpayaman sa SM dahil
ginawa nyang masconvenient sa mga pasahero na magpanhik-panaog sa teritoryo ng SM ng mas
mabilis (dahil hindi mo na kailangan pumara ng bus dahil ang mga ito ay nakapila na) at mas
ligtas (may mga pulis at MMDA na nagbabantay at hindi mo na kailangan bumalandra sa gitna
ng kalsada para makasakay). Kung pupunta roon, mapapansing nasakalagitnaan ng kadamuhan
ang SM Fairview, mula noon hanggang ngayon, eto ay dahil sa mga lote ng subdivisions na
nagsimulang magsipagtaasan ng presyo mula ng maitayo ang mall. Mas lalo pang tumaas ang
presyo ng mga lupa rito dahil sa ang ilan sa mga ito ay dinadaanan ng mga bagong road networks
sa Lagro at Novaliches. Dahil sa SM Fairview, nagkaroon ng buhay ang dating tapunan ng mga
patay.
Ang SM Fairview ang naging pinakamatinding katungali ng Ever Gotesco Mall (malapit sa
Don Antonio, Brgy. Batasan Hills) pagdating sa pagtangkilik ng mga mamimili. Naaalala ko pa
noong bata ako, madalas kami sa Ever at parating dagsa ang mga tao tuwing araw ng Linggo at
Sabado. Sikat na sikat ang Ever, hangang nang maitayo ang isang bagong mall sa Lagro noong
late 1990s. Tumumal ang benta sa Ever. Nagkaroon ng bagong
prestige indicator; sa aming magkakaklase noong elementary at
sa mga magkakapit-bahay, sosyal ka kapag ang binibisita
mong mall ay SM Fairview. Pangyabang sa mga kaklase ang
“Nag SM kami kahapon.” “Parang palengke nalang ang Ever”
sabi ng kaibigan ko, kapag pupunta ka roon hindi mo na
mararamdaman ang requirement na kailangan mong magbihis,
hindi katulad noon. Iba pagdating sa SM Fairview. Dahil sa
pagdagsa ng mga tao sa SM Fairview lalong-lalo na tuwing
mga araw na walang pasok, sangkatutak na mga negosyo sa
Commonwealth Avenue, Regalado Avenue, at Quirino High-
Robinson’s Market Place
Way ang naitayo, formal at informal. Itinayo ang Robinson’s
Novaliches (ngayon ay Robinson’s Super Market) katapat ng SM Fairview sa pagaakalang
matatapatan nito ang lakas ng appeal ng SM sa mga tao, pero sabi nga ng tatay ko, gayon din ng
mga kaibigan at kakilala ko, nilangaw ang Robinson’s. Sa kaso ng SM laban sa Robinson’s at
Ever Gotesco, dito, malinaw na makikita ang tunggalian maski ng mga kapitalista.

Sa gilid ng SM Fairview (along Quirino High-way)

Jeepney Terminal FX Terminal Taxi Terminal & Parking Lot

Sa labas ng SM Fairview, mapapansin nang stratified ang mga tao. Makikita ang mga
terminal ng iba’t-ibang sasakyan para sa iba’t-ibang klase ng pasahero. Ang mga bus na ordinary
para sa mahihirap at airconditioned para sa mga nasa middle class ay nasa may gawing
Robinson’s. Ang mga jeep para sa mga mahihirap ay nasa may main entrance ng SM partikular
kung manggagaling kang Commonwealth Ave/Regalado Ave. Katapat nito ang terminal ng mga
FX para sa mga nasa middle class. Nasa likod naman na Entrance (katapat ng parking lot) ng SM
pumaparada at pumipick-up ng pasahero ang mga taxi para sa mga may kaya, kung saan
umaalalay ang mga crew sa mga nagsasakay ng ipinamili sa likod o loob ng taxi, kung hindi
man sa mismong kotse ng customer. Napansin ko rin ang mga maliliit na tindahan sa bangketa
malapit sa SM (pero wala sa mismong vicinity ng SM), nagpapahiwatig ng tunggalian sa pagitan
ng isang dambuhalang kapitalista at maliiit na negosyante. Tungalian din sa kultural na aspeto
kung tutuusin, lalo pa’t naging customary sa mga Pilipino ang pagtangkilik sa mga produkto sa
bangketa. Ano ang laban nila sa mas mapanghalina, may may class, mas malinis, at mas desente
na SM?
Pumasok ako sa Entrance ng SM Fairview na kaharap ng Regalado Ave. Katulad ng
nakagawian, kinapkapan ako at ang iba pang mga taong gustong makapasok sa mall;
sinisigurong wala kaming dalang makakapahamak sa kaayusan sa loob ng mall. Magkahiwalay
sa pagkap-kap ang babae sa lalaki. Naalala ko tuloy ang isang obserbasyon sa isang mall sa
Cubao na parang iniescreen ng gwardya kung sino ang
mas kakapkapan nya; kapag mukha kang marungis
asahan mo ang mabusising pagkapkap sa katawan at
pagkalkal sa bag mo. Sa entrance na ito ng SM ay may
dalawang pinakamalapit na bangko, ang BDO sa
ground floor at BPI sa unang palapag, parehas na nasa
bukana ng mall, nagpapahiwatig sa papasok na dapat
may pera sila kung gusto nilang makapaglakad ng may
dignidad sa loob ng mall (Tolentino, 2001). Isa itong
hindi tuwirang pagsasabi na “Hey, you are not here to
stroll, you’re here to buy!” Iba’t-iba ang makikitang
tindahan sa loob. Ang kapansin-pansin ay ang space
maximization, kung saan lahat ata ng sulok ay may
tindahan, pati gitna ng hallway meron, syempre para sa
kita (profit maximization).Iba’t-iba ang mga taong
nakita ko sa loob ng mall, may mga estudyante,
maraming negosyante, maraming mga namamasyal na
magpapamilya, mga magkakasintahan, mga
magkakaibigan, may mga soloista, may mga sosyal,
Maximization of Space may mga englesera, mga emo, may mga simpleng
manamit, pero mas marami ang hindi maipagkakailang
nag-effort para makapanamit ng nasa uso. Karamihan
ng mga nakita ko ay mula light brown hanggang sa
maputi ang complexion ng balat, mga katamtaman ang
tangkad, marami-raming metrosexuals at mga balidoso
sa katawan, halos pantay ang bilang ng lalaki sa babae
sa aking tantsya. Bihira ang mga foreigners, karamihan
parin ay mga Pilipino. Marami-rami ang
nakapangopisina pero mas marami ang mga casual
Maximization of Profit hal. Isang
computer shop sa gitna ng hallway manamit. Una kong hinanap ay ang land map o
directory/floor plan pero sa kasamaang palad ay
matagal na pala itong inalis at pinalitan ng isang
computerized touched-screen digital map. Di hamak na
mas matipid ang paskil na land map at mas marami
pang mga tao ang sabay-sabay na makakatingin dito
kaysa ang isang touched-screen digital map na paisa-
isa at kung minsan ay nasisira pa. Ang nakakatawa,
nang nagikot ako dalawang digital land map lang ang
nakita ko at lahat ng ito ay nasa mga entrance harap ng
Isang Digital Land Map
parking lot na pinagpaparadahan ng mga may kotse at
pinagbababaan/pinagsasakyan ng karamihan ng mga
mayayaman. Kapag nasa loob ka ng mall, hindi lang parang nasa isang kakaibang mundo ka,
isang dream world, sa naranasan ko at naobserhahan sa paggala ng paningin, bawat isang section
kung hindi man tindahan sa mall ay may isang dreamworld; sa makatuwid, maraming mundo
ang mayroon sa loob ng mall. Bawat isa, sa ayos ng mga gamit sa loob at setting ng mga ilaw, sa
ambience ng lugar, ay nageentice sa bawat isang dumadaan na bumisita, tignan ang produktong
inilalako, at mahumaling na bilhin ito, tangkilikin, at maadik. Ang ganitong setting ay
nagcocontribute para mas lalo pang maging indibidwalista ang mga taong laman ng mall. Sa
dulo, ang negosyante ang kumita. Dahil sa materialistic at individualistic na ego ang ineespouse
ng mall at ng konsumerismo, lahat ng mga tao na nasa loob ng mall ay may tendensiya na
magengage sa conspicuous consumption, maspaigtingin ang skill sa impression management, at
mas lalong mawalan ng sense ng pagkakakilanlan sa sarili, sa gitna ng isang anomic at
postmodern na mundo. Dahil sa walang mapanghawakang land map, inikot ko nalang ang mall at
inilista ang mga prominenteng katangian sa bawat palapag ng gusali. Dito mas lalong
mahihinuha kung bakit ko nasabi na maraming dreamworld sa mga mall (i.e. SM Fairview). Sa
basement, bukod sa mga sari-saring tindahan ay nandito ang Food Court, SM Appliance Center,
Fitness First, SM Hypermart, SM Bowling Center, SM
Supermarket, at isang open space para sa mga
exhibition (nang bumisita ako sa lugar ay may mga
mangaawit na nagtatanghal). Sa unang palapag, bukod
sa mga sari-saring tindahan, ay nandito ang SM
Department Store, St. Claire Culinary School,
Teleperformance, at Bingo City. Sa pangalawang
palapag, bukod sa mga sari-saring tindahan, makikita
ang SM Cinema at ang Infomatics. Sa ikatlong palapag
tinumpok ng SM lahat ng tindahan ng mga cellphones
at computers sa Cyberzone katapat ang isang malaking
amusement park sa pangalang Story Land. Walang
chapel sa loob ng SM Fairview, wala ring hotel, pero
noong nalaman ko ang component ng SM habang nasa
akto ako ng paglilista, mapaggunamgunam ko na kaya
pala talagang mabuhay ng isang tao sa loob ng mall,
na ang mall ay isang modernong tahanan na lahat ng
pangunahing pangangailangan ay nandoon na. Itong
klase ng ideolohiya ang ipinapamukha sa atin ng SM,
na they got it all for us. Kaya nga lang, ang bottom line pa rin ay, kung may pera ka para
maangkin mo lahat ng ipinapamukha sa iyo.
Sa mga espasyo ng mall kakikitaan din ng
kontradiksyon ng ibat-ibang pwersa. Ang
Kosmopolitanismo at Internasyunalismo laban sa
Nasyonalismo at Tradisyunal. Sa aking pagiikot-ikot
ay nakakita ako ng mga interesanteng mga bagay, mga
tindahan na nagbebenta ng buko at mani na
kinomercialize, gaya ng flip-tops na tsinelas lang
naman kung tutuusin, laban sa mga mas prominenteng
restaurant na patterned sa ibang bansa. Natawa ako,
pero napaisip din. Ang mga tindahang gayon ay
rebelyon sa Internasyunalismo, sa pagiging in na
nakapattern sa pagging foreign. Hanggang kailan kaya
sila tatagal?
Sa kabuuan ang ambience at experience ng mall
para sa akin ay exciting, pero magulo, masaya, pero
walang lalim. Pagkatapos ng exsibisyon ng mga ilaw,
ng mga ingay ng rides at ng nagdedemo, ng paglakad-
lakad at pagtingin-tingin sa mga paninda, ng pagdamit
ng kaakit-akit at pagkain sa isang mamahaling
restaurant, ng pagihi sa isang mabago at malinis na
CR, ng pagbili ng mga nakapukaw sa iyong paningin,
ano na?
***

You might also like