You are on page 1of 3

COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS ASSOCIATION INC.

, PHASE II
HLURB Registration No. 08555
Bonifacio St., Libis, East Canumay, Valenzuela City

RESOLUSYON BILANG 2010 - _________


KAPASYAHAN SA PAGBUBUO NG GABAY SA MAAYOS AT EPEKTIBONG
PAG-GAMPAN SA MGA TUKULIN BILANG PINUNO.

SAPAGKAT, hangarin ng samahang COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS


ASSOCIATION INC., PHASE II na epektibong mapamahalaan ang buong nasasakupan;

SAPAGKAT, maisasakatuparan lamang ng samahan ang kanyang adhikain kung


mahusay na gumaganap sa tungkulin ang mga pinuno nito;

SAPAGKAT, masasayang ang tiwala ng mga kasapi sa pamunuan dahil sa mga


pununong hindi responsible sa kanilang tungkulin.

SAPAGKAT, nagiging dahilan ng mabagal na pagkilos ng samahan ang mga pinuno na


laging lumiliban sa pagpupulong kung kaya hindi makabuo ng “quorum”.

SAPAGKAT, ang usapin ng pagbili sa lupang sakop ng Libis Canumay na pag-aari ng


Philippine Veterans Bank ay lubhang matagal na ang pagkabinbin, kung kaya’t nangangailangan
ito ng lubos ng tutok at dedikasyon sa bahagi ng mga namumuno.

Dahil dito, PINAGTITIBAY ang KAPASYAHANG ito ng PAGBUBUO NG GABAY


SA MAAYOS AT EPEKTIBONG PAG-GAMPAN SA MGA TUNGKULIN BILANG
PINUNO ng samahang COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS ASSOCIATION INC.,
PHASE II ayon sa mga sumusunod na alituntunin:

I. PAGDALO NG PULONG

1. Pagkatapos mahalal at manumpa sa tungkulin ay may obligasyon ng sinumang


pinuno na dumalo ng lahat ng pagpupulong na ipapatawag ng samahan.
2. Siya bibigyan ng kopya ng talaan ng mga pulong na dapat niyang daluhan.
3. Maaari lamang lumiban ang isang pinuno sa pulong kung siya ay
a. Maysakit na malubha
b. Namatayan
c. Nasa hospital o
d. May pasok sa trabaho ngunit kailangan niyang magpadala ng kinatawan.
Maaari lamang siyang gumamit ng kinatawan ng limang beses sa loob ng
kanyang panunungkulan, ang hihigit dito ay ibibilang na pagliban.
4. Ang resolusyon 2010-04 o pagtatakda ng mga regular na pagpupulong ay
mahigpit na ipapatupad at ang sinumang pinuno na lumiban ng tatlong ay
maaari nang palitan sa susunod na pangkalahatang pagpupulong.
5. Ang mga regular na pulong ay maaaring matuloy kahit wala ang pangulo at o
ang pangalawang pangulo ngunit kailangan may quorum o anim (6) na
opisyales ang kailangang nakatala sa attendance book. Ang mga pinunong
dumalo ay magtatalaga ng tagapanguna o presiding officer sa naturang
pulong.
6. Kung ang pulong ay pinapaliban dahil hindi nakabuo ng quorum, maaari ito
itakda muli ng mga pinunong dumalo at ipapaalam sa mga lumiban. Ang
ikalawang patawag ng pulong ay maaari ng matuloy kahit hindi makabuo ng
quorum ngunit ang lahat ng napag-usapan ay kailangang sang-ayunan ng mga
kasapi sa isang pangkalahatang pulong.
1|Page
II. PAG-GANAP SA TUNGKULIN
1. Ang isang pinuno ng COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS
ASSOCIATION INC., PHASE II , itinalaga o ihinalal mula Pangulo – B.O.D
at Collectors ay kailangang magsumite ng accomplishment report sa Kalihim
tuwing ika-unang Linggo ng bawat buwan kasabay ng joint meeting.
Nakapaloob sa ulat ang mga gawain na kanyang natapos para sa buong isang
buwan, petsa at oras na ginugol ng pinuno para maisakatuparan ito at lagda.
2. Ang mga accomplishment report na ito ang magiging batayan kung ang isang
pinuno ay karapat-dapat sa kanyang tungkulin o sa anu mang binepisyo na
maaari niyang tanggapin mula sa samahan.

III. PATULOY NA PAGLINANG NG SARILI


1. Ang isang halal na pinuno ng COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS
ASSOCIATION INC., PHASE II ay kailangan dumalo sa hindi bababa ng
dalawang seminar sa loob ng isang taon ng panunungkulan. Ang seminar ay
maaaring kapalooban ng Leadership Training, Team Building or ano mang
pag-aaral na mag-aangat ng kanyang kaalaman o kasanayan sa pamumuno,
upang magamit niya sa pagganap sa kanyang tungkulin.
2. Ang seminar na nabanggit ay maaaring i-organisa ng Komite ng Edukasyon o
mula sa ibang sangay ng pamahalaan tulad ng HLURB o HRO.

IV. PAGTATASA
1. Ang punong ehekutibo ay bubuo ng komite ng pagtatasa upang pag-aralan
kung ang isang pinuno ay karapat-dapat iindorso bilang pinuno sa susunod na
halalan.
2. Ang komite na pagtatasa ay bubuo-in ng dalawang kasalukuyang pinuno, 1
dating pinuno at 2 kasapi.

V. BINEPISYO NG MGA AKTIBONG PINUNO.

1. Dahil bigat ng gampanin ng isang pinuno ay nararapat lamang na pagkalooban


siya ng binepisyo tulad ng a: health assistance na hindi hihigit sa halagang P
3,000.00 kung siya ay magkakasakit. Ang halaga ng tulong ay ibabase sa
resibo ng gamot at bayarin sa hospital.

2. Death Assistance – 3,000.00 kung ang pinuno ay bawian ng buhay at 1,000.00


at karagdagang P100.00 donasyon mula sa mga opisyales kung ang pinuno ay
namatayan ng magulang, asawa, o anak. Kailangan sumulat ng kahilingan ng
isang pinuno kalakip ng death certificate ng kamag-anak namatay.

3. Ang mga aktibong pinuno, mga kolektor at kasapi na regular na tumutulong sa


pamnuan upang maisakatuparan ang mga gawain nito ay hindi na
pagbabayarin ng butaw o monthly dues bilang pagkilala sa kanilang kasipagan
at dedikasyon sa tungkulin.

4. Ang lahat ng mga pinuno ay dapat lumagda sa attendance book sa opisina ng


samahan upang maitala ang oras ng kanilang duty tuwing Linggo.

5. Ang sinomang liliban sa officers duty tuwing Linggo ng anim (6) beses sa
isang taon ay hindi ibibilang na aktibong pinuno kaya’t hindi siya karapat-
dapat tumanggap ng anumang benepisyo mula sa samahan.

PINAGTIBAY
Ika – 2 ng Pebrero 2011
Libis, Silangang Kanumay, Lungsod ng Valenzuela
Kalakhang Maynila

2|Page
REYNALDO ADORICO ARSENIO LERIN
Direktor Direktor

RUBY BOQUE RENATO MARTIN


Direktor Direktor

ERLINDA DE FELIX BENEDICTO OJANO


Direktor Direktor

RAMON DUBAS BERNARDINO PEDRAJITA


Direktor Direktor

OSCAR ENANO PATRICIA TAN


Direktor Direktor

CRISTINO FUENTES MARIO TUPAS


Direktor Direktor

HELEN VINLUAN
Direktor

PARA SA PAGPAPATUPAD:

EDUARDO CELORICO JR
Pangulo CBHOA - Phase II

PINATUNAYANG PINAGTIBAY:

BEVERLY PACULTAD
Kalihim CBHOA Phase II

Cc.HLURB/HRO Valenzuela

3|Page

You might also like