You are on page 1of 22

GABAY AT PANUNTUNAN SA TALAKAYAN

Ang paglalahad ng plataporma ay ayon sa ganitong pagkakasunodsunod:

Kandidato sa Pagkakonsehal (in alphabetical order), Vice- Mayor, Mayor & Congressman.

Ang bawat kandidato ay mayroon lamang nakalaang minuto upang mailahad ang kaniyang plataporma.

Ang mga kandidato sa pagkakonsehal ay mayroon lamang tatlong (3) minuto, ang vice mayor, mayor at kinatawan ay limang (5) minuto.

Ang organizer ay magbibigay ng first warning kung mayroon na lamang tatlong (3) minutong nalalabi, second warning kung

minuto na lamang ang nalalabi at, sa huling isang (1) minuto, at final buzzer kapag naubos na ang kanilang oras.

Sinumang kandidato ay hindi pinahihintulutang magbigay ng puna sa sinumang kanyang katunggali.

PURONG PLATAPORMA lamang ang ilalahad at hindi paninirang puri sa kasalukuyang nakaupo o sa katunggali.

Mahigpit din ipinagbabawal ang pagbibgay puna sa personal na buhay ng ibang kandidato.

Binibigyan ng karapatan ang PPCRV, Parokya ni San Agustin, at ang mga Organizer ng Talakayan,

na ilathala, ipalabas, at gamitin ang mga plataporma at ang iba pang kinalabasan ng talakayan, para sa kaalaman ng publiko.

Para sa mga manunuod, supporters, at publiko, mahigpit na ipinagbabawal ang pagpalakpak,

hanggat hindi nakakatapos ang lahat, pagpapahiwatig ng anumang galaw

o gestures na nakakairita, pambubulyaw at pagsigaw na hindi kailangan.

ANG PPCRV MARSHALLS ay mayroon karapatan magpalabas sa sinuman na hindi makasusunod upang mapangalagaan ang katahimikan.

Irespeto ang pananaw at plataporma ng iba.

Bawal ang pagdidikit at pamamahagi ng anumang polyetos o campaign materials sa loob ng bakuran ng venue.

Ang mga political supporters ay nasa responsibilidad ng mga kandidato. Anumang pagkilos ng mga supporters ay naglalarawan ng kanilang kandidato.

Panghuli, ang Talakayan ay binuo hindi para mag-awayaway ang mga kandidato,

kung hindi upang maliwanagan ng mga botanteng nakikinig dito

You might also like