You are on page 1of 3

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1, 784 EDSA Ave., Brgy. West Kamias, Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

FAIR YARN? MGA ALITUNTUNIN AYON SA FAIR ELECTION ACT


2022 National and Local Elections
(Mga Dapat Malaman Tungkol sa COMELEC Resolution No. 10730)

Panahon ng Kampanya
1. Nasyonal na mga Kandidato (Presidente, Bise-Presidente, Senador at Party List)
- Pebrero 8, 2022 hanggang Mayo 7, 2022
2. Lokal na mga Kandidato (Representante ng Distrito, Gobernador, Bise-Gobernador, Bokal,
Alkalde, Bise-Alkalde at Konsehal)
- Marso 25, 2022 hanggang Mayo 7, 2022

Pinagbabawal na Petsa sa Pangangampanya


Huwebes Santo - Abril 14, 2022
Biyernes Santo - Abril 15, 2022
Gabi Bago ang Araw ng Eleksyon - Mayo 8, 2022
Araw ng Eleksyon - Mayo 9, 2022

Naaayon na Election Propaganda


1. Mga materyales na naka-print: ang sukat ay hindi dapat lalagpas sa eight and one-half
inches (8 1/2”) in width and fourteen inches (14”) in length
2. Sulat kamay o nakalimbag na sulat
3. Posters (tela, papel o cardboard; naka-frame man o hindi): Ang sukat ng mga ito ay hindi
dapat lalagpas sa two (2) feet by three (3) feet. Kapag mga poster or streamers naman
na ginagamit sa mga public meetings or rallies, streamers ang mga sukat nito ay hindi
dapat lalagpas ng three (3) feet by eight (8) feet. Lahat ng streamers na ginamit at ipinaskil
sa mga public meetings at rallies ay pwedeng ilagay limang (5) araw bago ang kaganapan
at dapat tanggaling sa loob ng bente kwatro (24) oras pagkatapos ng kaganapan.
4. Mga paid advertisements sa print o broadcast media
5. Social media posts (walang format na kailangan)
6. Paid advertisements
7. Lahat ng uri ng motorcades (maaaring gamit ay makina, tao o hayop)
8. Lahat ng uri ng lawful election paraphernalia ay maaaring ipaskil sa mga headquarters at
bahay ng mga kandidato bukod sa mga banners at steamers.

★ Lahat ng mga tumatakbong partido at mga kandidato ay hinihikayat na gumamit ng mga


recyclable at environmental-friendly materials.
LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS
Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1, 784 EDSA Ave., Brgy. West Kamias, Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

★ Lahat ng mga tumatakbong partido at mga kandidato ay kailangang maglagay ng mga


sign language interpreters at closed captioning sa kanilang mga broadcast election
propaganda. Sila ay hinihikayat din maglabas ng printed campaign materials sa Braille.

Pinagbabawal na Uri ng Election Propaganda


1. Mga Election Propaganda na walang nakalagay na “political advertisements paid by/for”
kasunod ng tama at totoong pangalan at address ng kandidato o partido. Kapag ang
election propaganda ay donated, ang mga linyang “printed free of charge” o “airtime for
this broadcast was provided free of charge by” kasunod ng tama at totoong pangalan at
address ng publishing firm o broadcast entity.
2. Kahit anumang pelikula, sinematograpiya, dokyumentaryo o kahit anong palabas na
nagpapakita ng talanmnuhay ng isang kandidato; kung saan ang karakter ay ginaganapan
ng isang aktor, media personalilty o ang mismong tumatakbong kandidato.
3. Mga mass media advertising space or airtime para sa kampanya o election propaganda
na lagpas sa pinapayagang sukat, tagal o dalas.
4. Election propaganda na lumalabag sa mga prinsipiyo ng gender sensitivity, malaswa,
nakakasakit, mapang-kutya or kinokonsiderang violation sa Magna Carta of Women.
5. Election propaganda na naka-paskil sa mga hingi authorisadong common poster areas,
pampublikong lugar at mga pribadong lugar na walang pahintulot ng may-ari.

Pampublikong Lugar
1. Mga announcement boards na pampubliko (nakatatag sa mga highway, kalsata at mga
dingding ng mga pampublikong gusali)
2. Mga sasakyang magmamay-ari ng lokal na pamahalaan, gobyerno at mga korporasyon
kontrolado ng gobyerno (mga sasakyang may plakang pang-gobyerno)
3. Pampublikong sasakyan na pagmamay ari at kontrolado ng gobyerno (e.g. MRT, LRT and
PNR, etc.)
4. Mga Waiting sheds, sidewalks, poste ng ilaw, poste ng kuryente at mga kable nito, mga
traffic signages and at iba pang mga signboards na nakatayo sa pampublikong ari-arian,
pedestrian overpasses at underpasses, flyovers at underpasses, mga tulay, mga daanan
at center islands sa mga kalsada at highways;
5. Eskwelahan, pampublikong dambana, barangay halls, mga opisina ng gobyerno, health
centers, pampublikong istraktura at mga gusali, etc.
6. Sa kinasasakupan ng mga terminal ng pampublikong sasakyan na pagmamay ari at
kontrolado ng gobyerno.
LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS
Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1, 784 EDSA Ave., Brgy. West Kamias, Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

Requirements at/o Limitasyon sa Paggamit ng Election Propaganda

Broadcast Election Propaganda


● Para sa mga nasyonal na kandidato:
○ Advertising sa telebisyon (bawat stasyon): 120 minuto
○ Advertising sa radyo (bawat stasyon): 180 minuto
● Para sa mga lokal na kandidato:
○ Advertising sa telebisyon (bawat stasyon): 60 minuto
○ Advertising sa radyo (bawat stasyon): 90 minuto

Printed o Published Election Propaganda


● Sa mga broadsheets: one fourth (¼) ng pahina
● Sa mga tabloids: one half (½) ng pahina

Hindi dapat lalagpas ng tatlong (3) beses sa isang linggo ang paglathala ng mga election
propaganda sa bawat dyaryo, magasin o ano mang publikasyon habang panahon ng
pangangampanya.

Internet, Mobile at Social Media Propaganda


1. Lahat ng mga rehistradong partido/koalisyon at kandidato ay dapat i-register sa Education
and Information Department - COMELEC ang opisyal na pangalan at web address ng
kanilang mga opisyal na online accounts nila sa lahat ng plataporma sa loob ng
tatlumpong (30) araw simula ng huling araw ng paghahain ng kandidatura.
2. Tanging mga verified accounts lang ang maaarking gumawa ng electoral ads at
nagnoboost o nagpopromote ng mga electoral posts.
3. Mahigpit na ipinagbabawal ang microtargeting sa electoral ads.
4. Lahat ng impormasyong nakalagay sa mga online campaign propaganda ng mga
kandidato ay dapat totoo at hindi mapanglinlang.
5. Lahat ng electoral ads ay dapat may palatandaan na ito ay binayaran at dapat nakasaad
din kung sino ang nagbayad.

Karaniwang Requirements at/o Limitasyon:


Sa lahat ng printed at nailathalang broadcast election propaganda dapat maayos na nababasa
at naririnig ang mga linyan “political advertisement paid for/by”
a. Ang notice na ito ay dapat madaling basahin at may 12 point type para sa mga
materyales at hindi lalagpas sa sukat na two (2) feet by three (3) feet.
b. Ang notice na ito ay dapat nakapaloob sa isang printed box
c. Ang notice na ito ay dapat may sapat na color contrast sa background design nito.

You might also like