You are on page 1of 5

LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS

Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1,


784 EDSA Ave., Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

SAVE THE DATES: HINDI KASAL, HINDI BINYAG PERO #SATINANGELEKSYON


Kalendaryo ng Activities para sa 2022 National and Local Elections
(COMELEC Resolution No. 10695)

❖ Mga Petsang Dapat Mong Tandaan

● Pebrero 3, 2022
- Huling araw nang pag-certify ng listahan ng mga botante sa miting ng Election
Registration Board (ERB)

● Marso 29, 2022


- Pagpapaskil ng sertipikadong listahan ng mga botante

● Pebrero 8 - Mayo 7, 2022


- Panahon ng kampanya ng mga kandidato sa nasyonal na posisyon (Presidente, Bise
Presidente, Senador at Party List)

● Marso 7, 2022
- Huling araw nang pagpapasa ng aplikasyon para sa local absentee voting

● Marso 10, 2022


- Huling araw nang pagtanggap ng Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ng mga
aplikasyon para sa local absentee voting

● Marso 14, 2022


- Huling araw nang pagpapaskil ng petsa, oras at lugar ng testing at sealing ng vote
counting machines (VCM) para sa overseas voting
- Huling araw upang maipaalam sa Special Board of Election Inspectors (SBEI) ang petsa,
oras at lugar ng testing at sealing ng vote counting machines (VCM) para sa overseas
voting

● Marso 21 - 28, 2022


- Testing at sealing ng vote counting machines (VCM) para sa overseas voting sa piling
mga bansa

● Marso 25 - Mayo 7, 2022


- Panahon ng kampanya ng mga kandidato sa lokal na posisyon (Miyembro ng House of
Representatives; at opisyal ng rehiyon, probinsya, siyudad o munisipalidad)
LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS
Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1,
784 EDSA Ave., Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

● Abril 8, 2022
- Huling araw nang pagsusuri ng Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ang mga
karapat-dapat na aplikante para sa local absentee voting
- Huling araw nang paghahanda ng listahan ng mga kwalipikadong botante para sa local
absentee voting

● Abril 9, 2022
- Huling araw upang mabigyan ang lahat ng rehistradong botante ng Voter’s Information
Sheet (VIS)

● Abril 10 - Mayo 9, 2022


- Pagboto ng mga botante mula sa ibang bansa

● Abril 18, 2022


- Huling araw nang pagpapaskil ng petsa, oras at lugar ng testing at sealing ng vote
counting machines (VCM)
- Huling araw para sa mga Election Officers (EO) na magpaskil ng kopya ng Project of
Precincts (POP) at magpadala ng kopya nito sa mga opisyal na address ng mga kandidato
sa siyudad o munisipalidad
- Huling araw para sa mga Provincial Election Supervisor (PES) na magpadala ng kopya
ng POP ng mga siyudad o munisipalidad sa probinsya sa mga opisyal na address ng
kandidato sa House of Representatives at mga probinsyal na posisyon
- Huling araw para sa Law Department ng COMELEC na magpadala ng kopya ng POP sa
mga opisyal na address ng kandidato sa nasyonal na posisyon kasama ang party lists
- Huling araw para sa Information and Technology Department (ITD) ng COMELEC,
kasama ang Election and Barangay Affairs Department (EBAD), na magpaskil ng POP ng
mga siyudad, munisipalidad o distrito sa opisyal na website ng Komisyon

● Abril 21, 2022


- Huling araw para sa Committee on Local Absentee Voting (CLAV) na magpadala ng
listahan ng mga kwalipikadong botante, balota at iba pang mga kagamitan para sa local
absentee voting sa lahat ng mga pinuno ng opisina, superbisor, komander, Provincial
Election Supervisor (PES), Regional Election Director (RED) ng National Capital Region
(NCR) at iba pa.
- Konstitusyon ng Special Electoral Board (SEB) para sa local absentee voting
- Huling araw nang pagpapaalam sa Electoral Board (EB) ng petsa, oras at lugar ng testing
at sealing ng vote counting machines (VCM)
- Huling araw nang paghahanda ng listahan ng Accessible Polling Places (APP), lokasyon
nito at uri ng tulong na kakailanganin bilang itinalaga ng mga may kapansanan at
nakatatanda sa panahong ng pagpaparehistro
LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS
Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1,
784 EDSA Ave., Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

● Abril 27, 28 at 29, 2022


- Pagboto ng mga botante para sa local absentee voting

● Abril 29, 2022


- Huling araw nang pagbuo ng Reception and Verification Unit (RVU) at Special Board of
Canvassers para sa local absentee voting

● Mayo 2 - 7, 2022
- Testing at sealing ng vote counting machines (VCM)

● Mayo 9, 2022
- Substitusyon ng mga nominado sa party list hanggang tanghali sa rasong pagkamatay o
kawalan ng kakayahan
Araw ng Eleksyon
- Pagboto, pagbibilang at pagsasama-sama ng mga boto
- Pagboto ng mga Persons Deprived of Liberty (PDL) sa mga special polling places
hanggang alas dos ng hapon.
- Huling araw nang pagboto ng mga rehistradong botante mula sa ibang bansa
- Pagtitipon ng mga Board of Canvassers (BOC) ng mga siyudad, munisipalidad, distrito,
probinsiya, rehiyon at nasyonal para sa eleksyon ng Senador at Party List, at pagkatapos
ay pagsasama-sama at pag-canvass ng mga boto.
- Huling araw nang pagtanggap ng Committee on Local Absentee Voting (CLAV) ng mga
balota mula sa local absentee voting
- Simula nang pagbibilang ng mga boto mula sa local absentee voting
- Pagtitipon ng mga Special Board of Canvassers (SBOC) para sa local absentee voting

● Mayo 9 - 12, 2022


- Pagbibilang at pag-canvass ng mga resulta ng boto mula sa mga presinto at pagproklama
ng mga nanalong opisyal mula sa siyudad o munisipalidad

● Mayo 9 - 13, 2022


- Panahon kung saan ang Election Officers (EO) ay magpapadala ng dokumento, sa
pamamagitan ng personal na delivery o mail sa lahat ng mga kandidatong nasasakupan
ng hurisdiksyon ng EO, ng paalala na magsumite ng Statements of Contributions and
Expenditures (SOCE).

● Mayo 10 - 16, 2022


- Pag-canvass ng mga resulta at pagproklama ng mga nanalo sa Senado, Kongreso, Party
List, rehiyonal at probinsyal na eleksyon.
LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS
Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1,
784 EDSA Ave., Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

● Hunyo 8, 2022
- Huling araw nang pagpapasa ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).

❖ Pinagbabawal na Gawain

● Enero 9 - Hunyo 8, 2022


Pinagbabawal na Gawain sa Panahon ng Eleksyon
- Baguhin ang teritoryo ng presinto o pagtatatag ng panibagong presinto
- Maglipat ng mga opisyal at empleyado sa civil service
- Magbitbit o magpadala ng mga armas o sandata maliban kung pinahintulutan ng
COMELEC
- Magtalaga ng security personnel o bodyguard ng mga kandidato maliban kung
pinahintulutan ng COMELEC
- Magbuo o panatilihin ang mga sumusunod na pwersa: reaction forces, strike forces o mga
kahalintulad
- Suspensyon ng mga nahalal na lokal na opisyal

- Mangampanya sa Abril 14, 2022 (Huwebes Santo) at Abril 15, 2022 (Biyernes Santo)

● Pebrero 8 - Mayo 9, 2022


- Magbigay ng donasyon o regalo gaya ng pera o bagay
- Magtalaga ng special policemen, confidential agents o mga kahalintulad

● Marso 10 - Hunyo 8, 2022


- Ilegal na pagpapalaya ng mga bilanggo

● Marso 25 - Mayo 8, 2022


- Tumanggap ng mga bagong empleyado, lumikha ng mga bagong posisyon, pag-promote
o pagtaas ng suweldo at pagbibigay ng pribilehiyo
- Makilahok sa anumang gawaing pampubliko, magdala ng mga materyales para sa mga
pampublikong gawain at magbigay ng pera at katulad na mga aparato na kukuhanin mula
pondo ng publiko
- Maglabas o gumastos ng pondo ng publiko

● Abril 10 - Mayo 9, 2022


- Pangangampanya sa Philippine embassies, konsulado, o poste kung saan boboto ang
mga botante mula sa ibang bansa alinsunod sa Overseas Absentee Voting System
LEGAL NETWORK FOR TRUTHFUL ELECTIONS
Unit 401, A. Francisco Gold Condominium 1,
784 EDSA Ave., Quezon City
lente.philippines@gmail.com
(02) 502.1591 | 0917.106.6265 | 0947.164.4158

● Mayo 8, 2022
Pinagbabawal na Gawain sa Gabi bago ang Araw ng Eleksyon
- Pangangampanya
- Pagbebenta, pagbili, pag-alok o pag-inom ng alak
- Pagbibigay o pagtanggap ng libreng transportasyon, pagkain, inumin o anumang bagay
na may halaga

● Mayo 9, 2022
Pinagbabawal na Gawain sa Araw ng Eleksyon
- Pangangampanya
- Pagbebenta, pagbili, pag-alok o pag-inom ng alak
- Pagbibigay o pagtanggap ng libreng transportasyon, pagkain, inumin o anumang bagay
na may halaga
- Bumoto nang higit isang beses bilang substitusyon sa isa pang botante
- Manolisit ng boto o magsagawa ng anumang propaganda para o laban sa isang kandidato
o partido sa mga presinto na 30 metro ang layo mura rito
- Pagtatayo ng puwesto ng tindahan upang magbenta ng pagkain, inumin o iba pang uri ng
paninda sa loob ng 30 metro na radius mula sa presinto
- Pagsasagawa ng mga karnabal, sabong, karera ng kabayo o iba pang mga kahalintulad

You might also like