You are on page 1of 2

GAWAIN

Pasulat Mag-isip at gumawa ng dalawang panukalang proyekto. (Gamitin ang format na


napag-aralan)

Siguraduhing isa ay pamukalang proyekto sa isang kpmpetisyon at isa naman sa maliit na


kompanya.

Maaaring pumili ng Paksa sa ibaba.

Pumili sa mga sumusunod na maaaring gawin:


∙ Panukalang proyekto sa kapitan ng inyong barangay para matulungan ang mga batang
hindi nakakapag-aral
∙ Pangkabuhayan sa bakasyon na kayang-kaya

∙ Aktibidad para sa mga kabataan

∙ Proyektong pamapamayanan para sa kalinisan

∙ Pagbabahagi ng kaalaman para sa mga magulang na walang trabaho

PANUKALANG PROYEKTO
Panukalang Proyekto (Pamagat): PANGKABUHAYAN SA BAKASYON NA KAYANG-KAYA
Proponent ng Proyekto : Barangay Officials ng Irisan
Kategorya ng Proyekto : Patimplak ng mga malikhaing produktong bagay sa mainit na
panahon
Petsa : Marso 28, 2020 hanggang Mayo 5, 2020

Rasyunal ng Proyekto

Upang maging kapakipakinabang ang bakasyon ay nilalayon ng mga Barangay Officials ng Irisan na
magsagawa ng isang paligsahang mahahasa ang pagiging malikhain sa paggawa ng mga produkto.
Mailalabas ang angking talento ng mga mamamayan sa pagbuo ng bagong produkto na patok ngayong
bakasyon.

Ang layunin ng proyektong ito ay ang mga sumusunod:

1. Nahihikayat ang mga mamamayan na sumali sa nasabing patimpalak at mailabas ang angking
talento ng nila sa paggawa ng bagong mga produkto.
2. Makapaghatid ng panandaliang negosyo na magbibigay ng dagdag na kita para sa mga mamamayan.

Deskripsyon ng Proyekto

Ang Pangkabuhayan sa bakasyon na kayang-kaya ay isang patimpalak na makapagbibigay ngdagdag na


mapagkakakitaan ang mga mamamayan sa pamamagitan ng paggawa ng bagong produkto na babagay
sa mainit na panahon. Ipinakikita nito kung gaano katalentado at kamalikhain ng mga mamayan ng Irisan
sa pamamagitan ng paggawa ng bagong produkto.

Ang panukalang proyekto ay isasagawa sa panahon ng bakasyon. Mula Marso 28, 2020 hanggang Mayo
5, 2020 sa Basketball Court ng Barangay Irisan, Baguio City.

Narito ang mga paraan at alituntunin sa pagsali at pagtatanghal ng nasabing paligsahan.

1. Binubuo lamang ng 7-10 na tao nasa edad 20-30 ang bawat pangkat.
2. Ang produktong ibebenta ay nangangailangang orihinal at hindi ginaya lamang.
3. First come, first serve. Kapag mas maaga na nagrehistro, ay pwede kang mamili kung saan banda ka
sa basketball court magppwesto.
4. Ang anumang naging husga at desisyon ng bawat hurado ay hindi na maaaring mabago at dapat na
sundin.

BADYET PARA SA PROYEKTO


PhP 22, 000
- 1,500
- Dekorasyon para sa pagdarausan ng
patimpalak - 600
- Token para sa tatlong hurado - 1,500
- Upa para sa sound system
- Token para sa nanguna ng programa - 500
- Mga kagamitan para sa pagpapakilala ng - 300
paligasahan
- Paggawa ng Programa (programang - 700
imbitasyon, tinta ng printer)
MGA TROPEO
Unang Gantimpala (w/ cash) - 5,500
Ikalawang Gantimpala (w/ cash) - 3,500
Ikatlong Gantimpala (w/ cash) - 1, 500

Pagkain para sa hurado at magpapakilala ng - 6, 000


programa na darating
KABUUANG HALAGA PHP 21, 600

You might also like