LINAJA, ANG EKONOMIST MULA SA GME-TV. ATING TALAKAYIN NGAYON ANG KONSEPTO NG ALOKASYON.
ANO NGA BA ANG ALOKASYON?
Ito ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa.
UPANG MATIYAK NA EFFICIENT AT MAAYOS ANG
ALOKASYON NG MGA PINAGKUKUNANG-YAMAN, DAPAT ITONG SUMAGOT SA APAT NA PANGUNAHING KATANUNGANG PANG-EKONOMIKO:
UNA: ANON-ANO ANG PRODUKTO AT SERBISYO NA
GAGAWIN? Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao.
PANGALAWA: PAANO GAGAWIN ANG MGA NATURANG
PRODUKTO AT SERBISYO? Ito ay nakasalalay kung anong input ang gagamitin. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output. PANGATLO: PARA KANINO GAGAWIN ANG MGA PRDUKTO AT SERBISYO? Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ay kung sino ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito.
PANGAPAT: GAANO KARAMI ANG GAGAWING PRODUKTO AT
SERBISYO? Kailangan na malaman ang laki ng pangangailanagn ng ekonomiya upang makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo.
ALOKASYON SA IBA’T-IBANG SISTEMANG PANG-EKONOMIYA?
TRADISYONAL NA EKONOMIYA-ang paraan ng produksiyon ay batay sa isnaunang pamamaraan na ituro ng matatanda sa pangkat.
MARKET ECONOMY-ito ay nagpapahintulot sa pribadong
pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyon, at pangangasiwa ng mga gawawin.
COMMAND ECONOMY-ang ekonomiya ay nasa ilalim ng
komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
MIXED ECONOMY- ito ay nalikha upang tukuyin ang isang
sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng dalawa. YUN LAMANG PO, SA SUSUNOD NA EPISODE MULI. MARAMING SALAMAT