You are on page 1of 4

PAMAGAT: Ipa-Billboard Mo!

(Billboard Making Contest)

PROPONENT: KK Zone 1 Officers, Bryan Toledo

KATEGORYA: Community-Based Project


Ito ay isang proyektong inaasahang makakatulong sa mga residente ng Purok 7 Barangay
5, partikular na sa Zone 1. Sa pamamagitan nito ay maipapamalas ng mga kabataan ang kanilang
talento sa pagdidisenyo ng mga billboards na makakapagpaganda sa kapaligiran ng sona, bilang
bahagi ng paghahanda para sa paparating na Basketball Tournament.

PETSA:

PETSA GAWAIN LOKASYON

March 20-31, 2023 Pagpaplano tungkol sa Zone 1 Purok 7 Brgy.5


Panukalang Proyektong nais
isagawa

April 2, 2023 Paghingi ng permiso at Zone 1 Hall


pagpapa apruba para sa
mungkahing proyekto

April 10-14, 2023 Pakikipag-ugnayan sa mga


sponsors na maaaring Daet, Camarines Norte
makatulong sa
pagsasakatuparan ng panukala

April 15, 2023 Pagpipinalisa para sa Zone 1 Hall


gagawing aktibidad.

April 16, 2023 Paghahanda sa pag-post ng Zone 1


anunsyo ukol sa gagawing
aktibidad, at pakikipag-
ugnayan sa mga posibleng
maging hurado sa naturang
aktibidad.

April 17, 2023 Pag-post ng anunsyo sa Zone 1


Facebook Page.

April 17-21, 2023 Pagtanggap sa mga nais Zone 1 Hall


lumahok.

April 22, 2023 Araw ng paligsahan Zone 1 Hall

April 23-26, 2023 Pag-post ng mga output ng Zone 1


bawat kalahok para sa
People’s Choice Award.

April 29, 2023 Pagtatapos ng aktibidad Zone 1 Hall

RASYONAL:
Ang Purok 7 ay isa sa malaking purok sa Barangay 5, at kilala rin pagdating sa iba't ibang
larangan. Ang pinagtutuunan ng pansin sa panukalang ito ay ang mga natatanging talento ng
bawat kabataan sa larangan ng sining. Maipapakita rin dito ang pagiging malikhain ng mga
kalahok na kaka-engganyuhan ng ating mga mamamayan.

Layunin ng proyektong ito na magsagawa ng Billboard Making Contest, kung saan ang
bawat kalahok ay bibigyan ng magkakaparehong bahagi ng plywood, at ito’y kanilang
didisenyuhan at susulatan ng kanilang paboritong mga kasabihan o salawikain. Ang mga
billboard na magagawa ay makatutulong din sa Zone 1 bilang bahagi ng paghahanda para sa
paparating na Basketball Tournament 2023.
DESKRIPSYON NG PROYEKTO:
Ang proyektong “Ipa-Billboard Mo!” ay isang aktibidad na pangungunahan ng Katipunan
ng Kabataan ng Zone 1 Purok 7 Barangay 5, katuwang ang Zone 1 Officers. Ang mga kalahok
ay ililimit lamang sa mga kabataang naninirahan sa Purok 7, Barangay 5. Isa itong income
generating project (IGP), kung kaya naman ang bawat kalahok ay inaasahang makapagbibigay
ng 50 piso bilang Registration Fee. Sa paligsahang ito, inaasahang maipapamalas ng bawat
kalahok ang kanilang galing sa pagdidisenyo ng plywood at paglimbag ng kanilang inihandang
kasabihan o salawikain. Ang paligsahan ay tatalima sa rubrics na ibibigay upang markahan ang
output ng bawat kalahok, na siyang nakatala sa ibaba:

CRITERIA EXCELLENT VERY SATISFACTORY NEEDS


GOOD IMPROVEMENT
Attractiveness 30% 29-26% 25-21% 20% below
and
Organization
Graphics and 25% 19-16% 15-11% 10% below
Text
Text Details 20% 19-16% 15-11% 10% below
Grammar and 15% 14-12% 11-10% 9% below
Punctuation
People’s 15% 13% 11% 9%
Choice Award (highest number (least number of
of reactions) reactions)
TOTAL:

Ang tatlong may pinakamataas na iskor batay sa rubrics ay mabibigyan ng cash


prize na 1000, 700 at 500.Layunin nitong maipakita ang talento ng mga kabataan ng Purok 7 sa
larangan ng sining, at ang magkaroon ng interaksyon ang tatlong zone na sakop ng Purok 7,
upang sa ganoon ay mas maging kaengga-enganyo ang aktibidad sa bawat isa.
BADYET:
Maaaring malikom ang pondo para sa proyekto sa pamamagitan ng pinansyal na tulong
ng mga miyembro ng proyekto, at maging sa pagsasagawa ng isang donation drive, at
solicitations na nagpapakita ng suporta para sa gagawing panukala. Gayunpaman, narito ang
talaan ng mga kakailanganing materyales para sa naturang proyekto:

Bilang ng Aytem Aytem Presyo ng Aytem Kabuuang presyo ng


Aytem

----------- Plywood ------ -----

1 Pack Vellum Board 35 35

3 Certificate Holder 40 120

Food and Drinks ng 1500 1500


Facilitating
Committee at Judges

3x6 Tarpaulin 350 350

3 Token for Judges 250 750

KABUUANG GASTOS: 2, 755 php

PAKINABANG:
Ang perang malilikom sa proyektong “Ipa-Billboard mo!” ay mapupunta sa karagdagang
pondo ng Katipunan ng Kabataan-Zone 1 para sa mga susunod pang proyekto at aktibidades ng
naturang organisasyon. Ang mga billboard na ginawa ng bawat kalahok ay maaaring ilagay sa
mga puno sa paligid ng sona, bilang bahagi ng pagpapaganda ng kapaligiran sa naturang lugar at
paghahanda para sa paparating na Basketball Tournament 2023.

You might also like