You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

KAGAWARAN NG INTERYOR AT LOKAL NA PAMAHALAAN


DILG-NAPOLCOM Center, Panulukan ng EDSA at Quezon Avenue, West Triangle, Lungsod ng Quezon
www.dilg.gov.ph

Agosto 15, 2023

KGG. ERLINDA D. LIM


Punong Bayan
Munisipalidad ng Lupon
Lalawigan ng Davao Oriental

Paksa: Pagsasagawa ng “Seminar on Building Operations and


Maintenance”

Mahal na Punong Bayang Lim:

Ang Kagawaran ng Interyor at Lokal na Pamahalaan, sa pamamagitan ng Tanggapan


ng Serbisyo sa Pagpapaunlad ng Proyekto – Tanggapan ng Pinag-isang Pamamahala
ng Proyekto – Sektor ng Pagpapagaan ng Panganib na Dulot ng Disaster, Kapaligiran
at Iba Pang Proyekto (DRREOINI), ay isasagawa ang “Seminar on Building
Operations and Maintenance” sa Oktubre 19 – 20, 2023 gamit ang Zoom
(http://zoom.us/meetings).

Inaasahan na sa pamamagitan ng aktibidad na ito, mababatid ng mga kalahok ang


mga pangkalahatang siklo ng isang gusali. Matutukoy din dito ang mga pangunahing
elemento ng mga sistemang panggusali at kagamitan upang mapanatili at masiguro
ang optimal performance, at matukoy ang mga estratehiya ng pagpapababa ng
gastusin sa operasyon at pagpapalawig ng efficiency ng enerhiya sa pamamahala ng
mga gusali. Mapag-uusapan ang mga programang preventive upang mapatagal ang
mga kasangkapan at sistema at mahihimay din ang nilalaman ng manwal sa
pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga gusali.

Dahil dito, inaanyayahan namin ang inyong Local Disaster Risk Reduction and
Management Officer, at Pambayang Inhinyero Sibil, at Municipal Social Welfare
and Development Oficer na lumahok sa aktibidad na gaganapin sa loob ng
dalawang (2) araw. Para sa inyong kaalaman at sanggunian, kalakip nito ang
palatuntunan ng aktibidad.

Ang aktibidad ay gaganapin sa Oktubre 19, 2023 mula 09:00 NU hanggang sa 04:00
NH at Oktubre 20, 2023 mula 09:00 NU hanggang sa 04:00 NH. Ang mga kalahok
ay dapat na kumpirmahin ang kanilang pagsali bago sumapit ang o sa petsang
Oktubre 13, 2023 sa pamamagitan ng Online Registration Form sa link na ito:
https://bit.ly/BOM-RegForm.

Ang mga tagapagdaloy ay magpapadala lamang ng link para sa birtuwal na aktibidad


sa mga e-mail ng mga kumpirmadong nakapagrehistro. Para sa mga katanungan at

“Matino, Mahusay at Maaasahan”


Trunkline No.: 8876-34-54
paglilinaw, maaaring makipag-ugnayan kay Bb. Charmaine Dacutanan ng Sektor ng
DRREOINI sa (0915) 549 4759 o sa e-mail na drroi.capdev@gmail.com.

Inaasahan namin ang inyong positibong tugon sa paanyayang ito.

Lubos na sumasainyo,

ENGR. RENE V. VALERA


Patnugot III, Tanggapan ng Serbisyo sa Pagpapaunlad ng Proyekto
Kalakip: Palatuntunan ng Aktibidad
OPDS/RVV/UPMO-DRREOINI/cdd

Pahina 2 ng 2

You might also like