You are on page 1of 1

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF THE INTERIOR AND LOCAL GOVERNMENT


REGION III – PROVINCE OF TARLAC

Agosto 09, 2023

KGG. ROMEO G. CAPITULO


Punong Bayan
San Jose, Tarlac

Sa pamamagitan ni: LGOO V MARK JESTER M. ALEJO


MLGOO

Mahal na Kgg. Capitulo,

PAGPAPATUPAD NG PROBINSYAL NA TOWN HALL SESSION AT PAGPAPAUNLAD NG


KAKAYAHAN PARA SA MGA INSTITUSYONG NAKABATAY SA BARANGAY

Ang "Retooled Community Support Program (RCSP)" ay isang malawakang programa na


layuning tugunan ang mga natukoy na isyu ng komunidad sa pamamagitan ng pagtugon sa
mga kakulangan sa pamamahala at pag-unlad sa pamamagitan ng pagbibigay ng
kinakailangang mga programa, proyekto, at aktibidad mula sa pamahalaan. Layunin din nito
ang pagpapaigting at pagpapalakas ng kapayapaan kasabay ng pag-unlad ng komudad.

Walong (8) barangay sa lalawigan ng Tarlac ang naging target ng programa. Isang (1) barangay
mula sa bayan ng Capas, isa (1) mula sa Mayantoc, at anim (6) mula sa bayan ng San Jose.

Dahil sa iba't ibang mga isyu na nailahad sa ginanap na immersion phase at mga Municipal
Town Hall sessions, kinakailangan ng DILG Tarlac na isagawa ang isang Probinsyal na Town
Hall Session at Reorientasyon sa mga Barangay Based Institutions (BBIs) sa mga target
na mga barangay upang mas mapaigting ang kanilang pagganap sa kanilang mga tungkulin sa
pagpapatupad ng mga programa, proyekto, at aktibidad sa kanilang sariling barangay.

Kaakibat nito, kami po ay may paggalang na humihiling sa inyong tanggapan bilang


Tagapangulo ng RCSP Team ng San Jose na maging tagapagtaguyod (host) ng nabanggit na
aktibidad sa ika-7 ng Setyembre 2023, mula 8:00 ng umaga pataas.

Para sa karagdagang mga katanungan, maaari po kayong tumawag kay LGOO II Karl Anne
Domingo, DILG Tarlac RCSP Focal Person sa (045) 982-0309. Nananalangin kami para sa
inyong patuloy na kooperasyon ukol sa usaping ito.

Kalakip ng liham na ito ang mga programa ng aktibidad, para sa inyong kaalaman at
sanggunian.

Maraming salamat sa inyong patuloy na supporta at kooperasyon sa bagay na ito.

Lubos na sumasaiyo,

ARMI V. BACTAD, CESO V


Provincial Director

“Matino, Mahusay at Maaasahan”


Macabulos Drive, San Roque, Tarlac City, Tarlac
Email address: dilgtarlac1@gmail.com
Telefax (045) 9820309

You might also like