You are on page 1of 9

UNIBERSIDAD NG MAPUA

CAMPUS DEBIT CARD PROGRAM SA MAPUA UNIVERSITY

Ihahain na Panukalang Proyekto para sa Unibersidad ng Mapua na tumutugon sa


United Nations’ Sustainable Development Goal bilang 9
mula sa Ikalabindalawang Baitang ng IS202
kay Bb. Jastine S. Bandojo

nina:

Cortez, Patrick
Cudal, John Crisler B.
Ituralde, Ronna Clariz C.
Polo, Maxine B.

Marso, 2019

0
UNIBERSIDAD NG MAPUA

I. ABSTRAK

Ang proyektong ito ay naglalayon na makagawa ng isang debit card para sa mga mag-
aaral sa Pamantasan ng Mapua. Ang debit card na ito ay kaparehas na din ng ID ng mga
mag-aaral. Dito, mailalagay ang mga dapat bayaran ng mag-aaral at ang gagamiting
pambayad. Maari itong magamit sa kantina, bookstore at treasury. Sa panahon ngayon
ang mga mag-aaral ay hindi na magiging panatag lalo na sa kani-kanilang
pinagdadaanan na hindi tiyak ang kanilang kaligtasan araw-araw. Makakatulong ang
proyektong ito sa mga estudyante at staff ng Mapua dahil mas magiging madali at
mabilis ang mga transaksyon na mangyayare sa pagitan ng estudyante at staff. Ang
proyekto ay makakatulong rin sa seguridad ng mga estudyante at sa kanilang
kasiguraduhan na lagi silang may pambayad kung sakali mang mayroong dapat bayaran
sa kasalukuyang araw.

Ang proyekto ay nangangailangan ng tulong ng pribadong IT upang magkaroon


ng kasiguruhan sa programming ng Campus Debit Card, upang magkaroon ng dobleng
kasiguruhan na ang ID/Campus debit card ay gagana ng maayos. Ang proyekto ay
sisimulang gawin sa ika-1 ng Abril 2020. Ito ay inaasahang matapos sa araw ng Hunyo
14, 2020. Ang mga mananaliksik ay naglaan ng P 6,000,000 sa paggawa at pagtapos ng
proyekto. Ito ay dapat mamonitor linggo-linggo simula Abril 1, 2020 kung kailan
mangyayari din ang simula ng paggawa ng mismong prototype.

1
UNIBERSIDAD NG MAPUA

II. KONTEKSTO

Ayon sa Knoema (2019), sa nakaraang limang taon 2015-2019, pababa na ng pababa


ang robbery rate sa Pilipinas. Simula 2015, merong 0.5 cases bawat isang daang tao sa
populasyon ang mga sangkot sa pagnanakaw at bumaba ito ng 0.2 noong nakaraang
taon. Bagama’t bumaba ito, mataas parin ang panganib nito dahil ayon naman sa
Numbeo (2020) sa pananaliksik nila ukol sa crime rate sa Pilipinas, mayroong 47.07
out of 100 ang may pag-aalala sa krimen na pagnanakaw sa buong Pilipinas at 68.15
out of 100 naman sa Maynila lamang. Samakatwid, may mga paraan upang maging
maingat at maiwasan ang pagnanakaw: pagdala ng mas kaunting pera habang nasa
labas ng tahanan. Ang isa sa pinaka-epektibong solusyon dito ay ang pag-gamit ng
debit card.

Sa panahon ngayon, marami na ang maaaring silbi ng student’s ID sa iba’t ibang


paaralan. Bukod sa pagiging identification card nito upang makapasok ang mga mag-
aaral sa loob ng kampus, maaari na din nitong subaybayan ang pagdalo ng mga mag-
aaral, pati na rin ang bills and payments nila. Maaari rin itong maging debit card sa
loob ng kampus.

Sa kasalukuyan, ang Mapua University, Intramuros ay mayroong nang


multifunctional ID na kung saan masusubaybayan ang paglabas-pasok ng mga mag-
aaral at pati na rin ang mga bayarin nila. Ang pagdagdag ng campus debit card sa mga
student ID sa Mapua ay makatutulong sa pagbawas ng panganib ng pagnanakaw sa mga
mag-aaral dito, lalo na’t may mga dinadaanan papasok ang mga mag-aaral na
masasabing mapanganib katulad ng underpass at mga eskinita.

Ang Campus Debit Card Program ay magdadagdag ng isang punsyon sa


student ID sa Mapua University at ito ay ang maaaring pagbili sa canteen at bookstore o
pagbayad sa treasury gamit ang student ID lamang. Maaaring maging debit card ang
school ID na kung saan maaari silang maglagay ng pera sa kanilang ID at may
natatangi pin code ang bawat mag-aaral na gagamitin sa mga transaksyon na kanilang
gagawin. Maaari silang bumili ng pagkain sa canteen, bumili ng school supplies at mga
libro sa bookstore at maaari din silang magbayad ng tuition o mga bills sa treasury
gamit ang school ID. Sa pagtatapos ng taon, maaari nilang mabalik ang perang natira sa
kanilang card.

2
UNIBERSIDAD NG MAPUA

III. KATWIRAN NG PROYEKTO

1. SULIRANIN
1. Maraming pagkakataon na nanakawan ang mga mag-aaral lalo na sa
araw - araw na pagbiyahe papuntang paaralan. Dahil sa panahon ngayon,
hindi na tayo nakakasiguro sa ating kaligtasan. Kaya’t delikado na ang
magdala ng malaking pera sa pagbiyahe papunta at pauwi galing
paaralan.
2. Pagkalimot sa mga bayarin na dapat bayaran at pagkakaroon ng
kakulangan sa pambayad sa dapat pang bayaran sa paaralan. Sa daming
dapat gawin at ginagawa ng mga estudyante ng Mapua, posibleng
makalimutan nila ang dapat bayaran sa due date at maari pang
magkaroon ng penalty dahil ditto.

2. PRAYORIDAD NA PANGANGAILANGAN
Lubos na nirerekumenda ang pagimplementa ng campus debit card
upang maiwasan o mabawasan ang peligrong maaaring maranasan ng mga mag-
aaral. Maliban dito, karapatan din nilang magkaroon ng mas madaling paraan ng
pagbayad at mabawasan ang pagkabalisa ng mga mag-aaral sa pagbyahe at
pagpasok sa paaralan. Maliban dito, dapat maipakita ng unibersidad ang
pagsabay sa teknolohiyang papaunlad.

3. INTERBENSYON
Maaaring maisakatuparan ang panukalang proyekto na ito sa mga sumusunod
na paraan :
1. Pagkuha ng isang pribadong programer upang maisagawa ang proyekto
2. Pag-assign ng isang staff sa Mapua Univeristy na mamumuno sa
pagsagawa ng peoyekto
3. Pagkuha ng mga IT o programming student intern bilang mga support
staff ng proyekto
Ang mga interbensyon na ito ay napagdesisyonan batay sa mga opinyon ng
bawat miyembro sa grupo na magmumungkahi ng proyektong ito.

3
UNIBERSIDAD NG MAPUA

4. MAG-IIMPLEMENTANG ORGANISASYON
Ang Pamantasan ng Mapua ay angkop na magsasagawa nito sapagkat sila ang
may hawak ng mga kursong may kaugnay sa teknolohiya katulad ng computer
engineering, computer science at information technology na maaaring makatulong sa
pagsagawa at pag-program ng proyektong ito. Ang mga mapipili ng mga magsasagawa
ng proyektong ito tiyak na mapagkakatiwalaan dahil may lubos na kakayahan ang mga
ito upang maisakatuparan ang pagbubuo ng program para sa pagdebelop ng student ID
sa Mapua. Ang pribadong programer na nagsagawa ng kasalukuyang school ID ay siya
ring kasali sa pagdebelop nito, kasama ang isa pang tagapag-gawa ng ID na may
karanasan dito. Gayun din, pipili ng mga katuwang na intern ang mga magsasagawa na
may espesyalisasyon sa computer engineering, computer science at information
technology upang mapabuti at mapadali ang pagsasagawa ng proyekto.

IV. LAYUNIN

Layunin ng panukalang proyektong ito na madebelop ang student ID ng


Mapua University sa pamamaraang maaaring maging mas magaan ang buhay ng mga
mag-aaral dito.

Tiyak na layunin nito ang mga sumusunod :


a. Mabawasan ang panganib sa pagnanakaw ng mga mag-aaral
b. Mapadali ang mga transaksyong isasagawa ng mga mag-aaral
c. Ma-monitor ng mga mag-aaral ang kanilang gastusin ng sa gayon ay maaaring
makatipid

V. TARGET NA BENEPISYARYO
Ang proyektong ito ay makakatulong sa mga sumusunod:

a. Estudyante ng Mapua - dahil mapapadali nito ang kanilang mga transaksyon sa


eskwelahan.
b. Staff ng Mapua - katulad ng sa estudyante, mapapadali ang kanilang trabaho at
mas magiging mabilis ang mga transaksyon.

c. Mga susunod na mananaliksik - maaring gawing basehan ang proyektong ito


para sa mga susunod pang proyekto.

4
UNIBERSIDAD NG MAPUA

VI. IMPLEMENTASYON NG PROYEKTO

A. ISKEDYUL
Matutunghayan sa kasunod na talahanayan ang inaasahang oras ng
pagkakadebelop ng panukalang proyekto :

Iskedyul ng Implementasyon
Mga Aktibidad Mamamahala
Simula Katapusan
1. Pagpaplano Programmer
(04 – 01 - 2020) (04 – 08 - 2020)
ng sistema Assistant programmer
2. Pagsusuri ang
Programmer
sistema (04 – 09 -2020) (04 – 20 - 2020)
Assistant programmer
3. Pagdebelop Programmer
ng sistema (04 – 21 - 2020) (05 – 31 - 2020) Assistant programmer
Student Intern
Pinuno
4. Pagsubok sa Pangalawang Pinuno
sistema (06 – 01 - 2020) (06 – 14 - 2020) Programmer
Assistant programmer
Student Intern
Talahanayan 1.0 : Iskedyul ng Aktibidad para (pamagat ng proyekto

B. ALOKASYON
Ang kasunod na talahanayan ay nagpapakita ng listahan ng resorses na
pagkagagastusan :

Sahod/Allowance
Mga
Buwanang
Aktibidad Tauhan
sahod/allowance
1. Pagpaplano ng - Programmer - P 20,000
sistema - Assistant programmer - P 10,000
2. Pagsusuri ang
- Programmer - P 20,000
sistema
- Assistant programmer - P 10,000
3. Pagdebelop ng - Programmer - P 20,000
sistema - Assistant programmer - P 10,000
- Student Intern - P 500
4. Pagsubok sa - Pinuno - P 24,000
5
UNIBERSIDAD NG MAPUA

- Pangalawang Pinuno - P 19,000


sistema - Programmer - P 20,000
- Assistant programmer - P 10,000
- Student Intern - P 500
Talahanayan 2.0 : Listahan ng Pagkagagastusan sa Bawat Aktibidad.

C. BADGET
Narito ang panukalang badget para sa proyekto :

Mga
Sahod/Allowance
Aktibidad
1. Pagpaplano ng
P 18,250
sistema
2. Pagsusuri ang sistema
P 25,750
3. Pagdebelop ng
P 53,750 + P 5,000,000 = P
sistema
5,053,750
4. Pagsubok sa sistema
P 37,000
TOTAL P 5,134,750
KABUUANG BADGET P 6,000,000
Talahanayan 3.0 : Badget ng Panukalang Proyekto

VII. PAGMOMONITOR AT EBALWASYON

Ang kinatawan mula sa Unibersidad ng Mapua na sya ring analyst ng proyekto


ang magsasagawa ng monitoring at ebalwasyon. Kasama nya ring gagawa dito ang iba’t
ibang may responsibilidad tungkol sa ganitong gawain tulad ng mga programmer.
Hangga’t sa maari ay lingguhan ang pagmomonitor upang masiguro ang kalidad ng
magiging proyekto at hanggang sa maari ay agad itong matapos ito, lahat ay magagawa
batay sa masusing paguusap. Makikita sa pang anim na parte sa letrang A ang magiging
skedyul na matutunghayan sa kasunod na talahayan ang inaasahang oras ng
pagkadebelop ng panukalang proyekto.

VIII. PANGASIWAAN AT TAUHAN


Narito ang mga kasapi sa pagbuo ng proyektong ito :

6
UNIBERSIDAD NG MAPUA

PANGALAN DESIGNASYON RESPONSIBILIDAD

Ms. Lilibeth Sabino Pinuno ng proyekto Mamumuno sa buong proyekto.


Siya ang tagapag-analisa at
tagapag-abruba sa kung ano man
ang kailangan gawin sa buong
proyekto.

Mr. Ariel Kelly Balan Pangalawang Pinuno Pangalawang mamumuno sa


proyekto. Lahat ng mga
kailangan gawin ay dadaan muna
sa kaniya bago sa mamumuno.
Lahat ng aktibidad sa proyekto
ay kaniyang ililista.

Mr. Julian Albert Nohay Programmer Tagapagdebelop ng program para


sa student ID. Siya ang
mamumuno sa pag-gawa ng ID.

Mr. Andy Borero Assistant programmer Katulong sa pagdevelop ng


program para sa student ID. Siya
ang maglilista at bibili ng mga
materyales para sa proyekto.

Ms. Trizia Marasigan Student Intern Katulong sa pagdevelop ng


program para sa student ID.
Tutulong sa pagdisenyo ng
program at pagdisenyo ng
kalalabasan ng student ID.

IX. MGA LAKIP

7
UNIBERSIDAD NG MAPUA

You might also like