You are on page 1of 12

Panukala sa Pagdaragdag ng Asignatura

na magtuturo ng Cyberdefense Skills


sa ika-apat na taon sa Kolehiyo ng
mga Financial Analyst Students sa
Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela
Panukala sa Pagdaragdag ng Asignatura na
magtuturo ng Cyberdefense Skills sa ika-
apat na taon sa Kolehiyo ng mga
Financial Analyst Students sa Pamantasan
ng Lungsod ng Valenzuela

Mula sa pangkat ng mga Financial Analysts

Tongco st.

Maysan, Valenzuela city

ika-31 ng Enero, 2021

Haba ng Gugugulin: Anim na buwan at Isang araw

2
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN

Ang larangan ng pagnenegosyo ay isa sa mga pinakamaiinit


at pinakapinag-uusapang aspeto ng bawat mamamayan ngayong
panahon ng pandemya, kung saan libo-libo ang nawalan ng
kani-kanilang trabaho. Naging mainit ang pagtatayo ng mga
negosyo ngayon lalo na ang mga online businesses na


siyang maluwag na tinatangkilik ng mga mamayan.
Isinusugal ng kung sino mang nagnanais magnegosyo ang
kani-kanilang salapi sa pag-asang ito ay lumago at
tuluyang maging matagumpay. Subalit kung walang tulong ng
mga propesyunal, maaaring malugi o sa kasamaang palad ay
tuluyang magsara ang sinimulang negosyo. Dito papasok ang
mga Financial Analyst o mga propesyunal na nag-aanalisa
ng pinansyal na aspeto ng isang negosyo.

3
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Sila ang nag-aanalisa ng datos ng isang organisasyon
upang makatulong sa pagbuo ng desisyon kung makakabubuti
ba ang gagawing hakbang ng isang nagnenegosyo. Sa panahon
ngayon, madalas ay online na lang ang mga nagaganap na
transaksyon sa pagitang ng mga Financial Analyst at ng
mga nagnenegosyo. Dahil dito, may iilang suliranin na


nararanasan ang mga propesyunal na ito. Isa rito ay ang
talamak na hacking na nagaganap ngayon. Nagdudulot ito ng
masamang epekto sa mga transaksyon at negosyo na
hinawakan ng mga Financial Analyst. Nababawasan din ang
kanilang kredibilidad dahil sa kaganapang ito. Ang
pangunahing sanhi ng pangyayaring ito ay ang kakulangan
sa kaalaman tungkol sa mga dapat at hindi dapat na gawin
upang maprotektahan ang mga hawak na datos ng isang
Financial Analyst.

4
PAGPAPAHAYAG NG SULIRANIN
Dahil dito, maaaring irekomenda ang pagdaragdag ng
asignatura na magtuturo ng mga Cyberdefense Skills sa mga
mag-aaral na Financial Analyst na nasa kanilang ika-apat
at pinal na taon na sa unibersidad.Kung ito ay
maipapanukala, makatutulong ito upang mas mapalawak ang


kaalaman ng mga estudyante kung paano mas mahahawakan
nang maayos ang mga datos na kanilang kahaharapin kapag
sila ay nakapagtapos at magtatrabaho na. Higit pa sa
lahat, makatutulong ito upang mapanatag ang kalooban ng
mga magnenegosyo dahil alam nilang may kakayahan ang mga
Financial Analyst upang maprotektahan ang mga importante
at kompidensyal na dokumento. Kung ito ay maipapanukala
sa lalong madaling panahon, maiiwasan ang paglala ng
suliraning ito.

5
LAYUNIN
Makapag dagdag ng asignatura na
magtuturo ng Cyberdefense Skills sa
ika-apat na taon sa Kolehiyo ng mga
Financial Analyst Student upang
sila ay magkaroon ng kasanayan ukol
sa Cyberdefense na magpoprotekta sa
mga datos na iniingatan ng mga
kumpanya na kanilang papasukan at
upang mas mapadali rin ang kanilang
paghahanap ng trabaho.

6
PLANO
1. Pagpapasa at pag-aapruba ng proyekto sa mga
kinuukulan ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.
(Isang linggo)

2. Pagpupulong kasama ang mga opisyales ng paaralan


ukol sa badyet na ilalabas sa pagbili ng mga
materyales na gagamitin. (Isa hanggang dalawang araw)

3. Paghahanap at pagtanggap ng mga kontraktor o


mangongontrata. (Isang linggo)

4. Pagbili ng materyales na gagamitin sa paggawa ng


silid-aralan na gagamitin. (Limang araw)
7
PLANO
5. Pagpapatayo ng karagdagang pasilidad na magagamit
ng mga mag-aaral.(Tatlo hanggang limang buwan)

6. Pag-aayos at paglalagay ng mga kagamitan katulad ng


computer na gagamitin sa pag-aaral. (Tatlong araw)

7. Pagsasagawa ng pagpupulong kasama ang mga opisyales


ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela sa pagpili ng
mga gurong magtuturo. (Isang araw)
• Magkakaroon ng pag-uusap kasama ang mga gurong
napili ukol sa karagdagang asignatura.

8
PLANO

8. Pagpapabasbas ng bagong silid-aralan. (Isang araw)

9. Pagkonsulta at pag-anunsyo sa mga mag-aaral kaugnay


ng dagdag na asignaturang magtuturo ng cyberdefense
skills. (Tatlong araw)

9
BADGET
GASTUSIN HALAGA

Halaga ng materyales na gagamitin sa silid- aralan bata


Php 8,412,250.00
y sa isinumete ng napiling kontraktor

Suweldo ng mga trabahador na gagawa ng


Php 743,400.00
karagdagang pasilidad
Halaga ng mga kagamitan tulad ng kompyuter na
Php 260,000.00
gagamitin ng mga mag-aaral
Suweldo ng mag-aayos ng mga kompyuter Php 31,200.00
Gastusin para sa pagpapabasbas ng bagong silid-
Php 35,000.00
aralan

Suweldo ng mga magtuturo ng karagdagang asignatura Php 247,000.00

KABUUANG HALAGA Php 8,707,250.00

10
BENEPISYO NG PROYEKTO AT
MGA PAKINABANG NITO
Sa paglulunsad ng proyektong ito, marami ang makikinabang
at kabilang na rito ang mga estudyanteng nagbabalak
maging Financial Analyst, mga may-ari ng business at ang
sintang paaralan ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela.
Napakalaking tulong ng pagkakaroon ng asignatura tulad
nito sapagkat magagamit ng mga future Financial Analyst
ang kanilang mga natutunan kapag sila ay nagtratrabaho
na. Makapagbibigay rin ito ng mas malaking oportunidad sa
kanila at mas mapapadali ang kanilang paghahanap ng
trabaho. Kung nagkataon, maari silang pag-agawan ng ilang
maliliit na kumpanya dahil bibihira sa mga Financial
Analyst na magkaroon ng Cyberdefense Skills. Magiging
kalamangan nila ito sa mga kasabayan nilang mag-apply at
mas mataas ang tyansa na sila ang mapili ng kumpanyang
nais nilang pasukan.
11
BENEPISYO NG PROYEKTO AT
MGA PAKINABANG NITO
Magkakaroon din ng kapanatagan ang loob ang mga
negosyante dahil ang mga Financial Analysts na kanilang
maaaring tanggapin sa trabaho ay dalubhasa at may angking
kahusayan lalo na sa larangan ng Cyber Defense. Matitiyak
at makasisigurado ang mga negosyante sa seguridad ng
kanilang negosyo at makatitipid pa ito sa pagpapasahod sa
mga empleyado dahil hindi na kakailanganin pa ang
paghahanap ng empleyado na mahusay sa Cyber Defense dahil
taglay na rin ito ng Financial Analyst. Ang proyektong
ito ay may magandang dulot din para sa Pamantasan ng
Lungsod ng Valenzuela dahil mas magiging magaling at
dalubhasa ang kayang i-prodyus na mga estudyante.
Magkakaroon din ang pamantasan ng kalamangan sa iba pang
unibersidad. Dahil dito, mas magiging tanyag at kilala
ang pamantasan.
12

You might also like