You are on page 1of 2

COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS ASSOCIATION INC.

, PHASE II
HLURB Registration No. 08555
Bonifacio St., Libis, East Canumay, Valenzuela City

RESOLUSYON BILANG 2010 - _______


KAPASYAHAN UKOL SA MAAYOS AT MALINAW NA BUWANANG
ULAT PINANSIYAL NG SAMAHANG COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS
ASSOCIATION INC., PHASE II
=====================================================================

SAPAGKAT, hangarin ng samahang COMMUNITY BUILDERS HOMEOWNERS


ASSOCIATION INC., PHASE II na epektibong mapamahalaan ang buong nasasakupan;

SAPAGKAT, maibabalik ang tiwala at maiwasan ang pagdudududa ng mga kasapi sa


mga namumuno;

SAPAGKAT, maituon ng mga pinuno ang kanilang oras sa pagtupad ng tungkulin at


hindi maubos ang kanilag oras sa pagpapaliwanag tungkol sa kalagayang pinansiyal ng samahan.

Dahil dito, PINAGTITIBAY ang KAPASYAHANG ukol sa MAAYOS AT


MALINAW NA BUWANANG PAG-UULAT PINANSIYAL ng samahang COMMUNITY
BUILDERS HOMEOWNERS ASSOCIATION INC., PHASE II, ayon sa sumusunod;

A. Ang Ingat-yaman ay inaatasang gumawa ng walong (8) kopya ng


computerized financial report (itemized) na kapapalooban ng lahat ng salaping
tinanggap ng Ingat-yaman sa loob ng isang buwan. Gayon din ang lahat ng
ginastos ng samahan sa loob ng isang buwan at ang kabuoang natirang pondo
sa banko at sa petty cash.
B. Kabilang sa mga itatala sa ulat ang 1.) Koleksiyon ng butaw 2.) Membership
fee, 3.) Certification 4.) Donations 5.) Tiangge Rental, 6.) Mga kagamitan
ng samahan na ipinagbili. 7.) Solicitation 8.) Mga tulong pinansiyal mula sa
pamahalaan 9.) Ano mang mga fundraising project na ginanap dito sa
nasasakupan ng Libis Canumay o mga gawain na kinapapalooban ng
pinansiyal na transaksyon.
C. Ang iba pang mga samahan sa nasasakupan ng Libis Canumay ay dapat mag-
ulat din kasabay ng ulat ng samahan upang maging “transparent” ang lahat ng
Financial Records.
D. Ang halaga ng nakatala sa ulat at dapat tugma sa halagang nakalagak sa
bangko ng samahan.
E. Ang ulat na ito ay dapat suriin ng taga-suri at ipaalam sa Pangulo bago
ipamahagi sa mga coordinators upang maipaskil sa mga hayag na bahagi ng
pamayanan tuwing ikalawang Linggo ng susunod na buwan.
F. Ang hindi pagtupad sa pag-uulat na ito ay pananagutan ng Ingat-yaman, Taga-
suri at Pangulo at magiging batayan upang sila ay mapalitan kung mabibigo
silang ipatupad ito ng 3 beses.

PINAGTIBAY
Ika – 2 ng Pebrero 2010
Libis, Silangang Kanumay, Lungsod ng Valenzuela
Kalakhang Maynila
REYNALDO ADORICO
Direktor

RUBY BOQUE
Direktor

ERLINDA DE FELIX
Direktor

RAMON DUBAS
Direktor

OSCAR ENANO
Direktor

CRISTINO FUENTES
Direktor

BERNARDINO
ARSENIO PEDRAJITA
LERIN Direktor
Direktor
PATRICIA TAN
Direktor
RENATO
MARTIN
Direktor MARIO TUPAS
Direktor

BENEDICTO HELEN
OJANO VINLUAN
Direktor Direktor

PARA SA PAGPAPATUPAD:

EDUARDO CELORICO JR
Pangulo CBHOA - Phase II

PINATUNAYANG PINAGTIBAY:

BEVERLY PACULTAD
Kalihim CBHOA Phase II

Cc.HLURB/HRO Valenzuela

2|Page

You might also like