You are on page 1of 1

PHILIPPINE COLLEGE OF SCIENCE AND TECHNOLOGY

Senior High School Department

PAMAGAT NG KURSO: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino

YUNIT II: MGA KAALAMANG PANGWIKA, MAS PALALIMIN AT PALAGANAPIN!

ARALIN 5: Phatic, Emotive at Expressive na Gamit ng Wika

Ang mga pahayag na nagbubukas ng mga usapan gaya ng, “Kumain ka na?” ; mga pahayag
na nagpapatibay ng ating relasyon sa ating kapuwa gaya ng, “Natutuwa talaga ako sa’yo!” at mga
ekpresyon ng pagbati gaya ng, “Magandang umaga!”, pagpapaalam gaya ng,”Diyan na muna kayo.
Uuwi na’ko.”. ay PHATIC na gamit ng wika.

Karaniwang maiikli ang mga usapang phatic. Sa Ingles, tinatawag itong social talk o small talk.
Sa isang pag-uusap , ang bahagi lamang ng pagbubukas ng usapan ang phatic. Ang iba pang
paguusapan pagkatapos ay hindi na kasama sa phatic na gamit ng wika. Kung minsan din, hindi
nangangailangan ng sagot ang mga tanong na phatic katulad ng “Kumusta ka?” lalo na kung ito ay
ginamit lamang natin bilang pambati sa isang kakilala.

Sa pang araw-araw nating pakikipagkomunikasyon, may mga pagkakataong naibabahagi natin


an gang ating nararamdaman o emosyon sa ating kausap, Madalas nating masabi ang masaya ako,
galit ako, nahihiya ako, kinakabahan ako, at iba pa. Sa mga sitwasiyong sinasabi natin ang ating
nararamdaman, EMOTIVE ang gamit natin ng wika.

Hindi maiiwasan sa pakikipag-usap na nababanggit natin ang ilang bagay tungkol sa ating sa
ating sariling paniniwala, pangarap, mithiin, panuntunan sa buhay, kagustuhan, mga bagay na
katanggap-tanggap sa atin, at marami pang iba. Sa ilang usapin, personal man o panlipunan,
nababanggit natin an gating mga saloobin o kabatiran, ideya, at opinion. Sa mga usapang ganito,
EXPRESSIVE ang gamit nilang wika.

Ang expressive na gamit ng wika ay nakakatulong sa atin upang mas makilala at maunawaan
tayo ng ibang tao. Gayundin sa pagbuo ng isang kaaya-ayang relasyon sa ating kapuwa.

You might also like