You are on page 1of 4

I.

MGA LAYUNIN
A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN (Content Standard)
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sanhi at implikasyon ng mga hamong
pangkapaligiran upang maging bahagi ng mga pagtugon na makapagpapabuti sa
pamumuhay ng tao.
B. PAMANTAYANG PAGGAWA (Performance Standard)
Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng angkop naplano sa pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao
C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO (Learning Competencies)
1. Naipaliliwanag ang katangian ng top-down approach sa pagharap sa suliraning
pangkapaligiran. (AP10PHP-Ie7)
2. Nasusuri ang pagkakaiba ng top-down at bottomup approach sa pagharap sa
suliraning pangkapaligiran. (AP10PHP-If8)
3. Nakabubuo ng konklusyon sa angkop na approach sa pagharap sa suliraning
pangkapaligiran. (AP10PHP-Ig-9)

D. LAYUNIN SA PAGKATUTO
1. Maipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan;
2. Masusuri ang katangian ng iba’t ibang istruktura ng pamilihan; at
3. Mapaghahambing ang iba’t ibang istruktura ng pamilihan.

II. NILALAMAN (Content)


Paksa: Ang Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Learning Modyul Yunit I Pahina 175 -195
Teachers Guide: Pahina 117-130
Mga kagamitan sa panturo
Slides in power point, video tungkol sa pamilihan at mga istruktura nito,
Teacher’s Made Infograph, worksheet, at Tarpapel ng mga konsepto ng aralin.

III. Pamamaraan
A. Balik-aral sa nakaraang aralin/ pagsisimula ng bagong aralin/ Paunang pagsusulit
(Reviewing previous lesson or presenting the new lesson/ Pre Test)
Paunang Pagtataya

1. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning
pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t
ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa
pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang
mga suliraning pangkapaligiran nito.
2. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng
Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang
pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng
plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng
paparating na bagyo
C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang
maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa
darating na tag-ulan.
D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad
upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang
paghahanda sa iba’t ibang kalamidad

3. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob ang
collaboration with community and stakeholder?
A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo
B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan
C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t
ibang sektor
D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

GAWAIN 1:THINK PAIR SHARE.


Pumili ng kapareha at unawain, suriin ang sumusunod na larawan . Gamitin ang worksheet
No.1.
Worksheet No.1
THINK PAIR SHARE
Pananaw ng aking Ang aming mga
Mga Katanungan Ang aking pananaw
Kapareha ibabahagi

1.Ano ang
ipinapakita ng mga
larawan?

2. Ano ang naging


batayan mo upang
matukoy ang
konseptong
ipinahahatid ng
mga larawan?

3. Alin sa mga
larawang ito ang
madalas kang
nagkakaroon ng
ugnayan? Bakit?

Pangalan:_________________________ Pangalan ng aking kapareha: __________________________

Petsa:____________________________ Araling Panlipunan Grade 10: _________________________


C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin

Presenting examples/instances of the new shows instances of the content and


competencies. This is also where the concepts are clarified.

GAWAIN 2.

Pagbabahagi ng mga karanasan ng mga mag-aaral sa mga ginagawa ng pamahalaan

tuwing may kalamidad sa kanya-kanyang lugar.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1

Malayang talakayan -pagtalakay sa katangian ng top-down approach at bottom-up approach

sa pagharap sa mga suliraning pangkapaligiran.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2

I organize Mo! Katangian ko!


Gumawa ng sariling organizer na nagpapakita ng kalakasan at kahinaan ng top-down approach sa pagbuo ng DM

F.. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Gawain 10: Situational Analysis


G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay.

Venn digram

Karagdagang gawain para sa takdang-aralin at remediation

Gumawa ng repleksiyon kung bakit mahalaga ang top down approach.

You might also like