You are on page 1of 1

Prayer Before Rehearsal

Panginoon nananalangin kami sa Iyo ngayon upang magpasalamat sa araw na ito na muli ay pinagtipon
mo kami at binigyan ng pagkakataong makapag bigay papuri at maglingkod sa Iyo sa simbahang ito.

Nagpapasalamat din ako para sa mga taong patuloy na nananatiling tapat at bukal sa kalooban ang
paglilingkod sa Iyo sa Ministry na ito. Pagpalain Niyo po kami at palaguin pa ang aming mga biyaya sa
pagtugtog, pag-awit at pagsayaw, lalo at higit sa aming puso ng pagsamba.

Gamitin Mo kami Panginoon nang kami ay maging daluyan ng Iyong pagpapala, pag-ibig, pag-asa,
pananampalataya at kapayapaan para sa mga taong nangangailangan nito.

Gabayan Mo kami Panginoon sa mga oras na ito nang maisagawa namin ang Ministry na ito na naaayon
sa Iyong kalooban at sa Iyong pamamaraan.

Lahat ng ito ay dalangin namin sa Ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like